You are on page 1of 10

KPWKP

Wika noong panahon


ng amerikano
Sila sa Pilipinas noong 1898.
Ang mga taong sabik
magkaroon ng edukasyon ay
pumunta sa mga bagong
bukas na mga paaralan.
Noong 1901, sa pagrekomenda ng General
Superintendent, ipinasa ng Philippine
Commission ang Act no. 74 at inilagay
lahat ng paaralang natatag na sa
pangangasiwa ng Department of Public
Schools at ginawa ang Ingles bilang tanging
wikang panturo. Di natagalan, itong
probisyong ito ay isinama sa Administrative
Code noon 1917 sa ilalim ng Article lV,
Section 22.
Itinakda sa preamble ng Jones Law
noong 1916 ang kalayaan ng Pilipinas
kapag mayroon nang matatag na anyo
ng pamahalaan. Dahil nakikinta nila na
ang literasiya at wikang panlahat ang
nagiging batayan ng isang matatag na
gobyerno, minamabuti ng mga
Pilipinong lider na magampanan ng
Ingles ang hinihinging ito ng batas.
Tiniyak ng mga Pilipinong lider sa Estados
Unidos na mananatiling mahalaga ang Ingles
sa paaralang pampubliko kahit na magkaroon
ng pagbabago ang politikal na estato ng
bansa. Ito ang sagot nila sa mga tanong ng
mga Amerikanong lehislador na nababalisa
tungkol sa papel na gagampanan ng Ingles
kung magkaroon na ng kalayaan ang
Pilipanas.
Pagkatapos magawa ang educational survey
noong 1925, nagkaroon ng alinlangan
tungkol sa bisa ng wikang Ingles kaya pinasa
ng gobyerno ang Concurrent Resolution No.
17-inulit dito ang suportang ibinigay sa mga
paaralang pampubliko para mapadali ang
pagtatag ng isang bayang nagsasariling
namamahala , malaya, at demokratiko, at
nakasalalay sa mga mamamayang nakapag-
aral at napakikinabangan. Sa wari, ang
literasiyang nilalayong matamo ay ang sa
Ingles dahil ang Ingles lamang ang ginagamit
sa mga paaralang pampubliko.
Ang pag-aproba ng Tydings-
McDuffie Law na nagtakakda ng
petsa ng kalayaan ng Pilipinas ay
nagpapatahimik ng pag-alala ng mga
Pilipinong politikal na lider. Dahil
dito, napawi ang kanilang pag-
aalinglangan kung ano ang dapat
maging anyo ng isang matatag na
gobyerno.
Noong itinatag ang Commonwealth
Constitution, walang indikasyon sa
Consitutional Convention na gawin ang Ingles
bilang wikang pambansa. Itinakda ang isang
probisyon para sa pagdebelop ng isang wikang
pambansa batay sa isa sa mga umiral na mga
katutubong wika. Binabanggit ang Ingles,
kaugnay ng paggamit nito, 1937, prinoklama
ang wikang pambansa batay sa Tagalog at
itinuro ito sa mga paaralan mula noong 1940.
Samantala, ang wikang Espanyol ay tuluyang
nanamilay sa pagpasok ng mga bagong opisyal na
wika, ang Ingles at Filipino. Dahil dito’y napadali
ang daloy ng kaisipan at kaunlaran at ang epekto ng
impluwensiyang pangkalinangan ay
nakapagpatighaw sa kalooban ng mga Pilipino upang
kalabanin ang bagong kapangyarihang panahong ito
ang pagpasok ng bagong kultura na di naglao’y
lubusang lumukob sa katauhan ng higit na
nakakaraming Pilipino.

You might also like