You are on page 1of 18

YUNIT I

Ako Bilang
Mapanagutang
Kabataan
PAGDADALAGA,
PAGBIBINATA:
Maayos kong Haharapin
ARALIN 1
KAYA KO ITO!
SA SARILI’Y TIWALA
AKO
ARALIN 2
Mga Katangian ng
Positibong
Konsepto sa Sarili
Mga Katangian ng Positibong Konsepto sa Sarili

1. Madaling Makiangkop

Kinakailangan dito ang malawak na pananaw at kakayahang tumanggap sa mga


puna ng iba.

Mahalagang hindi maging bulag sa mga kapintasan o mga mungkahi ng iba para sa
iyong pagbabago o pag-unlad.
Mga Katangian ng Positibong Konsepto sa Sarili

2. Makatotohanan

Kailangang maging batayan nito ang iyong mga karanasan o mga kilos, salita, o
gawa.

Ang “pagsusuot ng maskara” o pagiging mapagkunwari upang mapagtakpan ang


tunayb na larawan ng sarili ay kadalasang may negatibong epekto sa pag-unlad
bilang tao.
Mga Katangian ng Positibong Konsepto sa Sarili

3. May Pagnanais na Magbago

Magkaroon ng kusa sa paghingi ng mga mungkahi sa iba. Ang layunin nito ay


upang magkaroon ng perspektiba o pananaw ng ibang tao tungkol sa kung ano ang
dapat baguhin sa sarili.

Ang taong may positibong konsepto sa sarili ay may kahandaan sa lahat ng


pagbabago tungo sa pagpapakabuti.
Mga Katangian ng Positibong Konsepto sa Sarili

4. May Sapat na Kasanayan para sa Pagbabago.

Ang introspeksiyon o pagsusuri sa sarili ay isang proseso ng pagkakaroon ng


malalim na kamalayan at pagkilala sa sarili.

Ang taong may kakayahang suriin at magnilay sa kaniyang naiisip, nararamdaman,


mga kalakasan at kahinaan ay nagkakaroon ng makatotohanan at positibong
pananaw sa sarili.
Mga Hakbang Tungo sa
Pagpapaunlad ng Tiwala
sa Sarili
Mga Hakbang Tungo sa Pagpapaunlad ng Tiwala sa Sarili

 Gawing batayan ang iyong mga kalakasan sa pagganap ng mga tungkulin

Kilalanin ang iyong talento, kakayahan, at magandang ugali.


Iwasang ikumpara ang tagumpay ng iba sa iyong sariling tagumpay.
Mga Hakbang Tungo sa Pagpapaunlad ng Tiwala sa Sarili

 Ipagmalaki ang sarili

Gantimpalaan ang sarili maski sa maliliit na bagay na iyong


napagtagumpayan.
Ugaliing magkaroon ng journal kung saan mo isusulat ang iyong maliliit at
malalaking tagumpay. Ito ay pagsasanay upang maranasan at maramdaman
na may kakayahan kang magtagumpay at puwede mo itong makamit muli.
Mga Hakbang Tungo sa Pagpapaunlad ng Tiwala sa Sarili

 Magtala ng makatotohanang gampanin

Tantiyahin ang mga gampanin batay sa iyong sariling antas, kakayahan, at


gulang.

Ang pagtatakda ng realistikong layunin ay mahalaga upang mapanatili ang


kapanatagan ng isip at damdamin.
Mga Hakbang Tungo sa Pagpapaunlad ng Tiwala sa Sarili

 Makipag-ugnayan sa mga taong makatutulong sa iyo

Hindi makatutulong sa pagpapataas ng tiwala mo sa iyong sarili ang mga


taong may negatibong pananaw sa buhay.

Ang pagiging stressed ay makapagdudulot ng negatibong epekto sa iyong


isip at damdamin.
Mga Hakbang Tungo sa Pagpapaunlad ng Tiwala sa Sarili

 Iwasang bigyang-kasiyahan ang lahat ng tao

Sadyang may mga tao na hindi mo mapapasang-ayon o mapapasaya. Ang


patuloy na pagpupumilit na bigyang-kasiyahan ang lahat ng tao ay
makapagdudulot ng pagkabigo.
Mga Hakbang Tungo sa Pagpapaunlad ng Tiwala sa Sarili

 Sumapi at makisangkot sa mga makabuluhang samahan o programa

Ang partisipasyon sa isang samahan o paglahok sa mga gawain at proyekto


ng organisasyong iyong sinalihan ay magbibigay sa iyo ng pagkakataon
upang malinang ang iyong mga kakayahan at mapagbuti ang tiwala sa sarili.
Talino at Kakayahan ko,
sa Mabuti Ilalaan

ARALIN 3
Talaan ng mga Talento at Kakayahan

Pangwika Pangmusika Pangbiswal Pangkatawan

• Pagsulat ng Tula • Pag-arte • Paggawa ng imbensyon • Paglalaro ng Sipa

• Pagsali sa mga Quiz Bee • Pag-awit • Pagguhit • Paglangoy

• Paggawa ng Research • Pagtugtog ng • Pagpipinta • Paglalaro ng Archery


Instrumentong
Pangmusika
• Pagsulat ng Essay • Paglililok • Basketball
• Kagalingan sa Abstract • Pagbuburda • Tennis
Reasoning o
Kakayahang
• Pagdidisenyo • Track and Field
Magpaliwanag
• Pag-ukit ng kahoy • Pagsasayaw
Talaan ng mga Talento at Kakayahan

Pangmatematika Interpersonal Intrapersonal Pangkalikasan Eksistensyal

• Kagalingan sa
• Kagalingan sa Siyensya
Matematika
• Pakikisalamuh • Kakayahang mag-
a at • Natutukoy ang mga • Pagpapalago ng isip tungkol sa
Pakikipagkap Sariling Kahinaan Halaman kabuluhan ng
wa buhay
• Kahusayan sa
Lohika • Pag-aalaga ng
mga Hayop

You might also like