You are on page 1of 17

Tula

Elemento ng Tula
Layunin/ Kompetensi

Nasusuri ang iba’t ibang


elemento ng tula (F10PB-
IIc-d-72)
Pagbabalik- Aral

This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-NC


Awit Kay Inay mula sa awit ni Carol Banawa
Lantad-Damdamin

Ilahad ang mga damdamin na naghahari sa nasabing


awitin.

Damdamin
Lantad-Damdamin

1.Tungkol saan ang awit na napakinggan?

2. Makatotohanan ba o hindi ang nilalaman ng awit?


Lantad-Damdamin

3. Ano ang nabuo sa iyong imahinasyon


matapos mong mapakinggan ang
nasabing awit?
Ang Tula at Mga Elemento

Ang tula ay anyo ng panitikan na binubuo ng saknong o


taludtod. Bawat saknong naman ay binubuo ng mga
taludtod o linya at ang bawat taludtod ay nahahati sa mga
pantig.
Ang Tula at Mga Elemento

Ang mga pantig ng taludtod o mga salita o paraan ng


pagbuo ng pahayag ay piling-pili, may mga tayutay o
mayaman sa matatalinhagang pananalita, at simbolismo,
at masining bukod sa pagiging madamdamin at
maiindayog kung bibigkasin
Ang Tula at Mga Elemento

kung bibigkasin kaya’t maaari itong lapatan ng himig. Ito


ay nagtataglay ng mahahalagang element o sangkap upang
higit na maging masining ang paglalahad.
Ang Tula at Mga Elemento

1.Tugma- ang pare-pareho o halos


magkakasintunog na dulumpantig ng bawat taludtod
ng tula. Ang mga dulumpantig na ito ay maaaring
nagtatapos sa patinig o katinig.
Ang Tula at Mga Elemento

2. Sukat- Ito’y isa pang mahalagang elemento


ng tula. Ito ang bilang ng pantig sa bawat
taludtod ng saknong.
Ang Tula at Mga Elemento

3. Saknong- Ang pagpapangkat ng mga taludtod o


linya ng tula. Nakapagdaragdag ito sa ganda at
balanse ng tula.
Ang Tula at Mga Elemento

4. Larawang-diwa (Imagery)- Ito ay mga salitang


binabanggit sa tulang nag-iiwan ng malinaw at tiyak na
larawan sa isipan ng mambabasa.
Ang Tula at Mga Elemento

5. Simbolismo- Ito ang mga simbolo o mga bagay na


ginamit sa tulang may kinakatawang mensahe kahulugan
at nagpapalalim sa diwa o esensiyang taglay ng tula.
Ang Tula at Mga Elemento

6. Kariktan- Ayon kay Julian Cruz Balmaceda, maaaring


bigkasin ang isang hanay-hanay ng mga talatang tugma-
tugma ang mga dulo at sukat-sukat ang ang bilang ng
pantig ngunit di pa rin matatawag na tula kung di
nagtataglay ng kariktan. Nagpapatingkad at pumupukaw sa
mayamang imahinasyon.
Maraming salamat sa inyong
pakikinig….

-Gng. Delfin

You might also like