Activities • Ask him to share some answers to prayer.
• Go through the A.C.T.S. (Adoration,
Confession, Thanksgiving, Supplication) (Matthew 6:9–13) 1 Mga Taga-Tesalonica 5:17
17 Magsipanalangin kayong walang
patid; 17 Pray without ceasing. Efeso 6:18
18 Manalangin kayo sa lahat ng
pagkakataon, humiling at sumamo sa patnubay ng Espiritu. Lagi kayong maging handa, at patuloy na ipanalangin ang lahat ng hinirang ng Diyos. Mateo 6:6
6 Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka
sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Ama na hindi mo nakikita, at ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo sa lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala. Juan 17
Idinalangin ni Jesus ang Kanyang mga
Alagad Mateo 21:22
22 Anumang hingin ninyo sa
panalangin ay tatanggapin ninyo kung naniniwala kayo.” Mateo 7:7 7 “Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan. Juan 3:22 22 Tinatanggap natin ang anumang ating hilingin sa kanya dahil sinusunod natin ang kanyang mga utos at ginagawa ang nakalulugod sa kanya. Santiago 5:17
17 Si Elias ay isang tao na tulad din natin;
nang mataimtim siyang nanalangin na huwag umulan, hindi nga umulan sa loob ng tatlong taon at anim na buwan. Filipos 4:6-7 6 Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. 7 At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag- iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.