You are on page 1of 4

Kabanata 1

Sunduin ang Kabanatang Naiwan, Bigyang Daan ang Nakaraan

Panimula

Naging parte na ng kulturang pilipino ang nobela mula sa mga "Pocketbook" na nauso
noong panahong mga kabataan pa ang ating mga magulang, sa mga lumipas na panahon ay lalo
pang umunlad ito at ngayon ay madalas na itong makita sa mga "mobile phone" isa sa mga
"application" na ginagamit ngayon ng mga kabataan ay ang Wattpad, ngunit sa paglipas ng
panahon ay nababawasan din ang mga mambabasa dahil narin sa pag-usbong ng makabagong
teknolohiya at atensyon ng nakararami ay nasa mga nauusong libangan sa mundo ng "social
media" at ang iba ay tinatangkilik ang mga nobelang gawa ng mga banyaga kaysa sa nobelang
filipino. Malaki ang kontribusyon ng paglipas ng panahon sa kalagayan ngayon ng nobelang
filipino kaya hindi maaalis ang posibilidad na tuluyan na itong maglaho o mabago ng ating
modernong panahon.

Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't


ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo,
naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing “literary genre”.
Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na
istilo.Ito rin ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na
pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang
pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang
makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay.
(Mahilom,2010)

Paglalahad ng Suliranin
Tinatangkang malaman ng pag-aaral na ito ang mga dahilan ng paunti-unting pagbaba ng
bilang ng mga mambabasa ng nobelang filipino sa mga mag-aaral ng Tarlac National High
School-ANNEX S.Y. 2020-2021.

Nilalayon ng pag-aaral na ito na masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Kumusta na ba ang kalagayan ng nobelang filipino ngayon?

2. Bakit mas mahalagang suportahan ang nobelang filiino kaysa sa nobelang ingles?

3. Ano ang mga maaring dahilan ng pagbaba ng bilang ng mga mambabasa ng nobelang filipino?

4. Mahalaga bang maka-sabay ang nobelang filipino sa panahon ngayon?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Tinatangkang makapagbigay ang pag-aaral na ito ng mga impormasyon na


pumapatungkol sa mga dahilan ng paunti-unting pagbaba ng bilang ng mga mambabasa ng
nobelang filipino, ang mga nalikom na impormasyon ay maaaring makapagbigay ng malaking
kontribusyon ng kaalaman para sa ating mga mag-aaral,mga guro,mga nangangasiwa sa paaralan
at mga susunod pang mananaliksik.

Mga mag-aaral- makakatulong ang pag-aaral na ito upang buksan ang interes ng mga
mag-aaral patungkol sa mga literaturang nakasulat sa filipino partikular na ang nobela.
Mga guro- sa pamamagitang ng pananaliksik na ito malalaman ng ating mga guro kung
gaano kataas ang kaalaman at pag-unawa ng mga mag-aaral sa wikang filipino bilang midyum
ng pagtuturo.

Mga nangangasiwa sa paaralan- makakatulong ang pananaliksik na ito upang malaman


ang mga nagpapasakit sa mga mag-aaral sa pagbasa ng wikang filipino at kung anong maaaring
gawing hakbangin upang matulungan ang mga mag-aaral.

Mga susunod na mananaliksik- magagamit nila ang pananaliksik na ito upang


mapagkunan ng mga impormasyon na kaugnay sa dahilan ng ng paunti-unting pagbaba ng bilang
ng mga mambabasa ng nobelang filipino.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus lamang sa dahilan ng paunti-unti pagbaba ng bilang


ng mga mambabasa ng nobelang filipino sa mga mag-aaral ng Tarlac National High School-
ANNEX S.Y. 2020-2021.Tungkol sa mga nobela ang pananaliksik na ito kasama na ang
nobelang filipino o ingles at ang mga manunulat ng mga nobela.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Para sa mabuting pagkakaunawa sa pag-aaral na ito narito ang mga kahulugan ng mga
sumusunod na termino na nanggaling sa isang masusing paghahanap ng mapagkakatiwalaang
impormasyon.

Pocketbook-ay mga komersyalisadong nobelang inilathala sa pormat na “paperback” o


“pocketbook” na inilathala sa Tagalog o wikang Filipino sa Pilipinas.(Buhain,Dominador,A
History of Publishing in the Philippines)
Wattpad- Ang Wattpad ay isang “website” na nagbalik ng interes sa pagbabasa ng mga
tao. Ito ay parang isang makapal na libro na kinapapalooban ng iba’t ibang “genra” ng mga
kwento, tula, artikulo, sanaysay at iba’t ibang likha ng literatura na gawa ng mga gumagamit ng
“site”.(Hanimi,Term Paper Warehouse)

Social Media-Ang “social media” ay ang pakikihalubilo sa lipunan ng mga tao sa buong
mundo sa pamamagitan ng mga elektronikong gamit tulad ng komputer, “cellphone”, “tablet” at
iba pa na pwedeng ibahagi ang iyong mga ginagawa, mga larawan, musika, mga aktibidad, mga
gusto at ayaw, mga “video” at marami pang iba na pwede mong maisip.(atpparagas,Brainly)

Piksyon-Ang ibig sabihin ng piksyon ay imahinasyon lamang iyon ng sumulat at hindi


makatotohanan.(irishquirimith,Brainly)

Genre-Ang salitang Ingles na "Genre" ay nangangahulugan ng mga istilo o kategorya


ng isang sining, musika, o literatura.(iamjordanorpilla,Brainly)

Literary genre-Ang isang “genre” ng panitikan ay isang kategorya ng komposisyon sa


panitikan.Halimbawa nito ay ay epiko, trahedya, komedya, at malikhaing di-piksyon.
(Bakhtin,1983)

You might also like