You are on page 1of 42

KAGAWARAN NG FILIPINO

T.P. 2020-2021

Panitikang Luzon: Larawan ng


Pagkakakilanlan

FILIPINO 7
Ikatlong Kuwarter

Learning Activity Sheets (LAS)


Marilyn S. Agustin Jennifer B. Marquina
Mayenne H. Ambion Angelica S. Debuton
Eloisa May O. Antonio Shiena S. Escandor
Marielle Pauline M. Cells Jona Marie T. Galicha
Shelem Joy B. Mangaring Richard E. Solano
Pangalan ng mga May-Akda
Talaan ng Nilalaman
Linggo Mga Nilalaman PIVOT MELC Pahina
Naihahambing ang mga katangian ng tula/ awiting
panudyo, tugmang de gulong at palaisipan. (F7PB-
IIIa-c-14)
Naisusulat ang sariling tula/ awiting panudyo,
Tula/Awiting Panudyo, Tugmang
tugmang de gulong at palaisipan batay sa itinakdang
1-2 De Gulong At Palaisipan
Ponemang Suprasegmental
mga pamantayan. (F7PU-IIIa-c-13) 1-6
Natutukoy ang kahulugan ng ponemang
suprasegmental at ang kaibahan nito sa ponemang
segmental.
Naipapaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng
suparasegmental (tono, diin antala)
Nasusuri ang mga katangian at elemento ng mito,
Katangian At Elemento Ng alamat at kuwentong-bayan, maikling kwento mula sa
3-4 Mito, Alamat, Kwentong - Mindanao, Kabisayaan at Luzon batay sa paksa, mga
7-12
Bayan At Maikling Kwento tauhan, tagpuan, kaisipan at mga aspetong
pangkultura (halimbawa: heograpiya, uri ng
pamumuhay at iba pa.)
Angkop Na Mga Pahayag Sa Nagagamit nang wasto ang angkop na mga pahayag
sa panimula, gitna at wakas ng isang akda (F7WG-
5 Panimula, Gitna, At Wakas IIId-e-14)
13-15
Ng Isang Akda
Naibubuod ang tekstong binasa sa tulong ng
Pagbubuod Ng Tekstong Binasa
pangunahin at mga pantulong na kaisipan. 16-21
Sa Tulong Ng Pangunahin
5 F7PB-IIIf-g-17
At Mga Pantulong Na Kaisipan

Elemento At Sosyo- Historikal


Na Konteksto Nasusuri ang mga elemento at sosyo-historikal na
6 konteksto ng napanood na dulang pantelebisyon. 22-25
Ng Napanood Na Dulang
F7PD-IIIf-g-15
Pantelebisyon
Panandang Anaporik At Nagagamit nang wastong mga panandang anaporik
7 Kataporik at kataporik ng pangngalan 26-30
F7WG-IIIh-i-16 (MELC 32)
Nasusuri ang mga salitang ginamit sa pagsulat ng
8 Pagsulat Ng Balita balita ayon sa napakinggang halimbawa. 31-36
(F7PN-IIIj-17)
Learning Activity Sheets (LAS #1) Week 1- 2
Filipino 7

Pangalan: ____________________________________________. Baitang: _______________


Seksiyon: _____________________________________________ Petsa: _________________

GAWAING PAGKATUTO

TULA/AWITING PANUDYO, TUGMANG DE GULONG AT PALAISIPAN


PONEMANG SUPRASEGMENTAL

PANIMULA (SUSING KONSEPTO)

Maituturing na pinakamatandang sining ang tula sa kulturang Pilipino. Tula ang pinagmulan ng iba pang
mga sining tulad ng awit, sayaw, at dula. Batay sa kasaysayan, ang mga unang Pilipino ay may likas na kakayahang
mgpahayag ng kanilang kaisipan sa pamamagitan ng mga salitang naiayos sa isang maanyong paraan kaya
kinakitaan ng sukat at tugma. Katunayan, ang mga salawikain at kawikaan ay kaakibat sa tuwina ng mga pahayag
ng mga Pilipino noong unang panahon. Ang pagkadiwang makata ay likas sa ating mga ninuno. Ayon kay
Alejandro Abadilla, “Bawat kibot ng kanilang bibig ay may ibig sabihin at katuturan. Ito ang ipinalalagay na
pangunahing dahilan kung bakit nabuo ang iba pang mga akdang patula tulad ng panudyo, tugmang de-gulong,
bugtong, palaisipan at iba pang kaalamang bayan.

Ang Tula/ Awiting panudyo ay isang uri ng akdang pampanitikan na ang kayarian ay patula (Mayroong sukat at
tugma) kung saan ang layunin nito ay mambuska o manudyo at karaniwan na ginagamit sa panunukso o pang-
aasar. Kinagigiliwan itong bigkasin ng mga bata maging ng mga matatanda noong unang panahon patunay lamang
na ang ating mga ninuno ay may makulay na kamusmusan at panitikan.

Halimbawa:
Si Anna,
Ay sadyang napakaganda
Pero nang siya ay tumayo
Ay para paring nakaupo.

Tatay mong bulutong


Puwede mo na siyang igatong
Nanay mo na maganda
Pwede mo na siyang ibenta

Ang tugmang de gulong ay mga paalala o babala na kalimitang makikita sa mga pampasahero o
pampublikong mga sasakyan katulad ng dyip (jeep). Sa pamamagitan nito ay naipararating ang mga paalala o
babala na may kaugnayan sa paglalakbay ng mga pasahero. Masasalamin din sa tugmang de gulong ang kultura ng
mga ordinaryong mamamayang Pilipino. Ginagamitan ito ng pagwawangis (metaphor) at madalas ay nagtataglay
ng kailyuhan at kalokohan na karaniwan ay may Licencia Poetica o samakatuwid ay hindi na nangangailangan ng
pagwawastong pang gramatika.

Halimbawa:

“Ang di magbayad sa pinanggalingan, di makararating sa paroroonan”


“Ang sitsit ay sa aso, ang katok ay sa pinto, sambitin ang PARA! At tayo ay hihinto”
“Huwag kang mag di-kuwatro, ang dyip ko’y ‘di mo kwarto”

Pahina 1 ng 36
Ang Palaisipan ay uri ng bugtong, pahulaan, o patuturan.Ito ay isang tanong o pangungusap na may natatanging
sagot na iba sa karaniwan.Sa karaniwang palaisipan, kinakailangang lutasin ito sa pamamagitan ng pagsasama-
sama ng mga ideyang lohikal upang makabuo ng solusyon o mahulaan ang sagot. Ito ay isa sa mga naging libangan
noon o pampalipas oras.

Halimbawa:

“Sina Singko ay limang magkakapatid. Kung ang panganay ay si Uno, sino ang bunso sa kanila?”
Sagot: Si Singko

Ang bugtong ay isang anyo ng laro na nangangailangan ng talas ng isipan at ito ay kadalasang nilalaro noon sa
isang lamayan ng mga binate at dalaga. Ito ay may sukat at tugma, kariktan at talinhaga.

Halimbawa:

“Tinaga ko ang puno, sa dulo ang pagdurugo.”


Sagot: Gumamela

Ponemang Suprasegmental

- Ito ang ponemang kinakatawan ng notasyon at iba pang simbolong may kahulugan.
- Ito ay mahalaga para sa mabisang pakikipagtalastasan.
- Nakatutulong ito upang maging mas maliwanag at maparating ang damdamin sa pagpapahayag.
1. Intonasyon, Tono, at Punto
- Ang intonasyon ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na iniuukol sa pagbigkas ng pantig sa salita na maaaring
makapag-iba sa kahulugan ng mga salita maging ang mga ito man ay magkapareho ng baybay.

- Ang tono ng pagsasalita ay nagpapahayag ng tindi ng damdamin samantala ang punto naman ay rehiyonal na
tunog o accent.

Halimbawa:
1. Ang ganda ng tula? (nagtatanong / nagdududa)
2. Ang ganda ng tula. (nagsasalaysay)
3. Ang ganda ng tula! (nagpapahayag ng kasiyahan)
Kahalagahan:
-Sa pamamagitan ng tamang pagbigkas at tono ay naipahahayag ang iba‟t ibang damdaming nakapaloob sa
pangungusap.
-Maaaring makapagpahayag ng iba‟t ibang damdamin at makapagbigay kahulugan o makapagpahina ng usapan.

2. Diin at Haba
- Ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita sa pantig ng salita samantala ang diin
naman ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.

Halimbawa:

-/BUhay/ - (life) Ang buhay ng tao at biyaya na bigay ng Panginoon.


- /buHAY/ - (alive) Ang bulaklak na sunflower ay buhay na buhay kaya nakaaakit tingnan.
Kahalagahan:
- Nagkakaroon ang salita ng iba pang kahulugan kahit pareho ang baybay nito.

Pahina 2 ng 36
- Nagbabago ang kahulugan ng salita dahil sa diin.
3. Hinto o Antala
- Ito ay saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ipinahahayag.

- Ang hinto ay paghahati ng salita na gumagamit ng sumusunod na mga pananda tulad ng kuwit o comma ( , ) at
pahilis o slash ( / ).

Halimbawa:

-Hindi maganda ang bagay na iyan.


(Sinasabing hindi maganda ang isang bagay.)
- Hindi, maganda ang bagay na iyan.
(Sinasabing ang isang bagay ay maganda.)
Kahalagahan:
- Mas nagiging malinaw ang mensaheng nais iparating sa kausap kapag angkop ang paggamit ng hinto o antala.

- Nagbabago rin ang diwa ng pangungusap dahil sa hinto o antala.

Kahalagahan ng Ponemang Suprasegmental

1. Mahalagang bigkasin nang wasto ang mga ponemang suprasegmental sa pakikipagtalastasan upang maging
wasto ang baybay ng mga salitang isinusulat at mas maintindihan ang kahulugan ng salitang binibigkas.

2. Sa pakikipagtalastasan, matutukoy ang kahulugan, layunin, o intensiyon ng pahayag o ng nagsasalita sa


pamamagitan ng mga ponemang suprasegmental.

PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA

Naihahambing ang mga katangian ng tula/ awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan. (F7PB- IIIa-c-14)

Naisusulat ang sariling tula/ awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan batay sa itinakdang mga
pamantayan. (F7PU-IIIa-c-13)

Natutukoy ang kahulugan ng ponemang suprasegmental at ang kaibahan nito sa ponemang segmental.

Naipapaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng suparasegmental (tono, diin antala)

Gawain saPagkatuto Bilang 1

Gawainsa Pagkatuto Bilang 1.1


Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot batay sa hinihingi sa bawat bilang.

_____1. “Baboy ko sa pulo, ang balahibo ay pako”


A. Bayabas C. Kaimito
B. Durian D. Langka
_____2. “Bata batuta, isang perang muta” ito ay halimbawa ng _______?
A. Bugtong C. Awiting Panudyo
B. Palaisipan D. Tugmang de gulong
_____3. Uri ng bugtong na nangangailangan ng talas ng isipan at pagsasama ng mga lohikal na ideya para makuha
ang sagot.
A. Bugtong C. Awiting Panudyo
B. Palaisipan D. Tugmang de gulong
_____4. “Miss na sexy, kung gusto ng libre sa drayber tumabi”

Pahina 3 ng 36
C. Bugtong C. Awiting Panudyo
D. Palaisipan D. Tugmang de gulong
_____5. “Isda ko sa maribeles nasa loob ang kaliskis”
A. Sili C. Singkamas
B. Sinigwelas D. Sitaw

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.2


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na iniuukol sa pagbigkas ng pantig sa salitang maaaring makapag-iba sa
kahulugan ng mga salita maging ang mga ito man ay magkapareho ng baybay.
A. Intonasyon B . Punto C. Tono D . Tunog
2. Tumutukoy ito sa haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita sa patinig ng pantig ng salita.
A. Antala B. Diin C. Haba D. Hinto
3. Ito ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.
A. Antala B. Diin C. Haba D. Hinto
4. Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ipinapahayag.
A. Diin at Haba C. Intonasyon o Tono
B . Hinto o Antala D. Tono at Punto
5. Alin sa mga sumusunod na bantas ang ginagamit sa pagsulat ng hinto o antala ng suprasegmental?
A. Kuwit (,) C. Tandang Pananong (?)
B . Tandang Padamdam (!) D. Tuldok-kuwit (;)

Gawainsa Pagkatuto Bilang 1.3


Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang mga katangian ng tula/ awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan.
Isulat ang letrang Tamakung wasto at Mali naman kung hindi wasto ang isinasaad na katangian.

_____1. Ang awiting panudyo ay ginagamit upang mambuska o manudyo.


_____2. Sinasabing ang mga bugtong ay karaniwang nilalaro sa mga lamay.
_____3. Ang tugmang de gulong ay madalas na makikita sa mga pribadong sasakyan.
_____4. Sa pamamagitan ng tugmang de gulong ay naipararating ang mga paalala o babala na may kaugnayan sa
paglalakbay ng mga pasahero.
_____5. Sa Palaisipan ay hindikailangang lutasin sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga ideyang lohikal
upang makabuo ng solusyon o mahulaan ang sagot.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2.1


Panuto:Basahin ang mga sumusunod na halimbawa ng karunungang-bayan at paghambingin ang mga katangian
ng mga ito. Piliin ang sagot sa ibabang kahon at isulat ang sagot sa sagutang papel.

BUGTONG TUGMANG DEGULONG PALAISIPAN AWITING PANUDYO


Gumagapang pa Aanhin pa ang gasolina May isang bola sa Si Maria kong Dende
ang ina, kung jeep ko ay sira na mesa, tinakpan ito ng Nagtinda sa gabi,
Umuupo na ang anak sombrero. Paano Nang hindi mabilli
nakuha ang bola nang Umupo sa tabi
di man lamang nagalaw
ang sombrero?
ANYO NG PANITIKAN PAGKAKAIBA PAGKAKATULAD
BUGTONG Pahina 4 ng 36
TUGMANG DE GULONG
PALAISIPAN
AWITING PANUDYO

Pagbibirong Patula Layuning pumukaw at magpasigla ng kaisipan


Kalimitang makikita sa pampublikong sasakyan Nasa anyong patula
Pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan May kinalaman sa paglalakbay ng pasahero
Binibigkas ng patula Kalimitan ay maiksi lamang
Nasa anyong tuluyan Pampalipas oras
Nilalaro sa mga lamay May tugma ngunit walang sukat
May himig o tono Nasa anyong salawiakin, kasabihan o maikling tula
Pamana ng ating ninuno Sumasalamin sa kulturang Pilipino
Pinakamatandang sining sa kulturang Pilipino

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2.2

Panuto: Ipabasa ang mga sumusunod sa sinumang nakatatatandang kasama sa bahay. Pagkatapos ay sagutin ang
chart sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Intonasyon/ tono
Halimbawa:
Masarap ito.
Masarap ito?

2. Diin/haba
Halimbawa:

BUkas
buKAS

3. Hinto/ antala
Halimbawa:
Hindi, ako.
Hindi ako.

Ponemang Suprasegmental Kahalagahan


1. intonasyon/ tono
2. diin/ haba
3. hinto/antala

Gawain saPagkatuto Bilang 3:

Panuto: Bumuo ng sariling tula/ awiting panudyo, tugmang de gulong, bugtong at palaisipan mula sa inyong lugar.
Isaalang-alang ang paggamit ng ponemang suprasegmental.
RUBRIK SA PAGPUPUNTOS EDIT ANG RUBRIks
PAMANTAYAN 5 4 Pahina 5 ng 36 3 2
Orihinalidad Ang bawat gawa ay May ilang bahagi Halos ang kabuuan Ang mga ibinigay na
sariling likha at hindi ang kinopya ng gawa ay hindi gawain ay hindi
kinopya sa ibang lamang o hindi sariling likha at sariing likha
sanggunian. sariling likha kinopya lamang
Nilalaman Ang isinulat na awiting Ang isinulat na Ang isinulat na Ang isinulat na
panudyo, tugmang de awiting panudyo, awiting panudyo, awiting panudyo,
gulong at palaisipan tugmang de gulong tugmang de gulong tugmang de gulong at
ay akma at mahusay at palaisipan ay at palaisipan ay di- palaisipan ay hindi
ang pagkakabuo ng akma ang gaanong maayos akma ang
ideya pagkakabuo ng ang pagkakabuo ng pagkakabuo ng ideya
ideya ideya
Sangkap Naglalaman ng Ang sinulat na tula/ Ang sinulat na tula/ Hindi kakikitaan ng
ponemang awiting panudyo, awiting panudyo, ponemang
suprasegmental at tugmang de gulong tugmang de gulong suprasegmental at di
wasto ang paggamit at palaisipan ay at palaisipan ay ‘di wasto ang
ng mga bantas. naglalaman ng naglalaman ng pagkakagamit ng mga
ponemang ponemang bantas
suprasegmental suprasegmental at
subalit may ilang karamihan ng mga
bantasna hindi bantas ay di wasto
nagamit ng wasto ang pagkakagamit
Pagkamalikhain Mahusay na nailapat Nailapat ang Hindi gaanong Hindi nakitaan ng
ang damdamin at damdamin at nakitaan ng kasiningan ang
kaisipan sa isinulat na kaisipan sa isinulat kasiningan sa ginawang awiting
awiting panudyo, na awiting paglikha ang panudyo, tugmang de
tugmang de gulong at panudyo, tugmang ginawang awiting gulong at palaisipan
palaisipan upang de gulong at panudyo, tugmang
maging masining ang palaisipan upang de gulong at
likha. maging masining palaisipan
ang likha.

PANGWAKAS

Kumpletuhin ang pangungusap:

Bilang isang mag-aaral, mahalagang matutuhan ang ____________________.

MGASANGGUNIAN:
Panitikang Panrehiyonal para sa baiting 7- Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas pahina 192

https://pinoycollection.com/mga-bugtong/
https://www.google.com/search?
q=Tugmang+de+gulong+halimbawa&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=vdd8TGK_otQA8M
%252Ch0UIT_aYJBtciM%252C_&vet=1&usg=AI4_-

Pahina 6 ng 36
kSfmKamsSmNaCzDxzFttvHzput6Rw&sa=X&ved=2ahUKEwjyrYyvj7TvAhWCHKYKHVA8DP0Q9QF6BAgPEAE&biw
=1366&bih=657#imgrc=vdd8TGK_otQA8M
Learning Activity Sheets (LAS #2) Week 3-4
Filipino 7

Pangalan: ____________________________________________.Lebel: _________________


Seksiyon: _____________________________________________Petsa: _________________

GAWAING PAGKATUTO

KATANGIAN AT ELEMENTO NG MITO, ALAMAT, KWENTONG -BAYAN AT MAIKLING KWENTO

PANIMULA (SUSING KONSEPTO)


Ang kuwentong-bayan, maikling kuwento, alamat, at mito ay halos may kaugnayan sa isa’t
isa. Halos pareho lamang ang kanilang paksang karaniwang tumatalakay sa kalikasan, pamahiin,
relihiyon, paniniwala, at kultura ng isang partikular na pangkat o lugar. Bagama’t halos magkatulad
ay makikita pa rin ang natatanging katangian ng bawat pasalindila ng panitikang ito.

Akdang Pampanitikan Kahulugan Katangian


Ito ay karaniwang tumatalakay sa mga 1. Ang mga tauhan ay mga
kuwentong may kinalaman sa mga diyos diyos at diyosa, bathala o
at diyosa, bathala, diwata, at mga diwata.
Mito kakaibang nilalang na may 2. Nababalutan ng hiwaga o
kapangyarihan. pangyayaring hindi kapanipaniwala.
Hal. 3. Naniniwala sa mga ritwal,
Si Malakas at Si Ganda (Luzon) kultura, at tradisyon.
Ang Diwata Ng Karagatan (Bisayas)
Ang Sirena at si Santiago (Mindanao)
Isa itong kuwentong nagsasaad kung 1. Kathang isip lamang.
Alamat saan nanggaling o nagmula ang 2. Nagsasalaysay sa pinagmulan ng
mga bagay-bagay. mga bagay-bagay.
Hal.
Alamat ng Pinya (Luzon)
Alamat ng Bundok Kanlaon(Bisayas)
Alamat ng Mindanao (Mindanao)
Ito ay kuwentong nagmula . Kuwentong nagmula sa bawat
sa isang partikular na bayan. pook na naglalahad ng katangi-
Hal. tanging salaysay ng kanilang
Kwentong-Bayan Si Juan at ang mga Alimango (Luzon) lugar.
Naging Sultan Si Pilandok (Bisayas) 2. Masasalamin ang kultura ng
Si Manik Buangsi (Mindanao) bayang pinagmulan nito.
Isang maikling kathang Pampanitikang 1. Nababasa sa iisang upuan
nagsasalaysay ng pangaraw-araw na lamang.
Maikling Kuwento buhay na kinasasangkutan ng isa o iilang 2. Binubuo ng iilang tauhan
tauhan lamang. Lamang
Hal.
Ang Kwento ni Mabuti (Luzon)
Ang Punong Kawayan(Bisayas)
Naging Sultan Si Pilandok (Mindanao)

Pahina 7 ng 36
ELEMENTO NG MITO, ALAMAT KWENTONG-BAYAN AT MAIKLING KWENTO

Ang mga akdang tuluyan kagaya ng mito, alamat, kuwentong-bayan, at maikling kuwento ay
binubuo ng mahahalagang elemento. Ito ang mga sumusunod:
1. Tauhan – Ang nagbibigay-buhay sa akdang maaaring maging masama o mabuti.
2. Tagpuan – Ang panahon o lugar na kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda. Malalaman
dito kung ang kuwento ay naganap ba sa panahon ng tag-ulan, tag-init, umaga, tanghali at gabi; sa
lungsod olalawigan; sa bundok o sa ilog.
3. Banghay – Maayos na pagbabanghay at pagkasusunod-sunod ng mga pangyayari. Narito ang mga
nilalaman ng banghay:
a. Panimulang Pangyayari – Ang kawilihan ng mga mambabasa ay nakasalalay sa bahaging ito. Dito
matutunghayan ang pagpapakilala ng tauhan at tagpuan.
b. Tunggalian – Dito makikita ang pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa mga suliraning
kaniyang kakaharapin.
c. Kasukdulan – Ito ang pinakamataas at kapana-panabik na bahagi ng kuwento. Sa bahaging ito,
unti-unting nabibigyang solusyon ang suliranin.
d. Pababang Pangyayari – Sa bahaging ito, nalulutas ang suliranin at natatamo ng pangunahing
tauhan ang layunin. Ito ang nagbibigay ng daan sa wakas ng kuwento.
e. Resolusyon – Sa bahaging ito, nagkakaroon ang kuwento ng isang makabuluhang wakas na
maaaring ang kinahinatnan ay masaya o malungkot.

KASANAYANG PAGKATUTO AT KODA

Nasusuri ang mga katangian at elemento ng mito, alamat at kuwentong-bayan, maikling kwento
mula sa Mindanao, Kabisayaan at Luzon batay sa paksa, mga tauhan, tagpuan, kaisipan at mga
aspetong pangkultura (halimbawa: heograpiya, uri ng pamumuhay at iba pa.)

PANUTO: BASAHING MABUTI ANG MGA PANUTO SA BAWAT GAWAIN/PAMAMARAAN. HUMINGI


NG TULONG SA MAGULANG, NAKATATANDANG KAPATID O SINUMANG NAKAKATANDANG
KASAMA SA BAHAY.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Gawain sa Pagkatuto Blg 1.1


Panuto: Matapos mong mabasa ang katangian ng Mito Alamat at Kwentong-Bayan Maikling
Kwento ay maaari mo nang masagutan ang mga tanong sa bawat bilang. Isulat lamang ang titik ng
tamang sagot.

1. Kuwentong nagpapaliwanag ng pinagmulan ng isang bagay, lugar, pangyayari o kung


papapano nagkaroon ng pangalan ang isang lugar o pangyayari.
A. Alamat C. Maikling Kwento
B. Kuwentong Bayan D. Mito
2. Ang pangunahing pinapaksa sa kwentong ito ay ang kababalaghan at ang mga pangunahing
tauhan ay nagtataglay ng kapangyarihan. Ang mga tauhan ay maaaring mga diyos, diyosa o
mga bayani.
A. Alamat C. Maikling Kwento
B. Kuentong Bayan D. Mito
3. Sa panitikang ito itinatampok ang mga kaugalian o kinagisnan na paniniwala ng mga tao sa
isang lugar o pook kung saan ito nakilala.
A. Alamat C. Maikling Kwento
B. Kuentong Bayan D. Mito

Pahina 8 ng 36
4. Malalaman dito kung ang kuwento ay naganap ba sa panahon ng tag-ulan, tag-init, umaga,
tanghali at gabi; sa lungsod o lalawigan; sa bundok o sa ilog.
A. Banghay C. Tauhan
B. Simula D. Tagpuan

5. Dito makikita ang pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa mga suliraning


kaniyang kakaharapin.

A. Panimula C. Pababang Pangyayari


B. Tunggalian D. Panimulang Pangyayari

Gawain sa Pagkatuto Blg 1.2


Panuto: Suriin ang mga katangian ng mito, alamat, kuwentong-bayan at maikling kwento sa bawat
bilang. Isulat angTAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi.

______1 . Ang kuwentong bayan nagmula sa isang partikular na pook o lugar.

______2. Ang mga tauhan sa Maikling kuwento ay karaniwang mga diyos at diyosa.

______3. Ang mito ay karaniwang nagsasalaysay ng pinagmulan ng mga bagay -bagay.

______4. Sa Maikling kwento madalas ay mayroon lamang iisang pangunahing tauhan na syang
iniikutan ng kwento.

______5. Ang kuwentong-bayan ay mula sa isang pook na naglalahad ng katangi-tanging salaysay ng


kanilang lugar.

Gawain sa Pagkatuto Blg 1.3


Panuto: Sagutan ang talahanayan sa ibaba. Isulat sa loob ng mga bilohaba ang katangian ng
bawat panitikan. Pumili ng sagot sa loob ng kahon.

Pahina 9 ng 36
a. Isa itong kuwentong nagsasaad kung saan nanggaling o nagmula ang mga bagay-bagay.

b. Kuwentong may kinalaman sa mga diyos at diyosa, bathala, diwata, at mga kakaibang
nilalang na may kapangyarihan.

c. Isang maikling kathang pampanitikang nagsasalaysay ng pangaraw-araw na buhay na


kinasasangkutan ng isa o iilang tauhan lamang.

d. Kuwentong nagmula sa isang tiyak na lugar.

e. Iisa ang karaniwang tauhang iniikutan ng kwento sa kathang ito.


f. May kakaibang kapagyarihan o kakayahan ang mga tauhan.

Gawain sa Pagkatuto Blg 2. Basahin ang akdang “Alamat ng Lakay Lakay”. Gamit ang graphic
organizer, suriin ang mga elemento nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Alamat ng Lakay Lakay

 Sa hilagang- silangang bahagi ng cagayan ay may dalawang batong hawig ng babae at lalaki.
Tinatawag nila itong Lakay-Lakay o matandang lalaki at Baket Baket o matandang babae.  sa di
kalayuan ay may maliit na batang babae o Ubing-Ubing. 

  Noong unang panahon, may mag-anak na naninirahan sa tabi ng dagat. Silay nabubuhay sa


pangingisda.  Sa tuwing maraming nahuhuling isda ang lalaki ay nag-aalay sa kanilang diyos bilang
pasasalamat.  Di nagtagal, namuhay sila ng maginhawa.   Isang umaga ng maraming   nahuli ang
lalaki ay nakasalubong niya ang matandang humihingi ng tulong ngunit ito’y kanyang pinagtabuyan. 
Kinahapunan humingi ng tulong ang pulubi at ang babae ang nakaharap nito, siya’y pinagtabuyan
din. 

  Kinaumagahan ang lalaki ay nagtungo sa dagat upang mangisda.  Maghapon siyang


hinihintay ng kanyang asawa ngunit gabi na ay wala pa rin ito. Maagang maaga’y tinungo ng mag ina
ang karagatan. Naghanap sila kung saan-saan ngunit sa di-kalayuan sa dagat ay may pigura ng isang
taong yari sa bato. Nagmadali   silang nilapitan ito sa pamamagitan ng bangka.  Namukhaan nila ito
dahil sa dala dala nitong lambat. Sila’y nalumbay at nakadama ng galit ang babae at nakapagmura. 
Narinig ito ng Diyos ng Dagat at ginawa rin silang taong-bato.  Ngunit, sa kabila nito binigyan ang
nasabing pamilya ng diyos ng kapangyarihan upang bantayan ang karagatan.
  At pinaniniwalaang ligtas sa kapahamakan ang mga manlalakbay sa dagat kapag di nila
pinipintasan ang Lakay-Lakay. Dapat ding mag-alay para sa pamilyang bato.

Pahina 10 ng 36
 Cagayan
 Lakay-Lakay, Baket, Baket, Ubing – Ubing
 Pinaniniwalaang ligtas sa kapahamakan ang mga manlalakbay sa dagat kapag di nila
pinipintasan ang Lakay-Lakay. Dapat ding mag-alay para sa pamilyang bato.
 Maghapon siyang hinihintay ng kanyang asawa ngunit gabi na ay wala pa rin ito. Maagang
maaga’y tinungo ng mag ina ang karagatan. Naghanap sila kung saan-saan ngunit sa di-
kalayuan sa dagat ay may pigura ng isang taong yari sa bato. Nagmadali silang nilapitan ito
sa pamamagitan ng bangka. Namukhaan nila ito dahil sa dala dala nitong lambat. Sila’y
nalumbay at nakadama ng galit ang babae at nakapagmura
 Ngunit, sa kabila nito binigyan ang nasabing pamilya ng diyos ng kapangyarihan upang
bantayan ang karagatan.
 Isang umaga ng maraming nahuli ang lalaki ay nakasalubong niya ang matandang humihingi
ng tulong ngunit ito’y kanyang pinagtabuyan. Kinahapunan humingi ng tulong ang pulubi at
ang babae ang nakaharap nito, siya’y pinagtabuyan din.
 Narinig ito ng Diyos ng Dagat at ginawa rin silang taong-bato.

Alamat ng
Lakay-Lakay

Pahina 11 ng 36
Gawain sa Pagkatuto Blg 3.
Panuto: Pumili ng isa mula sa mga nabasa mong Alamat, Mito, Kuwentong Bayan at Maikling
Kuwento. Suriin ang mga elemento nito gamit ang pormat ng suring basa.

A. Pamagat
B. May Akda
C. Banghay
1. Tauhan
2. Tagpuan
3. Pagkasunod-sunod ng mga pangyayari
4. Mensahe

RUBRIK SA PAGPUPUNTOS-

Kraytirya Higit sa Inaasahan Nakamit ang Bahagyang nakamit Hindi Nakamit ang
Inaasahan ang Inaasahan Inaasahan
5 4 3 2
Nilalaman Mahusay na Naiugnay ang sariling Bahagyang naiugnay sa Hindi naignay sa sariling
naiugnay ang karanasan at sariling karanasan at karanasan at naiangkop
sariling karanasan at naiangkop sa mga naiangkop sa Elemento sa Elemento ang
naiangkop sa mga Elemento ang ang nilalaman ng akda. nilalaman ng akda.
Elemento ang nilalaman ng akda.
nilalaman ng akda.
Organisasyon Mahusay ang Maayos ang Bahagyang maayos ang Hindi maayos ang
pagkakayos at pagkakasunod-sunod pagkakasunod-sunod ng pagkakasunod-sunod ng
pagkakasunod- ng mga pangyayari. mga pangyayari. mga pangyayari.
sunod ng mga
pangyayari
Pagkamalikhain Mahusay ang Nakapagdisenyo ng Bahagyang Hindi nakapagdisenyo ng
pagkakadidiseyo at Graphic Organizer. nakapagdisenyo ng Graphic Organizer.
paggawa ng Graphic Graphic Organizer.
Organizer.
Sangkap Lahat ng salita ay 1-4 na salitang 5-8 na salitang ginamit 9-10 salitang ginamit ay di
may wastong ginamit ay di wasto ay di wasto ang baybay wasto ang baybay at
baybay at bantas ang baybay at bantas at bantas bantas

PANGWAKAS
Kompetuhin nag pangungusap:
Aking nabatid sa gawaing ito ay _____________________________.

MGA SANGGUNIAN
Filipino_7_Q3_M5_Katangian-at-Elemento-ng-Mito-Alamat-Kuwentong-bayan-Maikling-Kuwento-
mula-sa-Mindanao-Kabisayaan-at-Luzon_v4.pdf Panitikang

Pahina 12 ng 36
Learning Activity Sheets (LAS #3) Week 5
Filipino 7

Pangalan: ____________________________________________.Lebel: _________________


Seksiyon: _____________________________________________Petsa: _________________

GAWAING PAGKATUTO

ANGKOP NA MGA PAHAYAG SA PANIMULA, GITNA, AT WAKAS NG ISANG AKDA

PANIMULA (SUSING KONSEPTO)

Mga Pahayag sa Panimula, Gitna at Wakas

Sa pagsasalaysay o pagkukuwento, mahihikayat ng nagsasalita ang kaniyang tagapakinig sa mahusay


na simula. Kapag nailahad ang layunin nang epektibo ay napupukaw ang kaisipan ng mambabasa o
tagapakinig na patuloy na alamin ang kawing-kawing na pangyayari mula sa simula ng kuwento
patungo sa papataas at kasukdulan sa gitna ng kuwento. Hihintayin din nila ang wakas kung nakamit
ang layuning inilahad sa panimula.

Simula Ang mahusay na simula ay mabuti para makuha ang interes ng tagapakinig o ng mambabasa.
Dito nabubuo ang larawan at nakikita ang aksiyong magaganap sa isinasalaysay.Maaaring simulan ito
sa mga salitang noong una, sa simula pa lamang, at iba pang pananda sa pagsisimula.

Gitna-Sa bahaging ito, mabuting napanatili ang kawing-kawing na pangyayari at paglalarawang


nasimulan.Dito malalaman kung magtatagumpay ba o mabibigo ang pangunahing tauhan,
maiwawasto ang mali o matututo ang katunggaling tauhan habang tumataas ang pangyayari.
Maaaring gamitin ang kasunod, pagkatapos, at iba pa na maghuhudyat ng kasunod na pangyayari.
Patuloy na gumamit ng mga panlarawang salita upang mapanatili ang interes ng mga mag-aaral sa
larawan at aksiyong isinalaysay

Wakas-Napakahalaga rin ng huling pangyayaring maiiwan sa isipan ng tagapakinig o ng mambabasa.


Dito nakapaloob ang mensaheng magpabubuti o magpababago sa kalooban at isipan ng lahat na ang
kabutihan ang magwawagi at may kaparusahan ang gumagawa ng masama.  Maaaring gumamit ng
sa huli, sa wakas, o iba pang panandang maghuhudyat ng makahulugang pagtatapos

PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA

Nagagamit nang wasto ang angkop na mga pahayag sa panimula, gitna at wakas ng isang akda
(F7WG-IIId-e-14)

PANUTO: BASAHING MABUTI ANG MGA PANUTO SA BAWAT GAWAIN/PAMAMARAAN. HUMINGI


NG TULONG SA MAGULANG, NAKATATANDANG KAPATID O SINUMANG NAKAKATANDANG
KASAMA SA BAHAY.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.1

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang A kung ito ay Panimula, B kung
Gitna, at C kung Wakas.

Pahina 13 ng 36
___1. Dito pinapanatili ang kawing-kawing na pangyayari
___2. Ito ang maiiwan sa isipan ng tagapakinig o mambabasa.
___3. Ito ay nakapupukaw sa interes ng tagapakinig o mambabasa upang makinig o magbasa.
___4. Matutunghayan ang katunggaling tauhan at iba pang pangyayari.
___5. Sa pagsisimula ay maaaring gumamit ng pandiwa, pang-uri, at pang-abay pagkatapos banggitin
ang hudyat sa pagsisimula.
___6. Dito nakapaloob ang mensaheng magpabubuti o magpababago sa kalooban at isipan ng lahat.
___7. Dito nabubuo ang larawan at nakikita ang aksiyong magaganap sa isinasalaysay.
___8. Dito aabangan kung paano magtatagumpay o magwawagi ang pangunahing tauhan.
___9. Dito patuloy na gumamit ng mga panlarawang salita upang mapanatili ang interes ng mga
mag-aaral sa larawan at aksiyong isinasalaysay.
___10.Dito maaaring gamitin ang pahayag na “sa huli.”

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.2


Panuto: Isulat ang ginamit na pahayag para sa simula, gitna at wakas. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. Noong Unang Panahon ay mayayabong pa ang puno sa kagubatan sa probinsya ng Rizal.
2. Malawak ang karagatang pasipiko gayunpaman ay mapanganib pa ring pumalaot dito
3. Sa huli ay nakamit ng bawat isa ang tagumpay na minimithi
4. Umulan ng malakas, kasunod nito’y maririnig ang sunod-sunod na dagundong.
5. Sa kabilang banda ay matagumpay na nalampasan ni Richard ang mga pagsubok sa buhay
niya.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2.1

Panuto: Tukuyin kung ang pahayag na sinalungguhitan sa pangungusap ay ginamit bilang panimula,
gitna o wakas. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
1. Noong unang panahon ay may naninirahang mahirap na mag-anak ng mangingisda sa pampang ng
Laguna de Bay.
2. Mula noon, sa tahanan na ng diwata namuhay nang masaya at mapayapa ang mabait na si
Mangita.
3. Kasunod ng pagkamatay ng ama ng magkapatid, nagkasakit nang malubha si Mangita dahil sa
sobrang pagtatrabaho para sa ikabubuhay nilang magkapatid.
4. Sa huli, ginantimpalaan si Mangita ng diwata at namuhay nang masaya at mapayapa sa kaharian
nito.
5. “Sinungaling!” Walang ano-ano’y, biglang nagliwanag sa loob ng kubong sumilaw kay Larina. Nang
maglaho ang ilaw, lumantad ang isang diwata.
6. Dahil dito, muling lumala ang sakit ni Mangita at patuloy na humina nang humina ang paghinga.
7. Subalit ikaw ay masama kaya mula ngayon, luluhod ka nang walang hanggan sa ilalim ng lawa at
magsuklay.
8. Mula noon, si Mangita ay nasadlak sa kaawa-awang kalagayan.
9. Sa malayong bayan ng Laguna, may dalawang magkapatid na kilala sa taglay nilang kagandahan.
10.Noong unang panahon, sa tabi ng lawa sa Laguna de Bay ay may mag-anak na masayang
nanirahan dito.

Pahina 14 ng 36
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2.2

Panuto: Punan ng angkop na pahayag para sa simula, gitna at wakas ang mga patlang upang mabuo
ang talata.
1)___________ay makikita na ang kaibahan ng magkapatid na Mangita at Larina.2)________nilang
ipinagkaiba ang kulay ng kanilang balat, kayumanggingf kaligatan si Mangita at maputi naman si
Larina.3).___________nilang pinagkaiba ay kanilang ugali. Si Mangita ay mabait at mapagbigay,
samantalang si Larina ay ubod ng tamad at malupit.4)___________,nagkaiba rin sila sa bagay na nais
nilang gawin. Si Mangita ay madalas tumulong sa ama sa gawain samantalang si Larina ay mas
gustong magsuklay ng kanyang buhokat walang sawang tingnan ang sarili sa lawa.5)_________ay
nakita kung sino sa dalawa ang tunay na maganda at karapat-dapat tumanggap ng parangal.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3

Panuto:Magsalaysay ng isang karanasang hindi mo malilimutan kasama ang iyong pamilya. Isaalang-
alang ang paggamit ng mga angkop na pahayag na naghuhudyat ng panimula, gitna, at wakas ng
isang akda. Gawing gabay ang pamantayan sa ibaba para sa pagmamarka. Gawin ito sa sagutang
papel.
PAMANTAYAN 5 4 3 2

Organisasyon Napakalinaw ang Malinaw ang Di-masyadong Walang kalinawan


pagkasusunod- pagkasusunod- malinaw ang ang pagkasusunod-
sunod ng mga sunod ng mga pagkasusunod- sunod ng mga
pangyayari pangyayari sunod ng mga pangyayari
pangyayari
Nilalaman Angkop Angkop ang Di-masyadong Hindi angkop ang
na angkop ang paggamit ng mga angkop ang paggamit ng mga
paggamit ng mga pahayag sa paggamit ngmga pahayag
pahayag sa panimula, gitna, at pahayag sa sapanimula, gitna,
panimula, gitna, wakas ng akda panimula, at wakas ng akda
at gitna, at wakas
wakas ng akda. ng akda
Gramatika Nakagamit ng 5 o Nakagamit ng 4 Nakagamit ng 1-2 Hindi nakagamit ng
higit pang pang- pang-ugnay pang-ugnay pang-ugnay
ugnay
Orihinalidad Ang ginawang May ilang bahagi Maraming bahagi Hindi sariling likha
pagsasalaysay ay ng pagsalaysay ay ng pagsalaysay ay ang ang ginawang
batay sa sariling hango sa ibang hango sa ibang pagsasalaysay
karanasan sanggunian sanggunian

PANGWAKAS

Kumpletuhin ang pangungusap:


Mahalagang matutunan ang mga angkop na pahayag sa panimula, gitna, at wakas ng isang akda
dahil_______.

Mga Sanggunian:

Julian, Ailene .et al. Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Publishing HouseInc,

Pahina 15 ng 36
Learning Activity Sheets (LAS #4) Week 5
Filipino 7

Pangalan: ____________________________________________.Lebel: _________________


Seksiyon: _____________________________________________Petsa: _________________

GAWAING PAGKATUTO

PAGBUBUOD NG TEKSTONG BINASA SA TULONG NG PANGUNAHIN


AT MGA PANTULONG NA KAISIPAN

PANIMULA (SUSING KONSEPTO)

Ang pangunahing kaisipan, pantulong na kaisipan at paksang pangungusap ay


kabilang sa mga bahagi ng isang huwarang talata.

Pangunahing Kaisipan – tumutukoy sa diwa ng buong talata. Ang diwa ay ang kaisipan o ideyang
binibigyang-diin sa tekstong kadalasang matatagpuan sa pangunahing pangungusap.

Pantulong na Kaisipan – kaisipang tumutulong upang mas mapalitaw ang pangunahing kaisipan. Sa
tulong ng mga pantulong na kaisipan, mas nauunawaan ng mambabasa ang diwang nais iparating ng
teksto. Ang mga pantulong na kaisipan ay kadalasang matatagpuan sa mga pansuportang detalye.

Paksang pangungusap – pangungusap na matatagpuan sa unahan o hulihan ng isang talata.

Bigyang pansin ang talatang ito.

Ang katatagan ng loob ay mahalaga sa isang tao. Kapag matatag ang loob ng isang tao ay
nalalampasan niya ang bawat pagsubok. Anoman ang pagsubok na dumating ay hindi niya
ito inaayawan. Sa halip, buong lakas na hinaharap. Kaya mahalagang, ang isang tao ay may
matatag na kalooban

Pangunahing Kaisipan – Ang katatagan ng loob

 Ito ang pangunahing kaisipan dahil ito ang diwa ng buong talata.

Pantulong na Kaisipan – Anoman ang pagsubok na dumating ay hindi niya ito inaayawan. Sa halip,
ay buong lakas niyang hinaharap.

 Ito ang pantulong na kaisipan dahil ito ang kaisipang tumutulong upang mas mapalitaw ang
pangunahing kaisipan.

Paksang Pangungusap – Ang katatagan ng loob ay mahalaga sa isang tao.

 Ito ang paksang pangungusap dahil ito pangungusap na matatagpuan sa unahan o hulihan
ng isang talata

PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA


Naibubuod ang tekstong binasa sa tulong ng pangunahin at mga pantulong na kaisipan.
F7PB-IIIf-g-17

Pahina 16 ng 36
PANUTO: BASAHING MABUTI ANG MGA PANUTO SA BAWAT GAWAIN/PAMAMARAAN. HUMINGI
NG TULONG SA MAGULANG, NAKATATANDANG KAPATID O SINUMANG NAKAKATANDANG
KASAMA SA BAHAY.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.1

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot sa loob ng
kahon at isulat sa sagutang papel.

A. Tama ang isinasaad ng dalawang pangungusap.


B. Mali ang parehong pangungusap.
C. Mali ang unang pangungusap at tama ang isinasaad ng pangalawang pangungusap.
D. Tama ang unang pangungusap

_____1. A. Ang paksang pangungusap ang nagtataglay ng diwa o pangunahing kaisipan.

B. Sa pagbubuod ay kailangang gumamit ng sariling pananalita.

_____2. A. Isa sa mga pamantayan sa pagsulat ng buod ay alamin ang kasagutan sa mga tanong na
ano, saan, sino, kailan, at bakit.
B. Basahin nang pahapyaw ang buong teksto upang maunawaan ang buong diwa nito.

_____3. A. Ang pantulong na kaisipan naman ay ang pangungusap na matatagpuan sa unahan


o hulihan
ng isang talata.
B. Sa pagsulat ng buod, dapat na gumamit ng matalinghagang salita upang mas madaling
maunawaan.

_____4. A. Ang pangunahing kaisipan ay mga kaisipang tumutulong upang mas mapalitaw ang
buong diwa o ang pinag-uusapan sa loob ng teksto.
B. Ang pagbubuod ay isang proseso sa pagpapaikli ng anomang teksto o babasahin.

_____5. A. Sa pagbubuod ng anomang teksto ay kailangang may pagkasusunodsunod ang mga


pangyayari.
B. Sa pagsulat ng buod ay kinukuha lamang ang pangunahing kaisipan na tinataglay ng teksto

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.2

Panuto: Unawaing mabuti ang bawat aytem sa ibaba. Piliin ang letra ng tamang sagot upang mabuo
ang nais ipahayag.

1. Ito ang pinakamahalagang kaisipan tungkol sa paksa ng isang teksto.

A. paksa B. pamagat C. pangunahing ideya D. pansuportang detalye

2. Ang mga _______________ ang nagbibigay-linaw sa pangunahing ideya upang maunawaan ito
nang lubos.

A. paksa B. pamagat C. pangunahing ideya D. pansuportang detalye

3. Ang paborito kong bulaklak ay rosas. Gustong-gusto ko ang amoy nito kaya araw-araw akong
namimitas nito sa aming hardin.

Pahina 17 ng 36
Ang nakasalungguhit ay halimaba ng?

A. paksa B. pamagat C. pangunahing ideya D. pansuportang detalye

4. Marami sa ating mga kabataan ngayon ay nalululong na sa masasamang bisyo gaya ng


paninigarilyo, pagsusugal, pagsali sa mga illegal na fraternity at maging 12 ang paggamit ng mga
ipinagbabawal na gamot.

Ang nakasalungguhit ay halimaba ng?

A. paksa B. pamagat C. pangunahing ideya D. pansuportang detalye

5. Bumagsak ang ekonomiya dahil sa COVID-19. Maraming kompanya ang nagsara na naging rason
kung bakit marami ang nawalan ng trabaho. Lubos na naapektuhan ng pandemya ang mga
kontraktwal.

A. paksa B. pamagat C. pangunahing ideya D. pansuportang detalye

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.3

Panuto: Basahin ang mga pangungusap at tukuyin kung saan nabibilang ang mga may salungguhit.

1. Ang mga Pilipino ay mapamahiin. Naniniwala sila na ang pagkahulog ng kutsara o tinidor ay
nangangahulugan na pagdating ng panauhin.
A. Paksa C. Pangunahing Kaisipan
B. Pamagat D. Pantulong Na Kaisipan
2. Ang edukasyon ay mahalagang intrumento para magtagumpay ang isang tao. Ito ay nagpapalaya
sa tao sa kamangmangan. Nagkakaroon siya ng ganap na kamalayan sa kanilang kapaligiran.
A. Paksa C. Pangunahing Kaisipan
B. Pamagat D. Pantulong Na Kaisipan
Panuto: Suriin ang sumusunod na mga talata at tukuyin kung alin ang pangunahing kaisipan.
3. Maagang pumapasok sa paaralan si Albert upang makapag-review sa library. Tuwing nagkakaroon
ng oral recitation ay palagi siyang nakakasagot. Kapag nakauwi mula sa paaralan ay agad niyang
ginagawa ang kanyang mga takdang-aralin kung kaya mataas ang markang nakukuha ni Albert. Si
Albert ay mabuting estudyante.
A. Maagang pumapasok si Albert C. Mabuting estudyante si Albert
B. Nakakasagot sa klase si Albert D. Mataas ang marka ni Albert
4. Si Angelica ay isang mabait na bata. Lagi siyang kakikitaan ng paggalang. Sinusunod niya rin ang
payo ng kanyang mga magulang, guro at iba pang mga nakakatanda sa kanya. Handa siyang
tumulong kung sino man ang nangangailangan.
A. Matulungin na batasi Angelica C. Magalang si Angelica.
B. Mabait na bata si Angelica D. Masunurin si Angelica.
5. Napakagandang tingnan kung ang ating mga ngipin ay maputi. Kapag ito’y walang sira, tiyak na
mabango ito. Kapag araw-araw kang nagsisipilyo, tiyak na walang sasakit at walang masisirang
ngipin. Kaya dapat talagang mapangalagaan ang ating mga ngipin.
A. Maputing ngipin C. Pagsisipilyo ng ngipin
B. Mabangong ngipin D. Pangangalaga ng ating ngipin

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


Panuto: Basahin ang “Ningning at ang Liwanag” ni Emilio Jacinto at punan ng tamang sagot ang
Cyclical Thinking Map. Isulat ang sagot sasagutang papel

Pahina 18 ng 36
Ang Ningning At Ang Liwanag
Emilio Jacinto

Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabighani sa ningning. Sa katunayan ng masamang
nakaugalian: nagdaraan ang isang karwaheng maningning na hinihila ng kabayong matulin. Tayo’y
nagpupugay at ang isasaloob ay mahal na tao ang nakalulan. Datapwa’y marahil naman ay isang
magnanakaw; marahil sa ilalim ng kanyang ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas na tinataglay
ay natatago ang isang pusong sukaban.
Nagdaraan ang isang maralitang nagkakanghihirap sa pinapasan. Tayo’y mapapangiti at isasaloob:
Saan kaya ninakaw? Datapwa’y maliwanag nating nakikita sa pawis ng kanyang noo at sa hapo ng
kanyang katawan na siya’y nabubuhay sa sipag at kapagalang tunay.
Ay! Sa ating pang-uga-ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning
at pagtakwil sa liwanag.Ito na nga ang dahilan kung kaya ang tao at ang bayan ay namumuhay sa
hinagpis at dalita.
Ito na nga ang dahilan kung kaya ang mga loob na inaakay ng kapalaluan at
ng kasakiman ay nagpupumilit na lumitaw na maningning, lalong-lalo na ang mga hari at mga pinuno
na pinagkatiwalaan sa ikagiginhawa ng kanilang mga kampon, at walang ibang nasa kundi ang
mamalagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at ikamatay ng bayan na nagbigay sa kanila ng
kapangyarihang ito.
Tayo’y mapagsampalataya sa ningning; huwag nating pagtakhan na ang ibig mabuhay sa
dugo ng ating mga ugat ay magbalatkayo ng maningning.
Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahainan ng puspos na galang ay ang maliwanag at
magandang-asal at matapat na loob, ang kahit sino ay walang mapagningning pagkat di natin
pahahalagahan, at ang mga isip at akalang ano pa man ay hindi hihiwalay sa maliwanag na landas ng
katwiran.
Ang kaliluhan at ang katampalasan ay humahanap ng ningning upang huwag mapagmalas ng
mga matang tumatanghal ang kanilang kapangitan; ngunit ang kagalingan at ang pag-ibig na dalisay
ay hubad, mahinhin, at maliwanag na napatatanaw sa paningin.
Mapalad ang araw ng liwanag!
Ay! Ang anak ng bayan, ang kapatid ko, ay matuto kayang kumuha ng halimbawa at lakas sa
pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan

Kaibahan ng Ningning at
Liwanag
1.
2.
3.

Mga Pantulong na Kaisipan


Pag-uugnay ng Aral na Nakuha sa
Sariling Karanasan Buod ng "Ang Mga nagagawa ng ningning
1. 1.
2.
Ningning at ang 2.
3 Liwanag" 3.
4. 4.

Mga Pantulong na Kaisipan


Kahalagahan ng Paghahanap sa Liwanag
1.
2.
3
4.

Pahina 19 ng 36
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Panuto: Basahin ang sanaysay sa ibaba at ibuod ito gamit ang mga pangunahin at pantulong na
kaisipan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Sanaysay na Pormal Tungkol sa Kapaligiran Global Warming sa Pilipinas

Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit kung ako’y bibigyan
ng pagkakataong maging bahagi ng mga isyung ito, ang una kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu
tungkol sa ating kapaligiran. Ginawa ko ang sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga bagay na
aking naiisip na kaakibat ng ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon.
Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng negatibong
pagbabago hindi lamang dito sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong sandaigdigan. Ang
lumalalang sitwasyon ay nagiging dahilan upang magkaroon ng pangyayaring tinatawag na global
warming. Ang global warming ay ang pagtaas ng temperatura ng ating mga karagatan at atmospera
at ang patuloy na paglala nito. Sinasabi ng mga siyentipiko at mga eksperto na ang dahilan nito ay
ang pagsusunog ng mga fossil fuel na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer ng ating daigdig. At
dahil unti-unting nabubutas ang ozone layer, ang sinag ng araw na nagtataglay ng ultraviolet ray na
mapanganib sa mga nilalang sa ating planeta ay direkta nang nakapapasok sa ating mundo. Ang
ozone layer ang siyang nagsisilbing tagasala nito o filter upang hindi ang mabubuting sinag ng araw
lamang ang makapasok sa ating atmospera.
Sa isyu ng global warming, napakahalagang pagtuunan ng pansin ang mga bagay na nagiging
dahilan ng ganitong pangyayari. Alamin sa abot nang makakaya, ang mga sanhi ng global warming.
Sa ganitong paraan, malalaman natin ang mga dahilan ng pagkasira ng ating atmospera at
magagawan natin ng paraan. Maiiwasan natin ang mga gawaing nakapagdudulot ng unti-unting
pagkabutas ng ating ozone layer gaya ng pagsusunog ng mga fossil fuel. Hindi lamang sa ating
henerasyon maaaring maranasan ang global warming.
Higit na mararamdaman ito ng ating mga anak at kanilang mga pamilya kung hindi natin
maaagapan ang pagkasira ng ating kapaligiran. Marapat lamang na hanggang maaga ay kumilos tayo
upang hindi na lumala pa ang sitwasyon. Kailangan lamang na magkaisa tayo upang masolusyunan
natin ang problemang kinahaharap. Malaki ang ambag ng bawat isa sa pagkakaroon ng mabuti at
malinis na kapaligiran. Huwag na sana tayong dumagdag pa sa mga taong patuloy ang pagsira sa
ating kapaligiran.
-halaw sa Pinagyamang Pluma

Pamagat
Pangunahing
Kaisipan:____________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
___________________________________
Pantulong na Kaisipan:
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Pahina 20 ng 36
Pamantayan Napakahusay Mahusay Hindi gaanong Nangangailangan ng
mahusay tulong

5 4 3 2
Nilalaman Naibuod nang mahusay Naibuod ang mga ideya Naibuod nang bahagya Hindi malinaw na
ang mga ideya at at kaisipan ng paksa mga ideya at kaisipan naibuod ang mga ideya
kaisipan ng paksa ng paksa at kaisipan ng paksa
Gamit ng Nakapagbigay ng 3 Nakapagbigay ng Nakapagbigay ng isang Hindi nakapagbigay ng
Pangunahin at tatlong pangunahing dalawang (2) (1) pangunahing paksa pangunahing paksa at
Pantulong na paksa at anim (6) na pangunahing paksa at at anim (2) na pantulong na kaisipan
kaisipan pantulong na kaisipan anim (4) na pantulong pantulong na kaisipan
na kaisipan
Sangkap Tama ang lahat ng mga May 1-5 salitang May 5-10 salitang May 10 pataas na
bantas, baybay at ginamit na ‘di wasto ginamit na ‘di wasto salitang ginamit na ‘di
gramatika sa pagsulat ang bantas, baybay at ang bantas, baybay at wasto ang bantas,
gramatika sa pagsulat gramatika sa pagsulat baybay at gramatika sa
pagsulat
Orihinalidad Ang bawat talata ay Ilan sa talata ng buod Karamihan sa Hindi sariling likha ang
nagpapakita ng ay halaw sa ibang talatang ginamit sa buod na ginawa
sariling gawa batay sa sanggunian buod ay halaw sa
pagsulat ng isang ibang sanggunian
buod

PANGWAKAS

Kumpletuhin ang pangungusap:

Bilang isang mag-aaral, mahalaga ang kaalaman sa pagbubuod upang______________________.

Mga Sanggunian:

Aklat
Panitikang Panrehiyonal para sa baiting 7- Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas pahina
241

Websites
https://philnews.ph/2021/01/18/pantulong-na-kaisipan-paano-ito-makukuha-sagot/

https://www.slideshare.net/cli4d/ang-pangunahing-paksa-at-mga-pantulong-na-detalye

Pahina 21 ng 36
Learning Activity Sheets (LAS #5) Week 6
Filipino 7

Pangalan: ____________________________________________.Lebel: _________________


Seksiyon: _____________________________________________Petsa: _________________

GAWAING PAGKATUTO

ELEMENTO AT SOSYO- HISTORIKAL NA KONTEKSTO


NG NAPANOOD NA DULANG PANTELEBISYON

PANIMULA (SUSING KONSEPTO)


Ano nga ba ang dula? Ano naman ang dulang pantelebisyon? Ano ang mga elemento at
sosyo-historikal na konteksto nito?
Ang dula ay isang uri ng panitikang naglalayong maitanghal sa entablado. Ang
pagpapahalaga sa dula ay matatamo sa pamamagitan ng panonood dito. Ang mga dula ay maaaring
hango sa tunay na buhay o isinulat bunga ng malaya at malikhaing kaisipan ng manunulat. Ang dula
sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi na ito ng ating tradisyon. Mga
tradisyong nagbibigay ng pagkakakilanlan sa mga Pilipino. Ngunit iisa ang layunin ng mga
mandudula: ang aliwin ang mga mamamayang Pilipino at higit sa lahat, bigyang buhay ang mga
pangyayari sa buhay Pilipino.
Ang dulang pantelebisyon ay tumutukoy sa mga programang palabas sa telebisyon o mga
produksyong medya. Inilalarawan nito ang mga damdamin at pananaw ng mga tao sa partikular na
bahagi ng kasaysayan ng isang lugar. Ang mga teleserye o dulang pantelebisyon ay patuloy na
kinikilala, pinapahalagahan, at tinatangkilik sa ating bansa at sa iba pang panig ng mundo.
Mga Elemento ng Dulang Pantelebisyon
Karakter/Aktor (Bida/Kontrabida) – gumaganap na mga tauhan at nagsasabuhay sa iskrip. Sila ang
bumibigkas ng dayalogo o bumibitaw ng mga linya.
Dayalogo – ang mga binibitiwang linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at
maipadama ang mga emosyon.
Direktor o Taga - direhe – ang nagpapakahulugan sa isang iskrip.
Iskrip – ang nagsisilbing kaluluwa ng isang dula. Dito makikita ang banghay sa isang dula.
Manonood – ang nagbibigay halaga sa dula.
Tanghalan – tumutukoy sa lugar kung saan napagpasyahang itanghal ang isang dula. Maaaring sa
kalsada, isang silid, o tahanan.
Tema – ang pinakapaksa ng isang dula.
Ano naman ang sosyo- historikal? Ito ay mula sa mga salitang sosyolohikal at historikal.
Sosyolohikal – mahihinuha sa pananaw o teoryang ito ang kalagayang panlipunan nang panahong
isinulat ang akda. Makikita rito ang kalagayang panlipunan ng mga tauhan at kung paano ito
nakaaapekto sa kanilang gawi sa daloy ng akda.
Historikal – ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang

Pahina 22 ng 36
kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA
Nasusuri ang mga elemento at sosyo-historikal na konteksto ng napanood na dulang pantelebisyon.
F7PD-IIIf-g-15

PANGKALAHATANG PANUTO: BASAHING MABUTI ANG MGA PANUTO SA BAWAT GAWAIN/


PAMAMARAAN. HUMINGI NG TULONG SA MAGULANG, NAKATATANDANG KAPATID O
SINUMANG NAKAKATANDANG KASAMA SA BAHAY.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


Panuto: Piliin ang titik na may pinakaangkop na sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang konsepto ng palabas.


A. Historikal C. Sosyolohikal
B. Karakter D. Tema
2. Ano ang tawag sa lugar kung saan ginanap ang palabas?
A. Historikal C. Tanghalan
B. Karakter D. Tema
3. Sila ang gumaganap at nagsasabuhay sa iskrip.
A. Historikal C. Tanghalan
B. Karakter D. Tema
4. Ang mga sumusunod ay mga elemento ng dulang pantelebisyon, maliban sa…
A. Historikal C. Tanghalan
B. Karakter D. Tema
5. Sa pamamagitan nito, mahihinuha ang kalagayang panlipunan noong panahong isinulat ang akda.
A. Historikal C. Sikolohikal
B. Humanismo D. Sosyolohikal
6. Batay sa tradisyon ng mga Muslim, sino ang pipili sa ikalawa at ikatlong asawa ng Rajah?
A. Asawa C. Mamamayan
B. Babaylan D. Rajah
7. Paano nagbago ang estado ng mga babae sa kalagayang panlipunan ngayon?
A. sa panliligaw sa mga lalaki
B. sapagtataguyod sa pamilya
C. sa pagiging mapagmahal na ina at asawa
D. sa ng pagkakaroon ng mataas na tungkulin sa estado
8. Elemento ng dulang pantelebisyong nagbibigay – halaga sa dula.
A. Direktor C. Karakter
B. Iskrip D. Manonood
9. Ito ay tumutukoy sa mga programang palabas sa telebisyon o mga produksyong medya at
inilalarawan nito ang mga damdamin at pananaw ng mga tao sa partikular na bahagi ng kasaysayan
sa isang lugar.
A. Dulang Pantelebisyon C. Patalastas
B. Kuwentong-bayan D. Epiko
10. Alin sa mga sumusunod ang layunin ng dulang pantelebisyon?
A. magbigay ng makabuluhang mensahe
B. manghikayat sa manonood na tangkilikin ang produkto
C. maghatid ng balita araw-araw saan mang sulok ng lugar
D. magpasikat at magmayabang sa harap ng publiko at sa lahat ng tao
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Sa puntong ito, natitiyak kong alam mo kung paano magsuri ng mga elemento ng dulang
pantelebisyo at sosyo- historikal na konteksto nito.
Pahina 23 ng 36
A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang piling bahagi ng piling episode ng dulang
pantelebisyon o teleseryeng “Amaya.” Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

Agang: Dal-am, napakapalad mo . Alam mo ba naiinggit ako sayo? Aba’y… sa lahat ng mga
uripon,hmmm… ikaw pa talaga ang napili ng ating Datu.
Dal-am: Agang wag kang magbiro.
Agang: Dal-am hindi ako nagbibiro. Aba’y,mapalad ka, ang magiging anak mo,ipanganganak na isang
timawa, isang malaya. Dal-am malay mo, yang magiging anak mo, yan ang magiging tulay para
maging timawa ka, upang makalaya ka na sa pagiging uripon.
Dal-am: Kung ano man ang maging kapalaran ng aking anak, pinapangako ko kay Aba mamahalin ko
at aalagaan sya katulad ng pagmamahal na inalay ko kay Datu Bugna.
Dian Lamitan: At sa akala mo ba ay makapapantay ka sa akin,ko Dal-am?
Dal-am: Dian Lamitan.
Dian Lamitan: Kahit bigyan mo pa ng anak ang aking Bana. Titiyakin ko na mananatili ka pa ring isang
Uripon.
(Iaabot ni Dian Lamitan kay Agang ang piraso ng pamalo)
Dian Lamitan: Agang, gamitin mo ‘to upang sampalin mo ang iyong kaibigan ng paulit-ulit hanggang
hindi kita pinatitigil. Gawin mo ang pinag-uutos ko sa iyo Agang kung ayaw mong parusahan din kita.
Dian Lamitan: Lakasan mo Agang, sa bibig, hanggang sa ito’y magdugo.
(Hinampas ni Agang ang bibig ni Dal-am hanggang ito’y magdugo)
Dian lamitan: Ngayon,alam mo na,na wala pa ding mababago sa iyong katayuan kahit na
nagpabuntis ka pa sa Datu, Uripon. At ganyan din ang mangyayari sa iyong anak kahit na isilang mo
pa siyang isang Malaya. Hindi pa din siya makahihigit sa akin o sa aking anak.

1. Sino ang may lihim na galit sa ama ni Amaya na si Dal-am?


A. Amaya C.Dian Lamitan
B. Bagani D. Datu Bugna
2.Ano ang dahilan ng pagpunta ni Dian Lamitan kay Dal-am
A. Pagtatanimin ng palay
B. Ipapalaglag ang kanyang anak
C. Paparusahan ng kamatayan dahil sa pagkakaroon ng anak sa Datu
D.Ipapamukha kay Dal-am ang kanyang tunay na katayuan sa lipunan
3.Mula sa dayalogo sa itaas, ano ang nangingibabaw na kaugalian ng mga maharlika sa mababang uri
sa panahon noon?
A. mapagmahal sa kapwa C. mababang pagtingin sa mahihirap
B. mapagbigay sa nasasakupan D. mapanlamang sa mas nakakababa
4. Anong kalagayang panlipunan ang nasasalamin sa panahong naisusulat ang akda?
A. ang pagkakaroon ng anak na lalaki
B. ang pagkakaiba ng estado ng buhay
C. ang pagkakaroon ng isang Rajah bilang pangulo
D. ang hindi pantay – pantay na pagtrato sa bawat isa

5. Batay sa dayalogong mula sa palabas na “Amaya”, paano natin malalaman ang estado ng
pamumuhay ng isang tao?
A. sa pamamagitan ng tungkulin
B. sa pamamagitan ng kanilang kilos
C. sa pamamagitan ng kanilang pagkain
D. sa pamamagitan ng kanilang pananamit

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3 Pahina 24 ng 36


Panuto: Suriin ang isang bahagi ng dulang pantelebisyong “Encantadia”na nagpakikita ng mga
elemento at sosyo – historikal na konteksto. Gamiting gabay ang nasa ibaba sa pagbuo ng talata.

Elemento at Sosyo-Historikal na Konteksto


1. Kalagayang Panlipunan
2. Hanap-buhay
3. Mga Paniniwala
4. Kultura at Tradisyon

Pamantayan Napakahusay Mahusay Hindi gaanong Nangangailangan ng


mahusay tulong
5 4 3 2

Nilalaman Napakahusay na Mahusay na Bahagyang nailahad Hindi malinaw na


nailahad ang nailahad ang ang mensahe ng nailahad ang
mensahe ng akda mensahe ng akda akda mensahe ng akda
Gamit ng Nakapagkita ng 5 Nakapagkita ng 3-4 Nakapagkita ng 1-2 Hindi nakapagkita ng
elemento at pataas na elemento na elemento at elemento at sosyo- anumang elemento
sosyo- at sosyo-historikal na sosyo-historikal na historikal na at sosyo-historikal na
historikal na konteksto sa konteksto sa konteksto sa konteksto sa
konteksto pagsusuri pagsusuri pagsusuri ginawang pagsusuri
Orihinalidad Orihinal ang May ilang bahagi ng Maraming bahagi ng Hindi sariling likha
pagsusuring ginawa pagsusuring ginawa pagsusuring ginawa ang pagsusuring
ang hango sa ibang ang hango sa ibang pinasa
sanggunian sanggunian
Sangkap May 1-2 kamalian sa May 3-4 nakamalian May 5-6 nakamalian May 7 pataas na
wastong paggamit ng sa wastong sa wastong kamalian sa wastong
salita, bantas at paggamit ng salita, paggamit ng salita, paggamit ng salita,
baybay bantas at baybay bantas at baybay bantas at baybay

PANGWAKAS

Bilang isang mag-aaral, mahalaga ang kaalaman saelemento at sosyo- historikal na konteksto
dahil__________________.

Mga Sanggunian:

Aklat
Panitikang Panrehiyonal para sa baiting 7- Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
Learning Activity Sheets (LAS #6) Week 7
Filipino 7
Pahina 25 ng 36
Pangalan: ____________________________________________.Lebel: _________________
Seksiyon: _____________________________________________Petsa: _________________

GAWAING PAGKATUTO

PANANDANG ANAPORIK AT KATAPORIK

PANIMULA (SUSING KONSEPTO)

Sa pagpapahayag ay may dalawang paraang ginagamit upang mapag-ugnay ang pangungusap na


tinatawag na anaporik at kataporik.

1. Anaporik – isang paraan ng pag-uugnay na kung saan ang panghalip na ginagamit sa hulihan
bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan.

Halimbawa:
Ang batang babae ay lagging nagiging tampulan ng tukso. Siya ay laging kinukutya at
pinaiiyak ng mga kamag-aral.

Ang pahayag na nasa itaas ay nagsasaad ng panandang anaporik dahil ang “batang babae”
na ginamit sa unang pangungusap ay pangngalan at hinalilihan ito ng panghalip na “siya” sa
ikalawang pangungusap.

 Pangngalan – tumutukoy sa ngalan ng tao, lugar, hayop, bagay, at pangyayari.


 Panghalip – ang mga salitang humalili o pamalit sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa
parehong pangungusap o sa kasunod na pangungusap.

Narito ang iba pang halimbawa:

a. Ang kabataang Pilipino ay mahuhusay kaya’t sila ay parating angat sa iba.


b. Malaki ang naitulong niPangulong Duterte sa pagsugpo sa ilegal na droga, marapat
lamang na siya ay parangalan.
2. Kataporik - isa pang paraan ng pag-uugnay na kung saan ang panghalip na ginamit sa unahan
bilang pananda sa pinalitang pangngalan.

Halimbawa:
Siya ay naging mahiyahin sapagkat maaga niyang nalaman na kaiba ang kanyang
kalagayang kung ihahambing sa mga kaklse. Ang batang babae ay naging tampulan ng tukso.
Ang pahayag ay nagsasaad ng panandang kataporik dahil ang “siya” na ginamit sa unang
pangungusap ay panghalip at hinalilihan ito ng pangngalang “batang babae” sa ikalawang
pangungusap.

Narito ang iba pang halimbawa:

a. Sila ay parating angat sa iba dahil ang kabataang Pilipino ay mahuhusay.


b. Marapat lamang nasiya ay parangalan sapagkat malaki ang naitulong ni Pangulong Duterte sa

Pahina 26 ng 36
pagsugpo sa ilegal na droga.

PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA

Nagagamit nang wastong mga panandang anaporik at kataporik ng pangngalan


F7WG-IIIh-i-16 (MELC 32)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang
letra ng tamang sagot at sulat sa iyong sagutang papel.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang titik ng sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay isang paraan ng pag-uugnay na kung saan ang panghalip na ginagamit sa hulihan bilang
pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan.
A. Anaporik C. Pandiwa
B. Kataporik D. Pang-abay
2. Isa pang paraan ng pag-uugnay na kung saan ang panghalip na ginamit sa unahan bilang pananda
sa pinalitang pangngalan.
A. Anaporik C. Pandiwa
B. Kataporik D. Pang-abay
3. Ang mga guro ang nagsisilbing ikalawang magulang ng mga bata sa paaralan. ____________ ay
huwaran ng mga kabataa. Anong wastong panghalip ang maaari nating gamitin sa salitang may
salungguhit?
A. Siya C. Nila
B. Sila D. Ako
4. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng ng panandang kataporik?
A. Sina Obet at Pipoy ay magkaklase. Sila ay magkaibigan.
B. Siya ay pinsan ko. Si Linda, ang bagong lipat sa amimg paaralan.
C. Ang edukasyon ay susi sa magandang kinabukasan. Ito ang kayamanang di mananakaw ng
sino man.
D. Ang GMATHS ay isa sa mga paaralan nagpapanday sa kaalaman sa mga mag-aaral. Dito
hinubog ang talas ng isip ng mga bata.
5. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagpapakita ng panandang anaporik maliban sa isa.
A. Inulit ulit nila ang kuwento sapagkat sila ay namangha sa istorya nito.
B. Si Gng. Santos ang aking guro a Filipino. Siya ay mahusay mahusay magturo.
C. Ito ay isang dakilang paaralan. Ang GMATHS ay may makulay na kasaysayan.
D. Si Eva ay lumipat sa GMATHS dahil ayon kay Lino ay maganda ang turo dito.
6. Ang “Elder Law” ay isa na namang panukalang batas na isinulong sa Senado. ______ ay
makatutulong sa mga senior citizen sa bansa.
A. Ako C. Sila
B. Ito D. Sina
7. Ang Senate Bill 3128 ay inihain ni Senator Miriam Defensor- Santiago. ____ ang Konstitusyong
nagsasaad ng katungkulan ng pamilya na pangalagaan ang matandang miyembro.
A. Ako C. Kanila
B. Ito D. Sila
8. Si Miriam Defensor Santiago ay nagsulong ng bagong batas para sa mga senior citizen. _____ ay
may malasakit sa kapwa
A. Ako C. Sina
B. Sila D. Siya

Pahina 27 ng 36
9. Dumarami na rin ____ na nasa below poverty level o sobrang hirap na hirap sa buhay. Kaya
marami sa mga senior citizen ang napababayaan, inaabandona, o inaabuso.
A. Kanila C. Sina
B. Sila D. Siya
10. Itatayo ang Office of the Elderly o Office of the Aging kung ganap na magiging batas. ____ang
bubuo ng mga programa para sa kalusugan at kapakanan ng matatanda sa bansa.
A. Ako C. Kanila
B. Ito D. Sila
11. _____ ay handang mag-alaga sa matatanda sa bansa. Ang pamahalaan ang gagawa ng tungkulin
ng pamilyang hindi nila magagampanan.
A. Ako C. Sila
B. Ito D. Sina
12. Mapalad ang mga anak na nag-aalaga sa kanilang mga magulang.____ ay ating tularan.
A. Ako C. Kanila
B. Ito D. Sila
13. Ang kanilang “uban” ay nagpakikita ng talino. _____ ang ebidensiya ng maraming taon ng
karanasan sa buhay.
A. Ako C. Kanila
B. Ito D. Sila
14. ____ ang gagawa ng tungkulin ng pamilyang hindi nila magagampanan. May mga ahensiya na
handang mangalaga sa matatanda sa bansa.
A. Ako C. Sila
B. Kanila D. Sina
15. Sila ay dapat na maging magandang halimbawa sa _____ mga apo. Alagaan natin ang lolo at lola.
A. Itong C. Silang
B. Kanilang D. Tayong

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2.1

Panuto: Suriin kung ang mga pahayag ay anaporik at kataporik. Isulat ang APkung ang pahayag ay
nagsasaad ng anaporik at KP naman kung kataporik. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

______1. Nalulungkot ang batang babae dahil wala siyang kaibigan.


______2. Hindi nahabag ang mga kamag-aral niya dahil wala silang alam sa kaniya.
______3. Sa pagiging tahimik ng batang babae ay ipinalagay ng kanyang mga kaklase na siya ay
kanilang talu-talunan kaya lalong sumidhi ang kanilang pang-aasar.
______4. Sila ay nasisiyahan kapag umiiyak ang kanilang kaklse kaya ipinagpatuloy ng mga kamag-
aral niya ang panunukso sa kaniya.
______5. Ipinakita niya ang kaniyang katapangan nang sinabi ng batang babae na mayroon siyang
isang daang damit.
______6. Ipinagpalagay ng kaniyang mga kaklase nasiya ay kanilang talu-talunan kaya lalong sumidhi
ang panunukso sa batang bababe.
______7. Matindi ang pang-aapi sa batang babae ngunit tahimik lamang siya.
______8. Ag batang babae ay lagging nakayuko, mailap ang mga mata at sasagot lamang siya ng
halos pabulong kapag tinatawag ng guro.
______9. Nagsimulang magkuwento ang batang babae tungkol sakaniyang isang daang damit.
______10. Pinuntahan ng mga kamag-aral ang batang batang babae sa kanilang tahanan at sila ay
pinatuloy at nakita nila na ang kabahayan ay salat na salat sa karangyaan.

Pahina 28 ng 36
Gawain sa Pagkatuto 2.1

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag na nasa panandang anaporik at gawin ito sa pahayag na
nasa panandang kataporik. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang Senior Citizen Act ay malaking tulong sa matatandang mahihirap sa buhay. Ito ang magbibigay
proteksiyon sa kanila.
Kataporik : ________________________________________

2. Ang matatanda ay maraming pangangailangan. Ibigay natin sa kanila ang mga pangangailangang
ito.
Kataporik : ________________________________________

3. Mapagmahal ang aking mga magulang. Sila ay mabait.


Kataporik : ________________________________________

Gawain sa Pagkatuto 2.2: Basahing mabuti ang mga pahayag na nasa panandang kataporik at gawin
ito sa pahayag na nasa panandang anaporik. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Siya ay may malaking malasakit sa matatanda. Si Miriam Defensor Santiago ay nagsusulong ng


bagong batas para sa mga senior citizen.
Anaporik : _____________________________________________________

2. Sila ay dapat na maging magandang halimbawa sa kanilang mga apo. Alagaan natin ang ating lolo
at lola.
Anaporik : _____________________________________________________

Gawain sa Pagkatuto 2.3:Suriin ang mga larawan sa ibaba. Ipahayag ang iyong kaisipan at damdamin
tungkol sa mga ito ayon sa puntong reperensiyang makikita sa kahon. Isulat ang sagot sa sagutang
papel. (5
Kraytirya Higit sa Nakamit
Pahinaang Bahagyang
29 ng 36 Hindi Nakamit Kailangan pa
Inaasahan Inaasahan nakamit ang ang Inaasahan ng Pagsasanay
Inaasahan
5 4 3 2 1
Nilalaman Naiugnay Naiugnay ang Naiugnay Hindi malinaw Hindi naiugnay
nang mahusay naisulat sa nang bahagya na naiugnay ang ang gawa
ang naisulat sa paksa ang naisulat naisulat sa paksa
paksa sa paksa
Organisasyon organisadong organisado ang bahagyang hindi organisado walang
organisado mga talata organisado ang mga talata pinatunguhan
ang mga talata ang mga ang naisulat
talata
Gramatika Nakagamit ng Nakagamit ng 4 Nakagamit ng Nakagamit ng 1- Hindi
5 o higit pang cohesive device 3 cohesive 2 cohesive nakagamit ng
cohesive at 1-4 na device at 5-8 device at 9-10 cohesive
device at lahat salitang ginamit na salitang salitang ginamit device at 11
ng salita ay ay di wasto ang ginamit ay di ay di wasto ang pataas sa
may wastong baybay at wasto ang baybay at bantas ginamit na
baybay at bantas baybay at salita ay may
bantas bantas maling baybay
at bantas
Komposisyon Nakabuo ng 3- Nakabuo ng 3-4 Nakabuo ng Nakabuo ng 1- Hindi nakabuo
4 talata na talata na may 5 2-talata na talata na may 5 ng
may 5 lima o limang may 5 limang limang pangungusap o
higit pang pangungusap pangungusap pangungusap talata
pangungusap

Gawain sa Pagkatuto 3: Sumulat ng dalawang (2) talata na nagsasalaysay ng sarili mong karanasan o
karanasan ng iba sa pambubully ng dating kamag-aral sa inyong klase gamit ang mga cohesive
devices na anaporik at kataporik.

Rubriks sa Paggawa ng Sanaysay

PANGWAKAS
Kompetuhin nag pangungusap:

Aking nabatid sa gawaing ito ay _____________________________.

Mga Sanggunian:
Panitikang Panrehiyonal para sa baiting 7- Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas pahina
258-259

Pahina 30 ng 36
Learning Activity Sheets (LAS #7) Week 8
Filipino 7

Pangalan: ____________________________________________.Lebel: _________________


Seksiyon: _____________________________________________Petsa: _________________

GAWAING PAGKATUTO

PAGSULAT NG BALITA

PANIMULA (SUSING KONSEPTO)

BALITA - Ang balita o news sa Ingles ay isang impormasyon o ulat tungkol sa mga pangyayaring naganap
kamakailan lamang, nagaganap sa kasalukuyan at magaganap pa lamang.

Mga dapat tandaan sa pagpili ng angkop na salita o pangungusap sa pagsulat ng isang balita.
1. Huwag maging paligoy-ligoy.
2. Huwag gumamit ng matalinghagang salita.
3. Huwag na huwag maglalagay ng sariling opinyon.
4. Isulat ang pawang katotohanan lamang at banggitin ang mga lehitimong pinanggalingan ng mga
impormasyon o datos.
5. Siguraduhing malinaw at tiyak ang ginagamit na salita.

Ang isang balita ay maaaring sumagot sa anim na pahiwatig o ASSAKABAPA:


1. ano (what) – tumutukoy sa pangyayari ng isang balita.
2. sino (who) – tumutukoy sa taong pinag-uusapan sa balita.
3. saan (where) – tumutukoy sa pook o lugar na pinangyarihan sa balita.
4. kailan (when) – tumutukoy kung kailan naganap ang pangyayari sa balita.
5. Bakit (why) – tumutukoy sa sanhi o dahilan ng pangyayari sa balita.
6. Paano (how) – tumutukoy sa paraan kung paano naganap ang pangyayari sa balita.

Mga Uri ng Balita

BalitangPambansa

Ito ay tumutukoy sa mga pangyayari sa loob ng bansa na mahalaga sa nakararaming mga mamamayan
gaya ng eleksyon, rebolusyon o pag-aaklas, at iba pang paglalahad maaaring magdulot ng epekto o
impluwensya sa mamamayan ng bansa.

» Balitang Pangkaunlaran

Ito ay balitang kapupulutan ng mga aral at halimbawa tungo sa pagpapaunlad ng buhay.

» Balitang Pandaigdig

Ang balitang tulad ng paglulunsad ng mga programa o pagpapasa ng mga batas na sangkot ang iba't
ibang bansa tulad ng United Nations, ASEAN, World Health Organization (WHO) at iba pang
organisasyong panrelihiyon at pampamahalaan
» Balitang Panlibangan

Pahina 31 ng 36
Ang ganitong balita ay tumatalakay sa mga libangan, hobbies o recreation na karaniwang
kinatatampukan ng mga sikat na personalidad at naglalayong makapagbigay ng impluwensya o
kasiyahan.

» Balitang Pampalakasan

Ang mga halimbawa ng balitang ganitn ay mga ukol sa isports tulad ng basketbol, boksing, bilyards dito
man sa bansa o pandaigdig.

» Balitang Pangkabuhayan

Ang mga balitang ukol sa hanapbuhay gaya ng pagbaba ng halaga ng piso, pagtaas ng presyo ng mga
bilihin at iba pang balita na may tiyak na epekto sa kaunlaran ng bansa.

Pamantayan ng Mabisang Balita


5. Ito ay dapat napapanahon (Timely) 
6. Ito ay dapat nagbibigay impormasyon (Informative) 
7. Ito ay dapat hindi hinahaluan ng anomang opinyon (Not Opinionated)
8.
Mga Mungkahi sa Mahusay na Pagsulat
 Isang ideya bawat pangungusap.
 Limitahan ang bilang ng mga salita sa pangungusap, 23-25 na salita lamang.
 Tiyaking maayos at lohikal ang pagkahahanay ng kaisipan.
 Gumamit ng pandiwang nasa aktibong tinig.
 Gumamit ng simpleng salita.
 Iwasan ang paggamit ng parehong salita sa pangungusap.
 Gawing gabay ang anim na pahiwatig o assakabapa sa paghanay ng kaisipan sa isusulat na balita.

Mga Dapat tandaan sa pagsulat ng balita:


 Kawastuhan– ang balita ay dapat naglalahad ng mga impormasyong walang labis at walang
kulang.
 Katimbangan – ang balita ay dapat maglahad ng datos na walang kinikilingan sa sinomang panig
na nasasakop ng balita.
 Makatotohanan – ang balita ay dapat na naglalaman ng mga impormasyon na tunay at hindi
gawa-gawa lamang. Ang mga impormasyon ay dapat na nanggagaling sa mapagkakatiwalaang
sources at hindi kung kani-kanino lamang. Kung ang impormasyon ay galing sa social media,
kilatisin ang pinaggalingan bago ito ibalita.
 Kaiklian – ang balita ay dapat inilalahad ng walang paliguy-ligoy.

Hakbang sa Pagsulat ng Balita


 Pagkakuha ng mga impormasyon, isulat ang buod upang makita ang lahat ng datos na
nakalap.
 Itala ang mga pangyayari ayon sa pababa o paliit na kahalagahan.
 Isulat ang balita gamit ang inverted pyramid. Sa paglalahad ng mga datos ng balita, dapat
ay nasa pinakatuktok ang panimula (lead) kung saan ang lahat ng pinakaimportanteng
detalye ay ilalagay. Susunod ang katawan ng balita (body) kungsaan ilalahad ang mga
importanteng detalye. Nasa pinakahulihan o pangwakas ang mga hindi gaanong
mahalagang detalye ng balita.
 Isulat ang headline na naangkop sa balita.Halimbawa: Inverted Pyramid

Pahina 32 ng 36
Halimbawa ng Balita

PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA

Nasusuri ang mga salitang ginamit sa pagsulat ng balita ayon sa napakinggang halimbawa.

(F7PN-IIIj-17)

Natutukoy ang datos na kailangan sa paglikha ng sariling ulat-balita batay sa materyal na binasa. (F7PB-
IIIj-19)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang titik ng sagot sa sagutang
papel.
1. Ito ay isang bahagi ng pahayagan kung saan mababasa ang mga pinakaimportanteng balitang nangyari
sa isang araw.

A. Back page B. Cover page C. Editoryal D. Front page

2. Ito ang balita kung saan makukuha ang impormasyong may kinalaman sa mga atleta?
A. Pampahina B. Pampalakas C. Pampalakasan D. Pital Pantahanan

3. Anong seksyon ng diyaryo nakasulat ang opinyon o kuro-kuro ng patnugot tungkol sa napapanahong
isyu ng lipunan?
A. Editoryal B. Front Page C. Klasipikadong Anunsyo D. Obitwaryo

Pahina 33 ng 36
4. Para makakuha ng kaalaman sa pagnenegosyo, ano ang balitang kailangang hanapin sa mga
pahayagan?
A. Komersyo B. Pampalakasan C. Pandaigdig D. Panlalawigan

5. Ang buong mundo ay nakararanas nang matinding pagbabago sa klima, dulot na rin ito ng mga gawain
ng tao na nakasisira sa kalikasan." Ang naunang impormasyon ay halimbawa ng balitang?
A. Pambahay B. Pambansa C. Pandaigdig D. Panlalawigan

6.Uri ng pahayagang kadalasang salitang balbal ang ginagamit sa pagsusulat ng mga balita...
A. Broadsheet B. Journal C. Magazine D. Tabloid

7. Sa aklat na ito makikita ang koleksiyon ng mga mapa na tinatawag na...


A. Almanac B. Atlas C. Britannica D. Encyclopedia

8. Ito ay antas ng wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga aklat, mga panulat na
akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga paaralan.
A. Balbal B. Di-Pormal C. Lalawiganin D. Pormal

9. Ito ay antas ng wikang ginagamit ng karamihang tao sa pang-araw- araw na pakikipagtalastasan dahil
simple lang ang bokabularyo at ang mga pangungusap ay maikli lamang.
A. Banyaga B. Di-Pormal C. Lalawiganin D. Pormal

10.Ito ay mga salitang ginagamit sa pang- araw- araw na pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at
pagkabulgar bagama’t may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita.
A. Balbal B. Banyaga C. Kolokyal D. Lalawiganin

11 .IN-NA-IN talaga ang pagkuha ng kursong may kinalaman sa teknolohiya ngayon. Ang salitang IN-NA-
IN ay
A. Balbal B. Banyaga C. Kolokyal D. Lalawiganin

12.Dahil sa isyu ng “Temporary Deployment Ban” sa Kuwait, inanyayahan ng Umagang Kay Ganda ang
sekretarya ng DOLE para sa isang pakikipanayam. Ang estratehiyang ginamit ay…
A. Imersyon B. Interbyu C. Pag-eeksperimento D. Pagsulat ng Dyornal

13.Mabisa itong magagamit sa pangangalap ng opinyon at katwiran ng ibang taong nabibilang sa isang
pangkat.
A. Brainstorming B. Interbyu C. Pagsasarbey D. Sounding-Out-Friends
14.Ito ay isang sadyang paglalagay ng isang sarili sa isang karanasan o gawain upang makasulat hinggil sa
karanasan o gawaing kinapalooban.
A. Imersiyon B. Interbyu C. Obserbasyon D. Pag-eeksperimento

15. Ito ay isang paraan ng pangangalap ng impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa sa pamamagitan
ng pagpapasagot ng questionnaire sa isang grupo ng mga respondent.
A. Interbyu B. Pagsasarbey C. Pagsulat ng Diyornal D. Pagtatanong
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2.1: Panuto: Suriin ang mga pahayag na nasa ibaba. Isulat ang salitang TAMA
kung ito ay sumusunod sa mga dapat tandaan sa pagpili ng tamang salita sa pagsulat ng balita at MALI
naman kung hindi.

Physical distancing, malaking bagay para 'di mahawa ng COVID-19, ayon sa isang pag-aaral.

_____1.Sa aking palagay, sapat na ang physical distancing upang hindi mahawaan ng coronavirus disease
2019 (COVID-19).

Pahina 34 ng 36
______2. Sa ulat ni JP Soriano sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabi ng Philippine Society of
Public Health Physicians (PSPHP), na ang isang metro na physical distancing ay katumbas ng 82
porsiyento ng tiyansa na hindi mahawaan ng virus.

______3. Makatutulong din para mapataas pa ang tiyansang hindi mahawaan ng virus kung magsusuot
ng face mask at face shield.

_______4. Nauna nang nagpaalala ang Department of Agriculture (DA) at maging ang mga lokal na
pamahalaan sa kahalagahan ng physical distancing at pagsusuot ng face mask para mapigilan ang
pagkalat ng virus

_______5. "Kung lahat 'yan combined... 99.9 percent reduction in transmission. Kung [mask] lang, 67,
'wag malungkot kasi nag-mask ka, may shield, 93 percent [protection], pa'no pa kung nagdistansya ka, 99
percent [reduction], " paliwanag ni Dr. Romelei Alfonso ng PSPHP.

Gawain sa Pagkatuto Bilang2.2

Panuto: Gamit ang anim na pahiwatig o ASSAKABAPA, hanapin sa balita na nasa ibaba ang mga
mahalagang datos. Sagutin ang sumusunod na mga tanong. (2 puntos kada bilang)

Problema sa Internet mas naging lantad sa pagbubukas ng klase

MAYNILA — Sa ikalawang araw ng pasukan, mahinang internet signal pa rin ang problema ng mga guro at
estudyante. Tugon ng Department of Education (DepEd) dito ang pamamahagi ng modules, kung saan
hindi na kailangang mag-online lagi ng estudyante.

Pero sa kabila ng mga problema, sinabi ng kagawaran na naging matagumpay ang pagbubukas ng klase.
"Ito ay base sa feedback ng ating field offices and confirmed with some principals and teachers, generally
peaceful and successful naman kasi ang metrics naman ang enrollment, readiness ng schools to deliver
education," ani DepEd Undersecretary Jesus Mateo. Pero kinontra naman ito ni Senate committee on
basic education, arts and culture chairman Sherwin Gatchalian. "I cannot claim complete victory
yesterday because if you look at the standpoint of parents and teachers, the lack of internet connectivity
became the stumbling block," anang senador. Sinabi pa ng senador na ngayon nasa new normal na,
kailangan paigtingin ng mga telecommunications company ang kanilang serbisyo.

"The telcos should step up. It’s now in the hands of our telcos to step up and to make sure that
connectivity is available to all of our students… We have to use all tools available and I’m looking at the
point of view of our parents and students and I’ve seen first hand that connectivity is a problem," ani
Gatchalian.

1.Ano ang pinag-uusapan sa balita?_____________________________________.

2.Sino ang pinag-uusapan sa pangungusap?______________________________.

3.Kailan naganap ang pangyayari sa balita?___________________________________

4.Bakit nagkaroon ng problema sa Internet sa pagbukas ng klase?______________

5. Paano natugunan ng Depart of Education ang problema sa Internet sa pagbukas ng klase?


_____________________________________________________________

Pahina 35 ng 36
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3

Panuto: Sumulat ng isang ulat balita mula sa programa ng inyong barangay. Isaalang-alang ang mga
hakbang sa pagsulat nito.

PAMANTAYA PINAKAMAHUSAY MAHUSAY DI GAANONG NANGANGAILANGAN


N MAHUSAY NG TULONG
5 4 3 2
Nilalaman Kumpleto at wasto Wasto ang mga May ilang Maraming kakulangan
ang lahat ng detalyeng detalye ang hindi sa nilalaman ng balita
detalyeng nakasaad nakasaad sa na dapat isulat sa
sa balita balita balita
Presentasyon Organisado at Maayos ang Hindi gaanong Walang kaugnayan ang
sinuring mabuti ang pagkakalahad maayos ang lahat ng talata sa
pagkakasunod- ng mga detalye nailahad na balitang inilahad.
sunod ng mga ideya talata.
o kaisipan
Sangkap Tama ang Tama ang May kalituhan sa Mali ang pagkabaybay
pagkabaybay ng mga pagkabaybay pagkabaybay ng nang lahat ng salita at
salita at ang mga ngunit may ilang salita at sa bantas na ginamit sa
bantas na ginamit. mga bantas na paggamit ng mga talata.
hindi wastong bantas.
nagamit.
Orihinalidad Ang bawat talata ay Ilan sa talata Karamihan sa Kinopya lamang ang
nagpapakita ng ng balita ay talatang ginamit balitang ginawa
sariling gawa batay halaw sa ay halaw sa
sa pagsulat ng isang napanood o napanood o
balita nabasang nabasang
artikulo artikulo

Mga Sanggunian:
AKLAT:
Baisa, Ailene G. et al. Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Publishing House Inc, 2014

Mga Website
https://teksbok.blogspot.com/2013/01/uri-ng-balita.html
https://pt.slideshare.net/TeacherJenny2216/pagsulat-ng-balita-37855501/2
https://brainly.ph/question

Pahina 36 ng 36
Susing Sagot

You might also like