You are on page 1of 13

TUNGKULIN NG WIKA:

Hambingang Pagtalakay at
Aplikasyon
Prof. Jonathan Vergara
Geronimo
Kung ako ay isang…

• bolpen
• damit
• plastik
• cell phone
• sasakyan
• papel
• tsinelas
• bote
E paano kung ako ay isang…

WIKA?
Bakit kailangang pag-aralan ang mga
tungkulin ng wika?
• Upang matukoy ang mahahalagang gampanin ng
wika sa ating buhay at kung paano na mabisang
magagamit ito sa iba’t ibang angkop na
sitwasyon.
• Upang magkaroon ng sapat na kakayahang
magamit ang wika
• Upang maipagkaiba ang natatanging papel ng tao
na kaiba sa hayop.
• Upang magamit para sa iba’t ibang larangan ng
pakikipag-ugnayan o mabisang komunikasyon.
Ayon kay Halliday
1. Instrumental -- tugunan ang
pangangailangan
2. Regulatori -- pagkontrol ng ugali o asal ng
tao hal. Pagbibigay ng direksyon
3. Interaksyunal -- paraan ng
pakikipagtalakayan ng tao sa kanyang kapwa.
4. Personal -- pala-palagay o kuro-kuro;
talaarawan at jornal
5. Imahinatibo -- malikhaing guni-guni ng isang
tao sa paraang pasulat o pasalita.
6. Heuristiko -- pagkuha p paghahanap ng
impormasyon hal. Pag-iinterbyu,pakikinig sa
radyo
7. Impormatibo -- pagbibigay ng impormasyon
sa paraan pasulat o pasalita hal. Ulat,
pamanahunang tesis, panayam at pagtuturo.
Ayon kay Jakobson (2003)

1. Pagpapahayag ng Damdamin ( Emotive)


-- palutangin ang karakter ng nagsasalita.
2. Paghihikayat (conative)
-- ginagamit ang wika upang mag-utos, manghikayat o
magpakilos
3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)
-- panimula sa isang usapan o pakikipag-ugnayan sa
kapwa.
4. Paggamit bilang Sanggunian (referential)
-- ginagamit ang wikang nagmula sa aklat at iba pang
babasahin bilang sanggunian o batayan ng pinagmulan ng
kaalaman.
5. Pagbibigay ng Kuro-kuro (metalingual)
-- ginagamit ang wika sa pamamagitan ng
pagbibigay ng komentaryo sa isang kodigo o
batas.
6. Patalinghaga (poetic)
-- masining na paraan ng pagpapahayag gaya
ng panulaan,prosa atbp.
Halliday at Jakobson
INTERAKSYUNAL PHATIC

REGULATORI CONATIVE

HEURISTIK REFERENTIAL

PERSONAL EMOTIVE

IMAHINATIBO POETIC

IMPORMATIB METALINNGWAL

INSTRUMENTAL
Hambingang Pagsusuri
• Nagkakatulad ang dalawa sa sitwasyunal na
tungkulin ng wika bilang gamit ng tao sa iba’t
ibang sitwasyon
• Nagkakaiba ang dalawa sa mga sumusunod na
kapansin-pansin na punto:
• Higit na tiyak ang mga punto ng tungkulin na
inilahad Jakobson kaysa kay Halliday
• Higit na ispesipiko ang kay Jakobson samantalang
kay Halliday ay masaklaw at hindi naglilimita.
• Mayroon lamang anim (6) ang nabigyang-diin
ni Jakobson habang si Halliday ay
nakapagpangalan ng pito (7).
• Masusuring nangibabaw sa konsepto ni
Jakobson ang paraan sa paggamit ng wika
kaysa mismong tungkulin nito na nabigyang-
diin ni Halliday.
Pangkatang gawain
• Bawat kasapi ng pangkat ay nagtataglay ng
mga patalastas na nagpapamalas ng iba’t
ibang tungkulin ng wika.
• Susuriin ang mga patalastas at papangkatin
ayon sa tungkulin ng wikang kinabibilangan ng
mga ito sa anyo ng talahanayan.
• Mag-uulat ang dalawang kinatawan ng
pangkat ukol sa resulta ng kanilang pagsusuri
na may ganitong daloy:
Daloy ng Pagtalakay
• Ilan ang bilang ng patalastas na sinuri?
• Anu-ano ang mga naging pokus na tungkulin
ng wika sa mga sinuring patalastas batay sa
punto ni Halliday at Jakobson ?
• Ilan ang tiyak na bilang ng bawat isa?
Magsagawa ng pangraranggo/ranking mula sa
pinakamarami hanggang kaunti.
• Magbigay ng pangkalahatang interpretasyon
at hinuha sa kinalabasan.

You might also like