You are on page 1of 66

Banghay-Aralin sa Health V

Unang Markahan
Aralin 1

I. Layunin:

 Nailalarawan ang kalagayan ng isang taong may malusog na


kaisipan, damdamin at wastong pakikitungo sa kapwa.

 Naipapakita ang mga gawain ng isang taong may malusog na


kaisipan, damdamin at wastong pakikitungo sa kapwa.

II. Paksang Aralin

Kalagayan ng Isang Taong May Malusog na Kaisipan, Damdamin at Wastong


Pakikitungo sa Kapwa.

A. Konsepto:
Ang pagiging malusog ay hindi lamang nasusukat sa ganda at
tindig ng kanyang pangangatawan. Ito ay nasusukat o nakikita din sa
pagkakaroon ng matinong kaisipan at kakayahan kung paano mamuhay
sa tamang pamamaraan, may kontrol sa kanyang emosyon at may
kakayahang makisalamuha o makitungo sa kaniyang pamilya, mga
kaibigan at kapwa.

B. Kagamitan:
Larawan ng isang masayang pamilya, kartolina (strip) at
MS Powerpoint.

C. Sanggunian:
H5 PH-Ia-b-10
Our World of MAPEH Vl d. 225-229
Ma. Lourdes B. Aguinaldo

D. Pagpapahalaga
Pagpapahalaga sa Sarili

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Pagsusuri ng kalinisan sa katawan (kuko)
2. Balitaan (Health News Report)
3. Pagsasanay

Isaayos ang mga gulo-gulong titik upang makabuo ng panibagong salita.

samuglo (malusog)
sikanapi (kaisipan)
nadmiadm (damdamin)
akwpa (kapwa)

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak

Masaya ba ang inyong pamilya? Ilarawan ang iyong sariling pamilya.

2. Paglalahad

a. Paghahawan ng balakid (picture clues)

Pagtatanong:

Alin sa dalawang larawan ang nagpapakita ng taong may


malusog na kaisipan?

Alin naman sa dalawang larawan ang nagpapakita ng


taong may malusog na damdamin?

 Malusog na Kaisipan- nagsasaad kung paano ang isang


tao mag-isip, makiramdam at magampanan ang mga
pagsubok sa buhay.

 Malusog na Damdamin- ang kakayahan na tanggapin ang


sarili at ibang tao kung paano ikontrol ang nararamdaman
tulad ng galit, inis, lungkot, saya at kayang harapin ano
mang pagsubok sa buhay.

b. Pagpapakita ng larawan ng isang masayang pamilya.


Pagtatanong:

Ano ang masasabi mo sa larawan?


Bakit sa palagay ninyo masaya ang pamilya sa larawan?

3. Pangkatang Gawain

Mga Pamantayan sa Pangkatang Gawain


- Sumunod sa lider nang buong husay
- Siguraduhing tahimik sa paggawa ang grupo
- Sama-sama at tulong-tulong sa paggawa ang
pangkat/grupo (teamwork)
- Panatilihing malinis ang lugar na pinaggawaan

Pagbibigay ng activity card sa bawat lider ng pangkat.

Pagsasagawa ng bawat pangkat/grupo

o Unang Pangkat
Gawin: Batay sa larawan sumulat ng isang maikling tula
na ang nilalaman ay tungkol sa wastong pakikitungo sa
kapwa.
- Activity 1 – Tula “Wastong Pakikitungo sa Kapwa

o Ikalawang Pangkat
Gawin: Gumawa ng isang awit na ang inilalarawan ay
tungkol sa malusog na kaisipan base sa larawan.
Activity 2 – Awit/Jingle Rap “Malusog na Kaisipan”
o Ikatlong Pangkat
Activity 3 Batay sa larawan bumuo ng isang
akrostik sa salitang
“DAMDAMIN”.

4. Pagtalakay

a. Pag-uulat ng bawat pangkat


b. Pagsusuri

- Paano mo makikilala ang isang taong may malusog na


damdamin, kaisipan at may wastong pakikitungo sa
kapwa?

- Sa inyong pangkat gawain, anong wastong pakikitungo sa


kapwa ang ipinakita ng bawat grupo?

- Bilang isang bata, paano mo mailalarawan ang isang taong


may malusog na kaisipan at damdamin?

5. Paglalahat

Paano mo masasabi na ang isang tao ay malusog sa


isipan,damdamin at may wastong pakikitungo sa kapwa?
6. Paglalapat

Pagpapahalaga:
Isang sitwasyon

Dahil sa hindi inaasahang pangyayari, kinakailangang ilipat


si Ronnie ng kanyang mga magulang sa isang pampublikong
paaralan dahil hindi na nila kayang papag-aralin ang limang anak
sa isang pribadong paaralan. Ano ang mararamdaman mo sa
katayuan ni Ronnie? Ano ang gagawin mo? Sa kabilang
pangyayari,paano mo maipapaliwanag ang:
Isipan ___________
Damdamin __________
Pakikitungo sa Kapwa __________
7. Pagtataya

Gumawa ng sariling resipe para sa isang malusog na kaisipan,


damdamin at wastong pakikitungo sa kapwa na nababatay sa
pangangailangan ng pamilya upang maging masaya na pwede mong
ihain sa mga miyembro ng iyong pamilya.

Halimbawa:

Resipe para sa Kaligayahan


1 tasang pagmamahal
1 kutsarang pasensya
1 kilong pagtitiwala
Pagsasamahin at dadagdagan ng tuwa at ngiti, at ihain sa
inyong mga minamahal sa buhay.

IV. Takdang Aralin

1. Remediation

Ilarawan ang isang taong may:

Malusog na Kaisipan Malusog na Damdamin Wastong Pakikitungo sa Kapwa

2. Reinforcement

Gumupit ng isang larawan na nagpapakita ng isang malusog na kaisipan,


damdamin at wastong pakikitungo sa kapwa at ipaliwanag ito.

3. Enrichment/Enhancement

Sumulat ng isang maikling talata tungkol sa iyong karanasan sa wastong


pakikitungo sa kapwa/kaibigan at basahin ito sa harap ng iyong kaklase.
Banghay-Aralin sa Health-V
Unang Markahan
Aralin 2

I. Layunin

 Nakakapagbigay ng mga pamamaraan upang mapaunlad ang


malusog na kaisipan at pakikitungo sa kapwa
 Naipapakita mga pamamaraan upang mapaunlad ang malusog na
kaisipan at pakikitungo sa kapwa
II. Paksang Aralin

“Mga Katangian ng Isang Taong may Mabuting Kaisipan at Pakikitungo sa


Kapwa”

A. Konsepto:

Masasabing yaman ng pamilya at ng lipunan ang mga taong may


malusog na kaisipan at damdamin. Makalalahok sila sa produktibong
gawain ng pamilya at pamayanan at di-magiging pasanin. Dahil dito
mahalagang itaguyod ang malusog na kaisipan at damdamin ng tao.
May mga dapat isagawa upang magkaroon ng malusog na
kaisipan at damdamin tulad ng sumusunod:
1. Magkaroon ng maayos na saloobin sa kapwa.
2. Sikaping mapakibagayan ang mga nangyayari sa kapaligiran.
3. Magkaroon ng positibong pananaw sa buhay.
4. Pamalagiing maayos ang kalusugan sa pamamagitan ng pag-
eehersisyo.
5. Sumapi sa mga organisasyon o clubs.
6. Magkaroon ng mga kapakipakinabang na mapaglilibangan.
7. Sumangguni sa mga kakayahan kung may suliraning hindi
kayang lutasin.
8. Magkaroon ng matibay na pananalig sa Maykapal.

B. Kagamitan:
Tsart, Kartolina strip, Larawan

C. Sanggunian:
H5 PH-Id-12
Our World of MAPEH Vl d. 224-229
Ma. Lourdes B. Aguinaldo

PEHM III
Nancy D. Flores

D. Pagpapahalaga
Positibong Pananaw

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Pagsusuri ng kalinisan sa katawan (tainga)
2. Balitaan (Health News Report)
3. Pagsasanay

Pinoy Henyo
• Clue • Mga Salita
> Pagmamahal >Damdamin
>Masaya >Emosyon
>Masigla >Kalusugan
>Nakakapagdesisyon ng tama >Kaisipan

4. Balik-aral

Batay sa ating napag aralan paano mo masasabi na ang isang tao ay


may malusog na kaisipan, damdamin at wastong pakikitungo?

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak

Sino sa inyo ang may maraming kaibigan?


Ano ang nagustuhan mo sa iyong kaibigan?
Ikaw? Ano naman ang nagustuhan sa iyo ng iyong kaibigan?

2. Paglalahad

a. Ano ang masasabi ninyo sa larawan? (Picture Presentation)


b. Pagtatanong
Batay sa mga larawan, sa palagay ninyo ano ang ating pag-
aaralan ngayon?

3. Pangkatang Gawain

a. Mga Pamantayan sa Pangkatang Gawain


-Respetuhin ang ideya ng bawat miyembro ng pangkat
-Intindihin mabuti ang nakaatang na gawain
b. Pagbibigay ng activity card sa bawat lider ng pangkat
c. Pagsasagawa ng bawat pangkat

Activity 1 – “Ang Kaarawan ni Nina”

 Unang Pangkat (Pagsasadula)

Sitwasyon: “Ang Kaarawan ni Ana”

- Ang tatay ni Ana ay nangako na bibili siya ng


bagong cellphone sa kaarawan niya,.Sa di
inaasahang pangyayari, nagkasakit ang kapatid ni
Ana at naipagbili ng gamot ang pera na gagamitin
sana na pambili ng cellphone Labis na nalungkot
si Ana at nagtampo sa kanyang tatay.
Ano ang mararamdaman ni Ana? Ano ang
dapat gawin niya?Anong katangian ang ipinakita
ni Ana? Dapat ba siyang tularan?

Activity 2 – “Matalik na Kaibigan”

 Ikalawang Pangkat
Gawin:
Itala ang katangian ng iyong matalik na may malusog
na kaisipan at malusog na damdamin,

Malusog na Kaisipan Malusog na Damdamin


Activity 3 – “Ang Batang Mahilig Maglaro”

 Ikatlong Pangkat

Sitwasyon:

- Isinasama ka ng nanay mo na mamalengke


pero nawiwili ka sa pakikipaglaro sa iyong mga
kaibigan. Ano ang gagawin mo? Paano mo ito
sasabihin sa nanay mo?Anong katangian ang
ipinakita mo na dapat tularan ng ibang bata?
- Ano sa palagay ang tamang desisyon na dapat
gawin mo?

Sasama ako dahil… Di ako sasama dahil


_______________ _________________

4. Pagtalakay

a. Pag-uulat ng bawat pangkat

b. Pagsusuri

 Sa unang pangkat, ano ang ipinakitang sitwasyon? Ano


kaya ang mararamdaman mo kung ikaw ang nasa
kalagayan niya na hindi natupad ang pangako ng kanyang
tatay na bibilhan siya ng cellphone sa kanyang kaarawan?
Magagalit ka ba? Ano ang gagawin mo?

 Sa ikalawang pangkat, sa mga katangian na inyong na


itala anong meron ka at wala? Saan ka mahina? Anong
gagawin mo?

 Sa ikatlong pangkat, kung ikaw ang nasa sitwasyon na


isinasama ka ng iyong ina na mamalengke pero nawiwili ka
sa ibang gawain; Ano ang gagawin mo?

5. Paglalahat

Paano masisiguro na ang isang tao ay may malusog na kaisipan


at damdamin?

6. Paglalapat

Pagpapahalaga

Isang Sitwasyon:

Tatlong buwan ng naputulan ng kuryente sila Aling


Natasya ngunit hindi ito naging hadlang sa pag-aaral ng
kanyang dalawang anak kahit gasera lang ang ginagamit sa pag-
aaral. Naniniwala sila na ito lamang ay isang pagsubok sa buhay
na kaya nilang malagpasan. Anong katangian ang ipinapakita ng
dalawang anak ni Aling Natasya? Dapat ba silang tularan? Bakit?

7. Pagtataya
Lagyan ng tsek ( ) sa unang kolumn kung ito ay nagpapakita ng
katangian ng isang may malusog na kaisipan, damdamin at mabuting
pakikitungo sa kapwa at ekis (X) sa ikalawang kolumn kung hindi.

Mga Saloobin ng Kaisipan at Damdamin


1. Madaling magalit sa kaibigan.
2. Sumasali sa mga gawaing pampaaralan.
3. Humihingi ng tawad sa magulang o kaibigan kapag may nagawang
mali.
4. Umuupo lang kapag nagpapangkatang-gawain ang mga kaklase.
5. Gumagawa ng mga tamang bagay kahit hindi pinagsasabihan

IV. Takdang Aralin

1. Remediation
Ano-ano ang mga katangian na mayroon ka na dapat tularan?

2. Reinforcement
Magtala ng ilang katangian ng iyong pamilya.

Malusog na Malusog na
Kaisipan
Katangian Damdamin

3. Enrichment/Enhancement

Sumulat ng isang maikling talata tungkol sa kahalagahan ng malusog na


kaisipan at damdamin.
Banghay-Aralin sa Health -V
Unang Markahan
Aralin3

I. Layunin

 Natatalakay ang mga palatandaan ng maganda at di-magandang


pakikipag-relasyon sa kapwa.
 Naipapakita ang mga gawaing maganda at di magandang pakikipag
relasyon sa kapwa,

II. Paksang Aralin

“Mga Palatandaan ng Maganda at Di-Maganda na Pakikipagrelasyon sa


Kapwa”

A. Konsepto:
Mga Benepisyo ng Isang Malusog o Magandang Relasyon

Ang malusog na relasyon ay mahalaga upang makamit ang pansariling


kalusugan.
1. Pagkakapantay–Sa isang relasyon ang pagbibigayan at
pagtanggap ng kakulangan sa bawat isa ay kinakailangang bukas
at malaya sa bawat indibidwal.

2. Indibidwal na Proteksyon- Sa loob ng relasyon ang paggalang ang


hangganan ng bawat isa at ipinapakita ang respeto at
pagpapanatili ng kanya-kanyang proteksyon.

3. Suporta ng Pagkakakilanlan- Ang pagkakakilanlan ng kahinaan at


kalakasan ng bawat isa ay nagdudulot ng agarang pagtugon at
pagsuporta sa karelasyon.

4. Komunikasyon- Ang bukas at pagkakaroon ng komunikasyon sa


isang relasyon ay bibibigyang importansya. Ang pagbabahagi ng
takot, opinyon at pangarap ay binibigyang kahalagahan upang
maunawaan ang bawat panig.

Senyales ng Di-Magandang Relasyon


1. Undue Control- Sa isang relasyon, ang isang ay gumagawa ng
desisyon at ang isa ay tumatanggap at sinusunod lang ang
desisyon.
2. Hindi Matapat- Ang isa ay patuloy na hindi nagsasabi ng
katotohanan at ang isa ay gumagawa ng paraan na pagtakpan
ang kasinungalingan.

3. Karahasan- Ang isa ay gumagamit ng lakas sa kanyang


karelasyon.

4. Di Paggalang- Tinatrato na mas mababa ang karelasyon sa


pamamagitan ng hindi pag respeto sa desisyon at hindi
pagpapakita ng pagka-interesado sa kanya.

5. Labis na Pag-asa- Ang isang indibidwal ay nagpapakita ng


kahinaang mabuhay kung mawawala ang isa. Ang pagbabanta
na

may gagawing masama sa sarili ay karaniwang ginagawa upang


hindi matapos ang isang relasyon.

B. Sanggunian:
H5 PH-Id-12
Our World of MAPEH Vl d. 288-303
Veronica E. Ramirez, Ph.D
C. Kagamitan:
Mga larawan (MS PowerPoint), bolang maliit

D. Pagpapahalaga
Tiwala sa Sarili / Positibong Pananaw sa Buhay

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Pagsusuri sa kalinisan sa katawan. (uniporme)
2. Balitaan (Health News Report)
3. Pagsasanay

Magpapasa-pasa ang mag-aaral ng bola habang umaawit. At sa


hudyat ng guro ay ang pagtigil ng awit at kung sinong bata ang may
hawak ng bola nung tumigil yung awit ay siya yung magbibigay ng
mga sagot sa mga tanong na nakalagay sa loob ng maliit na kahon o
bote.

Halimbawa ng mga tanong:


Magbigay ng pangalan ng mga mahal sa buhay.
Ano ang naidudulot ng pagiging mabait na bata?
Dapat bang magtanim ng galit? Bakit?

4. Balik-Aral

Magbigay ng mga halimbawang paraan upang mapanatiling malusog


ang damdamin at kaisipan ng isang tao.

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak
Masaya ba ang iyong pamilya? Paano mo masasabi na ang isang
pamilya ay may magandang relasyon?

2. Paglalahad

Pagpapakita ng mga larawan sa MS PowerPoint.




 Paghahambing sa mga larawan


 Pagtatanong

a. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng magandang relasyon


sa kapwa?
b. Alin ang nagpapakita ng di-magandang relasyon?

C. Pangkatang Gawain

a. Mga Pamantayan sa Pangkatang Gawain


b. Pagbibigay ng activity card sa bawat lider.
c. Pagsasagawa ng bawat pangkat.

o Unang Pangkat - Pagsasadula


Gawin: Magbigay ng mga salitang naglalarawan (pang-uri)
at salitang nagpapakita ng kilos (pandiwa) at ipakitang kilos
ang mga ito na may magandang relasyon.
o Ikalawang Pangkat
Gawin: Base sa larawan magpakitang kilos(skit) ng isang
pamilya na nagpapakita ng di-magandang
pagkakaunawaan.

o Ikatlong Pangkat
Gawin: Punan ang mga pangungusap upang makabuo ng
maikling talata.

Bilang miyembro ng pamilya, makakatulong ako sa


pagbuo ng magandang relasyon kung ako ay
Ako ay
kapag ito ay aking ginawa.

3. Pagtalakay

a. Pag-uulat ng bawat pangkat


b. Pagsusuri
- Bakit niyo nasabi na may magandang relasyon ang
ipinakita ng pangkat isa?

- Ano naman ang masasabi niyo sa pangalawang pangkat?


Bakit niyo nasabi na di-magandang relasyon ang ipinakita
ng pangkat dalawa?

4. Paglalahat

Ano ang mga katangian ng malusog na pakikipag-relasyon sa kapwa?


Ano ang mga senyales ng di-magandang pakikipag-relasyon?

5. Paglalapat / Pagpapahalaga

Ilagay ang strip (cartolina) sa tapat ng bituin ( ) ang katangian


na nagpapakita ng magandang relasyon at sa buwan ( ) naman ang
mga katangian na di-nagpapakita ng magandang relasyon.
 Malaya sa bawat isa
 May tiwala sa sarili
 May kahinaan ang loob
 May respeto sa isa’t isa
 Nagbabanta sa isa’t-isa

6. Pagtataya
Isulat ang letrang M kung ito palatandaan ng magandang
pakikipag-relasyon at DM ang di-magandang pakikipag-relasyon.
M 1. Humingi ng paumanhin kapag may nasaktan na hindi
Sinasadya.

M 2. Nagsisikap na mapaunlad ang pakikisama sa miyembro


pamilya.

M 3. Naniniwala na ang pagtitiwala sa sariling kakayahan na


makakatulong sa magandang pakikipag relasyon sa
miyembro
ng pamilya.

DM 4. Hindi pagbibigay ng respeto sa isa’t isa.

DM 5. May sariling desisyon.

IV. Takdang Aralin

1. Remediation
G
umupit ng larawan na nagpapakita ng magandang relasyon sa miyembro
ng pamilya at idikit sa album.

2. Reinforcement
Sa anong paraan maipapakita ang magandang relasyon?
a. Sa tahanan

b. Sa paaralan

c. Sa komunidad

3. Enrichment/Enhancement

Sumulat ng isang tula na ang nilalaman ay tungkol sa magandang


relasyon ng mga mag-aaral at ang kanilang guro.
Banghay Aralin sa Health V
Unang Markahan
Aralin 4

I. Layunin
 Naipapaliwanag kung papaano mapauunlad ng mabuting pakikipag-ugnayan
ang kalusugan
 Naipakikitang kilos ang mabuting pakikipag-ugnayan sa pagpapaunlad ng
kalusugan

II. Paksang Aralin: Kahalagahan ng Mabuting Pakikipag-ugnayan sa Kalusugan


a. Konsepto: Ang kalusugan ay nagpapaunlad ng mabuting pakikipag-
ugnayan sa pamamagitan ng pagtitiwala sa sarili, paggalang,
pagkamatapat, pagmamahal at iba pa.
b. Sanggunian: C.G. H5PH-Ie-13 p. 31

c. Kagamitan: tsart, mga plaskard, graphic organizer: bubble map, mga


puso

d. Pagpapahalaga: Pagpapaunlad ng mabuting pakikipag-ugnayan

III. Pamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagsusuri sa Kalinisan/BalitaanHealth News)
2. Pagsasanay:
Sabihin kung ang salita (nakasulat sa plaskard) ay tumutukoy sa
mabuting pakikipag-ugnayan o di-mabuting pakikipag-ugnayan

Pagtitiwala Karahasan Pagpuna pakamatapat

Paggalang Pagmamalabis Pagmamahal

3. Balik-Aral:
Ano-ano ang mga tanda ng mabuting pakikipag-ugnayan? Ng di-
mabuting pakikipag-ugnayan?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Sinu-sino sa inyo ang maraming kaibigan?
Sa iyong palagay, ikaw ba at ang iyong mga kaibigan ay malulusog?
Nakatutulong ba ang mga kaibigan para ang kalusugan natin ay
mapaunlad?
Paano sila nakatulong sa inyo?
2. Paglalahad
Ang ating kalusugan ay maaari pang mapaunlad
Paano mapapaunlad ng mabuting pakikipag-ugnayan ang ating
kalusugan?
Basahin natin ang talata –

“Mabuting Pakikipag-ugnayan, Nagpapaunlad ng Kalusugan”

Alam nating lahat na kung marami kang kaibigan,mabuti an


gating pakiramdam.Ang pagkakaroon ng mabuting pakikipag-ugnayan
ay nakatutulongupang mapanatili natin an gating magandang
pangangatawan at kalusugan. Mas nagiging mabilis ang paggaling
natin sa karamdaman kung marami tayong kaibigan. Ang kanilang
pagtapik sa ating balikat o likod ay nakapagpababa ng pagka-stress.
Dahil ditto, humahaba an gating buhay at naiiwasan din ang
pagkakaroon ng suliranin sa pangkaisipang kalusugan. Ang
pagpapadama ng malasakit sa ating kaibigan ay mahalaga. Ito ay
magagawa natin sa mga simpleng paraan tulad ng pagbibigay ng
birthday card, pagpapahiram ng kagamitan, pagbili ng pagkain para
sa kanya o ang pagyakap sa kanya.
Kung mayroon kang mabuting pakikipag-ugnayan, ang
iyong kalusugan ay uunlad.

Pangkatang Gawain
Pangkat I: Paggamit ng Bubble Map
Isulat sa loob ng mga lobo kung paano mapapaunlad ng
mabuting pakikipag-ugnayan ang inyong kalusugan kalusugan.

Paano mapapaunlad ng
kalusugan ang mabuting
pakikipag-ugnayan

Pangkat II- Basahin ang sitwasyon at isulat sa loob ng mga puso ang
inyong mga sagot:
Madalas kayong nagkikita at nagkukuwentuhan ng inyong mga
kaibigan ng mga problema. Nagbibigayan din kayo ng payo sa isa’t isa.
Ano ang epekto nito sa inyong kalusugan?
.

Pangkat III- Pagpapakitang Kilos (Dramatization)

Ipakitang kilos kung paano napapaunlad ng mabuting


pakikipag-ugnayan ang kalusugan ang sitwasyong ito:

May tampuhan sina Abby at Bessie dahil pinuna ni


Abby na hindi bagay kay Bessie ang suot niyang
damit.Paano mo matutulungan ang mga kaibigan mo na
mapabuti ang kanilang ugnayan nang sa gayon umunlad
ang kanilang kalusugan?

3.Pagtalakay

a. Pag-uulat ng bawat pangkat


b. Anu-anong mga gawain natin ang nagpapakita ng mabuting
pakikipag-ugnayan?
Bakit kailangan nating magkaroon ng mabuting pakikipag-ugnayan
sa ating kapwa?
Ano ang epekto ng mabuting pakikipag-ugnayan sa ating
kalusugan?
4.Paglalahat
Ipaliwanag, Paano mapapaunlad ng mabuting pakikipag-ugnayan ang
ating
kalusugan?

5.Paglalapat

Paano pauunlarin ng mabuting pakikipag-ugnayan ang mga ss. Na


sitwasyon?
1. Isang linggong hindi nakakapasok sa paaralan ang kaklase mo
dahil sa siya ay maysakit
2. Kaarawan ng kaibigan mo
3. Walang baon na pagkain ang katabi mo sa upuan
6.Pagtataya

Sagutin ng OO o Hindi kung ang mga sumusunod na gawain ay


nagpapaunlad ng kalusugan

____1. Pagbibigay ng birthday card sa kaibigan.

____2. Pagpuna sa sinasabi ng kaklase.


____3. Pagdalaw sa kaibigang may sakit.

____4. Pagsi-share ng baong pagkain sa katabi sa upuan.


____5. Paggiit ng nais na mangyari sa pangkat.
IV. Takdang Aralin:
Remediation: Ano- ano ang mga gawain na nagpapaunlad ng ating

kalusugan?

Reinforcement: Gumupit ng mga larawan na nagsasaad ng mga gawain na


Nagpapaunlad ng kalusugan.

Enhancement: Magsaliksik, paano pamamahalaan ang di-mabuting


pakikipag- ugnayan.
Banghay Aralin sa Health V
Unang Markahan
Aralin 5

I. Layunin
 Natatalakay ang mga paraan ng pangangasiwa sa di-mabuting
Pakikipag-ugnayan
 Napangangasiwaan ang mga karanasan na di-mabuting pakikipag-
Ugnayan
II. Paksang Aralin: Pangangasiwa sa Di-Mabuting Pakikipag-ugnayan

a. Konsepto: Ang di-mabuting pakikipag-ugnayan ay mapangangasiwaan sa


pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:
1. Alamin ang dahilan ng pagkakaroon ng di-mabuting pakikipag-
ugnayan
2. Tanggapin ang responsibilidad
3. Pagtuunan kung ano ang suliranin
4. Alamin ang mga tanda o babala ng di-mabuting pakikipag-ugnayan

b. Sanggunian: C.G. h5PH-If-14 p. 31

Mga Kagamitan: Babasahin tungkol sa pangangasiwa o pamamahala sa


di-mabuting pakikipag-ugnayan

c. Pagpapahalaga: Mabuting pakikisama sa kapwa


III. Pamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagsusuri sa kalinisan/ Balitaan (Health News)
2. Pagsasanay
Magbigay ng mga halimbawa ng mga tanda ng mabuting pakikipag-
ugnayan

3. Balik-Aral
Paano napapabuti ng mabuting pakikipag-ugnayan ang ating
kalusugan?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Naranasan mo na ba na ikaw ay magalit at mapagalitan?
Ano ang ginawa mo sa pagkakataong iyon?
Sa palagay mo ang pangyayari bang ito ay magdudulot
ngmabuting pakikipag-ugnayan? Bakit oo? Bakit hindi?
Anong uri ng pakikipag-ugnayan ang dulot nito?
2. Paglalahad

Minsan, nararanasan din natin ang di-mabuting pakikipag-ugnayan.


Paano mo pamamahalaan o pangangasiwaan ang di-mabuting
pakikipag-ugnayan?

Basahin ang maikling kuwentong ito:

ANG MAGKAPATID
Dalawa lamang magkapatid sina Leny at Eya.Si Leny ang
matanda at bunso naman si Eya. Madalas silang hindi magkasundo
sa maraming bagay. Isang araw, pinagtalunan nila kung sino ang
dapat maglinis ng kanilang silid-tulugan, Si Leny talaga ang dapat
maglinis dahil nakaatas sa kanya ang paglilinis sa araw na iyon,
subalit ayaw niya itong gawin, kaya nag-away sila.Madalas
nangyayari sa kanila ang pagtatalo hanggang sa hindi na mabuti ang
kanilang ugnayan bilang magkapatid.
Sagutin:
Anong pag-uugnayan nararanasan ng magkapatid?
Ayos lamang ba na ang ugnayan natin sa ating kapatid o kaibigan
ay di-mabuti? Bakit oo? Bakit hindi?
Kung ikaw ang isa sa magkapatid, paano mo pangangasiwaan
ang inyong di-mabuting pakikipag-ugnayan

Ang di-mabuting pakikipag-ugnayan ay nagdudulot ng galit,


karahasan, kabiguan, pagpuna, pananakiut, paghatol,at iba pa.
Maaaring magbunga ito ng pang-aabuso, pagmamalabis o
kamatayan. Ngunit mayroon tayong magagawa para mapamahalaan
o mapangasiwaan. Huwag tayong manatili sa sitwasyon na tayo ay
may di-mabuting pakikipag-ugnayan. Heto ang mga paraan para
mapangasiwaan natin ang di-mabuting pakikipag-ugnayan.
1. Alamin ang dahilan ng pagkakaroon ng di-mabuting pakikipag-
ugnayan. Isipin ang mga bagay-bagay sa nakalipas na hindi
ninyo napagkasunduan at sikaping ito ay inyong
masolusyunan.
2. Tanggapin ang iyong responsibilidad. Tigilan na ang
pagsisisihan sa inyong mga nagawa o nasabi.Palipasin na ang
galit dahil hindi ito maganda sa inyong damdamin.Gumawa
kayong magkakasama para masolusyunan ang mga hindi
pagkakaunawaan at nang bumuti ang inyong pagsasamahan.
3. Pagtuunan ng pansin ang mga suliranin. Huwag nang
ipagpabukas pa ang paglutas sa suliranin dahil baka pa ito
lalong lumala.Maaaring humingi ng tulong sa ibang kaibigan sa
paglutas ng suliranin.
4. Alamin ang mga tanda ng di-mabuting pakikipag-ugnayan
tulad ng pang-aabuso at karahasan. Ang madalas na pagtatalo
at pagkawala ng respeto ay mga tanda ng di-mabuting
pakikipag-ugnayan. Pangasiwaan natin ito sa pamamagitan ng
pag-alam sa mga tanda ng di-mabuting pakikipag-ugnayan.
5. Gawain
Ngayon ay alam na natin ang mga paraan ng pamamahala
o pangangasiwa sa di-mabuting pakikipag-ugnayan.Basahin
ang diyalogo at sagutin ang tanong na nakaatas sa inyong
pangkat. Ipaliwanag ang paraan ng pangangasiwa sa di-
mabuting pakikipag-ugnayan.

ANG PROYEKTO NI REY


Rey: Bakit ba nasira ang proyekto kong basket? Humanda sa
akin
kung sino man ang sumira nito.
Pia: Aba! Ewan ko. Pabaya ka kasi. Hindi mo iniingatan ang
mga gamit mo.
Rey: Huwag mo nga akong sasagutin ng pabalang.Matanda
ako
sa iyo ah. Suntukin kaya kita?
Pia: Sige, isusumbong naman kita kay nanay.
Nanay: Rey, kung ano man ang suliranin mo, hindi mabuti na
isisisi mo ito sa iba.Huwag mong aawayin agad ang
kapatid mo
alamin mo muna ang tunay na pangyayari.
Rey: Opo nanay.Inaamin ko po ang aking pagkakamali. Hindi
ko na
po ito uulitin.
Nanay: O sige. Puntahan mo ang kapatid mo at humingi ka ng
paumanhin.
Rey: Pasensiya ka na Pia sa mga sinabi ko sa iyo. Aayusin ko
Na lamang ang aking proyekto.

Pangkat I: Paano sa palagay niyo nalutas ang suliranin? Ipaliwanag.

Pangkat II: Sino ang umamin ng kanyang pagkakamali?Tama baa

ng kanyang ginawang pag-amin? Ipaliwanag


Pangkat III: Paano nakatulong ang nanay sa suliranin ng magkapatid?

Ipaliwanag

Pangkat IV: Ano-ano ang napansin ninyong tanda ng hindi mabuting

ugnayan ng magkapatid. Ipaliwanag.

3. Pagtalakay
Ano ang di-mabuting pakikipag-ugnayan?
Paano ito naiba sa mabuting pakikipag-ugnayan?
Paano malalaman ng isang tao na siya ay nakakaranas ng di-
mabuting pakikipag-ugnayan?Anu-ano ang mga tanda na
nararanasan sa di-mabuting pakikipag-ugnayan?
Kung ikaw ay nakakaranas ng di-mabuting pakikipag-ugnayan, paano
mo ito pangangasiwaan?

4. Paglalahat
Ano-ano ang mga paraan ng pangangasiwa sa di-mabuting
pakimipag-ugnayan? Magbigay ng maikling paliwanag sa bawat isa.

5. Paglalapat
Paano pangangasiwaan ang mga sumusunod na tanda ng di-
mabuting pakikipag-ugnayan?
a. Madalas na pakikipagtalo
b. Marahas sa kasamahan
c. Mabilis magalit
d. Walang pagtitiwala sa iba
e. Mabilis humatol sa lkamalian ng kapwa

6. Pagtataya
Paano mo panagangasiwaan ang mga sumusunod na sitwasyon:
1. May di pagkakaunawaan ang iyong mga kaibigan.
a. Pagalitan lahat a ng mga kaibigan
b. Ipaunawa sa kanila ang kanilang resposibilidad sa
pagtanggap ng pagkakamali.
c. Iwasan nang makisama sa mga kaibigan.
d. Kampihan pa ang isa sa mga kaibigan.
2. Ipinagwalang bahala ni Tess ang suliranin ng inyong pangkat.
a. Sabihan si Tess na alamin angdahilan ng suliranin.
b. Pabayaan si Tess sa kanyang desisyon.
c. Makisama sa ugali ni Tess.
d. Pagbigyan na lang nais ni Tess.
3. Sinisisi ni Roy ang mga kasamahan sa mga pangyayaring di
naman nila kontrolado.
a. Pabayaan si Roy dahil ito naman ang tama.
b. Sabihan pa si Roy na talagang mali ang mga kasamahan
niya.
c. Ipahanap kay Roy kung sino ang mali sa mga kasamahan
niya.
d. Ipaliwanag kay Roy ang pagtanggap ng resposibilidad ng
isang miyembro ng samahan.
4. Ipinagpapaliban ng inyong lider ang paglutas sa inyong
suliranin.
a. Iwanan ang lider at lumipat sa ibang grupo.
b. Pagtuunan ng pansin ang mga suliranin ng pangkat.
c. Sabihin sa lider na huwag pansinin ang suliranin.
d. Ipalutas sa ibang pangkat ang suliranin.
5. Ipinaaako sa kasamahan mo ang pagkakamali oang dahilan ng
suliranin.
a. Umayon sa mga kasamahan na ipaako ang pagkakamali
sa iba.
b. Sabihin sa kasamahan na talagang siya ang mali
c. Magalit agad sa kasamahan na nagkamali
d. Tumulong sa paglutas ng naging suliranin.
IV. Takdang Aralin:

Remediation: Paano mo pangangasiwaan ang mga karanasan mong di-


mabuting
Pakikipag-ugnayan?

Reinforcement: Paano mo pangagasiwaan ang mga ss. Na tanda ng di-


mabuting
Pakikipag-ugnayan: mapusok; galit; mapaghatol ; kabiguan ?

Enhancement: Sumulat ng maikling talata tungkol sa iyong naging karanasan


Sa pangangasiwa sa di-mabuting pakikipag-ugnayan
Banghay Aralin sa Health V
Unang Markahan
Aralin 6

I. Layunin
 Nailalarawan ang mga sakit/suliranin na pangkaisipan, pandamdamin at
pakikitungo sa kapwa
 Nakatutulong sa kapwa na dumaranas ng mga sakit/suliranin na
pangkaisipan,pandamdamin at pakikipagkapwa
II. Paksang Aralin: Mga Sakit/Suliranin na Pangkaisipan, Pandamdamin at
Pakikitungo sa Kapwa
(Mental, Emotional and Social Health Concerns)
a. Konsepto: Ang ilang mga sakit/suliranin na maaaring mangyari sa ating
pangkaisipan,pandamdamin at pakikitungo sa kapwa ay: Kabalisahan,
Mood swings o sumpong, paggawa ng masamang biro, pagkamasama o
pagkahambog,panliligalig o panyayamot, pang-aabuso, pagkabagabag at
pagiging mapag-isa.
b. Sanggunian: C.G.H5PH-Ig-15 p.31
c. Mga Kagamitan: mga plaskard, manila paper para sa pangkatang Gawain
d. Pagpapahalaga: Pakisamahan nang maayos ang taong nakakaranas ng
sakit/suliraning pangkaisipan, pandamdamin at pakikitungo sa kapwa

III. Pamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagsusuri sa kalinisan/ Balitaan
2. Pagsasanay
Basahin ang mga Gawain. Alin dito ang nagpapakita ng mabuting
pakikitungo sa kapwa?
 Pagpuna sa mali ng iba
 Pagiging matapat sa pakikisama
 Pagmamalabis sa kapwa
 Paggalang sa opinyon ng mga kasamahan
 Pagtitiwala sa kakayahan ng kapwa
3. Balik-aral
Paano pangangasiwaan o pamamahalaan ang di-mabuting
pakikitungo sa kapwa?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Sino sa inyo ang nagkasakit na? Ano ang naging sakit mo? Anong
bahagi
ng iyong katawan ang laging sumasakit?
Ito ay sakit ng pisikal na katawan, subalit alam ba ninyo na maaari
dinmagkasakit ang ating kaisipan, damdamin at ang ating pakikitungo
sa ibang tao? Alamin natin, anu-ano ang mga sakit na ito.
.
2. Paglalahad
Narito ang mga sakit/suliranin na maaari nating maranasan sa
ating pangkaisipan, pandamdamin at pakikitungo sa kapwa.
1. Pagkabalisa o Pangamba
2. Mood Swings- Sumpong
3. Paggawa ng masamang biro
4. Pagkamasama o Pagkahambog
5. Panliligalig o Panyayamot
6. Pang-aabuso
7. Pagkabagabag
8. Pagiging Mapag-isa

Paghatiin ang mga sakit/suliranin na maaaring maranasan


sa….

Pangkaisipan Pandamdamin Pakikitungo sa


kapwa

Gawain
(Brain storming)
Pag-usapan ng bawat miyembro ng inyong pangkat ang sakit/suliranin
na nakaatas sa inyong pangkat. Ilarawan ninyo ang mga
sakit/suliranin sa
Pamamagitan ng . . . . .
Pangkat I- Pagkabalisa at Sumpong- paglalarawan sa
pamamagitan ng mga pangungusap at salita

Pangkat II- Pagbibiro ng Masama at Pagkahambog – pagsasadula

Pangkat III- Panyayamot at Pang-aabuso – pagguhit o drawing

Pangkat IV- Pagkabagabag at Pagkamapag-isa – pagsasakilos

3. Pagtalakay
Ano-ano ang mga sakit na pangkaisipan, pandamdamin, at
pakikipagkapwa? Ilarawan ang bawat isa.
Paano malalaman na ang isang tao ay may sakit na ganito?
Ano ang magiging epekto nito sa kalusugan? Sa pagnhubog ng
pagkatao?
Paano kaya maiiwasan ang ganitong sakit/suliranin?

4. Paglalahat

Ilarawan ang mga pangkaisipan, pandamdamin, at


pakikipagkapwang sakit/suliranin.

5. Paglalapat

Ano ang iyong gagawin kung….?


e. Ang kaibigan mo ay lagging sinusumpong at pa-iba-iba ng
kinikilos
f. Mabiro ng masama ang iyong kaklase
g. May kasamahan ka sa grupo na mahilig mapag-isa
6. Pagtataya
Hanapin sa loob ng kahon ang naglalarawan sa mga
sakit/suliranin na pangkaisipan, pandamdamin at
pakikipagkapwa
1. Pang-aabuso
2. Pangangamba
3. Pag-iisa
4. Pagbibiro
5. Panyayamot

a. Ginugulo ka sa iyong trabaho


b. Inaalala moa ng magiging resulta ng iyong exam
c. Ipinagagawa sa iyo ang lahat ng Gawain dahil ikaw daw ang
pinakamatalino sa grupo
d. Ginagawan ka ng masama at sinasabing biro lamang ito
e. Gusto mong nagsosolo ka lamang dahil ayaw mong makisama
IV. Takdang Aralin
Remediation: Itala sa notebook ang mga sakit/suliranin na pangkaisipan,
pandamdamin at pakikipagkapwa.

Reinforcement: Sumulat ng maikling paglalarawan sa mga sakit/suliranin na

pangkaisipan,pandamdamin at pakikipagkapwa

Enhancement: Sagutin: Ano ang magiging epekto sa paghubog ng pagkatao ng

mga sakit/suliranin na pangkaisipan, pandamdamin at pakikipagkapwa?

Banghay Aralin sa Health V


Unang Markahan
Aralin 7

I.Layunin
 Naipapaliwanag ang epekto ng kalusugang mental, emosyonal at sosyal sa ating
pangkalahatang kalusugan
 Nakakabahagi ng mga paraan upang mapanatili ang pangkalahatang kalusugan
ng katawan
 Napapahalagahan ang iba’t-ibang aspeto ng kalusugan upang matamo ang
malusog na pangangatawan

II. Paksang Aralin


Mga Epekto ng Kalusugang Mental, Emosyonal at Sosyal sa ating
Pangkalahatang Kalusugan
A. Konsepto
Ang maayos na kalusugang mental ay makakatulong sa ating mabuting
pagpapasya para sa sarili. Ang wastong pagpapahayag at pagkontrol ng
damdamin upang maiwasan ang mga sakit na nakakapekto sa ating kalusugan
dala ng sobrang kalungkutan. At ang magandang relasyon sa mga tao paligid ay
makatulong upang mapagaan ang damdamin ang mga problemang nararanasan.
B. Kagamitan
Mga larawan, metacards, video clips.
C. Sanggunian
Curriculum Guide H5PH-Ih-16
Science and Me Grade VI-p 52
Moving Ahead with Science P 61-68
D. Pagpapahalaga
Disiplina sa Sarili
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsusuri ng Kalinisan ng Katawan
2. Balitaan
3. Balik Aral
Isulat ang M kung ito ay tumutukoy sa mental, E kung Emotional at S kung
Sosyal
Nakakasagot sa mga tanung sa mathematika.
Hindi madaling magalit kapag may nagkamali.
Maraming kaibigan at kalaro.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Sino sa inyo ang nakaranas na mabully dahil sa mababang marka?
Ano ang inyong naramdaman?
Paano ito nakaapekto sa iyo?
2. Paglalahad
FACE TO FACE
Guhitan ng Hapi o Sad face ang dulo ng pangungusap at ipaliwanag ang
reaksyon.
1. Madaling nakauunawa ng mga panuto.
2. Nahihirapan magbasa na English.
3. Palaging natatakot magkamali dahil sa naranasang harassment
4. Hindi mapigilan na gumanti kapag nasaktan
5. kakaunti ang kaibigan at mahiyain dahil nabubully

SI ONYOK ANG BATANG MALUSOG

Idikit ang mga salitang naglalarawan ng


batang malusog at ipaliwanag ang epekto nito
sa kalusugan.
Nagsusumikap sa pag-aaral.
Nakikipaglaro sa mga kaibigan
Hindi sumasali sa gawain sa paaralan.
Nakikisalamuha sa mga kaklase.
Napagpapasenya sa mga nakaalitan.
Nakikisali sa mga pangkatang gawain
Nakikipasuntukan sa kaklase
Ipaliwanag ang katangian ng batang malusog.

3. Pagtatalalakay
Anu-ano ang mga katangian batang may malusog na mental health?
Paano ito makakatulong sa pangkalahatang kalusugan ng ating katawan?
Anu-ano ang mga katangian batang makipag-ugnayan sa kapwa?
Paano ito makakatulong sa pangkalahatang kalusugan ng ating katawan?
Anu-ano ang mga katangian batang may malusog na emotional health?
Paano ito makakatulong sa pangkalahatang kalusugan ng ating katawan?
Kung mahinang pangangatawan, ano epekto nito sa iyong mga kaibigan at
pakikitungo sa
kapwa?

4. Paglalahat
Paano makakaapekto sa ating pangkalahatang kalusugan ang ating mental,
sosyal at emosyonal na kalagayan?
5. Paglalapat
Napuna mo na ang kapatid mo ay hindi nakikihalubilo sa kanyang mga kaklase.
Paano mo maipapaliwanag sa kanya ang kahalagahan nito sa ating kalusugan?
6. Pagtataya
Bilugan ang bilang ng may tamang paliwanag at lagyan ng sad face ang mali.
1. Kalusugang mental ay makakatulong upang magkaroon tayo ng tamang pagpapasya.
2. Ang tamang pagkontrol ng ating emosyon ay makakatulong upang maiwasan na
mapahamak ang ating sarili.
3. Ang maayos na pakikisama sa pamilya ay makakatulong upang makaiwas sa
masasamang bisyo.
4. Ang pagsali sa mga pangkatang sports ay naglilinang ng ating pakikipagugnayan sa
kapwa.
5. Ang pagmamahal na nararamdaman natin sa ating pamilya at kaibigan ay hindi
nakakapekto sa ating pagpapasya.
IV. Takdang Gawain
A. Gumupit ng mga larawan na nagpapakita ng paglinang ng aspetong mental,
emosyonal at sosyal na kalusugan at ipaliwanag ang kahalagahan nito sa ating
pangkalahatang kalusugan.
B. Bilugan ang mga sumusunod na may mabuting epekto sa ating kalusugan.

Pakikipaglaro sa mga kaibigan


Pagkukulong sa kwarto palagi.
Pakikipag-usap sa mga matatanda kapag may problema
Pagsali sa youthgroup
Pagbabasa ng aklat tungkol sa ibat-ibang mga hayop.
Hindi nagpapahiram ng gamit sa kapatid.
Banghay Aralin sa Health V
Unang Markahan
Aralin 8

I.Layunin
 Naipapakita ang mga pamamaraan sa pag-iwas sa panunukso,pambubulas,
pananamantala o pag-aabuso.
 Nakapagsasagawa ng mga pamamaraan na makakatulong sa mga nakaranas
ng pambubulas o pag-abuso
 Naisasaalang-alang ang damdamin ng kapwa sa pagbibigay ng opinion o ideya
II.Paksang Aralin
Mga Pamamaraan sa Pag-Iwas sa Panunukso, Pambubulas, Pananamantala o
Pag-Aabuso
A. Konsepto
Upang makaiwas sa pambubulas, tandaan ang mga sumusunod:
 1.Huwag mag-react.
2. Huwag gumanti. 
3. Huwag lumapit sa mga bully.
4. Sumagot sa paraang di-inaasahan ng nambubulas.
             5. Magpatawa. 
6. Umalis
7. Magkaroon ng kumpiyansa sa sarili. 
8. Magsumbong sa guro at magulang.
Upang makaiwas sa pang-aabuso, tandaan ang mga sumusunod:
1. Maging alerto
2. Huwag magbigay ng maling impresyon.
3. Magtakda ng limitasyon. 
4. Huwag matakot magsalita. 
5. Maging maingat kapag nag-i-Internet.
B. Kagamitan
Tsart, mga larawan ng pambubully
C. Sanggunian
CG H5PH-I1-17
http://www.stopbullying.gov/kids/what-you-can-do
http://angelinerayos18.blogspot.com/
http://wol.jw.org/en/wol/d/r27/lp-tg/1102011168
D. Pagpapahalaga
Konsiderasyon sa Kapwa
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsusuri ng Kalinisan ng Katawan
2. Balitaan
3. Balik Aral
Paano nakakaapekto sa ating kalusugan ang mga problema na dinaranas natin?
Ano ang dapat nating gawin kapag may problemang hinaharap?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Nakaranas ka na ba na magkaroon ng kaaway sa klase?
Ikuwento mo ito.
2. Paglalahad

Kuwento ng Buhay

Ipakita ang larawan ng isang batang malungkot at basahin ang kwento tungkol
dito.

Si Alexis ay dating masaying bata at masipag sa klase. Ngunit ito ang


ginawa sa kanya ng isang grupo ng kanyang mga kaklase:

a. Tinatago ang kanyang bag.

b. Sinusulatan ng ballpen ang kanyang uniporme.

c. Kinukuha ang kanyang baon.

d. at pinagbabantaan na susuntukin kapag magsusumbong

Tulungan natin si Alexis. Ito ang mga dapat niyang gawin. Isulat ang mga sagot
sa metacards at idikit sa pisara.

Artista Ka Na

Gamit ang mga batayan sa ibaba, Gumawa ng isang dula-dulaan kung papaano
maiwasan ang mga pangyayari sa larawan.
Ano ang puwede mong gawin kapag may nambubulas sa iyo?

 1.Huwag mag-react. “Gustong makita ng mga bully na naaapektuhan ka sa


ginagawa nila..

2. Huwag gumanti. Hindi maaayos ang problema kung Kung hindi ka magre-


react, mawawalan sila ng gana gaganti ka—lalala lang iyon.
3. Huwag lumapit sa mga bully. Hangga’t posible, iwasan ang mga bully at ang
mga sitwasyon kung saan puwede kang ma-bully.
4. Sumagot sa paraang di-inaasahan ng nambu-bully.
            5. Magpatawa. Halimbawa, kung tinutukso kang ang pangit mo, puwedeng
magkibit-balikat ka lang at magsabi, “Siguro nga kailangan kong ng magpaganda.”
6.  Umalis. “Ang pagtahimik ay angpapakitang matured ka at na mas matatag ka
kaysa sa nang-iinis sa iyo,
7.  Magkaroon ng kumpiyansa sa sarili. Nahahalata ng mga bully kung
ninenerbiyos ka, kaya kailangan mo ipakita na hindi ka naapekyuhan sa mga sinasabi o
ginagawa niya.
8.  Magsumbong. Marami ng kaso ng pambubuly ang hindi
naisusmbong, Pero tandaan, gusto ng mga bully na hindi sila isinusumbong. Baka ang
pagsusumbong ang unang hakbang para mahinto ang problema.
http://angelinerayos18.blogspot.com/
Paano makakaiwas sa Pang-aabuso
1. Maging alerto. Kapag nasa labas ka, maging alerto sa mga nangyayari sa
paligid. May mga lugar na talagang delikado, lalo na kung gabi. Hangga’t maaari, huwag
dumaan sa mga lugar na iyon o kaya’y siguraduhing may kasama ka.—Kawikaan 27:12.
2. Huwag magbigay ng maling impresyon. Huwag mag-flirt o manamit nang
napakaseksi. Baka isipin ng iba na nang-aakit ka—o hindi ka tatanggi kapag may
nagyaya sa iyo na makipag-sex.—1 Timoteo 2:9, 10.
3. Magtakda ng limitasyon. Kung may kasintahan ka, pag-usapan ninyo kung
ano ang angkop at di-angkop na paggawi.* Magtakda ng limitasyon at umiwas sa mga
alanganing sitwasyon para hindi ka mapagsamantalahan.—Kawikaan 13:10.
4. Huwag matakot magsalita. Walang masama kung sasabihin mong, “Tumigil
ka!” o “Alisin mo ‘yang kamay mo!” Huwag kang matakot na iwan ka ng boyfriend mo.
Kung makikipag-break siya sa iyo dahil dito, okey lang. Hindi mo kailangan ng ganiyang
kasintahan! Ang bagay sa iyo, isang tunay na lalaki na irerespeto ang iyong pagkababae
at prinsipyo.*
5. Maging maingat kapag nag-i-Internet. Huwag magbigay ng personal na
impormasyon o mag-post ng mga picture na magbibigay ng ideya sa iba kung nasaan
ka.* Kung nakatanggap ka ng mahalay na mensahe, makabubuting huwag mag-reply.
Wala silang magagawa sa iyo kung hindi ka kakagat sa pain nila.
http://wol.jw.org/en/wol/d/r27/lp-tg/1102011168

A B C

3. Pagtatalakay

Sino-sino ang mga maaring mambbulas o mang abuso sa iyo?


Dapat bang gumanti ka sa mga nambubulas o nang aabuso sa iyo? Bakit?
Bakit dapat umiwas na lang sa mga taong nambubulas o nang-aabuso?
Bakit dapat malaman ng guro at magulang kung may nambubulas o nang-aabuso?
Paano ka makakaiwas ng pang-aabuso sa internet?
4. Paglalahat
Anu-ano ang mga dapat gawin kapag may nambubulas o nagaabuso sa inyo?
5. Paglalapat
Gumawa ng paalala/slogan kung ano ang dapat gawin kapag may nambubulas o nang-
aabuso.
6. . Pagtataya
Isulat ang Tsek kung Tama ang pangungusap at isulat ang wastong sagot kung mali ang
pangungusap.
1. Umiwas sa mga taong nambubully o nang-aabuso.
2.Ipagbigay alam sa mga guro at magulang kung may nambubulas o nang-aabuso.
3. Gumanti sa mga nabubully upang matakot sila at hindi na uulit.
4. Huwag isekrato ang mga pangyayari kung may nambubulas, mabuting ipagbigay alam
ito sa kinauukulan.
5. Kausapin ng mahinahon at may pag-uunawa ang mga taong nambubulas o naang-
aabuso na itigil na ito.
IV. Takdang Gawain
A. Ipaskil sa lugar na madaling mabasa ang mga nagawang slogan/paalala tungkol sa
pambubulas at pang-aabuso
B. Palagi kang inaabangan ng mga kaklase mo tuwing uwian para makipagsuntukan.
Lagyan ng tsek ang dapat mong gawin
a. Umiwas sa mga kanila___________
b. Kausapin sila ng maayos_________
c. sabihin sa guro o magulang ang problema_______

Banghay Aralin sa Health V


Unang Markahan
Aralin 9

I. Layunin
 Nakikilala ang mga taong makakatulong sa mental, emosyonal at sosyal na
kalusugan
 Nakakapili ng angkop na taong makakatulong sa pagpapabuti ng kalusugang
mental, emosyonal at sosyal
 Napapahalagahan ang mga pamamaraan ng pangangalaga sa kalusugan
II. Paksang Aralin
Mga Taong Makakatulong sa Mental, Emosyonal at Social Health Concerns
A. Konsepto
Ang gating mga magulang, guro , pari o church leader, guidance
counsellor at doctor and mga pinakaangkp na tao na makakatulong sa atin kung
paanao mapapanatili ang kalusugan. Ang kanilang mga kaalaman at karanasan
ay makakatulong upang tayo ang magkapagpapasya ng tamang gawin upang
magkaroon ng malusog na pangangatawan.
B. Kagamitan
Tsart, mga larawan ng guro, magulang, guidance counsellor, pari, doctor
C. Sanggunian
Curriculum Guide H5PH-Ij18
D. Pagpapahalaga
Pagkamasunirin
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsusuri ng Kalinisan ng Katawan
2. Balitaan
3. Balik Aral
Paano nakakaapekto sa ating kalusugan ang mga problema na dinaranas natin?
Ano ang dapat nating gawin kapag may problemang hinaharap?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Kanino ka madalas humihingi ng tulong kapag may problema sa takdang aralin?

2. Paglalahad

Karamay at Katulong Ko Sila

a. Magbubunutan ang bawat pangkat ng suliranin.


1. Nahihirapan sa asignaturang mathematika.
2. Nakikipag-away sa loob ng paaralan.
3. Pagiging magalitin.
4. Malimit inuuna ang paggala kaysa sa pagsisimba.
5. Pagiging matatakutin.
b. Pipili ng pangalan sa loob ng kahon kung sino ang pinakaangkop na
makakatulong sa paglutas ng suliranin.

Mga gabay na tanong:


1. MAgbigay ng tatlong katangian ng napili na makakatulong sa paglutas
ng suliranin.
2. Paano makakatulong ang napiling sagot sa suliranin?
3. Ano ang dapat mong gawin sa mga naibibigay nilang payo?

Guro Guidance Counselor

Magulang Pari Doktor

Panunod ng Video Clip


Ano ang iyong reaksyon sa napanuod na video clip?
Bakit dapat sa tamang tao lamang tayo manghingi ng payo kapag may mga
suliranin?

3. Pagtatalakay
Ano ang dapat mong gawin kapag may problema ka sa pag-aaral?
Kanino ka dapat lumapit kapag nahihirapan kang umunawa ng iyong mga aralin?
Sino ang maaring tumulong sa’yo kapag na hihirapan kang makibahagi sa
talakayan sa klase?
Paano mo mababawasan ang pagiging mahiyain?
Kung palaging may takot kang nararamdaman at nakakaapekto na ito sa iyong
pag-aaral, bakit dapat nang sumangguni sa Doktor?
Bakit hindi dapat mahiya lumapit sa ibang tao upang matugunan ang mga
suliraning mental. Sosyal, at emosyonal?

4. Paglalahat
Sinu-sino ang mga taong maaaring makatulong kapag may mga suliraning
mental, sosyal, at emosyonal?

5. Paglalapat
Magbigay ng mga suliranin na maari mong hingan ng tulong sa kanila. Isulat ang
sagot sa ilalim ng mga pangalan.

Magulang Guro Pari Doktor Guidance Counselor

6. Pagtataya
Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Si Darwin ay pikon at madaling manakit ng kaklase, Sino ang makakatulong upang
maitama
ang kanyang pag-uugali sa loob ng klase?
a. Magulang b. Guro c. Guidance Counselor d. lahat ng
nabanggit
2. Si Ronald ay nahihirapang umunawa sa kanyang binabasa. Sino ang maaring
makatulong sa kanya sa bahay?
a. nakababatang kapatid b. Guro c. Pari d. wala sa nabanggit

3. Hindi na nakakatulog si Ram dahil sa nasaksihan niyang aksidente. Sino ang


pinakaangkp na
tumulong sa kanya?
a. doctor b. kalaro c. Nakababatang kapatid d. Magulang
4. Si Jun ay palaging mapag-isa at hindi nakikihalubilo sa kanilang mga kapitbahay.
Paano mo matututlungan si Jun?
a.Sabihin sa magulang ni Jun ang iyong napuna.
b. Huwag pansinin si Jun
c. Pilitin na siyang maglaro ng computer games
d. Hihintayin na lamang na siya ang kusang makipag halubilo sa iba.
5. Bakit kailangang sa tamang tao tayo hihingi ng tulong tungkol sa mga suliraning
mental, emotional at
sosyal?
a. upang hindi na magbabayad
b. upang hindi mapahiya
c. upang mabigyan ng tamang solusyon
d. wala sa nabanggit.

IV. Takdang Gawain


Maglista ng 3 tatlong suliranin mo na may kinalaman sa mental, emosyonal o sosyal na
aspeto at kung kanino mo ito ihihingi ng tulong.
Gumawa ng reaksyon tungkol sa sitwasyon sa ibaba.
May kaibigan na hindi nakikisali sa mga pangkatang gawain dahil palagi siyang mapag-
isa. Nalaman mo na siya pala ay may problema sa kanilang pamilya. Kanino mo siya
ilalapit ng tulong?
Bakit?

Banghay Aralin Health V


Ikalawang Markahan
Aralin 1

I. Layunin
 Nailalarawan ang mga pagbabagong pisikal,emosyonal/ pandamdamin at
sosyal/ pakikisama sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga.
 Natatanggap na ang pagbabago ay natural na bahagi ng paglaki at paglago

II. Paksang Aralin: Mga Pagbabagong Pisikal, pandamdamin at pakikisama sa


Panahon ng Pagbibinata at Pagdadalaga

h. Konsepto: Sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga,


nagkakaroon ng pagbabago sa pisikal,emosyonal o pandamdamin
at sosyal o pakikisama ang isang tao.
i. Sangunian: C.G. H5GD-Ia-b-1, H5GD-Ia-b-2 p.32
Science for Daily Use pp.
j. Mga Kagamitan: mga sariling larawan na nagpapakita ng
pagbabago (mula pagkabata hanggang sa paglaki),
Powerpoint Presentation ng Physical, Emotional and Social
Changes
d.Pagpapahalaga : Pagtanggap na ang mga pagbabago sa saili ay
normal at natural na nangyayari sa panahon ng pagbibinata at
pagdadalaga
III. Pamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagsusuri sa kalusugan/ balitaan
2. Pagsasanay
Ang mga sumusunod ay pagbabago ng lalaki at babae habang siya ay
lumalaki. Basahin at sabihin kung ang pagbabago ay sa lalaki o sa
babae
a. Pagkakaroon ng buwanang dalaw
b. Pagkakaroon ng Adam’s apple
c. Paglaki ng boses
d. Paglapad ng balakang
e. Paglapad ng mga balikat
3. Balik-aral
Anu-ano ang mga pagbabago sa mga lalaki at babae sa panahon ng
pagbibinata at pagdadalaga?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Tingnan ang inyong sarili. May napansin ba kayong pagbabago sa
inyong katawan mula noong bata ka pa hanggang ngayon? Anu-
anong pagbabago ang napansin ninyo?
2. Paglalahad
Kunin ninyo ang inyong mga sariling larawan mula noong bata ka
pa hanggang ngayon.
Ilarawan mo ang mga pagbabagong nangyari sa iyong pisikal na
katawan.
Sa aspetong pandamdamin, anu-anong pagbabago ang
naranasan mo?
Anong pagbabago sa iyong pakikisama ang naranasan mo?
Ang bawat tao ay nakakaranas ng mga pagbabagong
pisikal,emosyonal o pandamdamin, at sosyal o pakikisama habang
sila ay sumasapit sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga.
Ngayon ay manonood tayo ng powerpoint presentation –
“Physical, Emotional and Social Changes During Puberty”
Alamin ninyo at ilarawan ang mga pagbabagong
pisikal,emosyonal at sosyal sa panahon ng pagbibinata at
pagdadalaga.
Gawain
Pagkatapos nating manood, magkakaroon tayo ng pangkatang
Gawain.
Pangkat I- Ilarawan ang mga pagbabagong PISIKAL sa panahon ng
pagbibinata at pagdadalalaga.Isulat ang inyong sagot sa
Manila
Paper
Pangkat II- Ilarawan ang mga pagbabagong EMOSYONAL o
pandamdamin
Sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga.Isulat ang
inyong
sa Manila Paper
Pangkat III- Ilarawan ang mga pagbabagong SOSYAL o pakikisama
Sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga.Isulat ang
inyong
sagot sa Manila Paper
3. Pagtalakay
a. Pag-uulat ng bawat pangkat
b. Ilarawan ang mga pagbabago sa mga nagbibinata at
nagdadalaga.
-Ang mga pagbabago ba na inyong nabanggit ay nangyayari din
sa iyo? Bakit kaya?(Ito ay normal at natural na pagbabago sa mga
nagbibinata at nagdadalaga.)
-Dapat bang tanggapin sa sarili na ang mga pagbabago ay
nagaganap sa iyo?BAKIT?
4. Paglalahat
Ilarawan ang mga pagbabagong pisikal, emosyonal at sosyal sa
panahon ng pagbibinata at pagdadalaga.
7. Paglalapat
Anong uri ng pagbabago ang mga sumusunod na sitwasyon. Paano
mo tatanggapin sa iyong sarili kung ito ay nagaganap na sa iyo?
a. Pagkakaroon ng manipis na buhok/balahibo sa iba’t ibang bahagi
ng katawan.
b. May di-pagkakaunawaan sa mga magulang
c. Nag-iiba iba ang iyong ugali(mood swings)
d. Nadedevelop na ang iyong mga kalamnan(muscles)
e. Nagiging mapusok sa mga gawaing nakakatakot isagawa.
6.Pagtataya
Piliin ang titik ng tamang sagot:
1. Alin ang pagbabagong pisikal sa panahon ng pagbibinata at
pagdadalaga?
a. Pagkakaroon ng taghiyawat c. pag-iba-iba ng ugali
b. Mahilig sa mga mapanganib d. madalas makaranas ng
pagkabalisa

2. Alin ang nagpapakita ng pagbabagong emosyonal sa panahon ng


pagbibinata at pagdadalaga?
a.Pagkakaroon ng buwanang dalaw c. pagbabago ng boses ng
mga
para sa mga babae lalaki
b.sumusubok sa mga bagong karanasan d. nagkakaroon ng
atraksyon sa kasalungat na kasarian
3. Alin ang nagsasaad ng pagbabagong sosyal sa panahon ng
pagbibinata at pagdadalaga?
a. May pagnanais na kasamang c. Nagkakaroon ng Adam’s
apple
Madalas ang mga kaibigan
b. Mabilis tumangkad o lumaki d. Nagiging maramdamin
4. Ano ang dapat na maging ugali kung nararanasan ang mga
pagbabagong pisikal,emosyonal at sosyal?
a. Tanggapin sa sarili na ito ay normal na pangyayari na bahagi ng
paglaki.
b. Sisihin ang mga magulang sa mga pagbabagong nararanasan
c. Magalit sa sarili dahil ayaw mong magkaroon ng pagbabago.
d. Maging mapag-isa at huwag nang makipagkaibigan.
5. Nais mong tulungan ang kaibigan mong nalulungkot dahil sa
pagbabagong kanyang nararanasan, alin sa mga sumusunod ang
HINDI mo dapat gawin?
a. Sabihan siyang huwag makipag-usap at magkulong sa kanyang
silid.
b. Isama siya na makihalubilo sa mga kaibigan na katulad nila ay
nakakaranasan din ng mga pagbabago
c. Ipaliwanag sa kanya na ang kanyang nararanasan ay normal na
pagbabago sa kanyang paglaki.
d. Ituro sa kanya na dapat tanggapin sa kalooban ang mga
pagbabagong nararanasan.
IV. Takdang Aralin:
Remediation: Ilagay sa tamang column ang mga pagbabagong nagaganap sa
panahon ng pagbibinata at pagdadalaga:

PISIKAL PANDAMDAMIN PAKIKISAMA

Naghahanap ng bagong karanasan Pagnanais na magsarili


Nagiging mahiyain Nababalisa sa ibang bagay
Pagkakaroon ng taghiyawat Pagbabago ng boses
Paghanga sa kasalungat na kasarian Di-maipaliwanag na damdamin

Reinforcement: Ang kaibigan mong si Roy ay nagkaroon ng maraming


taghiyawat
sa mukha.Ito ay tanda ng pagbabagong pisikal. Paano mo
matutulungan si Roy na tanggapin ang pagbabagong ito?
Enhancement: Sa iyong palagay, ang mga pagbabago ba na nararanasan sa
panahon ng pagbibinata at pagdadalaga ay malaking problema?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

Banghay Aralin sa Health V


Ikalawang Markahan
Aralin 2
I. Layunin
 Nailalarawan ang karaniwang maling paniniwala kaugnay ng panahon ng
pagbibinata at pagdadalaga

II. PaksangAralin: Mga Maling Paniniwala Kaugnay ng Panahon ng Pagbibinata


at Pagdadalaga
a. Konsepto: Sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga,
mayroontayongmgamalingpaniniwalatulad ng:
1. Bawal maligo sa panahon na may buwanang dalaw
2. Iwasan ang kumain ng maasim na pagkain
3. Huwag magbubuhat ng mabibigat na dalahin
4. Para sa mga lalaki, magpatuli sa tamang edad
5. Huwag ipapakita lalo na sa babae ang parte ng katawan na tinulian.
b. Sanggunian: C.G. H5GD-Ia-b-2 p.33
c. Mgakagamitan: Powerpoint presentation ng “Puberty Related Myths and
Misconceptions
d. Pagpapahalaga: pagwawasto sa mga maling paniniwala
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagsusurisakalinisan/Balitaan
2. Pagsasanay
Ano-anoangmgapagbabagongpisikal / pagbabagosadamdamin /
pagbabagosapakikisalamuhaangnararanasansapanahon ng
pagbibinata at pagdadalaga?
3. Balik-Aral:
Pagtsek ng takdangaralin: Angmgapagbabagobasamganagbibinata at
nagdadalaga ay isangmalakingproblema? Ipaliwanagangiyongsagot.

Dapat bang tanggapin ng taos puso ang mga pagbabagong


nagaganap sa sarili sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga?
Bakit?

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak
Sino sa mga babae ditto ang nakakaranas na ng buwanang dalaw
o pagreregla? May mga paalala ba sa’yo ang mga magulang mo?
Anu-ano ang mga ito?
2. Paglalahad
Dahil sa mga kuwento ng matatanda, marami tayong natutuhan
sa kanila
Na ito pala ay maling paniniwala. Ngayon ay alamin natin ang mga
maling paniniwalana may kaugnayan sa mga nagbibinata at
nagdadalaga.
Panoorin natin ang powerpoint presentation na nagpapaliwanag
ng mga maling paniniwala kaugnay ng pagbibinata at pagdadalaga.
Gawain
Base sa na kita ninyo sa powerpoint presentation, Sa ano-anong
aspeto mayroon tayo ng maling paniniwala? (On Menstruations, on
Nocturnal Emissions, On Circumcision)
Pangkatang Gawain:

Pangkat I:(Unang grupo ng mgababae)


Ilarawan ang mga maling paniniwa lakaugnay ng pagreregla sa
pamamagitan ng maikling paliwanag;
a. Hindi dapat maliligo sa panahon na may regla.
b. Huwag magbubuhat ng mabibigat na dalahin.
c. Gamiting panghugas ng mukhaang pinakaunang dugo
Pangkat II: (Ikalawanggrupo ng mgababae)

Ilarawan maling paniniwalang ito sa pamamagitan ng pagguhit o


pagdrawing:

a. Iwasan ang pagkain ng maaasim na pagkain.


b. Bawalang magsagawa ng Physical activities tulad ng pag-
ehersisyo
Pangkat III: (Unang pangkat ng mgalalaki)
Ilarawan sa pamamagitan ng maikling paliwanagang:
-On Nocturnal Emission
Pangkat IV: (Ikalawang pangkat ng mgalalaki)
Ilarawan sa pamamagitan ng diyalogo
-On Circumcision: Ano ang tamang edad para magpatuli?
3. Pagtalakay
Dapat bang hindi maliligo kapag may buwanang dalaw ang mga
babae?
Bakit hidi dapat ihilamos ang ang regla bilang pantanggal ng
tagiyawat?
May kaugnayan ba ang pagkain sa pagreregla?
Bakit?
Totoo ba na hindi tatangkad ang mga lalaki kapag hindi pa
nagpapatuli?
Dapat bang paniwalaannatinangmgaito?
Bakitdapatmongpaniwalaan?
Bakithindimodapatpaniwalaan?
Kung napatunayanmonamaliangmgapaniniwalangito,
anonangayonangiyonggagawin?

4. Paglalahat
Anu- ano ang mga maling paniniwala tungkol sa pagdaalaga at
pagbibinata?

Paano ito makakaapekto sa ating kalusugan?

5.Paglalapat

Si Julius at si Karen ay bibinata at nagdadalaga na. Alin sa mga


sumusunod ang hindi makakatulong sa kanila? Kopyahin ang
pangungusap at ilipat sa loob ng kahon.

a. Hindi naliligokapag may buwanangdalaw o regla.


b. Angpagpupuyat ay nagpaparami ng taghiyawat.
c. Angpagpapatuli ay dapatlamangisagawasapanahon ng pagbibinata.
d. Angpaghihilamos ng unangdugo ng regla ay ngpapakinis ng mukha
e. Abnormal samgalalakiangpagkakaroon ng nocturnal emissions.
6. Pagtataya

Alin-alin ang naglalarawan ng malingpaniniwala tungkol sa panahon


ng pagbibinata o pagdadalaga? Lagyan ng tanda ng tsek at
ekisanghindi.
____1. Iwasan angpagkain ng maaasim dahi lnagpapasakit ito ng
sikmura.
____2. Angpaliligosapanahonna may regla ay naglilinis at
nagpapaginhawa ng pakiramdam.
____3. Nagpapakinis ng mukhaangpaghihilamos ng kauna-
unahangdugo ng regla.
____4. Normal samgalalakinanagbibinatanamaranasanang
nocturnal emission.
____5. Dahilsapagkain ng mani kaya
dumaramiangtaghiyawatsamukha.
IV. TakdangAralin:
*Remediation:
Ilarawanangmalingpaniniwalangito:
a. Bawalmaligosapanahon ng pagreregla
b. Magpatulilamangsawastongedad. (9-12)
*Reinforcement:
Magtanongsamatatandasainyongpamilyatungkolsamgapaniniwalanilatung
kolsamganagbibinata at nagdadalaga
*Enhancement
Sagutin:Ano kaya angepektosakalusugan kung atingpaniniwalaan

isasagawaangmgamalingpaniniwalatungkolsapagbibinata at pagdadalaga?

Banghay Aralin sa Health V


Ikalawang Markahan
Aralin 3

I. Layunin
 Nailalarawan ang karaniwang suliranin sa panahon ng pagbibinata
at pagdadalaga.
 Natatanggap sa sarili na ang mga suliraning ito ay karaniwang nangyayari
sa mga nagbibinata at nagdadalaga at ito ay makakaya nilang
pangasiwaan
II. Paksang Aralin: Mga Suliranin sa Panahon ng Pagbibinata at pagdadalahga
a. Konsepto: Sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga, may mga suliranin na
Karaniwang nararanasan tulad ng:
1. Pabago-bago ng kilos
2. Pagkakaroon ng kakaibang amoy ng katawan
3. Suliraning pangnutrisyon
4. .Suliranin sa pambibig na kalusugan
5. Taghiyawat
6. Hindi maayos na tikas ng katawan
7. Dysmenorrhea
8. Maaga at hindi inaasahang pagdadalantao
b. Sanggunian: C.G. H5GD-Ie-f5 ; C.G. H5Gd-Ie-f6 p.33
c. Mga kagamitan: mga plaskard at mga larawan
d. Pagpapahalaga: Tanggapin nang maluwag sa kalooban na ang mga suliranin
sa pagbibinata at pagdadalaga ay karaniwan lamang at ang mga ito ay kaya
nilang pangasiwaan.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagsusuri sa kalinisan/Balitaan
2. Pagsasanay
Magbigay kayo ng halimbawang mga pagbabagong pisikal;
pagbabago sa damdamin at pagbabgo sa pakikitungo sa panahon ng
pagbibinata at pagdadalaga
3. Balik-Aral
Ano-ano ang mga maling paniniwala patungkol sa pagreregla ng
mga babae? pagtutuli ng mga lalaki? Sinusunod mob a ang mga
paniniwalang ito?
Bakit?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Ilang taon ka na ngayon? Ikaw ba ay nasa edad na ng
pagbibinata at pagdadalaga? Ano ang karaniwang nagiging suliranin ng
mga tulad mo nasa edad ng pagbibinata at pagdadalaga?
2. Paglalahad
Tingnan ang larawan. Ano kaya ang suliranin ang nararanasan nila?
Ang mga nagbibinata at nagdadalaga ay karaniwang nakakaranas ng sakit
tulad ng pagkakaroon ng taghiyawat hindi magandang tikas ng katawan pag-iiba-iba ng
kilos, at iba pa.

Dapat bang tanggapin sa kalooban ng taong nasa ganitong kalagayan ang


mga suliraning ito?

Gawain
Ang bawat pangkat ay kukuha ng tigdalawang strips ng papel na
nakasulat ang mga suliranin ng mga nagbibinata at nagdadalaga.
Pag-usapan ninyo ang paksa na napili nyo at humandang
talakayin ito sa harap ng klase.

Pangnutrisyong suliranin Pag-iba-iba ng kilos Kakaibang amoy ng katawan

Suliranin sa pambibig Taghiyawat Hindi magandang tikas ng katawan

Dysmenorrhea Maaga at hindi inaasahang pagdadalantao

3. Pagtalakay
- Pag-uulat ng bawat pangkat ng mga paglalarawan sa mga suliranin sa
panahon ng pagbibinata at pagdadalaga.
- Anu ano ang karaniwang suliraning kaugnay ng pagbibinata at
pagdadalaga?
- Dapat bang tanggapin ng mfga kabataang nasa ganitong kalagayan?
B akit?
Paano mo pamamahalaan o panganagasiwaan ang mga suliraning
iyong nararanasan?
4. Paglalahat
Ano-ano ang mga suliranin ng mga kabataan sa panahon ng
pagdadalaga at pagbibinata.Ilarawan ang bawat isa.

5. Paglalapat
Pumili ng isang suliranin, ilarawan ito.
- maamoy na katawan
-Taghiyawat
-Hindi magandang tikas ng katawan
- dysmenorrhea
- pag-iba-iba ng ugali

6. Pagtataya
Piliin sa hanay B ang naglalarawan sa mga salita sa hanay A
A B
____1. Body odor a. masakit na puson sa panahbon ng
pagreregla
____2. Poor posture b. Pagkakaroon ng taghiyawat sa mukha

____3. Dysmenorrhea c. Mabilis nap ag-iba-iba ng ugali


____4. Mood swings d Hindi maayos na tikas ng katawan.
____ 5. Pimples and e. Hindi magandang amoy ng katawan
acne
IV. Takdang Aralin
Remedition: Ano-ano ang karaniwang sakit ng nagbibinata at nagdadalaga?
Reinflorcement: Ilarawan ang mga karaniwangh sakirt ng nagbibinata o
nagdadalaga
Enhancement: Paano pamamahalaan ang suliraning ito?
a. May kakaiba kang amoy sa katawan.
b. Maling tikas ng katawan
c. Pag-iba ng ugali

Banghay Aralin sa Health V


Ikalawang Markahan
Aralin 4

V. Layunin
 Naipapakitang-kilos ang mga paraan sa mga suliranin na may
kinalaman sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga.

VI. Paksang Aralin

Mga Paraan sa mga Suliranin na may Kinalaman sa Panahon ng Pagbibinata


at Pagdadalaga

E. Konsepto:
Normal ang pagbabagong pisikal sa nagdadalaga/ nagbibinata.
Dapat unawain at pahalagahan ang mga suliraning ito.
Mga suliranin na may kinalaman sa panahon ng pagbibinata at
pagdadalaga.
1. Nagiging mainitin ang ulo.
2. Nababahala ukol sa mga pagbabagong nagaganap sa
katawan.
3. Natatakot sa buwanang dalaw/ regla.
4. Nahihiya sa magulang di alam ang gagawin.
5. Sumasakit ang balakang at puson sa panahon ng pagreregla.
6. Pangangasim ng sikmura.
7. Pagiging bugnutin
8. Nagiging higit na aktibo ang mga glandula ng pawis sa
panahon ng pagbibinata o pagdadalaga.
9. Nagiging higit na aktibo ang mga oil gland sa katawan na
maaaring maging sanhi ng tagihawat at acne.

F. Kagamitan:
Larawan, Tsart
G. Sanggunian:
H5 GH-Ii-9
Kasanayang Aklat sa EPP V d. 5
Edgardo C. Canonce
H. Pagpapahalaga
Kamalayan sa mga Suliranin sa Panahon ng Pagbibinata
at Pagdadalaga
VII. Pamamaraan

C. Panimulang Gawain
Pagsusuri ng kalinisan sa Pagbabago
Katawan
Pagdadalaga
Suliranin
Pagbibinata
Pananakit
5. katawan (kuko)
6. Balitaan (Health News Report)
7. Pagsasanay

Hanapin ang mga salitang nakasulat sa ibaba at bilugan ang mga


ito.

D G P A N A N A K I T D
F N O S U P V W E D R N
E P A G B I B I N A T A
A L C R X R U A K N K W
T O P A G B A B A G O A
H B M E A P E O W L W T
P A G D L D A L A G A A
K Y O P W Q M J L R N K
E L S U L I R A N I N L

8. Balik-aral

Batay sa napag-aralan natin kahapon, alin sa pagbabagong


pisikal ang nagaganap sa katawan ng nagdadalaga at nagbibinata?

D. Panlinang na Gawain

8. Pagganyak

Mga bata sino sa inyo ang nakakaranas ng pagbabagong pisikal


sa sarili? Sa palagay ninyo, nararanasan niyo din ba itong mga
suliranin? Bakit?

9. Paglalahad
A. Pagmamasid sa larawan.
Pagtatanong
Batay sa mga larawan, ano sa palagay niyo ang mga
nararamdamang
suliranin sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga?
Nararanasan mo ba ito? Anong mga paraan ang dapat na gawin
upang malutas ang mga suliraning ito?

b. Pagpapaliwanag
Mga Suliranin sa Pagdadalaga o Buwanang Dalaw
1. Pagsakit ng ulo
2. Pangangasim ng sikmura
3. Pagsakit ng likod
4. Pagsakit ng balakang at baliktad
5. Pagkabalisa
6. Pagiging bugnutin
7. Pagsakit ng puson

10. Pangkatang Gawain

d. Mga Pamantayan sa Pangkatang Gawain


-Respetuhin ang ideya ng bawat miyembro ng pangkat
-Intindihin mabuti ang nakaatang na gawain
e. Pagbibigay ng activity card sa bawat lider ng pangkat
f. Pagsasagawa ng bawat pangkat
Activity 1 – “Napapaaray si Roy”

Unang Pangkat (Pagsasadula)

Sitwasyon:

Kinausap si Roy ng tatay niya na nasa


tamang gulang na siya upang magpatuli.
Pumayag si Roy sa desisyon ng tatay niya para
sa kanya.
Sinamahan siya ng kanyang nanay sa doktor
upang magpatuli at kinabukasan nahirapan siya
sa paglalakad dahil namamaga ang kanyang
bagong tuli.
Sa palagay niyo, anong suliranin ang
nararanasan ni Roy? Ano ang kanyang dapat
gawin?

Activity 2 – “Ang Karanasan ni Edna”


Ikalawang Pangkat (Pagsasadula)

Sitwasyon:
Nasa paaralan na si Edna ng biglang
sumakit ang kanyang puson dahil sa kanyang
buwanang dalaw. Namimilipit siya sa sakit at
nagpaalam siya sa kanyang guro na pupunta siya
ng klinika upang mabigyan ito ng lunas.

Sa palagay niyo, lahat ba ng babae


nararanasan ang sumakit ang puson tuwing may
buwanang dalaw? Ano ang kanyang dapat gawin
upang maiwasan ang pananakit ng puson?

Activity 3

 Ikatlong Pangkat
Panuto: Isulat ang mga suliranin sa panahon ng
pagbibinata at pagdadalaga.

Pagbibinata Pagdadalaga

3. Pagtalakay

c. Pag-uulat ng bawat pangkat

d. Pagsusuri

- Sa unang pangkat, anong suliranin ang ipinakitang kilos


nila? Lahat ba ng mga lalaki nararanasan ang suliraning ito
pagkatapos nila magpatuli? Anong dapat na gawin?

- Anong pakitang-kilos ang ginawa ng ikalawang pangkat.


Bakit mo nasabi na ito ay suliranin sa panahon ng
pagdadalaga? Ano ang dapat mong gawin?

- Sa ikatlong pangkat, ano-ano ang mga suliranin sa


panahon ng pagbibinata at pagdadalaga?

11. Paglalahat
Kahit ano mang suliranin ang maranasan sa panahon ng
pagbibinata at pagdadalaga, ito’y dapat tanggapin nang may
pananalig sa likas na pag-unlad ng katawan at kung kinakailangang
kumunsulta sa espesyalista.

12. Paglalapat
Isang Sitwasyon:

Natakot si Gina pagkagising niya sa umaga ng may nakita siyang


dugo sa kanyang higaan. Bigla siyang tumayo at sinabi ang
pangyayari sa kanyang ina. Pinayuhan siya na huwag matakot dahil
natural lang sa isang babae ang magkaroon ng buwanang dalaw dahil
ito ay palatandaan ng pagdadalaga.
Ipinaliwanag din ng kanyang ina ang magiging suliranin sa
panahon ng pagdadalaga.

Pagtatanong:
a. Ano kayang mga suliranin ang nabanggit ng kanyang ina?
b. Dapat bang matakot? Bakit?

13. Pagtataya
Panuto: Punan ng tamang salita ang mga puwang. Hanapin ang sagot
sa loob ng kahon.
doktor tuli

hot water bag regla

bulsa de yelo menstrual cycle

masustansya maasim

1. Kailangan ang wastong pangangalaga kapag bagong


upang mapabilis ang paghilom ng sugat.

2. Kapag namaga ang sugat habang bagong tuli, nararapat na


kumunsulta kaagad sa .

3. Mahalagang magkaroon ng pansariling kalendaryo ukol sa iyong


pagreregla upang malaman mo ang iyong .

4. Normal na karanasan ang pagsakit ng puson sa panahong may


regla. Ito’y madaling mababawasan sa pamamagitan ng
paglalagay ng
.

5. Ang pagkain ng ay mahalagang mapanatili sa


panahong may regla/ bagong tuli.

VIII. Takdang Aralin


4. Remediation
Sagutan ang tanong:
Dapat bang matakot ang isang bata sa mga suliranin sa kanyang
panahon ng pagbibinata o pagdadalaga? Bakit?

5. Reinforcement
Paano mo mapangangalagaan ang sarili upang maiwasan ang
suliranin sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata?

6. Enrichment/Enhancement
Magsaliksik para sa panibagong aralin tungkol sa mga
pinagkakatiwalaan at maaasahan sa paglutas ng mga suliranin na may
kinalaman sa pagbibinata at pagdadalaga.
Banghay Aralin sa Health V
Ikalawang Markahan
Aralin 5
I. Layunin

 Natatalakay ang kahalagahan nang wastong pangangalaga ng


katawan sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.

 Naisasagawa ang wastong paraan ng pangangalaga sa sarili.

II. Paksang Aralin

Mga Wastong Paraan sa Pangangalaga sa Sarili sa Panahon ng


Pagdadalaga at Pagbibinata
A. Konsepto:
Ang wastong pangangalaga ng katawan sa panahon ng
pagdadalaga o pagbibinata ay mahalagang unawain at isagawa dahil ito
ay bahagi ng pang araw-araw sa pangangalaga sa katawan.
Mahalagang pangalagaan ang sarili sa panahon ng buwanang-
daloy ng mga kababaihan o bagong tuli ng mga kalalakihan upang
magkaroon ng lubos na pagtitiwala.

B. Kagamitan:
Larawan, Tsart

C. Sanggunian:
H5 GH-Ii-10
Kasanayang Aklat sa EPP V d. 7-14
Luzviminda G. Anastacio

D. Pagpapahalaga
Kalinisan at Tiwala sa Sarili

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Pagsusuri ng kalinisan sa katawan (buhok)
2. Balitaan (Health News Report)
3. Pagsasanay

Isulat ang B kung babae, L kung lalaki at P kung parehong nagaganap


ang pagbabago.
1. Paglapad ng balikat
2. Pagreregla
3. Paglaki ng balakang
4. Pagbabago ng boses
5. Pagsulong ng taas at bigat

4. Balik-aral

Batay sa napag-aralan natin kahapon, anong mga suliranin ang


mararanasan sa pagbibinata at pagdadalaga?

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak
Mahalaga ba na pangalagaan natin ang ating sarili sa panahon ng
pagdadalaga at pagbibinata? Bakit?

2. Paglalahad
B. Pagmamasid sa larawan.

Pagtatanong

Batay sa mga larawan, anong mga gawain ang isinasagawa nila?


Naisasagawa mo rin ba ito araw-araw? Bakit? Mahalaga ba ang
pangangalaga sa ating sarili? Bakit?

b. Pagpapaliwanag

Pangangalaga sa Katawan sa Panahon ng Regla


1. Pagkain ng wastong pagkain.
2. Pagkakaroon ng sapat na pahinga at pagtulog
3. Pag-eehersisyo
4. Pag-aayos sa sarili
5. Paggamit ng pasador o Sanitary napkin
Pangangalaga sa Katawan ng Bagong Tuli
1. Pagsusuot ng maluwag at malambot na shorts.
2. Iwasan ang pagbubutingting sa sugat.
3. Linisin ang sugat sa pinakuluang bayabas o gamot na reseta ng
doctor.
4. Tiyaking laging tuyo ang sugat.
5. Panatilihing malinis ang katwan at kasuotan.
6. Iwasan ang sobrang paglalalro o pagtakbo.

Pangkatang Gawain

g. Mga Pamantayan sa Pangkatang Gawain


-Respetuhin ang ideya ng bawat miyembro ng pangkat
-Intindihin mabuti ang nakaatang na gawain
h. Pagbibigay ng activity card sa bawat lider ng pangkat
i. Pagsasagawa ng bawat pangkat

Activity 1

 Unang Pangkat
Gawin: “ Pangangalaga sa Sarili”
Panuto: Sa bawat petal ng bulaklak, sumulat ng isang
dahilan kung bakit mahalaga ang wastong
pangangalaga sa sarili.

Pangangalaga
sa Sarili

Activity 2

 Ikalawang Pangkat
Isulat sa tsart. “Bilugan at Ikahon mo Ako”
Gawin: Lagyan ng bilog ( O ) kung ang binabanggit
ay mga pangangalagang dapat isagawa at kahon ( )
naman kung hindi.
1. Madalas na pagpapalit ng kasuotang panloob.
2. Maligo minsan isang linggo.
3. Kumain ng masustansiyang pagkain.
4. Magkulong sa bahay kapag may regal o bagong
tuli.
5. Maghugas ng kamay bago at pagkatapos
magpalit ng pasador o maglanggas.

Activity 3

 Ikatlong Pangkat

Gawin: Gumuhit ng dobleng bilog at isulat sa unang


bilog ang mga paraan ng wastong pangangalaga sa
katawan. Isulat naman sa ikalawang bilog ang mga
hindi dapat gawin.

Wasto Di-Wasto

3. Pagtalakay

e. Pag-uulat ng bawat pangkat


f. Pagsusuri

 Mahalaga ang wastong pangangalaga ng sarili sa panahon


ng pagbibinata at pagdadalaga.
- Anong pangangalaga maaaring isagawa sa
panahong may buwanang-daloy ang babae?
- Anong pangangalaga maaaring isagawa sa
panahong bagong tuli ang lalaki?

4. Paglalahat
Isulat sa pisara ang mga wastong pangangalaga sa sarili sa
panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.

5. Paglalapat
Pagbasa ng mga bata ng tula sa pisara/tsart.

Ang Batang Malinis


Ang batang malinis at maayos ang katawan
Kinalulugdan ng mag-anak, kakilala at mga kaibigan
Dahil dito siya’y nasisiyahan
Pinanatili ang kalinisan, upang hindi maiwasan.

Ang paliligo ay isang paraan sa paglilinis


Tinatanggal ang dumi, alikabok at pawis
Higit sa lahat maiwasan ang pagkakaroon ng amoy na di-kanais-nais
Paglaki ng katawan ng batang malinis ay napapabilis.

Kasiya-siyang tingnan batang malinis ang katawan


Ngipin sinisisipilyuhan, kuko ginugupitan
Buhok na mahaba tinatalian
Lahat ng ito’y hindi kinaliligtaan.

Maayos magdamit at angkop na gulang


Itong batang may kalinisan at kaayusan
Pati pananalita ay magalang
Kaya dapat nga siyang tularan.

Pagtatanong:
c. Ano-ano ang dahilan kung bakit maging malinis at maayos ang
mga bata?
d. Paano mo maiiwasan ang mga sakit?

6. Pagtataya
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang angkop na salitang maisusulat
sa bawat puwang sa tulang “Alam Mo Ba?”

sariling pinandidirihan tulong pangangalaga

nagdadalaga masigla linis isinasagawa

kahit pananagutan mabango pinababayaan

Alam Mo Ba?
Ang nagbibinata at
Maliksi, makisig , maganda
bagong tuli o kaya may regla
ng katawa’y binibigyang-puna.
Pangangalaga ng katawan
Mahalagang tunay at
Di sa buong lipunan
na malaki sa iyong kaunlaran

IV. Takdang Aralin

1. Remediation

Maggupit ng mga larawan sa wastong pangangalaga sa sarili sa panahon


ng pagbibinata at pagdadalaga. Idikit sa album.
2. Reinforcement
Isulat ang mga bagay na dapat gawin upang maging malinis at maayos
ang katawan. Isulat ito sa isang bond paper at ilagay sa portfolio.

3. Enrichment/Enhancement

Sumulat ng isang tula na ang pamagat ay “Mga Wastong Pangangalaga


sa Sarili.”

Banghay Aralin sa Health V


Ikalawang Markahan
Aralin 6

I. Layunin

 Natatalakay ang kahalagahan nang paghingi ng payo sa mga


pinagkakatiwalaan at maaasahang nakakatanda sa pangangasiwa sa
paglutas ng mga suliranin na may kinalaman sa pagbibinata at
pagdadalaga.

 Naipapakitang kilos ang mga gawain sa kahalagahan sa paglutas ng


suliranin na may kinalaman sa pagbibinata at pag dadalaga.

II. Paksang Aralin

“Mga Pinagkakatiwalaan at Maaasahang Nangangasiwa sa Paglutas ng


Suliranin na May Kinalaman sa Pagbibinata at Pagdadalaga”

A. Konsepto:
Sa kasalukuyan, ang mga magulang ang unang
pinagkakatiwalaan at maaasahang mangasiwa sa paglutas ng suliranin
na may kinalaman sa pagbibinata at pagdadalaga.

B. Kagamitan:
Larawan, Tsart at Kartolina (strip)

C. Sanggunian:
H5 GD-Ii-9
PEHM III d.66.
Nancy D. Flores

D. Pagpapahalaga
Tiwala sa Kapwa/Pagkamasunurin sa Magulang

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsusuri ng kalinisan sa katawan (buhok)
2. Balitaan (Health News Report)
3. Pagsasanay
Isaayos ang mga gulo-gulong titik upang makabuo ng panibagong
salita.

gagmluna – magulang
ypoa – payo
gslupat – paglutas
rinsluani – suliranin
amahsaana – maaasahan

4. Balik-aral
Ano-ano ang mga suliranin ang nararanasan sa panahon ng
pagbibinata at pagdadalaga?

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak
Kapag masama ang iyong pakiramdam, sino ang una mong
tinatawag o nilalapitan upang humingi ng tulong o lunas?

2. Paglalahad
C. Pagpapakita ng larawan.

Pagtatanong:
Ano ang masasabi mo sa larawan?
Bakit sa palagay niyo nag-uusap ang mag-ina?

Pangkatang Gawain

a. Mga Pamantayan sa Pangkatang Gawain


-Respetuhin ang ideya ng bawat miyembro ng pangkat
-Intindihin mabuti ang nakaatang na gawain
b. Pagbibigay ng activity card sa bawat lider ng pangkat
c. Pagsasagawa ng bawat pangkat

Activity 1
 Unang Pangkat

Pagsasadula
Sitwasyon: “ Ang Mapag Arugang Nanay”
Isang umaga umiiyak si Berto dahil kumikirot ang kanyang
bagong tuli.Nabahala ang Nanay dahil nakita nya ito na
namamaga at namumula.Agad niya dinala si Berto sa doktor
upang mabigyan ng lunas. Nagpasalamat si Berto sa kanyang
nanay sa ginawang tulong at pagmamalasakit nito,

Pagtatatanong:

Sino ang unang gumawa ng paraan para mabigyan ng lunas


si Berto? Sa palagay ninyo ganun din ba ang nanay niyo mapag
asikaso sa mga anak? Anong dapat mong gawin sa kabila ng
pagiging maasikaso ng ating mga nanay?
.

Activity 2
 Ikalawang Pangkat

Pagsasadula
Sitwasyon: “ Dalaga na si Rita”

Napansin ni Rita na may pagbabagong pisikal ang


kanyang katawan ngunit di siya natatakot dahil na ikuwento ng
kanyang nanay ang mga pagbabago ng isang nagdadalaga.Hindi
sya nahiya makisama sa kanyang mga kaibigan.

Pagtatanong
Sa palagay ninyo lahat ba ng mga babae makakaranas ng
pagbabagong pisikal ng kanilang katawan? Bakit? Bakit
nagkaroon ng tiwala sa sarili si Rita?
Activity 3

 Ikatlong Pangkat
Pagsasadula

Sitwasyon
Mga dalaga’t binata na ang mga anak nila Mang Jose at
Aling Rosa. Lalong naging magkalapit ang mag-anak. Lubos na
suporta at atensyon ang ibinibigay nila sa kanilang mga anak.
Ipinapaliwanag nila ang mga pagbabago at suliranin sa panahon
ng pagbibinata at pagdadalaga.Nagkakaroon ng tiwala sa sarili at
pagkamaunawain ang kanilang mga anak dahil sa wastong
pagsubaybay at pag-aaruga sa kanila ng mga magulang.

Pagtatanong

Tama ba ang ginawa nila Mang Jose at Aling Rosa sa kanilang


mga anak? Bakit? Sino ang unang tao na dapat magbigay ng
suporta sa kanilang mga anak sa panahon ng pagdadalaga at
apagbibinata?

3. Pagtalakay
g. Pag-uulat ng bawat pangkat

h. Pagsusuri

— Sa unang pangkat,sa sitwasyon na ipinakita, dapat bang


magsasabi tayo sa mga magulang kapag may
nararamdaman tayo? Bakit?

— Sa ikalawang pangkat, dapat bang matakot sa


ipinagbabago ng inyong katawan sa panahon ng
pagbibinata at pagdadalaga? Bakit?

— Sa ikatlong pangkat, sa palagay ninyo dapat ba ang


magulang ang unang magbigay ng suporta/payo sa
kanilang mga anak? Sa palagay niyo dapat bang tularan
sila Mang Jose at Aling Rosa? Bakit?

4. Paglalahat

Ang mga magulang ay sya ang unang pinagkakatiwalaan at


maasahang mangasiwa sa paglutas ng suliranin na may kinalaman
sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga.

5. Paglalapat/ Pagpapahalaga

Batay sa larawan sumulat ng isang maikling tula na pinamagatang


“Ang Batang Masunurin sa Magulang.”
Pagtatanong:

Tungkol saan ang tula? Dapat bang maging masunurin ang mga
anak sa magulang? Anong naidudulot ng pagiging masunuring bata
sa magulan

6. Pagtataya

Panuto: Isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang.


_______1. Ang mga magulang ay may ______ sa kanilang anak na
pangalagaan.
a. karapatan c. pananagutan
b. gawain d. tungkulin

_______2. Tungkulin din ng mga magulang ang ________.


a. gutumin ang mag-anak
b. kaligtasan at kaligayahan ng kanyang mag-anak
c. hayaang mag-away ang mag-anak
d. hindi ipagkaloob ang pangangailangan ng mga mag-
anak

______ 3. Tungkulin ng isang _____ ang ipa intindi sa mga anak ang
pagbabagong pisikal ng sarili sa panahon ng pagdadalaga
at
pagbibinata.
a. tatay c. magulang
b. ate d. nanay

_______4. Ang mga magulang ay ang unang nagbibigay ng _____ sa


kanilang mga anak lalo na panahon ng pagbibinata at
pagdadalaga.
a. pagkain c. materyales
b. payo d. pera

_______5. Sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga kailangan ang


suporta at pangangalaga ng isang _________.
a. kapit-bahay c. kaibigan
b. magulang d. doktor

IV. Takdang Aralin

1. Remediation

Sagutan ang tanong:


Bakit dapat natin mahalin an gating mga magulang?Bakit
2. Reinforcement

Sumulat ng isang awitin na ang pamagat “ Mga Masunuring Anak


sa Magulang.” Lapatan ito ng paborito mong liriko.

3. Enrichment/Enhancement

Maggupit ng larawan ng isang magulang at sumulat ng isang


maikling talata na nagpapahayag ng pasasalamat sa suporta at
pagmamahal na ibinibigay nila sa lahat ng pagkakataon.

Banghay Aralin sa Health V


Ikalawang Markahan
Aralin 7
I. Layunin
 Naipapaliwanag ang kahulugan ng “sex” at “gender”
 Naibibigay ang pagkakaiba ng “sex “ at “gender”
 Naigagalang ang pananaw ng isang tao tungkol sa “gender”
II. Paksang Aralin
Pagkakaiba ng Sex at Gender
A. Content
Ang sex ay tumutukoy sa biyoloholikal na kasarian ng isang tao. Tumutukoy ito
sa babae o lalaki. Samantalang ang gender ay ang mga katangian na tumutukoy
sa pagkakaiba ng babae at lalaki.Nakikita ito sa mga kagamitan, pananamit,
trabaho, at paniniwala.
B. Kagamitan
Larawan ng batang lalaki at batang babae, mga batang naglalaro at
nagtatrabaho
Metacards
C. Sanggunian
CG H5GD-Ij12
Merriam Webster Dictionary
D. Pagpapahalaga
Pagkamagalang sa paniniwala ng iba
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsusuri ng Kalinisan ng Katawan
2. Balitaan
3. Balik Aral
Ano-ano ang mga pagbabago sa lalaki at babae pagdating sa panahon ng
pagbibinata at pagdadalaga?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Sino ang haligi ng inyong tahanan?
Ilarawan ang haligi ng inyong tahanan.
Sino ang ilaw ng inyong tahanan?
Ilarawan ang ilaw ng iyong tahanan.
2. Paglalahad
Pag-aralan ang larawan at ibigay ang pagkakaiba ni Maganda at Malakas (Pisikal).

Tayo
ay
Magkaiba
(Sex)

MALAKAS
MAGANDA

Lalake ako!
Babae ako!

BABAE LALAKI
Mga gabay na tanong?
Ano ang pangalan ng babae sa larawan?
Ano ang pangalan ng lalaki sa larawan?
Paano nagkakaiba ang pisikal na katangian ng babae at lalaki ?

Asul o Rosa
(Gender)
Idikit ang mga larawan mula sa kahon sa payong kung ito ay pambabae at sa
kotse kung ito ay panlalaki
Ano ano ang mga bagay na panlalaki?
Ano-ano ang mga bagay na pambabae?
Alin sa mga bagay ang maaring gamitin ng lalaki at babae?

Hulaan Mo, Ilalarawan Ko


Iguhit ang kung panlalaki at kung pambabae

Ilaw ng tahanan Pag-iigib ng tubig


Haligi ng tahanan pagkukumpuni ng mga sirang kasangkapan sa
bahay
Malakas Paglalaba
Pagmemakeup Pagluluto

Alin sa mga gawain ang kalimitang mga babae lamang ang gumagawa?
Alin sa mga gawain ang kalimitang mga lalaki lamang ang gumagawa?
Alin sa mga gawain ang maaring gawin ng parehas ng babae at lalaki?
3. Pagtatalakay
Ano- ano ang mga pisikal na pagkakaiba ng babae sa lalaki?
Ano-ano ang mga inaasahan sa isang lalaki?
Ano-ano ang mga inaasahan sa isang babae?
Alin sa mga inaasaahan sa mga babae ang ginagawa ng mga lalaki?
Alin sa mga inaasahan sa mga lalaki ang maari ring gawin ng mga babae?
Maari rin bang gawin ng mga lalaki ang ginagawa ng mga babae?
Bakit?
Paano nakakaapekto ang pagbabagong ito sa ating lipunan?
Paano mo maipapakita ang paggalang ibat-ibang kasarian?
4. Paglalahat
Ano ang tinutukoy na sex o kasarian?
Ano ang tinutukoy ng gender?
Ano ang pagkakaiba ng sex atg ender?
5. Paglalapat
Isulat ang S kung ito ay tumutukoy sa sex at G kung gender
a. Pagsuot ng damit panlalaki
b.Ppagpapahaba ng buhok ng mga babae
c. Paglaki ng dibdib ng mga babae
6. Pagtataya
Sabihin kung ang nakasalungguhit na salita ay tumutukoy sa gender o sex
1. Si Marikit ay naglalaba ng damit ng kanyang asawa.
2. Si Makisig ay isang lalaki.
3. Si Pedro ang naghahanapbuhay para sa kanyang mag-anak.
4. Suot-suot ni Luningning ang palda na regalo ng kanyang tita.
5. Ang kanyang Ama ay guro sa aming paaralan.
IV. Takdang Gawain
a. Magtala ng limang katangian mo na nagpapakita ng iyong gender.
b. Ipaliwanag ang nais ipahiwatig na larawan sa sex at gender

Banghay Aralin sa Health V


Ikalawang Markahan
Aralin 8

I. Layunin
 Natutukoy ang mga nakakaapekto sa” gender identity” at” gender roles”
 Nailalarawan ang mga epekto nito sa “gender role”
 Naigagalang ang iba’t-ibang pananaw ukol sa “gender identity”.
II. Mga Nakakaapekto sa “Gender Identity” at” Gender Role”
A. Content
Ang gender identity ay personal na pagkakilanlan sa sarili bilang babae o
lalaki.
Ang gender role naman ay mga pag-uugali o katangian na karaniwang
itinuturing na katanggap-tanggap , naaangkop, o kanais-nais para sa isang tao
batay sa kanilang aktwal o inaaring kasarian.
Ang mga nakakaimpluwensya sa gender identity at gender role ay
napapangkatsa dalawa. Ito ay maaring byolohiko katulad ng seks o ari at sekswal
hormones na estrogen at testosterone. At Sosyal na aspeto katulad ng kaugalian
sa loob ng tahanan,pakikipagsalamuha sa ibang tao sa paligid, social media at
sa mga kaklase at kaibigan.
B. Kagamitan
Larawan ng batang lalaki at batang babae, mga batang naglalaro at
nagtatrabaho, bola
Metacards
C. Sanggunian
CG H5GD-Ij-13
CG H5GD-Ij-14
https://www.mentalhelp.net/articles/factors-influencing-gender-identity/

http://highered.mheducation.com/sites/0072820144/student_view0/chapter15/index.html
D. Pagpapahalaga
Pagkamagalang sa sekwalidad ng kapwa
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsusuri ng Kalinisan ng Katawan
2. Balitaan
3. Balik Aral
Ano ang pagkakaiba ng sex sa gender?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Anu ano ang gawain ng mga babae sa inyong bahay?
Anu-ano ang gawain ng mga lalaki sa inyong bahay?
2. Paglalahad

Bola ang Magpapasya


(Gender Identity)
Ipasa ang bola at ang makakasalo nito ang bubuo ng pangungusap.
Ako ay lalaki dahil________
Ako ay babae dahil_______
Dahil ako ay lalaki ako ay______
Dahil ako ay babae ako ay______
Mga gabay na tanong:
Anu-ano ang pagkakaiba-iba ng babae sa lalaki?
Anu-ano ang mga inaasahan sa isang lalaki?
Anu-ano ang mga inaasahan sa isang babae?

Ganito daw dapat Sabi Nila


(Gender Role)
Lagyan ng tsek kung saan mo ito natutunan. Maaring lagpas ng isa ang
maaaring
lagyan ng tsek.

Media Magulang Kaklase Guro Mga


kalaro
Maigsi ang buhok ng mga lalaki at mahaba ang buhok
ng mga babae
Mga babae ang magsusuot ng palda.
Mga babae ang maglilinis ng bahay.
Ang mga lalaki ang gagawa ng mga mabibigat na
gawaing bahay.
Ang tatay ang dapat na naghahanapbuhay.
Dapat matibay ang loob ng mga lalaki.
Ang dapat laruin ng mga lalaki ay bola at baril- barilan
Dapat matapang ang mga lalaki.
Masinop sa gamit ang mga babae.

Gabay na tanong:
Anu –ano pagkakaiba ng gender role ngmga lalaki sa mga babae?

3. Pagtatalakay
Paano naiimpliwensiyahan ng ating byolohika na aspeto sa katawan ang ating
gender identity?
Sino ang mga nakakaimpluwensya sa ating gender identity at gender roles?
SA inyong palagay may malaking impluwensya ba ito sa inyo?
Alin sa mga gender roles ang maaaring magkapalit ang mga babae at lalaki?
Naging tanggap din ba ang pagpapalit na ito?
Bakit?
Paano maipapakita ang paggalang sa mga taong kasalungat ang kanilang
gender identity?
4. Paglalahat
Ano ang tinutukoy na gender identity?
Ano ang tinutukoy na gender role?
Sino sino ang nakakaimpluwensiya sa gender role at gender identity?
5. Paglalapat
Isulat sa ilalim ng larawan kung sino nakaimpluwensiya sa pagpili mo dito at
ipaliwanag ang sinabi sa iyo tungkol dito.

LARO DAMIT PERSONAL NA GAMIT

IV. Pagtataya
Bilugan ang mga salitang tumutukoy sa mga nakakaimpluwensiya sa gender role
at gender identity.
Magulang kaibigan kaklase teknolohiya media

Laruan pagkain byolohiko guro sports

V. Takdang Gawain
A. Gumawa ng Talaan ng mga Gender Role at isulat ang sinabi ng iyong
magulang tungkol dito.

B. Punan ang Table. Ilagay ang mga gender role na naimpluwensiyahan sa iyo
ng mga itaas ng bawat kahon.
Byolohiko Magulang Media KaLaro Kaklase

Banghay Aralin sa Health V


Ikalawang Markahan
Aralin 8
I.Layunin
 Nakakapagbigay ng halimbawa kung paano nagbabago ang gendar role
 Nailalarawan ang epekto ng mga pagbabago ng gender role sa ating panahon.
 Napapahalagahan ang mga mabubuting naidulot ng mga pagbabago ng gender
role sa ating komunidad.
II. Paksang Aralin
Pagbabago ng Gender Role
A. Content
Ang gender role ay patuloy na nagbabago dahil sa sa media at
impluwensya ng mga dayuhan. May mga gawain at posisyon na dati ay para sa
particular na kasarian lamang ngunit ngayon maari ng ibigay sa kahit
magkaibang kasarian.
B. Kagamitan
Mga larawan, tsart, mainila paper/ carolina
C. Sanggunian
CG H5GD-Ij-15
http://www3.uakron.edu/witt/flsp/note3.htm
D. Pagpapahalaga
Pagkamagalang sa gender ng iba
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsusuri ng Kalinisan ng Katawan
2. Balitaan
3. Balik Aral
Ano- ano ang mga nakakaimpluwensya ng gender role at gender identity?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Ano ang napapansin mo sa mga pananamit ng mga lalaki at babae ngayon kung
ikupumpara noon?
2. Paglalahad

Ibigay ang Pagkakaiba


A B
Ano ang nga gawain sa Pangkat A?
Ano ang mga gawain sa Pangkat B
Ano ang pagkakaiba ng larawan A sa larawan B?
Ano ang nais nito ipahiwatig sa gender role?
Ipaliwanag ang sagot.
Noon at Ngayon

Babae Noon Ngayon


Gawaing bahay
Kasuotan
Pagdedesisyon
Posisyon sa lipunan
Edukasyon

Lalaki Noon Ngayon


Gawaing bahay
Kasuotan
Pagdedesisyon
Posisyon sa lipunan
Edukasyon

Ano-ano ang mga inaasahan sa mga lalaki noon?


Ano-ano naman ang mga nakikita natin sa kanila ngayon?
Ano-ano ang mga inaasahan sa mga babae noon?
Ano-ano naman ang mga nakikita natin sa kanila ngayon?
Alin sa mga inaasahan sa mga lalaki ang ginagawa na rin ng mga babae
ngayon?
Alin sa mga inaasahan sa mga babae ang ginagawa na rin ng mga lalaki
ngayon?
3. Pagtatalakay
Maari na bang gawin ng mga babae ang gawain ng mga lalaki ngayon?
Bakit?
Magbigay ng halimbawa nito.
Maari na bang gawin ng mga babae ang gawain ng mga lalaki ngayon?
Bakit?
Magbigay ng halimbawa nito.
Ano-ano ang mga aspeto ng gender role ang maari ng gawin ng magkaparehas
na seks?
Dapat ba nating ipagbawal ang mga pagbabagong ito?
Bakit?
Anu-ano amng mga magagandang naidulot ng mga pagbabagong ito?
Anu-ano ang mga naiambag ng mga nasaxw x ikatlong kasarian sa ating
lipunan?
Paano mo ipapakita ang paggalang sa kanila?
4. Paglalahat
Ano-ano ang mga pagbabago sa gender roles sa ating panahon?
Paano ang mga pagbabagong ito nakaambag sa ating lipunan?

5. Paglalapat
Ilagay ang mga salita sa dapat na kahon.

Pambabae Panlalaki Pambabae at


Panlalaki

Pagluluto
Paglilinis ng bahay
Paghahanapbuhay
Pag-aalaga ng mga kapatid
Pulis
Guro
Pinuno ng Baranggay
Magagaling sa math
Magagaling sa English

5. Pagtataya
Lagyan ng tsek kung ang pangungusap ay wasto at kung mali, palitan ang
nakasalunguhit na parirala upang itama ito.
1. Ang mga lalaki ngayon ay maari ng gumawa ng mga gawaing pambabae.
2. Ang mga lalaki ang dapat nasa mataas na posisyon sa mga samahan.
3. Ang mga mabibigat na gawain ay para sa mga lalaki.
4. Ang mga babae ay dapat gumawa ng mga gawaing bahay at pag-aalaga ng
mga nakakabatang kapatid.
5. Ang mga mga kursong may kaugnayan sa matematika at para sa mga lalaki.

IV. Takdang Gawain


1. Magtala ng 5 gawain mo na maari ring magawa ng kabilang kasarian.
2. Ipaliwag sa 5 pangungusap ang nais ipakita ng larawan tungkol sa pagbabago
ng gender role.

You might also like