You are on page 1of 13

URI NG PANGATNIG

Pangatnig
Bahagi ng pananalitang nag-uugnay
ng salita sa kapwa salita, ng isang
paririla sa kapwa parirala, o ng sugnay
sa kapwa sugnay upang mabuo ang
diwa o kaisipan ng isang pahayag o
usapan.
Dalawang (2) pangkalahatang uri

1. Pangatnig sa magkatimbang na yunit o


pantuwang na ginagamit sa pag-uugnay ng
magkasingkahulugan, magkasinghalaga, o
magkatimbang na bagay o kaisipan.
Dalawang (2) pangkalahatang uri

2. Pangatnig na nag-uugnay ng di magkauri o


magkatimbang na bagay o kaisipan.
Iba’t ibang uri ng
Pangatnig
Pangatnig na Pamukod
 May pamimili, pagtatangi, pag-aalinlangan .
 Karaniwan sa mga ito ang ni, o, at maging.

Halimbawa:
Ni sa hinagap, ni sa panaginip ay hindi niya inakalang
pagpapalain siya nang ganoon ng Panginoon.
Pangatnig na Pandagdag
Nagsasaad ng pagpupuno o pagdaragdag.
Ito ay pangatnig na at, saka, at pati.

Halimbawa:
Pati kalagayan ng bansa ay isinama ko na sa
aking panalangin hindi lang ang aking sarili.
Pangatnig na Paninsay o Panalungat

 Ginagamit upang sumalungat sa una.


 Ilan sa mga ito ay ang datapwa’t, kahit, subalit,
ngunit, bagama’t, at habang.

Halimbawa:
Ang taong mapagpasalamat bagama’t may problema
ay nanatiling masaya.
Pangatnig na Panubali
May pagbabakasakali o pag-aalinlangan ang
pahayag.
Ito ay ang kundi,kung di, kung, kapag, sana, at
sakali.
Ang mga pangatnig na ito ay karaniwang
ginagamit sa unahan ng pahayag.
Pangatnig na Panubali
Halimbawa:
1. Kapag hindi ka nagpatawad ay hindi ka magiging masaya.
2. Sakaling sagutin ng Diyos ang iyong panalangin, ano ang
gagawin mo?
3. Sana ay hindi mo makalimutan ang Diyos kahit sa oras ng
iyong tagumpay.
4. Kundi ka rin lang susunod sa akin ay huwag ka ng mag-
abala pa.
Pangatnig na Pananhi
 Ginagamit upang magbigay ng dahilan, kung
nangangatwiran, kung tumutugon sa tanong na bakit gaya ng
sapagkat, pagkat, kasi, palibhasa at dahil.

Halimbawa:
1. Palibhasa’y laking simbahan kaya’t lumaking magalang
ang batang iyan.
2. Dahil sa kaniyang panalangin ay gumaling ang aking sakit.
Pangatnig na Panlinaw
 Ginagamit upang linawin o magbigay-linaw gaya ng anupa, kaya,
samakatwid, sa madaling salita, at kung gayon,

Halimbawa:
1. Laganap na laganap ngayon ang salita ng Diyos kaya maraming tao
ang nagsisisi sa kanilang kasalanan.
2. Samakatwid, sa naranasan ng Panginoon ay napatunayang hindi
lamang sa tinapay mabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang mula
sa Diyos.
1. Maging
2. Saka
3. Subalit
4. Kung
5. Palibhasa
6. Sa madaling salita
7. Kung gayon
8. Sana
9. Habang
10. o

You might also like