You are on page 1of 8

CATAINGAN MUNICIPAL COLLEGE

GE 11
Ang Panitikan ng Pilipinas

MODYUL 5

PANGALAN: ____________________________________________________

Iskedyul: _________________________ Batch: ________________________

Cp Number: ____________________________________________________

Panitikan sa Kasalukuyang Panaho

Sa kasalukuyang panahon na kung kailan talamak ang paggamit ng internet ay siyang naging
daan rin upang mas lalong maipalaganap ang mga panitikang gawa ng Pinoy sa loob at labas
ng bansa. Elektronikong kagamitan, gaano nga ba kapaki-pakinabang ito sa pagpapaunlad ng
naiibang anyo ng panitikan sa panahon ng pagbabago? Hindi ba naaapakan nito ang halaga ng
mga nauna ng panitikan na naging bahagi ng kasaysayan?

Ang teknolohiya ay may mahalagang bahagi sa paglinang ng literatura sa nagbabagong

panahon. Ayon pa kay Danton Remoto (The Philippine Star) noong Marso 4, 2017, sa
kasalukuyan ang internet ay lumilikha sa mga manunulat na Pilipino na mabawasan ang
pagiging makaluma. Si Bob Ong,isang manunulat ng komiks, ay nagsimula ng isang blog na
“Bobong Pinoy” at naibida bilang pinakamabentang aklat. Ang ibang mga blog o site ay naging
daan upang makapaglimbag ng mga aklat at makilala sa kasalukuyan. Isa na rito ang box-
of ce-hit na pelikulang Pilipino na “Ang Diary ng Panget”.  Isa pang patunay ay ang akdang”
Stupid is Forever” na isinulat ng yumaong senador na si Miriam Defensor Santiago.
Nakapagbenta ito ng halos sandaang libong kopya sa buong bansa.

Ang kabataan ngayon ay malayang makapagsulat ng mga kwento nila at naihahatid sa iba’t
ibang uri ng site tulad na lang ng Wattpad. Nakapagbubukas ng oportunidad upang maging
kilala sa larangan ng pagsulat at maaaring makaperma ng kontrata sa industriya upang
gawing pelikula ang natapos na akda.Maraming mga Pilipino na ginawang part-time job ang
pagsusulat,kumikita at natututo.

Binigyang tuon ng mga manunulat na Pilipino at iskolar ang bagong gampanin ng teknolohiya
sa pagtataguyod ng literatura sa naganap na pagpupulong,”2017 International Conference on
Education, Literatures, and Creative Writing” sa UST noong Abril 20-22. Si Eros Atalia,
nagtuturo ng Filipino sa Faculty of Arts and Letters sa nabanggit na paaralan, naghayag na
ang pagsusulat sa online tulad ng Wattpad ay nakapanghihikayat ng maraming mambabasa.
Dagdag pa niya,” Sa usaping literatura,naghahanap tayo ng bagong pamamaraan ng pagsulat.
Ang kabataang manunulat ay naeengganyo sa paglimbag gamit ang online,pagsulat at
pagbasa. Nakabubuo sila ng bagong komunidad na kung saan ay maaari silang
makapagbahagi ng kanilang nagawang mga kwento.” Ngunit hinahamon niya ang mga
manunulat sa Wattpad na gawing mataas ang pamantayan sa paghuhulma ng kinakabukasan
ng panitikan sa bansa.

Ano mang uri ng paraan sa pagsulat ng akdang pampanitikan ang mahalaga ay hindi
makalimutan ang kultura at kasaysayan nito. At patuloy na mapangalagaan ang sining at
kariktan ng mga nailimbag ng akda maging ang mga ililimbag pa. Sa pamamagitan nito ay
mananatili ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa malayang paraan ng pagpapahayag ng
fi

damdamin. Tunay ngang nagsisimula ng namayagpag ang mga literaturang nagmula sa

mundo ng online dahil sa oportunidad na ibinigay sa mga kabataang Pilipino.At magpapatuloy
ang pagyabong nito sa mga susunod pang henerasyon.

MGA DAPAT SAGUTAN:

1. Ibigay ang mga likha/mga isinulat ni Bob Ong.

__________________________________________________________________________________________

2. Sino si Danton Remoto? Ipakilala mo siya.

JEJEMONISM

Ang salitang Jejemon ay nanggaling mula sa mga gumagamit ng “hehehe” bilang “jejeje”,
alinman dahil sa “jeje” ay nagmula mula sa mga sa Espanyol paggamit ng “j”, na ang
nagsasalita ay nagpakilala ng pandamdam bilang pagtawa o dahil ang titik “h” at “j” ay sa tabi
ng bawat isa, at ito ay idinagdag sa pamamagitan ng “-mon” na dumating sa Japanese
Pokemon Anime na ang kahulugan ay isang “halimaw” kaya tinatawag itong “JEJE
MONSTERS.”EyoW PfoUwhsZ! N4i!n+nD!h4n nY0oHw PfuOH b4nGzZ 5!n4$ab! K))2hH???
( Hello po! Naiintindihan nyo po ba ang sinasabi ko?)

Kaysa magbasa ng mga salawikain, nagbabasa na lang ng mga LOVE QUOTES at kung anu-
ano pa.

Kaysa magbasa ng mga epiko at maikling kwento, ngayon mas masayang magbasa ng mga
wall post sa Facebook

Kaysa manuod ng mga moro-moro at balagtasan, awit at korido, manunuod na lang ng

iptop sa you tube

Kaysa makipagbugtungan sa mga kaklase, kaibigan, ay maglalaro na lang ng Dota o tablet

kasama ang mga ito.

INTERNET- dito naglipana ang mga blogging sites kung saan hayaan ang mga salooobin ng
sinuman na nais makisawsaw sa isyu.

Impluwensya ng Teknolohiya sa Panitikan:

Ito ay mga salitang karaniwan na ginagamit ngayon sa ating wika at masasabing dulot ng
teknolohiya. At dahil parte na ng ating buhay ang teknolohiya, mabilis ang pagbabagong
idinulot nito sa buhay at lipunan. Mabilis rin ang pagbabago sa papel ginagampanan ng
impormasyon sa ating trabaho, buhay, isip at pag-iisip. Ang mabilis na pagbabagong naganap
sa buhay natin ay dala ng mabisang sandata ng teknolohiya- ang computer, cellphone at
internet.

Karaniwan hindi na bumubuklat ng mga pocket books na babasahin sapagkat mas ninanais
pang magbasa ng kanilang Ebook (wattpad) Mas nakakamura sa libreng pagbabasa sa
internet o downloadable stories at iba pa.

Ang cellphone ang ugat nito. Sa pagsikat ng “mobile communication”, naging kaakibat nito
ang pag-usbong at tuluyang paglaganap ng “text messaging” o SMS. Sa simula, kumpletong
baybay pa ang gamit ng mga tao. Ng di kalaunan, kinailangan ng gumawa ng paraan para mas
maraming mai-type na mga salita.

Mga Teoryang Pampanitikan

Teoryang Klasismo/Klasisismo

Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng

estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at
piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.

Teoryang Humanismo
fl

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang
kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.

Teoryang Imahismo

Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga

damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na
madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan
at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa
loob ng panitikan.

Teoryang Realismo

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa

kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi
tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng
kanyang sinulat.

Teoryang Feminismo

Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at

iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang
panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay
ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.

Teoryang Arkitaypal

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan
ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda.
Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang
mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo
ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.

Teoryang Formalismo/Formalistiko

Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang
kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang
panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang kulang.
Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa.

Teoryang Saykolohikal/Sikolohika

Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor)

sa pagbuo ng naturangbehavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan

sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong

behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.

Teoryang Eksistensyalismo

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para
sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human
existence).

Teoryang Romantisismo

Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa
pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa
akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang
kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.

Teoryang Markismo/Marxismo

Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling
kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at
suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa
adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

Teoryang Sosyolohikal

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang

kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa
suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa
mga katulad na suliranin.

Teoryang Moralistiko

Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad nG
isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o
proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa
pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay
napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.

Teoryang Bayograpikal

Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda.

Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na
siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka”
na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.

Teoryang Queer

Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga

homosexual. Kung ang mga babae ay may feminismo ang mga homosexual naman ay
queer.

Teoryang Historikal

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita
na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.

Teoryang Kultural

Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam.
Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasa sa
mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.

Teoryang Feminismo-Markismo

Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa
suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon
bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at suliranin ng
lipunan.

Teoryang Dekonstruksyon

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo.
Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang
nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais
iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.

TANONG:

Ano-anong teorya ng panitikan ang matatagpuan sa nobelang Noli Me Tangere ni Gat Jose
Rizal? Magbigay na ilan at suportahan ang mga ito.

You might also like