You are on page 1of 20

HEALTH 5

Q1 – Week 1
Paglalarawan ng
Kalusugang
Pansarili
Ang kalusugan ng isang tao ay
hindi lamang sa pisikal na anyo
makikita.

• Kalusugan sa pag-iisip
• Kalusugang emosyonal
• Kalusugang sosyal
Ang kalusugang pangkaisipan
(mental health) ay ang ating
abilidad na makapagsaya sa ating
buhay at malampasan ang mga
pasanin ng pang-araw-araw na
pamumuhay.
Ang Emosyonal na kalusugan ay
maaaring humantong sa
tagumpay sa trabaho, relasyon at
kalusugan. Ito ay nagbibigay ng
kagaanan ng kalooban at
katiwasayan sa pakiramdam na
nakatutulong sa positibong
pananaw.
Ang mga kakayahan ng taong malusog ang emosyon
ay ang mga sumusunod:
 Maging masaya o magkaroon ng dahilan
pasayahin ang sarili
 Kakayahan na mapanatili ang
magandang relasyon ng mga taong
nakakasama
 Pagkakaroon ng mataas na
pagpapahalaga sa sarili
Ang mga kakayahan ng taong malusog ang emosyon
ay ang mga sumusunod:
 Pagkakaroon ng tiwala sa sarili
 Katatagan ng kalooban sa bawat
suliraning kinakaharap
 Kakayahang tanggapin ang puna ng
ibang tao
 Pagkakaroon ng positibong pananaw sa
buhay
Ang mga kakayahan ng taong malusog ang emosyon
ay ang mga sumusunod:
 Walang tinatagong lihim o walang
pagkukunwari
 Kakayahang tanggapin ang mga
limitasyon sa lahat ng pagkakataon
 Kakayahang tanggapin ang mga sitwasyon
o pangyayari sa buhay sa positibong
pamamaraan
Kalusugang Sosyal
ito ay kakayahang makihalubilo
at makisama sa iba’t ibang uri at
ugali ng tao, kung paano
makisalamuha ang mga tao sa
iyo at kung paano ka makipag-
ugnayan sa iyong lipunang
kinabibilangan.
Katangian ng mga taong may kalusugang sosyal:

 Palakaibigan
 Bukas sa pakikipagkomunikasyon
 Marunong makisalamuha sa iba’t
ibang uri ng tao
 Nauunawaan ang nararamdaman ng
kapwa tao
Katangian ng mga taong may kalusugang sosyal:

 Nailalagay ang sarili sa sitwasyon ng iba


 Kayang harapin at lutasin ang mga
suliranin on tensiyon
 May tiwala sa mga taong nakapaligid sa
kanya
Katangian ng mga taong may kalusugang sosyal:

 May paggalang sa
nararamdaman ng kapwa
 Marunong makinig at
umunawa sa saloobin at
hinaing ng kapwa
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tingnan at suriing mabuti ang mga
larawan. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang tanong at
tamang sagot lamang sa notebook.

1. Ano ang ipinakikita ng Larawan


A?
Larawan A A. Ang mga bata ay naglalakad. B.
Ang mga bata ay naglalaro.
C. Ang mga bata ay masaya.
D. Ang mga bata ay nag-aaral.
Larawan B
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tingnan at suriing mabuti ang mga
larawan. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang tanong at
tamang sagot lamang sa notebook.
2. Ano naman ang ipinakikita ng
Larawan B?
A. Ang bata ay nahihirapan.
Larawan A B. Ang bata ay malungkot at umiiyak.
C. Ang bata ay umiiyak at
naglalakad.
D. Ang bata ay naglalakad.
Larawan B
3. Bakit kaya sa palagay mo ay masaya ang mga bata sa
unang larawan?
A. Ang mga bata ay masaya dahil sila ay walang problema
at may malusog na pangangatawan.
B. Ang mga bata ay masaya dahil may bagong bag.
C. Ang mga bata ay masaya dahil sila ay may bagong
sapatos.
D. Ang mga bata ay masaya dahil sila ay maraming baon.
4. Sa iyong palagay, bakit kaya malungkot ang bata sa
ikalawang larawan?
A. Malungkot at umiiyak ang bata dahil masakit ang
kanyang ngipin.
B. Malungkot at umiiyak ang bata dahil marami siyang
iniisip na problema.
C. Malungkot at umiiyak ang bata dahil walang takdang
gawain sa paaralan.
D. Malungkot at umiiyak ang bata dahil mabigat ang
kanyang bag.
5. Ano kaya ang dapat gawin ng bata sa Larawan B upang
siya ay maging masaya?
A. Dapat na maging matatag at may positibong pag-iisip
upang malagpasan ang problema.
B. Dapat ay magaan lamang ang laman ng kanyang bag.
C. Dapat na siya ay maglaro na lamang araw-araw
D. Dapat na bumili siya ng bagong laruan upang sumaya.
Ano ang maaaring mangyayari kung ang
mental, emosyonal at sosyal na aspeto ng
buhay ng isang tao ay hindi malusog?
Pagtataya
Panuto: Isulat ang Tama kapag ang pariralang
nakasaad ay nagpapahiwatig ng malusog na aspeto
ng buhay ng tao at MALI kapag hindi.
___1. paggawa ng tamang desisyon
___2. madaling magalit
___3. tanggapin ang pagkakamali
___4. may tiwala sa Diyos
___5. mahilig maglasing

You might also like