You are on page 1of 7

Paghahambing

Sa pagbasa ng bugtong at salawikain, mahalagang maunawanan na ang mga ito ay


kabilang sa mga pinakaunang anyo ng tula. Bilang anyo ng tula, pangunahing element ng
bugtong at salawikain ang talinghaga. Sa paggamit ng talinghaga, nagiging iba o malalim
ang kahulugan ng ipinahahayag – higit pa sa literal na kahuluga. Ayon kina Pedro de San
Lucar at Juan de Noceda sa kanilang aklat na Vocabulario de la Lengua Tagala, ang
talinghaga ya kasingkahulugan din ng tayutay.
Iba ang ibinibigay na kahulugan ng mga wikang ginagamit na tayutay kaysa literal
na kahulugan. Ang talinghaga ay pinaghahambing ang dalawang bagay na walang
natatanging pagkakatulad. Halimbawa, sa bugtong na “baboy ko sa pulo, /
balahibo’y pako,” inihahambing ang “baboy” na may “balahibong pako” sa
hinahanap na sagot sa bugtong – isang uri ng prutas – ang langka.
Hindi naman talaga magkahawig ang langka at ang baboy, liban sa medyo Malaki
ang prutas na ito at maaaring sabihing kasing-katawan ng isang baboy. Hindi rin
totoong may balahibo ito tulad ng baboy, lalo pa kung “balahibong pako”.
Gayumpaman, ang balat nito ay maraming matulis na hugis kaya maaaring
naihambing sa balahibo ( na nasa balat) at pako (dahil sa tulis). Wala talagang
natatanging pagkakatulad ang baboy at ang langka, ngunit dahil sa talinghaga,
napaghambing ang mga ito at nasasagot ang mga palaisipan. Ang “baboy sa pulo
na may balahibong pako” na sinasabi sa bugtong ay hindi talaga baboy kundi ang
prutas na langka.
Samantala, sa bugtong na “ mayro’ng isang prinsesa, / nakaupo sa tasa”
inihahambing ang hinahanap na sagot – ang prutas ng kasoy – sa kung paano ito
mismong inilarawan : “isang prinsesang nakaupo sa tasa.” Maaari bang maupo
ang isang prinsesa sa isang tasa? Hindi ito makatotohanan at katawa-tawa kung
iisipin. Ngunit kung isasaalang alang ang hitsura ng kasoy – ang mismong prutas
at ang buto nito na nasa labas – hindi malayong maisip na hugis-tasa nga ang
prutas lalo pa kung ibabaligtas ito at ang buto (ang sinasabing “prinsesa”) ay
magmimistulang nakaupo rito. Tingnan ang larawan ng kasoy.
Kung susuriin, maging sa mga salawikain ay gumagamit ng paghahambing sa
pamamagitan ng talinghaga. halimbawa, sa salawikaing “ang tao kapag nagipit, /
sa patalim man kumakapit,” ginamit na talinghaga ang “ patalim.” Hindi literal na
patalim ang kinakapitan ng taong nagigipit. Gayumpaman, kung iisipin, kapag
kumapit sa patalim, tiyak a mahihiwa o masusugatan tayo. Kung gayon, ang
“patalim” ay kumakatawan samga bagay o sitwasyon na maaaring makasama sa
atin. Halimbaya, ang isang taong nangangailangan ng agarang pera ay maaaring
mangutang sa isang taong nagpapautang ng pera nang may malaking patubo sa
kabayaran. Dahil sa pangangailangan, mangungutang ang taong nagipit kahit pa
mahihirapan siyang bayaran ang kaniyang inutang dahil sa laki ng patong sa
kaniyang kabayaran.
Pagpapahayag ng
Katotohanan mula sa Akda
Marami sa nilalaman ng alamat at iba pang kwentong-bayan ang hindi kapani-paniwala,
walang batayan, at kathang-isip lamang. Gayumpaman, hindi ito hadlang upang hindi
kagiliwan o pagkunan ng kaalaman ang isang alamat. Ang mahalaga ay ang kakayahang
masabi kung ang impormasyon o detalyeng nabasa ay may katotohanan walang
katotohanan. Upang magawa ito mahalagang suriin ang bawat detalye ng alamat.
Maaaring magdagdag ng pananaliksik upang tiyakin ang impormasyong nakalap o
magtanong sa mga eksperto at may higit na karanasan at kaalaman.
Sa pagsasalaysay naman, makakatulong ang paraan ng pagpapahayag upang
maipakita ang katotohanan o hindi sa isang akda. Mahalaga ritoa ang pataas na
tino na maaaring magpahayag ng iba’t-ibang emosyon tulad ng pagtatanong’
pagdududa, at pag-aalinlangan. Ang pagbibigay-diin o pagpapahaba naman sa
bigkas ng isang salita o pahayag ay maaaring indikasyon ng katotohanan nito. Ibig
sabihin, ayaw ng nagsasalita na hindi ito makuha o maunawanan ng nakikinig.

You might also like