You are on page 1of 20

MGA PAALALA:

1. Gumamit ng tamang kasuotan.


2. Open cam hanggat maaari.
3. Iwasan ang mag ingay.
4. Mga tanong pagkatapos ng discussion.
5. Mangyari lamang na magtanong sa araw at oras
ng nakatakdang schedule.
6. Kung may nakalimutang tanong sa araw ng
schedule ay maaaring gamitin ang ating GC,
iwasan ang mag PM.
FILIPINO 1
KONTEKSTWALISADONG
KOMUNIKASYON SA FILIPINO
(KOMFIL) Bilang ng Yunit: 3

GURO: BB. JANE M.


CARANGUIAN
Aralin 3:
PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON
PARA SA KOMUNIKASYON
PAGPILI NG BATIS
• Ang batis ng impormasyon ay mga
sources ng mga impormasyon na
nakukuha ng mga nagbabasa at
nakikinig. Ito ay mahalaga lalo na sa
aspeto ng edukasyon at paggawa ng
pormal na kasulatan
PAGPILI NG BATIS O SOURCES NG
IMPORMASYON
• PRIMARYANG BATIS- naglalaman ng
impormasyon na galing mismo sa bagay o taong
pinag-uusapan sa kasaysayan
• SEKONDARYANG BATIS- batayang ang
impormasyon ay mula sa pangunahing batis ng
kasaysayan
• PASALITANG KASAYSAYAN- kasaysayan na
sinambit ng bibig Kasaysayan
• LOKAL- kasaysayan na nagmula sa ating lugar
• NATIONALIST PERSPECTIVE- pagtingin o
perspektiba na naaayon o mas pabor sa isang
bansa
• HISTORY FROM BELOW- naglalayong kumuwa
ng kaalaman batay sa mga ordinaryong tao.
Binibigyang-pansin nito ang kanilang mga
karanasan at pananaw, kaibhan sa estereotipikong
tradisyonal na pampulitikang kasaysayan at
tumutuon sa gawa at aksyon ng mga dakilang tao
• PANTAYONG PANANAW- isang metodo ng
pagkilala sa kasaysayan at kalinangang Pilipino na
nakabatay sa panloob na pagkakaugnay-ugnay at
pag-uugnay ng mga katangian, kaugalian, pag-
aasal at karanasan ng iisang kabuuang
pangkalinangan- kabuuang nababalot sa
ipinapahayag sa pamamagitan ng iisang wika
• PANGKAMING PANANAW- nagawa ng hanay ng
mga Propagandista tulad nina Rizal, Luna atbp.
bilang pamamaraan sa paglilinang ng kabihasnan
natin
• PANSILANG PANANAW- ito na na-
absorb o ipinagpatuloy ng kasalukuyang
mga antropologong Pilipino
PAGBABASA AT PANANALIKSIK NG
IMPORMASYON

• PAGBASA- isa sa mga apat na


kasanayang pangwika. Ito ay pagkilala
at pagkuha ng mga ideya at mas
ibahagi ng may-akda sa babasa ng
kanyang sinulat.
KAHALAGAHAN NG PAGBASA
• Nakakapagpalawak ng Pananaw
• Gamot sa Pagkabagot
• Nakakapagbigay-aliw
• Nakakarating sa iba't ibang lugar
• Gamot sa suliraning personal
IBA PANG KAHALAGAHAN NG PAGBASA
1. Mahalaga ang ginagampanang papel ng pagbasa
sa paglinang ng talino at kaisipan.
2. Sa pagbasa, nagiging ganap ang pagkatao ng
isang nilalang.
3. Ito ang susi at “life blood” ng mga research,
imbensyon, lektyur at pag-aaral.
4. Nagsisilbing salamin upang makita at masuri ng
tao ang sarili batay sa mga buhay ng ibang taong
kanilang nabasa.
PROSESO NG PAGBASA
APAT NA PROSESO NG PAGBASA ni William Gary:
1. PERSEPSYON- pagbasa sa akda o pagkilala
2. KOMPREHENSYON- pag-unawa sa binasa
3. AIMILASYON- pagsasama-sama at pag-uugnay
ng mga kaalaman mula sa binasa at sa mga dating
karanasan
4. REAKSYON sa binasa
DALAWANG PARAAN NG PAGBASA
• TAHIMIK- isinasaalang-alang lamang
ang sarili at layuning maunawaang
mabuti ang binabasa
• MALAKAS- isinasaalang-alang ay
tagapakinig o owdisyens upang
marinig ang binabasang teksto
IBA'T IBANG PATERN O URI NG
PAGBASA
• ISKANING- uri ng pagbasa na kung saan ang
nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad sa
materyal na hawak tulad ng pagbasa sa mga susi
na salita o keyword, pamagat at subtitles.
Binibigyang-pansin ang ganitong pagbasa ang
mahalagang mensahe sa pahinang binabasa o
tinitignan. Halimbawa nito ay pagtingin sa dyaryo
upang alamin kung nakapasa sa isang Board
Examination.
• ISKIMING- ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang
makuha ang pangkalahatang ideya o impresyon, o kaya'y
pagpili ng materyal na babasahin.
• PREVIEWING- ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat
o chapter. Sinusuri muna ang kabuuan at estilo at register
ng wika ng sumulat.
• RE-READING o MULING PAGBASA- paulit na binabasa
kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng
mahirap na talasalitaan o pagkakabuo ng pahayag.
• PAGTATALA- ito'y pagbasang may kasamang pagtatala
ng mahahalagang kaisipan o ideya bilang pag-imbak ng
impormasyon.
MGA SAGABAL SA MABISANG PAGBASA
• Kalagayan ng Isip
• Pagbasa nang walang direksyon
• Pagbasa ng mga babasahin at mga aklat na para
bang magkatulad ang kanilang pagkakasulat
• Kawalan ng wastong pamamaraan sa pagbasa
batay sa layunin
• Hindi paggamit ng mga pananda
• Kulang sa katatagan ng damdamin
MGA TANONG
Gawain 2:
Bilang isang Estudyante ano para
sainyo ang kahalagahan ng
PAGBABASA?
MARAMI PONG
SALAMAT
SA PAKIKINIG

You might also like