You are on page 1of 9

FILIPINO 10

ARALIN 4
LAYUNIN a. Napangangatwiranan ang
mga dahilan kung bakit
mahalagang akdang
pandaigdig na sumasalamin
ng isang bansa ang epiko; at

b. Nagagamit ang angkop na


mga hudyat sa pagsusunod-
sunod ng mga pangyayari
Alam mo ba?
Si France Preseren ay isang makatang naging tanyag
dahil sa kanyang mga soneto subalit lalo siyang nakilala dahil
sa kanyang epikong Krst pri Savici o Ang Paghibinyag sa Ilog
Savica (1835). Siya ngayon ay kinikilalang pambansang
makata ng bansang Slovenia at ang kanyang obra maestra
ay kinikilala bilang kanilang pambansang epiko.
Ang Slovenia ay isa sa maliliit subalit mauunlad na
bansa sa Europa. Ito na ngayon ang pinakamaunlad sa lahat
ng mga bansang dating kabilang sa Yugoslav Republics. Sa
kabila ng kanilang pag-unlad, napanatili ng mga Slovenian
ang pagpapahalaga sa kanilang kalikasan.
ISAPUSO NATIN

Hindi sagot sa pagkakaiba ng tao


ang digmaan.
Sa halip, pairalin ang mapayapang
usapan at paraan.
Alamin Natin
EPIKO AT ILANG HALIMBAWA
NITONG TANYAG SA BUONG MUNDO
Ang Epiko ay isang mahaba at patulang pagsasalaysay ng
mahahalagang pangyayari at pakikipagsapalaran sa buhay ng isang
tauhang lubos na malakas at may taglay na hindi pangkaraniwang
kapangyarihan at kinikilalang bayani ng lugar o bansang kanyang
pinagmulan.

Ilan sa pinakamahuhusay na epiko


 Iliad ni Homer
 Odyssey ni Homer
 Metamorphoses ni Ovid
 Beowulf
Isaisip Natin

Mga Salitang Hudyat sa Pagsusunod-sunod ng


mga Pangyayari

 Paggamit ng pang-uring pamilang


 Paggamit ng mga salitang naghuhudyat ng
pagkakasunod-sunod ng proseso o hakbang sa
pagsagawa o pagbuo ng isang bagay
 Pinagsusunod-sunod ang pangyayari sa kuwento,
napanood, nasaksihan, o naranasan
Gawain
Mayroon ba kayong isang espesyal na recipe para sa pagbe-bake o pagluluto na sa
tingin mo’y papatok kapag ipinagbili sa mga bazaar, tiyangge o weekend market? O
kaya naman, may produkto ka bang alam gawin na maaari ding ibenta at pagkakitaan?
Isulat sa kahon ang mga sangkap o gamit para rito. Sa mga linya ay isulat ang
pagkakasunod-sunod ng mga hakbang saa pagluto o pagbuo nito. Gumamit ka g mga
angkop na hudyat sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang madaling
masundan o maunawaan ang proseso.
____________________________
Ang Tawag sa Produkto

Mga Sangkap o Gamit sa Pagbuo Nito:


Sunod-sunod na hakbang sa pagluluto o pagbuo ng produkto:

You might also like