You are on page 1of 2

BALANGKAS NG KURSO

Filipino 7
Unang Traymestre
T.P. 2019 – 2020

GURO: GNG. ISABEL E. MATIBAG/G. ORENSI ASIGNATURA: FILIPINO 7


GNG.JEN ESPADA/GNG. SANDRA MARASIGAN

Modyul 1: PANITIKAN NG IBA’T IBANG REHIYON SA PILIPINAS (UNANG BAHAGI)


REPLEKSIYON, SALAMIN AT LARAWAN NG PAGKAKAKILANLAN

A. Wika at Panitikan

 Kaligiran ng Wika at Panitikan


 Kahulugan
 Kahalagahan

Kasanayang Pampagkatuto:

- Nakikilala ang mga simulain, kahulugan at kahalagahan ng wika at panitikan sa


Pilipinas.
- Napahahalagahan ang mga akdang pampanitikang panrehiyon sa Pilipinas.

B. Kaalamang Bayan

 Awiting Panudyo
 Tugmang de-Gulong
 Bugtong/Palaisipan
 Ponemang Suprasegmental

Kasanayang Pampagkatuto:

- Naipapaliwanag ang kaisipang nais iparating ng napakinggang mga karunungang


bayan mula sa mga rehiyon ng Pilipinas.
- Naihahambing ang mga katangian ng mga karunungang bayan.
- Nakasusulat ng sariling bersiyon ng tula alinman sa mga karunungan bayan.
- Naiaangkop ang wastong tono o intonasyon sa pagbigkas.

C. Awiting Bayan

 Antas ng wika
 Elemento ng tula

Kasanayang Pampagkatuto:

- Naipapaliwanag ang kaisipang nais iparating ng awiting bayan.


- Nasusuri ang mensahe at kulturang nakapaloob sa awiting bayan.
- Naitatanghal ang orihinal na awiting bayan
- Nasusuri ang antas ng wika
- Nagagamit mga elemento ng tula sa pagsulat ng awitin (sukat, tugma, tayutay at
talinghaga)

Balangkas ng Kurso Pahina | 1


Filipino 7
Unang Traymestre - T.P. 2019-2020
Gng. Isabel E. Matibag/Gng. Jen Espada/Gng. Sandra Marasigan/G. Orensi
D. Kuwentong Bayan

 Si Usman, Ang Alipin


 Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Canao
 Mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay

Kasanayang Pampagkatuto:

- Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng


kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.
- Naibibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng salita ayon sa gamit
sa pangungusap
- Nasusuri gamit ang ugnayan ng tradisyon sa binasang akda.
- Naisusulat ang mga patunay na ang kuwentong-bayan at salamin ng tradisyon o
kaugalian ng lugar na pinagmulan nito.
- Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay.

E. Alamat

 Alamat ng Pitong Makasalanan


 Alamat ng Bulkang Mayon
 Kaantasan ng Pang-uri
 Mga pahayag sa panimula, gitna at wakas

Kasanayang Pampagkatuto:

- Naihahayag ang nakikitang mensahe ng alamat.


- Naihahambing ang alamat sa napanood na alamat ayon sa mga elemento.
- Naisusulat ang isang alamat sa anyong komikstrip.
- Nagagamit nang wasto ang angkop na mga pahayag sa panimula, gitna at wakas.
- Nagagamit nang maayos ang kaantasan ng pang-uri.

F. Pabula
 Natalo rin si Pilandok
 Ekspresyong Naghahayag ng Posibilidad

Kasanayang Pampagkatuto:

- Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan.


- Natutukoy at naipaliliwanag ang mahahahalagang kaisipan sa binasang akda
- Naipahahayag nang pasulat ang damdamin at saloobin tungkol sa paggamit ng
mga hayop bilang mga tauhang nagsasalita at kumikilos na parang tao o vice versa
- Naibabahagi ang sariling pananaw at saloobin sa pagiging karapat-dapat/hindi
karapat-dapat ng paggamit ng mga hayop bilang mga tauhan sa pabula
- Nagagamit ang mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad

Sanggunian:

Correa, Ramilito. Baybayin, Paglalayag sa Wika at Panitikan. Rex Book Store, Sampaloc, Manila. 2015
Marquez, Servillano Jr. Phd. PINTIG ng lahing Pilipino. SIBS Publishing House Inc,Quezon City. 2015
Santos, Bernie. Punla.Rex Book Store Claro M. Recto, manila.2017, Dayag, Alma, Pinagyamang Pluma
Ikalawang Edisyon Phoenix Publishing House, Quezon City 2017

Balangkas ng Kurso Pahina | 2


Filipino 7
Unang Traymestre - T.P. 2019-2020
Gng. Isabel E. Matibag/Gng. Jen Espada/Gng. Sandra Marasigan/G. Orensi

You might also like