You are on page 1of 7

PAG-IINGAT

LABAN SA
MALWARE
ARALIN 8
Ang malware ay tumutukoy sa lahat ng uri ng software na
idinisenyo upang manira ng kompyuter o network. Nai-
install ang malware sa iyong ginagamit na kompyuter ng
hindi mo nalalaman. Maaaring mangyari ito sa oras na ikaw
ay nag-click ng mga mapanlokong link o download. Madalas
na ang mga link na ito ay nagpapanggap bilang mga bagay na
magaganda at kanais-nais. Biglang lumilitaw ang mga link na
ito habang nakakonekta sa Internet.
Sa oras na iyong ma-click ang nasabing link, marami na
itong kayang gawin. Kaya nitong sirain ang kompyuter,
maging ang iyong account, maaari din itong magdala ng
kapahamakan sa iyo at sa iyong pamilya. ikaw ay Sa
sandaling makapasok ang malware sa iyong kompyuter,
maaaring tangkain ng mga kriminal sa cyberspace na i-
access ang mahahalagang mpormasyon ukol sa iyo at sa
iyong pamilya. Magagawa nilang subaybayan ang iyong
mga aktibidad sa kompyuter.
Kabilang sa mga uri ng malware ay
ang virus at worm, spyware,
adware at mga Trojan horse.
1. Mag-install ng anti-virus software.

2.Maging mapaghinala sa mga hindi pamilyar na site. Kung may


pagdududa, iwanan ang site. Maaari ding saliksikin ang software
na hinihingi sa iyo na i-install upang maging ligtas sa anumang
malware.

3. Iwasan ang mga link na may hindi kanais-nais na nilalaman lalo


na iyong mga hindi angkop sa mga batang tulad mo.
4. Suriin ang mga email na matatanggap. Maging maingat sa anumang link
na natatanggap sa email.

5. Maging higit na maingat sa pag-i-install ng softwares sa iyong kompyuter.


Agad na kanselahin ang pag-i-install sa oras na magkaroon ng hinala na ito
ay mapanira.

6. Maging maingat sa disk o flash drive na may infected files. I-scan ang
mga ito gamit ang software security bago buksan ang file.
7. Maging mapanuri sa pop-up windows na humihiling na
magdownload ng software. Madalas na paniniwalain ka ng
mga ito na infected ang iyong kompyuter at hihingin na
magdownload ka ng software upang maging ligtas. Huwag
agad maniwala, sa halip isara agad ang window ngunit
tiyaking hindi nai-klik ang pop-up window.

8. Mag-install ng mabisang anti-virus at anti-spyware


programs sa iyong kompyuter at panatilihin itong updated.

You might also like