You are on page 1of 6

LEARNING MODULE

Filipino G10 | Q2

MGA AKDANG
PAMPANITIKAN
NG MGA
BANSANG
KANLURANIN

SHERRY ANN P. ARBUTANTE., LPT


GURO SA FILIPINO

_______________________________________________
Mag-aaral

San Agustin Academy


PANGLAO, BOHOL
6340 PHILIPPINES
Member: Bohol Association of Catholic Schools (BACS) – Diocese of Tagbilaran
Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP)

IKALAWANG MARKAHAN - FILIPINO 10 PETSA NG PAGPASA; Nobyembre 11, 2021

TEMA Panitikan ng mga Bansa sa Kanluran


PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikan ng mga bansang kanluranin
PAMANTAYAN SA PAGGANAP Ang mag-aral ay nakapaglalathala ng sariling akda sa hatirang pangmadla (social
media)
PANITIKAN Sanaysay, Tula, Mitolohiya, Dula, Maikling Kuwento, at Nobela

Bago matapos ang ikalawang markahan ay inaasahan na ang mga mag-aaral ay makapaglalathala ng sariling akda sa
hatirang pangmadla.

FIGURE 1 PAGTUTULUNGAN AT PAGKAKAISA


ARALIN 1
“Si Pele, Ang Diyosa ng Apoy at Bukan” (Mitolohiya)
Unang Linggo

Layunin: a. Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan (F10PT-IIa-b-71);
b. Nailalahad ang mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang usapan ng mga tauhan (F10PN-IIa-b-71)
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Alam mo ba?
Ang Hawaii ang ika-50 at pinakahuling estado ng Amerika na naitatag lamang noong Agosto 21, 1959. Ito ay binubuo
ng walong malalaking isla at pinaniwalaang ito’y nabuo dahil sa pagsabog ng bulkang Mauna Loa. Marami ang kuntil-
butil sa Hawaii. Isa na rito ang pagkakaroon ng tropikal na kagubatan at walang ahas na makikita dito.

Pagsasanay: Isama ang salita sa Hanay A sa isa sa mga salitang nasa Hanay B upang mabuo ang ang kahulugan ng mga salita nasa bawat bilang.
Isulat ang pinagtambal na salita sa linya.
1. bangkero __________________________ A B
2. magbalatkayo __________________________ baguhin ang bangka
3. payapa __________________________ hindi anyo
4. poot __________________________ matinding galit
5. tumanggi __________________________ tagagaod ng pamumuhay
tahimik na pumayag
6. _____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

BASAHIN Si Pele, Ang Diyosa ng Apoy at Bulkan (Buod)


(Isang Mitolohiya mula sa Hawaii)
Nawalan ng kapayapaan sa tahanan ng mga dyosa. Dahil sa alitang namamagitan sa magkapatid, inagaw raw kasi ni Pele
ang kabiyak ni Namaka. Gumawa ng paraan ang kanilang mga magulang upang magkaayos muli ang dalawa subalit wala
namang nangyayare. May isang bagay ang mas lalong dumagdag sa galit ni Namaka, yun ay noong aksidenteng nasunog ni Pele
ang kanilang torahan at buong isla ng tahiti. Nang dahil doon, mas nagkagulo sa kanilang pamilya at di kalaunan ay napag-
isipan ng magulang nila na lumipat at iwan si Namaka dahil sinabi niyang susundan niya ang kapatid niyang si Pele saan man
ito mapadpad. Habang naghahanap ng bagong tirahan, ipinagkatiwala kay pele ang kanyang bunsong kapatid na noon ay nasa
loob pa ng itlog. Nang makahanap sila ng lugar, may masama namang nangyayare sapagkat may apat na diyosa ang nagseselos
kina Pele at Hi’iaka dahil sa kanila natutuon ang atensyon ng mga taga doon kaya’t tuwing magtatayo sila ng bahau ay
binabatuhan ito ng nyebe upang tumumbaNapadpad sila sa Mauna Loa, isang mataas na bundok subalit hanggang doon ay
nagpapadala pa rin si Namaka ng matataas na alon. Hanggang sa lumipas ang mga araw nang makita ni Pele si Ohi’a at Lehua, sa
matinding galit ay pinatamaan niya ng apoy si Ohi’a at naging isang sunog na puno naawa siya kay Lehua kaya’t ikinapit niya ito
sa puno ng Ohi’a. Marami pang nangyare dahil sa pagiging selosa ni Pele tulad nalamang ng pagkasunog ng hardin ni Hi’iaka sa
pag-aakala niyang inagaw sa kanya ng kapatid ang kanyang iniibig. Kasamang nasunog si Hopoe ang matalik na kaibigan ni
Hi’iaka. Nakarating ito sa kuya nila na si Kane-milo kaya’t pinigilan nila si Pele sa iba pa nitong gagawin. Namatay si Pele subalit
patuloy pa ring siyang naalala ng mga tao dahil sa mga magandang nangyayare sa lugar tulad ng pagsibol ng bulaklak sa bayan
nila.
Basahin ang buong kwento sa link na ito: https://pdfcoffee.com/si-pele-ang-diyosa-ng-apoy-at-bulkan-2-pdf-free.html

Gawain A: Tukuyin mula sa mga nakalahad na kaisipan ang mga pangunahing paksa at ediya batay sa napakinggan o
nabasa. Lagyan ng tsek (✓) ang kahong katapat ng bawat isa. Lagyan naman ng ekis (✘) ang hindi. Pumili ng isa sa mga
pangunahing paksa at ideyang nilagyan mo ng tsek at ipaliwanag kung bakit mahalaga rin itong maging panuntunan sa
pang-araw-araw na buhay.
Nagdudulot ng kawalang-kapayapaan sa pamilya ang pag-aaway ng magkakapatid.
Ang labis na pagseselos kahit walang sapat na dahilan ay maaaring magdala ng maling desisyon.
Ang kayamanan ay nagiging dahilan ng pag-aaway ng magkakapamilya
Magagawa ng isang taong magsakripisyo o magpakahirap para lang maging ligtas ang mga miyembro ng kanyang
pamilya.
Ang paglilibang tulad ng pamamasyal sa nagagandahang lugar ay nakabuti sa pamilya.
Ang pangunahing paksa at ideya mula sa mga sagot ko na sa tingin ko’y mapag-iisipan at magagamit din ng aking pamilya
ay ____________________________________________________________________________________________________________________________
dahil___________________________________________________________________________________________________________________________________

POKUS NG PANDIWA
Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa o salitang kilos sa simuno o paksa ng pangungusap.
 Tagaganap o Aktor kung ang paksa o simuno ng pangungusap ang tagaganap ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa: Si Namaka ay nagalit nang labis kay Pele.
 Layon o Gol kung ang layun ay siyang paksa o binibigyang-diin sa pangungusap.
Halimbawa: Ang mitolohiya ay pinag-usapan ng mga mag-aaral.

ANG LABIS NA PAGHAHANGAD SA KAPANGYARIHAN, NAKAPAGTUTULAK SA TAONG GUMAWA NG KASAMAAN”


ARALIN 2
“MACBETH”
Ikalawang Linggo

Layunin: a. Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita batay sa pinagmulan nito (etimolohiya) -F10PT-IIa-b-72; at
7.
b. Nailalahad ang kultura ng lugar na pinagmulan ng dula sa nabasang usapan ng mga tauhan (F10PN-IIa-b-72)
___ ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

KONSEPTO
MGA URI NG DULANG PANTANGHALAN AYON SA ANYO
Ang dula ayon kay Aristotle ay isang sining ng panggagaya o pag-iimita sa kalikasan ng buhay. Ipinakikita rito ang
realidad sa buhay ng tao gayundin ang kanyang mga iniisip, ikinikilos, at isinasaad. Ito ay isinusulat at itinatanghal.
Narito ang ilan sa mga uri ng dula ayon sa anyo:
1. Komedya -ang mga elementong,makaparsa,gaya ngpagbobobo(clowning)pagbibigay ng mga biro,mga nakakatawang kilos o iba
pang sangkap ng maraming komedya.Ang komedya ay nakakahigit sa parsa, higit na seryoso at kapanipaniwala. Ang mga tauhan
ay nakikita sa lipunan ng mgaindibidwal.Maaari silang pagtawanan o makitawa sa kanila ng may pansin sakanilang kalagayan o
suliranin.
2. Trahedya -isang dulang ang bida protagonista ay humahantong sa isang malungkot na wakas.Maari siyang mamamatay o
mabigo sa paglutas ng kanyangsuliranin. Nagmula ang ganitong uri ng drama mula sa sinaunang Gresya. Kabilang sa mga bantog
na tagapagsulat sa Gresya sina Aeschylus Sophocies at Eriepedes.
3. Melodrama -isang dulang may malungkot na sangkap ngunit nagtatapos nang kasiya-siya para sa mga pangunahing tauhan.
Humihikayat ito ng pagkaawa para saprotagonista at pakamuhi sa antagonista.
4. Parsa -mga dula na puro tawanan lamang kahit walang saysay ang kuwento. Ang layunin nito ay ang magpatawa sa
pamamagitan ng kawili-wiling mga pangyayari at mga pananalitang lubhang katawa-tawa
5. Saynete-isang yugtong nakakatawang diwa na nauukol sa mga popular na tauhan. May paksa sa paglalahad ng mga kaugalian
ng isang lahi o katutubo, sa kanyang pamumuhay, pangingibig, at pakikipagkapwa.
6. Parodiya -may tema ng panunudyo, ginagaya ang mga kilos ng kakatwang ayos, kilos, pagsasalita at pag-uugali ng tao bilang
isang anyo ng komentaryo o pamumuna o kaya’y pambabatikos na katawa-tawa ngunit nakasasakit ng damdamin ng
pinauukulan.
7. Tragikomedya –magkahalo ang katatawanan at kasawian kung saan may mga tauhang katawa-tawa tulad ng payaso para
magsilbing tagapatawa.
8. Proberbyo –isang dulang may pamagat na hango sa mga bukambibig na salawikain.

Alam mo ba?
Ang Macbeth ay itinuturing na isa sa pinkamahusay na trahedya at isa rin sa pinkapopular sa mga dulang isinulat ni
William Shakespeare. May mga pamahiing iniuugnay sa dula na kilala ng mga artista sa teatro bilang “Curse of Macbeth.”
GAWAIN 1: Ipaliwanag ang pinagmulan ng mga salita sa ibaba. Isagawa ang hinihingi sa bawat bilang.
1. Ang salitang heneral mula sa pahayag na “kapwa heneral ng kaharian ang magkaibigan” ay hiram natin sa ibang wika. Ano
kaya ang orihinal na anyo o baybay ng salitang ito at ano kaya ang kahulugan nito?
Orihinal na baybay:__________________________ kahulugan:________________________
2. Ang salitang kastilyo ay hiram natin mula sa salitang Espanyol na castillo. Ipaliwanag ang kahulugan ng salitang ito.
Ang kahulugan ng kastilyo ay ____________________________________________________
3. Ang salitang ambisyon ay salitang hiram o likas na sa atin? Magbigay ng paliwanag kung saan nagmula ang salitang ito.
______________________________________________________________________________________________________________________________________________
4. Ang salitang kinukuwestiyon mula sa pahayag na “kinukuwestiyon ng babae ang dahilang ibinigay ng asawa” ay hiram natin sa
ibang wika. Ano kaya ang orihinal na anyo o baybay ng salitang ito at ano kaya ang kahulugan nito?
Orihinal na anyo at baybay:__________________________ kahulugan:________________________
5. Ang salitang inosente ay hiram natin mula sa salitang Espanyol na inocente. Ipaliwanag ang kahulugan ng salitang ito.
Ang kahulugan ng inosente ay ____________________________________________________
Basahin ang buod ng dula.
Macbeth
William Shakespeare
Ang trahedyang kuwento, Macbeth, ay nag nagumpisa nung may dalawang heneral ng Scotland na kakagaling lang sa
digmaan na si Macbeth at Banquo. Ang pagdurusa nila ay nag umpisa nung makilala nila ang tatlong manghuhula. Sinabi ng
tatlong manghuhula na si Macbeth ang magiging hari, subalit nasa lahi ni Banquo ang magiging tagapagmana ng korona. 
Si Macbeth ay lubusang nagisip kung papaano sya magiging hari, kaya siya at ang asawa niya na si Lady Macbeth ay nag-
munakala na patayin ang pinuno na si Haring Duncan. Nakitil ang hari, tapos ang naging hari naman si Macbeth katulad ng sabi
ng tatlong manghuhula. Ang mga anak ng hari na si Malcom at si Donalbain ay umalis ng kanilang kaharian sa takot. Si Malcom
ay nagtungo sa England at si Donalbain ay sa Ireland. Isa sa mga pinagkakatiwalaan ng hari na si Macduff ay nagkakalat ng
ditsong na si Macbeth at ang kanyang asawa ay ang pinaghihinalaan na pumatay kay Haring Duncan.
Nung malaman nito ni Macbeth ipinautos niya na patayin ang asawa ni Macduff na si Lady Macduff at ang kanilang anak.
Nung malaman nito ni Macduff siya’y nagtungo sa England para sabihin kay Malcom na si Macbeth ang pumatay sa ama niya. Si
Malcom ay naghiram ng sampung libong sandatahan para ipalugso ang pamumuno ni Macbeth. Sa kabilang kamay, si Macbeth ay
pinuntahan ang tatlong manghuhula para malaman kung papaano nya iwasan ang pagkabigo nya. Sinabi nila sa kanya na di sya
mamatay pag ang tumok ng Birnam Wood ay wala sa harap ng kastilyo niya at wala rin makakapatay sa kanya pag di iniluwal
galing sa sinapupunan ng kanyang ina.
Subalit, ang hukbo ni Malcom ay nagdala ng sanga galing sa Birnam Wood. Ang suliranin ni Macbeth ay wala nang
solusyon, winalat ng hukbo ni Malcom ang kastilyo ni Macbeth. Si Macduff naman ay linaban si Macbeth, subalit namatay si
Macbeth dahil si Macduff ay pinanganak gamit ang paraan na tawag Cesarean na kung saan binubuka ang pinaka sinapupunan
ng babae para kunin ang bata. Si Malcom at ang kanyang hukbo ay nagwagi at siya na ang naging bagong hari ng Scotland.
GAWAIN 2: Kilalanin ang kultura ng lugar na pinagmulan ng dula batay sa sumusunod na mga pangyayari. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa inyong answer sheet.
1. Inihayag ni Haring Duncan na ang gusto niyang maging tagapagmana ng trono ay ang kanyang anak na si Malcolm. Ipinakikita
ng pahayag na ang umiiral na uri ng pamahalaan sa bansang ito ay__________.
a. monarkiya b. parlamento c. demokrasya d. diktadura
2. Sinasabi ng hari na gusto niyang maghapunan at magpalipas ng gabi sa kastilyo ni Macbeth. Ipinakikita ng pahayag na ito ang
_________.
a. pagmamalabis ng hari at pag-uutos ng balang maibigan niya
b. paghingi ng pabor ng hari sa sinumang nasasakupan niya
c. pagsubok sa katapatan ng mga tauhan sa pamamagitan ng pagtira sa tahanan nito
d. pagiging malapit ng hari o lider sa mga tauhang pinagkakatiwalaan niya
3. Nang hindi pumayag sa kanyang kagustuhang patayin ang hari ay pinagsabihan ni Lady Macbeth na isang duwag ang kanyang
asawa at kinuwestiyon pa niya ang kanyang pagkalalaki. Ito ang hamong nagpapayag kay Macbeth. Ipinakikita ng pahayag na
ito ang pag-iral ng kulturang ___________.
a. kahinaan ng loob ng mga lalaki
b. machismo kung saan labis na pinahahalagahan ng mga lalaki ang kanilang pagkalalaki
c. paggawa ng krimen ng mga nakatataas sa lipunan
d. pagganti sa hindi magandang uri ng pamamalakad o pamumuno
4. Suportado ng mga maharlikang Scottish ang pagbabalik nila Malcolm at Macduff dahil tumututol sila sa mapaniil na
pamumuno at malupit na pagpatay ni Macbeth maging sa mga inosente. Ipinakikita ng pahayag na ito ang kaugalian ng mga
mamamayang ______________.
a. sumuporta sa mapayapa, makatarungan, at mabuting pamumuno
b. kumunsinti sa masamang Gawain ng lider o namumuno
c. makipaglaban hanggang kamatayan
d. sumira sa tiwala ng kanilang mga pinuno
5. Kahit alam na niyang matatalo siya ayipinagpatuloy pa rin ni Macbeth ang pakikipaglaban hanggang sa mapatay siya.
Ipinakikita ng pahayag na ito ang isang kaugalian ng mga mandirigmang Scottish na pagiging_____________.
a. mapagmalaki b. mapagkakatiwalaan c. matapang d. mapag-imbot

“ANG DIGMAAN AY WALANG MAIDUDULOT NA KABUTIHAN”


ARALIN 3
“ANG AKING ABA AT HAMAK NA TAHANAN”
Ikatlong Linggo

Layunin: a. Naibibigay ang kahulugan ng matalinghagang pananalita sa ginamit sa tula(F10PT-IIc-d-70);


b. Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay (F10PU-IIc-d-72); at
8.
c. Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula (F10WG-IIc-d-65)
___ ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

KONSEPTO
ANG TULA AT MGA ELEMENTO NITO
Ang tula ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, ipinararating sa ating damdamin,
at ipinahahayag sa pananalitang may angking kariktan o aliw-iw. Mababasa sa ibaba ang iba’t ibang elemento ng tula.
1. Tugma -isang katangian na hindi angkin ng mga sumusulat ng prosa. Ang tugma ay tumutukoy sa magkakasintunog ng huling
pantig ng huling salita ng bawat linya. Ang tugama ay may dalawang uri ito:
 Tugmang ganap (Patinig)-nagtatapos sa iisang patinig na may pare-parehong bigkas.
Halimbawa: Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
panakip sa aking namumutlang mukha!
 Tugmang di-ganap (Katinig)- nagtatapos sa salitang katinig
Halimbawa: subali’t sa gitna ng kaligayahan,
sa harap ng aking gintong kapalaran
2. Sukat -tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay ang paraan ng
pagbasa.
Halimbawa:
 Isda (Is-da) dalawang pantig
 Ako ay isang tao (A-ko-ay-i-sang-ta-o)pitong pantig
 May apat na uri ang sukat ito ay:
 Wawaluhin – walong pantig
 Lalabindalawahin – sandosenang pantig
 Lalabing-animin – labing-anim na pantig
 Lalabing-waluhin – labing-walong pantis
3. Saknong -tumutukoy sa isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming taludtod
 2 na taludtod – couplet
 3 na taludtod – tercet
 4 na taludtod – quatrain
 5 na taludtod – quintet
 6 na taludtod – sestet
 7 na taludtod – septet
 8 na taludtod – octave
4. Kariktan -Ito ay mga maririkit na salita para mapasaya ang mambabasa at mapukaw ang damdamin at kawilihan
Halimbawa: Maganda – marikit
5. Imahen/Larawang-Diwa -ginamitan rin ito ng napakaraming mga simbolo ay kakikitaan ito ng maraming
mga imahen o mga larawang-diwa at mainam itong nailarawan ang buong akda.
Halimbawa: Pumula sa dugo ng kalabang puksa,
Naglambong sa usok, bangis ay umamba
MATATALINGHAGANG PANANALITA
Ang matatalinghagang pananalita ay mga pahayag na di tuwiran o di literal ang kahulugang taglay at sa halip ay may
nakakubling mas malalim na kahulugan. May iba’t ibang uri ang matatalinghagang pananalita tulad ng sumusunod:
Idyoma –hango mula sa karanasan ng tao, mga pangyayari sa buhay at sa paligid subalit nababalutan ng higit na malalim na
kahulugan.
Halimbawa: alog na ang baba – matanda na kamay na bakal – mahigpit na pamamalakad
anak-pawis - mahirap bahag ang buntot - duwag
Tayutay - ay salita o isang pahayag na ginamit upang bigyang-diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapahayag na gumamit ng
talinghaga o di karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyang diin ang kaniyang saloobin.
Maraming uri ang tayutay subalit ang sumusunod ang higit na gamitin: 
1. Simili o Pagtutulad- di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila,
sing-, sim-,magkasing-, magkasim-, at iba pa. Halimbawa: Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-aawit.
2. Metapora o Pagwawangis- tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga
pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Halimbawa: Siya'y langit na di kayang abutin nino man.
3. Personipikasyon o Pagsasatao -ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na
walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa.
Halimbawa Niyakap ako ng malamig na hangin.
4. Pagmamalabis o Hyperbole -masidhing kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba
pang katangian, kalagayan o katayuan ang ipinapakita dito. Maaaring lagpas sa katotohanan o eksaherado ang mga pahayag
kung iyong susuriin. Halimbawa:Namuti na ang mga mata ni Johny kahihintay kay Myla.
5.  Pagtawag, Panawagan o Apostrope -Ito ay isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
Halimbawa:Pag-asa, nasaan ka na?
6. Pagpapalit-saklaw o Senekdoke -Ito ay pagbabanggit sa bahagi ng isang bagay o ideya bilang pagtukoy ng kabuuan.
Halimbawa: Ayoko nang makita ang pagmumukha mo kahit kailan!
7. Pag-uyam -isang pagpapahayag na may layuning makasakit ng damdamin o mangutya ngunit ito’y itinatago sa paraang waring
nagbibigay-puri. Halimbawa: Ikaw ang pinakamaganda sa lahat kapag nakatalikod.

BASAHIN ANG AKING ABA AT HAMAK NA TAHANAN


Nathaniel Hawthorne
1 4
Iniwan ko'ng aba't hamak na tahanan Nagpilit din ako't paa'y nananabik,
Malayo sa bukid ni Ama't naglakbay. Lagim na dagundong ng digma'y sumaltik
Payapa kong katre'y wala nang halina, Sa gasong tenga ko. Pagyapak saan man
Hudyat ng digmaan ang aking ligaya. Kita ko ang berde, luntiang damuhan.
2 5
Tungo sa larangan ako'y nagsumagsag Pumula sa dugo ng kalabang puksa,
Ang natatanay ko'y imortal na sinag. Naglambong sa usok, bangis ay umamba;
Puntod ng bayani na masisikatan, Narating ko'ng rurok na mithiin; hayun,
Bunying alaala ng mga pumanaw. Kinasabikan ko'ng tanging bahay, doon --
3 6
Sa mithii'y kita'ng malayong bituin Buhay sa maghapo'y lumlipad lamang
Dulot na liwanag di-maabot mandin; Sa pakpak ng tuwa niyong kabataan.
At turo ang landas tungo sa buntunan Huli na, batid kong rurok ng tagumpay,
Ng nanghihingalo't ng mga namatay. Hindi magdudulot ng masayang araw.
GAWAIN A: Tukuyin at isulat ang titik ng kahulugan ng matatalinghagang pananalitang ginamit sa tula.
1. Ano ang kahulugan ng payapa kong katre sa taludtod na “Payapa kong katre’y wala nang halina?”
a. payapang buhay c. bagong katre o higaan
b. payapang bayan d. payapang pagkakaibigan
2. Ano ang kahulugan ng pumula sa dugo sa taludtod na “Pumula sa dugo ang kalabang puksa?”
a. sumobra ang galit c. maraming namatay
b. umagos ang luha d. nangyari ito sa katanghaliang tapat
3. Ano ang kahulugan ng rurok na mithiin sa taludtod na “Narating ko’ng rurok na mithiin?”
a. pagiging pinakamataas napinuno c. pagkamit ng ginto at kayamanan
b. pagkamit ng isang pangarap d. pagkamit ng kapangyarihan
4. Ano ang kahulugan ng pakpak ng tuwa sa taludtod na “Sa pakpak ng tuwa niyong kabataan?”
a. Mga ibong alaga ng isang bata c. kaligayahang dulot ng pag-aaral
b. Mga bagay na nagdudulot ng saya sa kabataan d. kaligayahang dulot ng kapangyarihan
5. Ano ang kahulugan ng malayang bituin sa taludtod na “Sa mithii’y kita’ng malayong bituin?”
a. isang tala sa kalawakan c. matinding kapangyarihan
b. isang kayamanan d. isang matayog na pangarap
GAWAIN B: Sumulat ng iyong sariling tula. Gamitin mo ang natutuhan sa mga elemento ng tula tulad ng tugma, sukat, saknong,
larawang-diwa, simbolismo, at kariktan gayundin ang matatalinghagang pananalita upang lumutang ang kagandahan ng iyong tula.
Pumili ng isa sa alinmang paksang nakalahad sa ibaba o kaya’y mag-isip ng iba pang paksang napapanahon.
Pag-iral ng Kapayapaan sa Bayan
Pagtutol sa Anumang Uri ng Digmaan
Pagtulong sa mga Batang Naiipit sa Digmaan
Pagsisimula ng kapayapaan sa Mismong Tahanan
Pangangalaga sa ating Kalikasan
Pagpigil sa Korupsiyon sa Ating Bayan

Gawing gabay sa pagbuo ng tula ang pamatayang makikita sa ibaba.


Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan ng
(4) (3) (2) Pagsasanay (1)
Sukat at Tugma Nakasunod sa angkop na May sukat at tugma Halos inconsistent ang May naisulat subalit
sukat at tugmaan. subalit may inkonsistensi. sukat at tugmang ginamit. halos walang sukat at
tugmang nabuo.
Mensahe o Naihayag ng mahusay Naihayag ang mensahe. Bahagyang naihayag ang Malabo ang mensaheng
Kahulugan ang mensahe. Malalim at May kalaliman at mensahe. May kaunting nais iparating.
makahulugan ito. makahulugan ito. lalim ito. Mababaw at literal ang
kabuoan.
Gamit ng Nakagamit ng Nakagamit ng ilang Nakagamit ng ilang Walang
Matatalinghagan matatalinghagang matatalinghagang matatalinghagang matatalinghagang
g Salita pananalitang pananalitang pananalita subalit hindi pananalitang ginamit
nakapagpapaganda sa nakapagpapaganda sa angkop sa tula. sa tula.
tula. tula.
Kariktan Nagtataglay ng kariktang May taglay na kariktang May kaunting kariktan Walang taglay na
angkop na angkop maaari nang tawaging subalit hindi pa matatawag kariktan. Mga
tawaging tula. tula. na isa na ngang tula. pinagsama-samang
salitang wala pang
kabuluhan tula.
Kabuoang Puntos

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Gawing gabay sa pagbuo ng tula ang pamatayang makikita sa ibaba.
Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan ng
(4) (3) (2) Pagsasanay (1)
Sukat at Tugma Nakasunod sa angkop na May sukat at tugma Halos inconsistent ang May naisulat subalit
sukat at tugmaan. subalit may inkonsistensi. sukat at tugmang ginamit. halos walang sukat at
tugmang nabuo.
Mensahe o Naihayag ng mahusay Naihayag ang mensahe. Bahagyang naihayag ang Malabo ang mensaheng
Kahulugan ang mensahe. Malalim at May kalaliman at mensahe. May kaunting nais iparating.
makahulugan ito. makahulugan ito. lalim ito. Mababaw at literal ang
kabuoan.
Gamit ng Nakagamit ng Nakagamit ng ilang Nakagamit ng ilang Walang
Matatalinghagan matatalinghagang matatalinghagang matatalinghagang matatalinghagang
g Salita pananalitang pananalitang pananalita subalit hindi pananalitang ginamit
nakapagpapaganda sa nakapagpapaganda sa angkop sa tula. sa tula.
tula. tula.
Kariktan Nagtataglay ng kariktang May taglay na kariktang May kaunting kariktan Walang taglay na
angkop na angkop maaari nang tawaging subalit hindi pa matatawag kariktan. Mga
tawaging tula. tula. na isa na ngang tula. pinagsama-samang
salitang wala pang
kabuluhan tula.
Kabuoang Puntos

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Gawing gabay sa pagbuo ng tula ang pamatayang makikita sa ibaba.
Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan ng
(4) (3) (2) Pagsasanay (1)
Sukat at Tugma Nakasunod sa angkop na May sukat at tugma Halos inconsistent ang May naisulat subalit
sukat at tugmaan. subalit may inkonsistensi. sukat at tugmang ginamit. halos walang sukat at
tugmang nabuo.
Mensahe o Naihayag ng mahusay Naihayag ang mensahe. Bahagyang naihayag ang Malabo ang mensaheng
Kahulugan ang mensahe. Malalim at May kalaliman at mensahe. May kaunting nais iparating.
makahulugan ito. makahulugan ito. lalim ito. Mababaw at literal ang
kabuoan.
Gamit ng Nakagamit ng Nakagamit ng ilang Nakagamit ng ilang Walang
Matatalinghagan matatalinghagang matatalinghagang matatalinghagang matatalinghagang
g Salita pananalitang pananalitang pananalita subalit hindi pananalitang ginamit
nakapagpapaganda sa nakapagpapaganda sa angkop sa tula. sa tula.
tula. tula.
Kariktan Nagtataglay ng kariktang May taglay na kariktang May kaunting kariktan Walang taglay na
angkop na angkop maaari nang tawaging subalit hindi pa matatawag kariktan. Mga
tawaging tula. tula. na isa na ngang tula. pinagsama-samang
salitang wala pang
kabuluhan tula.
Kabuoang Puntos

You might also like