You are on page 1of 16

Katangiang

Pisikal ng
Hilagang
Amerika.
Gawa ni: Mallari, Renn Carla Navarro.
Hilagang Amerika.

Ang hilagang amerika ay ang pangatlong


pinaka malaking kontinente.
Nahahati ang Hilagang Silangan sa
limang rehiyon.
1. Kanlurang
2. Great Plains. 3. Canadian Shield.
Kabundukan.
(Western Region)

4. Silangang 5. Caribbean
Rehiyon. Region.
(Eastern Region)
1. Western Region.

Mga bagong kabundukan ang matatagpuan sa kanluran ng Hilagang Amerika.

Ilan sa mga ito ay ang Rocky Mountains o Rockies, Sierra Madre Mountains at Cascade
Range.

Ang tatlong pangunahing disyerto sa rehiyon ng Hilagang Amerika ay ang Sonoran,


Mojave at Chihuahuan na lahat ay matatagpuan sa Timog-Kanluran at Hilagang
Mexico.

Ang mga disyertong ito ay nakalatag malapit sa mga kabundukan kung kaya’t
nakasasagabal sa pag-ulan ang matataas na lupain dahil sa tinatawag na Rain Shadow
Effect.
Rocky Mountains o Rockies.

Ang Rocky Mountains ay ang pinakamalaki at pinaka kilala sa Western Region.

Ang Rocky Mountains ay binabagtas sa British Columbia, Canada hanggang sa estado ng


United States na New Mexico.
Sierra Madre Mountains.

Ang Sierra Madre Mountains ay bahagi ng The Cordilleras.

Binabagtas nito ang timog-kanluran ng United States hanggang Honduras.

Madalas ang pagputok ng bulkan at paglindol sa rehiyong ut na nagdudulot ng malawakang


pagkasira ng mga bayan at lungsod ngunit nagbibigay naman ng mayaman at matabang
kalupaan sa rehiyon.
Cascade Range.

Ang Cascade Range ay isa sa pinaka batang kabundukan sa mundo.

Ang Cascade Range ay matatagpuan sa mga estadong Washington, Oregon at California sa


United States.
Tatlong Pangunahing Disyerto sa Hilagang Amerika.

Merong tatlong pangunahing disyerto sa hilagang amerika.

Ito ang mga Sonoran, Mojave at Chihuahuan na matatagpuan sa Timog-kanluran at Hilagang


Mexico.

Ang mga disyertong ito ay nakalatag malapit sa mga kabundukan kung kaya’t nakasasagabal
sa pag-ulan ang matataas na lupain dahil sa tinatawag na rain shadow effect.

Sonoran Mojave Chihuahuan


2. Great Plains.

Ito ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng Hilagang Amerika. Ang malalim, malawak, at


matatabang kapatagan ay matutunghayan sa Canda at United States.

Trigo ang pangunahing itinatanim sa rehiyong ito kung kaya’t tingurian itong
“Breadbasket of the North”.

Mayaman din ang Great Plains sa deposito ng langis at natural gas.

Ang mga damuhang tinatawag na prairie regions Great Plains and bumubuo sa
pinakamalaking biome ng hilagang amerika.
Mississippi River.

Ang Mississippi River ay isa rin sa mga pangunahing katangiang pisikal ng Hilagang
Amerika.

Nagmumula ang katubigan nito sa Lake Itasca, dumadaloy patimog na nasa 3730
kilometro ang haba ba dumaraan sa buong United States at nagwawakas sa Gulf of
Mexico.

Ito ang ikaapat sa pinakamahabang ilog sa mundo.


3. Canadian Shield.

Ito ay mataas ngunit patag na talampas. Sumasaklaw ito sa Silangan, Sentral at


Hilagang-Kanlurang Canada. May mga bahagi itong mababato at maraming lawa.
Tundra Biome.

Ang Tundra Biome at ang nakalatag sa hilagang hangganan ng Alaska at Canada


hanggang sa Hudson Bay.

Ang Tundra ay isang uri ng Biome na kung saan ang mababang temperatura at
kakulangan sa presipitasyon ay bumabalakid sa pagtubo ng mga puno.
Nagtataglay ito ng mga permafrost o lupaing nagyeyelo ng dalawa o higit pang taon.
4. Eastern Region.
Appalachian Mountains kapatagang kostal ng Atlantic. Ang mas matatandang
kabundukan ng Hilagang Amerika kabilang ang Appalachian Mountains ay bumabagtas
malapit sa silangang baybayin ng United States at Canada.

Ang mga lugar na ito ay naging tradisyonal na minahan ng ilang daang taon dahil sa
mayaman ito sa deposito ng uling at iba pang uri ng mineral.

Ang kapatagang kostal ng Atlantic ay may magkakaibang katangiang pisikal mula sa


rehiyon ng mga ilog, litian, at iba pang mga basang lupain sa silangan ng kabundukan
hanggang sa mabuhanging baybayin ng Atlantic.
Florida Everglades.

Ang Florida Everglades ang pinakamalaking latian sa United States na sumasaklaw sa


mahigit 11,137 kilometro kuwadrado ng Timog Florida.
5. Caribbean Region.

Itong rehiyon na to ay mayroon mahigit 7000 na mga isla, reefs, at cays.

Mayroong patag at mabuhanging lupain habang ang iba naman ay malubak, mabundok,
at bulkanik.

Ang coral reefs at cays ng Caribbean Sea ay ilan sa mga pinakakikilang biomes ng
Hilagang Amerika.

Ang ilan sa coral reefs dito ay nakapaligid sa mga isla tulad ng Bahamas, Antigua, at
Barbados.

Ang ilan naman ay matatagpuan sa Florida Keys na isang kadena ng cays malapit sa
katimugang baybayin ng United States at Florida.
Coral Reef Biome.
Ang coral reefs at cays ng Caribbean Sea ay ilan sa mga pinakakikilang biomes ng
Hilagang Amerika.

Ang ilan sa coral reefs dito ay nakapaligid sa mga isla tulad ng Bahamas, Antigua, at
Barbados.

Ang ilan naman ay matatagpuan sa Florida Keys na isang kadena ng cays malapit sa
katimugang baybayin ng United States at Florida.

You might also like