You are on page 1of 20

TEKSTONG

NARATIBO
Layunin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang


naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang
tekstong binasa na may tuon sa:
● mga uri ng tekstong naratibo;
● mga elemento ng tekstong naratibo;
● katangian at kalikasan ng tekstong naratibo; at
● mga sangkap ng tekstong naratibo.
Mahahalagang Tanong

Sa araling ito ay sasagutin natin ang sumusunod na tanong:

● Bakit kawili-wiling basahin ang mga tekstong naratibo?


● Paano tumatatak sa isipan ng mga mambabasa ang
nilalaman ng mga tekstong naratibo?
● Paano nakabubuo ng isang mahusay na tekstong
naratibo?
Pamagat ng mga Nabasa

Awtor Aklat Iba pang


Babasahin
Central Manila District, 2055

Central Manila District, Philippines. Taong 2055. Alas-tres ng umaga. Wala nang
tumitilaok na manok dahil out of fashion na ito. Silent protest na rin siguro nila sa
muntik nilang pagka-extinct dahil sa hindi mapigil na pagsulpot ng McDonalds,
Jollibee, KFC, Andoks, Mang Inasal, Baliwag, Sr. Pedro, Chooks to Go, at Bon Chon.
Nakahanay ang lahat ng mga empleyado ng government at private agencies para sa
isang flag raising ceremony dahil required ito. Masasaksikhan ang pagtugtog ng neo-
national anthem. Aawitin ito sa loob ng unang 30 minuto bago magsisimula ang
opisyal na trabaho sa bawat araw—kasama ang Sabado at Linggo. Magsisimula ito sa
“May tatlong bibe akong nakita, mataba, mapayat—mga bibe…” at magtatapos sa 13
ulit ng mga linyang “kwak-kwak-kwak” sabay sasaludo sa unit commander. Lahat ay
maghihiwa-hiwalay para sa kani-kaniyang trabaho. Kahit anong trabaho, may
kinabibilangang unit. Hindi puwedeng hindi kumilos. May nagmamatiyag sa paligid.
Lahat ng hindi makasasabay sa tono o bibigkas ng maling lyrics—kahit pa isang
salita lang—ay ipadadala sa Ministry of National Music Quality Assurance. Doon,
mayroon silang tatlong araw para sauluhin ang lyrics at kinisin ang kanilang boses.
Sa ikaapat na araw, darating si Coach Lea & friends para i-assess ang kanilang
performance. Kapag hindi pa rin maayos ang kanilang pagkanta—walang umikot
paharap sa isa man sa kanila—kukuhanin na ng bagong tatag na pamahalaan, ang
National Society of New Human Race Maintaining Discipline and Order for the
Country’s Good and Green Peace (NSNHRMDOCGGP), ang kanilang boses.
Mawawalan na sila ng trabaho sa above-ground kaya ipatatapon na sila sa
underground kung saan lahat ng kawani ng mga pampubliko hanggang pribadong
sektor—kasama na rin ang mga nasa showbiz at networking industry—ay mga
walang boses.
Hindi rin dito nagpa-flag raising ceremony. Trabaho lang sila nang trabaho, na
parang mga robot. Bawal silang magsalita. Hindi pala. Walang makakapagsalita
dahil wala na silang boses. Wala ring sign language. Burado na ito sa isip, memorya,
at mekanismo ng mga taong ipinatapon dito. Para sa mga opisyal na namumuno sa
NSNHRMDOCGGP, hindi ka makabayan o hindi mo mahal ang Pilipinas kung hindi
mo kayang kantahin nang maayos ang neo-national anthem na “Nakita Kong May
Tatlong Bibe, Isang Araw na Kay Ginhawa ng Aming Buhay Nang Dahil sa
NSNHRMDOCGGP.”
NILALAMAN
Pagpapahalaga

Ano ang kahalagahang hatid ng tekstong


naratibo sa mga mambabasa?
“Mabuting malulong sa pagbabasa
dahil hatid nito ay pagasa.”
Inaasahang Pag-unawa

● Ang tekstong naratibo ay maikli lamang ngunit kawili-


wiling basahin dahil sa mga paksang tinatalakay at
magaan lamang ang paraan ng paglalahad.
● Ang tekstong naratibo ay nag-iiwan ng kakintalan sa
isipan ng mga mambabasa.
● Maaaring makabuo ng isang tekstong naratibo kung
susundan ang katangian at kalikasan nito, mga elemento,
at sangkap ng tekstong naratibo.
Paglalagom

Ang tekstong naratibo ay tekstong nagsasalaysay


1 tungkol sa isang tao, bagay, lugar, o pangyayari.
Karaniwan itong nagbibigay-aliw.

May dalawang uri ng tekstong naratibo:


2 makatotohanan o non-fiction at hindi
makatotohanan o fiction.
Paglalagom

Bawat tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga


3 elemento: paksa, banghay, panahon at tagpuan,
tauhan, tunggalian.
Kasunduan

GUMAWA NG 7 ARAW NA TALAARAWAN O DIARY.


ISULAT SA KAHIT ANONG PAPEL NGUNIT
MASINING/CREATIVE ANG PAGKAKAGAWA O
PAGKAKASULAT.

You might also like