You are on page 1of 3

San Agustin Academy

PANGLAO, BOHOL
6340 PHILIPPINES
Member: Bohol Association of Catholic Schools (BACS) – Diocese of Tagbilaran
Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP)

PETSA NG PAGPASA: December 25, 2021


Ang Kalayaan ng tao’y isang biyaya, pakaingatan at huwag hayaang ito’y mawala.
ARALIN 6
“Pag-ibig na Nawala at Natagpuan sa Berlin Wall”

Layunin:
a. Natutukoy ang mga popular na anyo ng panitikan na karaniwang nakikita sa mga social media (F10PD-IIg-h-
73);
b. Natutukoy at nabibigyang-kahulugan ang mga salitang karaniwang nakikita sa social media (F10PT-IIg-h-75);
at
c. Naisusulat at naibabahagi sa iba ang sariling akda (F10PU-IIi-j-77)
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________-----------------------------------------------------------------____________________________________________________________________________________________________________________

KONSEPTO
PAGBUO NG TALUMPATI
Ang pagtatalumpati ay isang sining ng pagpapahatid ng isang mensahe o kaisipan hinggil sa isang mabisa o
napapanahong paksa sa mga tagapakinig sa pamamagitan ng wasto, mabisa, at madamdaming pagbigkas.
Ang isang talumpati ay may iba’t ibang Mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng isang
layunin tulad ng sumusunod: talumpati:
1. Makapagbigay ng Kabatiran o Kaalaman. 6. Pagtukoy sa uri ng tagapakinig.
2. Makapagturo at makapagpaliwanag. 7. Pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa paksa.
3. Makapanghihikayat 8. Pagbuo ng isang mabisang balangkas.
4. Makapagpaganap o makapagpatupad
5. Manlibang
MGA POPULAR NA ANYO NG SOCIAL MEDIA
1.Social Networking –anyo ng social media kung saan maaaring makipag-ugnayan sa mga taong miyembro din ng
nasabing social network. Ang pinakapopular na halimbawa nito ay Facebook.
2.Media Sharing –dito puwedeng mag-upload at mag-share ng iba’t ibang anyo ng media tulad ng video. Ang mga
pinakapopular na media sharing site ay Youtube at Flickr.
3.Microblogging –kombinasyon ng blogging at instant messaging. Ang mga popular na halimbawa nito ay Twitter, at
Tumblr.
4.Blog –ito’y maihahalintulad sa isang pansariling journal o talaarawang ibinabahagi sa buong mundo.
5.Blog Comments at Online Forums –sa online forum ay maaaring makibahagi ang mga miyembro sa pag-post ng
komento. Sa blog comments ay ganoon din maliban sa ang mga komento ay karaniwang nakasentro sa paksang
tinatalakay ng blog.
6.Social News –dito makapag-post ng mga balita, artikulo, o link sa mga artikulong hindi naka-copy at paste.
7.Bookmarking Sites –dito ay maaaring i-save at isaayos ang mga link sa iba’t ibang website sa internet. Isa na rito ay
ang Google+.
Pag-Ibig na Nawala at Natagpuan sa Berlin Wall
Totoo nga ang kasabihang sa buhay ng tao’y walang kasiguraduhan. Minsa’y matutulog ka lang at paggising
mo’y iba na ang iyong kalagayan. Napatunayan koi to at ng milyon-milyong Alemang tulad kong natulog lang noong
gabi ng Agosto 12, 1961 at paggising kinabukasa’y mistulang nagging bilanggo at hindi makalabas sa baying
nabakuran.
Ako si Amelie Bohler, isinilang sa lungsod ng Berlin noong 1939. Ang isasalaysay ko’y nangyari sa akin at sa
aming bayan, limampu’t tatlong taon na ang nakararaan. Napakatagal nang nangyari subalit sa aki’y parang kahapon
lang at hinding-hindi ko maibabaon sa limot. Naalala ko pa, ako noo’y isang dalagang dalawampu’t dalawang taong
gulang. Nakatira ako at ang aking magulang sa silangang bahagi ng Berlin. Araw-araw ay bumibiyahe ako patungong
Kanlurang Berlin upang pumasok sa aking trabaho. Isa akong kawani sa malaking pagawaan ng gulong ng sasakyan.
Masaya ako sa aking trabaho dahil marami akong kaibigan, maganda ang pasahod at ang kalagayan namin sa
pagawaan, at hihit sa lahat, dito ko nakilala ang aking kasintahang si Ludwik. Marami kaming plano ni Ludwik at
kasama na rito ang pagpapakasal pagkalipas ng anim na buwan. Nagpapatayo na siya noon ng tahanan para sa aming
magiging pamilya at pinaghahandaan ko naman ang paglipat ng tirahan mula sa poder ng aking magulang patungo sa
piling ng aking pinakamamahal. Kontento ako sa aking buhay at wala na akong mahihiling pa, hanggang sa sumapit
ang gabi ng Agosto 12, 1961. Tulad ng karamihan sa mga Berliner, natulog ako at umaasang kinabukasan ay
magpapatuloy sa aking buhay. Ni wala sa hinagap kong isang napakahabang bangungot pala ang nakatakdang
mangyari.
Kinabukasan, Agosto 13, 1961, papasok sana ako sa trabaho subalit wala nang biyahe ng tren patungong
Kanlurang Berlin. Sa loob ng magdamag ay isang bakod na gawa sa alambreng may tinik ang kagya’t na itinayo at
ipinalibot sa kabuoan ng Silangang Berlin. Humati ito sa kanluran at silangang bahagi ng lungsod. Napakaraming
guwardiya at hindi na pinayagan ang sinumang tumawid sa border. Sa isang iglap, nagbago nang lubusan ang buhay
ko. Hindi ko matanggap na wala na akong trabaho, mga kaibigan, at ang pinakamasakit, ang pinakamamahal kong
kasintahan. Subalit hindi ako nag-iisa. Ang libo-libong Berliner at ang buong mundo ay nagulantang din sa pangyayari.
“paano umabot sa ganito? Ano ba ang nangyari?” Ito ang tanong na pilit inihahanap ng kasagutan ng mga
Berliner lalo na ang mga naiwan sa silangang bahagi. Babalikan ko ang bahagi ng kasaysayang naging dahilan sa
pangyayaring ito.
Pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig, an gaming bansang Alemanya o Germany ay nasakop ng
Allied Powers tulad ng Estados Unidos ng Amerika, Gran Britanya, Pransiya, at Soviet Union. Noong una’y
nagkakasundo ang apat sa paraan ng pamumuno sa aming bansa subalit hindi rin ito nagtagal dahil sa pagkakaiba sa
paniniwala at pamamahala. Ang Estados Unidos ng Amerika, Gran Britanya, at Pransiya ay pawing nagpatupad ng
sistemang demokrasya, samantalang ang Soviet Union ay komunista. Nagkaisa ang tatlong bansa kaya’t mula sa mga
bahaging napunta sa kanila ay nabuo ang Kanlurang Germany na tinatawag ding Federal Republic of Germany. Ang
bahagi naming sinakop ng Soviet Unionay tinawag sa Silangang Germany o German Democratic Republic.
Ganito rin ang nangyari sa Berlin. Ang Kanlurang Berlin ay namuhay sa demokrasya samantala, komunista
ang umiral sa Silangan. Hindi nagtagal, nakita agad ang pagkakaiba sa pamumuhay ng nahating bansa. Ang Kanlurang
Germany ay tinulungan ng mga sumakop upang makabawi sa pagkasirang dala ng digmaan kaya’t dagling umunlad
ang kanilang ekonomiya. Nagkaroon ng maraming trabaho, sumigla ang kalakalan, umunlad, at naging maganda ang
buhay ng mga mamamayan. Kabaligtaran ito ng nangyari sa Silangang Germany. Sa halip na tulungan, inangkin ng
Soviet Union ang lahat ng mapakikinabangan at dinala sa kanilang bansa. Naging napakabagal ng pag-unlad at
apektado nito ang pamumuhay ng mga tao.
Dahil dito, napakaraming mamamayan mula sa Silangang Germany ang naglapitan sa kanluran. Noong
1961, umabot sa dalawa’t kalahating milyong tao ang nag-alsa-balutan at tumakas patungong kanluran. Sila pa naman
ang nakapag-aral at mga propesyonal. Ikinatakot ng silangan ang bilis ng paglipat ng kanilang mga mamamayan dahil
baka maubusan sila ng magtataguyod sa kanilang ekonomiya. Ang naisip nilang solusyon ay ang pagpapatayo kaagad
ng Berlin Wall upang mahadlangan ang mga tao sa paglipat sa kabilang bahagi ng bansa.
Dahil sa dagliang pagtatayo ng bakod na humati sa mga lansangang nag-uugnay sa silangan at kanluran at
sumikil sa kalayaan ng mga mamamayan, marami ang nagtangkang tumakas at hindi inalintana ang panganib. Subalit
kung marami ang nagtatagumpay, napakarami rin ang nabigo at umabot pa sa pagbubuwis ng maraming buhay. Isa
ako sa mga sumubok tumakas upang maipagpatuloy ang dati kong buhay sa kanluran subalit tulad ng maraming iba
pa, nabigo rin ako. Sa pagdaan ng mga taon ay lalo pang pinatibay at pinataasan ng Silangang Berlin ang bakod at
sinarhan ang mga lagusang dinaanan ng mga naunang tumakas. Naging mas lalong imposible ang pagtakas.
Hindi ko alam noon kung paano muling magsisimula. Pinutol ang mga kawad ng telepono kaya’t kahit tawag
sa telepono o lihim ay hindi man lang kami nagkaroon ng pagkakataong makapagpaalaman nang maayos ng aking
mahal. Sa loob ng dalawampu’t walong taon ay walang araw na hindi ko pinaghihinayangan ang nagging maayos ko
sanang buhay kung sa kanlurang bahagi ako inabutan ng paglalagay ng bakod. Kinamuhian ko ang aming pamahalaan
sa pagkontrol na ginawa nila sa buhay ko at sa buhay ng mga Berliner na tulad ko.
Dalawampu’t walong mahahabang taon ang lumipas nang bigla nalang isang pangyayari ang muling
gumulantang sa amin noong Nobyembre 9, 1989. Binuksang muli ang Berlin Wall! Bagama’t may mga paghihiwatig sa
paghina ng kilusang komunismo noong taong 1988 pa lamang, hindi pa rin inasahan ng lahat ang napakagandang
pangyayaring ito. Maraming Berliner ang may takot pa ring lumapit sa mga border upang sumubok tumawid subalit
naglulundag sa tuwa nang payagan sila ng mga guwardiya. Sa isang saglit nagkagulo ang mga tao. Dala ang martilyo,
paet, at kung ano pang maipampupukpok, tulong-tulong na iginuho ng mga mamamayan ang matibay na bakod.
Pagkatapos ay nagyakapan, naghalikan, nagsayawan, nagsigawan, at nagbunyi ang lahat sa pangyayaring ipinagbunyi
rin ng buong mundo. Ang bawat isa’y nagnais makakuha ng tipak ng batong sumisimbolo sa kalayaang sinikil sa loob
ng dalawampu’t walong taon na ngayo’y nakamtan din sa wakas.
Isa ako sa mga naunang kumuha ng mga tipak ng bato. Nang itayo ang bakod ay dalawampu’t taon pa
lamang ako. Limampung taon na ako. Dalawampu’t dalawang taon pa lang ako, ngayo’y limangpung taon na ako.
Dalawampu’t walong taon ang ninakaw ng batong ito sa buhay ko. Hindi ko alam kung ano ang una kung gagawin at
nag-iisip kung madurugtungan pa baa ng naputol na kabanta sa buhay ko. Labis akong nasasabik na makabalita
tungkol kay Ludwik sapagkat sa loob ng panahong iyo’y tanging isang liham ang patagong naipada niya sa isang
kinatawan ng pamahalan mula sa Kanlurang Berlin na tumungo sa Silangan. Maikli lang ang nilalaman ng liham na
nagsabing “Hihintayin kita.” Hindi ko alamn kung matutupad ba niya ang pangakong ito. Sa puso ko’y takot at kaba
ang dala ng pagbabago. Naisip kong huwag na langumasa upang hind imaging lubhang masikip ang dadalhin nitong
kabiguan kung sakali subalit, ano ito? Sa kararamihan ng mga taong nagsisigawan, nagbabasakaling makita sa
kulumpon ng mga tao ang minahal na napawalay ay nakita ko si Ludwik. Palinga-linga at tila naghahanap. Malaki ang
pinagbago ng kaniyang anyo sa paglipas ng dalwampu’t walong taon. Pumayat at ang pagputi ng buhok at
pagkakaroon ng gatla sa mukha’y hindi na maitago subalit hindi ako maaaring magkamali. Siya nga si Ludwik!
Tinawag ko nang malakas ang kaniyang pangalan at nang makita ako’y patakbo siyang lumapit nang luhaan. At higpit
ng aming pagyayakap at nagbabadyang ito’y paghabambuhay at hindi na muling mapaghihiwalay.
Ang tahanang itinayo niya para sa amin ay labis niyang inalagan sapagkat hindi ra siya kailanman nawalan
ng pag-asang muli kaming magkikita at mabubuo ang lahat ng aming pangarap. Walang na kaming inaksayang
panahon at sa loob ng isang buwan ay ikinasal na kami. Ngayo’y ipinagdiriwang ang ika-dalawampu’t limang
anibersayo ng aming pag-iisang dibdib. Sa pagtatakipsilim ng aming buhay ay hinding- hindi ko malilimutan ang
pinakamalaking hadlang na sumubok sa katatagan naming at ng iba pang Berliner isa na itong madilim na bahagi ng
kasaysayan na pagmumulan ng kasaysayan hindi lang para sa mga Alimang tulad ko kundi gayon ng buong mundo.
Ang kalayaan ng isang tao ayn malaking biyaya, kaya naman sa lahat na nagtatamasa nito, pagkaingatan at huwag
hayaang ito’y mawala.
--Ameli Bowler
GAWAIN 1: Sumulat ng limang anyong nalalaman mo sa mga linya sa ibaba.
Mga Popular o Laganap na Anyo ng Panitikan sa Social Media
_________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________

GAWAIN 2: Tiyak na hindi ka magpapahuli kung sa paggamit ng social media ang pag-uusapan. Subukin ang iyong
galling. Ibigay ang kahulugan ng mga acronym na madalas ginagamit sa social media.
1. BRB ______________________________ 6. IKR ______________________________ 11. OOTD ______________________________
2. SML ______________________________ 7. LMK ______________________________ 12. RT ______________________________
3. GBUA______________________________ 8. NBSB ______________________________ 13. TBH ______________________________
4. GTG ______________________________ 9. NP ______________________________ 14. TTYL ______________________________
5. ILY ______________________________ 10. NVM______________________________ 15. YOLO ______________________________

GAWAIN 3: Isa kang teenager na kasamang nakulong sa silangang bahagi ng Berlin nang itayo ang Berlin Wall at
nawalan ng pagkakataong makalabas o Makita ang mundo at maging Malaya sa mga panahon ng iyong kabataan.
Sumulat ka ng isang Facebook post na maglalahad sa buong mundo ng iyong damdamin o saloobin. (Pakimention ng
aking pangalan sa fb acc Sherry Ann Pepito Arbutante pagkatapos makapagpost.)

You might also like