You are on page 1of 25

Kahulugan, Layunin,

Kahalagahan at Uri ng
Pagsulat
Ni Librada S. Quilas, PhD
Guro
Layunin:
• Naipaliliwanag ang kahulugan ng pagsulat
• Nakapagbibigay ng halimbawa sa bawat uri ng
pagsulat
• Nahihinuha ang kahalagahan ng pagsulat sa tao
at sa bansa
-Pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang
maaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong
salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o sa mga tao sa
layuning maipahayag ang kanyang kaisipan. (Bernales,
et.al, 2001)
- Kapwa pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para
sa iba’t ibang layunin. (Bernales, et.al, 2002)
- Hindi ito biro. Nangangailangan ng puspusang mental at
konsiderableng antas ng kaalamang teknikal at
pagkamalikhain. (Bernales, et.al, 2002)
-Isang komprehensib na kakayahang naglalaman ng
wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan,
retorika at iba pang mga element. Kaugnay nito ang
pakikinig, pagsasalita at pagbasa. (Xing at Jin, 1989)
- Kakayahan sa mabisang pagsulat ay isang bagay na
totoong mailap para sa nakararami sa atin maging
ito’y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika.
(Badayos, 2000)
- Isang biyaya, (kasanaysang kaloob ng Maykapal at
eksklusibo sa tao) isang pangangailangan at isang
kaligayahan ng nagsasagawa nito. (Keller, 1985)

- Isang ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang


tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa.
(Peck at Buckingham, 1998)
Mga Layunin ng Pagsulat
1. Ekspresibo o pagpapahayag ng iniisip o nadarama.
2. Transaksyunal o nagsasangkot ng pakikipag-ugnay sa
iba pang tao sa lipunan.
3. Ekspresibo at transaksyunal tulad ng pagsulat ng
talumpati para sa isang ispesipikong pangkat ng
tagapakinig.
Ayon kina Bernales, et.al (2001), ang layunin sa pagsulat
ay:
1. Impormatib (expository writing) – pagsulat ng report
ng obserbasyon, istatistiks sa mga libro
2. Mapanghikayat (persuasive writing) – pagsulat ng
proposal, konseptong papel
3. Malikhain (creative writing) – nobela, tula etc.
Kahalagahan ng Pagsulat
1. Naitatala ang lahat ng bagay ukol sa sibilisasyon at sa tao.
2. Nakaaapekto sa pagkatuto at nagpapakita ng kaalamang
natamo ng tao.
3. Nalalaman at napananatiling buhay ang kasaysayan.
4. Umaaliw, nagpapalungkot, nagbibigay ng karunungan at
pag-asa
5. Patuloy na nakasasabay ang tao sa hamon ng kaunlaran
ng mundo
Mga Uri ng Pagsulat
1. Akademik. Pagsulat sa paaralan. Maaring kritikal na sanaysaya,
lab report, eksperimento atbp.
-intelektwal na pagsulat dahil sa layuning pataasin ang antas at
kalidad ng kaalaman ng mga mag-aaral sa paaralan.
2. Teknikal. Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaring
makatulong sa pagbibigay-solusyon sa isang kumplikadong
suliranin. Gumagamit ng teknikal na terminolohiya sa isang
particular na paksa tulad ng science o technology.
-feasibility study, korespondensyang pampangangalakal
3. Journalistic. Pagsulat ng balita, editorial, kolum, lathalain at
iba pang akdang karaniwang makikita sa mga pahayagan o
magasin.

4. Reperensyal. Pinapaikli ng manunulat ang ideya ng ibang


manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaring sa
paraang parentetikal, talababa o endnotes para sa sinumang
mambabasa na nagnanais na mag-refer sa sangguniang
tinutukoy. Madalas makita sa isang teksbuk.
5. Propesyonal. Nakatuon o eksklusib sa isang tiyak na
propesyon. Halimbawa nito ang pagsulat ng police report,
investigative report, legal forms at iba pa.

6. Malikhain. Pokus nito ang imahinasyon ng manunulat,


maaring piksyonal o ‘di piksyonal. Layuning paganahin ang
imahinasyon at pukawin ang damdamin ng mambabasa. Larangan
ng pagsulat sa larangan ng literature.
Katangian ng Masining na Pagsulat at ang Paglikha ng
Piyesang Susulatin
1. Paksa- pinipili batay sa interes, kaalaman at karanasan ng
susulat. Dapat kaakit-akit at kapaki-pakinabang sa babasa
para pag-ukulan ng panahon. Karaniwan sa paksang
kinagigiliwan ang tungkol sa mahalagang bagay na kawili-wili
at napapanahon. Tungkol sa mga taong kilala, kakaiba at
kontrobersyal. Iyong tungkol sa mga pakikibaka ng tao sa
sarili, sa kapwa, sa kalikasan, atbp.
2. Pagtalakay. Kalakip nito ang layunin sa pagsulat –
magbigay ng impormasyon, mang-aliw, manghikayat,
mambatikos at iba pa.
Sa komposisyon- paglalahad, pagsasalaysay, paglalarawan o
pangangatuwiran. Kailangang bumagay ito sa layunin at sa
paksa.
3. Komposisyon. Pinakapayak na paraan ng pagsulat.
Pagsulat ng mga natatanging karanasan, pagpapakahulugan sa
mga pangyayari sa kapaligiran at puna sa mga nabasang
artikulo o narinig na talumpati
Sa paaralan, tinuturuan na ang bata ng pagsulat (elementarya
at hayskul)
Sining din ang pagsulat ng komposisyon, kaya ito ay naituturo
at napag-aaralan.
4. Ang Pagtatalata.
Talata – pinagsama-sama at pinagdugtong-dugtong na mga
magkakaugnay pangungusap tungo sa isang paksa o isang
tiyak na bahagi ng isang higit na malawak na paksa.
Sulating isang talata- kolum o pangulong tudling. Buong ideya
ay nakalulan na sa talata. Sa mga sulating mahaba-haba, ang
isang salita ay sumasagisag sa isa lamang sa mga pangkat ng
kaisipan upang makalikha ng sulatin.
-Ginagawa uapng maisaayos nang mahusay ang kanyang mga
kaisipan tungo sa lohikal at matalinong pagsusuri at
pagpapangkat-pangkat.Upang maging maging maayos at mabisa
ang paglalahad.
-ang isang ideya na bahagi ng kabuuan ay nagpapaunlad at
nagpapatibay sa kaugnayan nito sa iba pang mga ideya sa
komposisyon.
Mga Dapat Tandaan sa Pagtatalata
1. Sa pagsisimula ng talata, dapat na mayroon itong pasok o
indensyon na naghuhudyat ng bagong talataan.
2. Ang pasok ng talat ay isang pulgada mula sa palugit kapag
sulat-kamay at limang espasyo mula sa palugit kapag
makinilyado.
3. Sa pagtatalata ng tuwirang sipi o direct quotation, dapat
itong ihiwalay sa punong talata.
4. Upang makamtan ang kalinawan, ang tuwirang sipi ay maaring
italata nang bukod mula sa unang paglalahad kapag ang sipi ay
makikita sa bahaging hulihan ng mga pangungusap.
5. Kapag may salitaan o diyalogo, ang bawat salitaan ay dapat na
nakabukod sa talata upang maipakita kaagad ang palitan ng salitaan.
6. Ang haba ng talata ay ibinabatay sa dalawang bagay:
a. Ang kahalagahan at pagkamasalimuot ng paksa
b. Haba ng kabuuan ng sulatin
7. Ang isang punong kaisipan ay maaring isang talata at ang haba ay
ayon na rin sa kahalagahan ng kaisipan.
Uri ng Talata
1. Panimulang Talata (introductory paragraph)
a. Marami ang nagsasabi na ang kasal daw ay parang
kamatayan, dumaratal na lamang nang hindi mo
nalalaman. Sa kabila ng lahat na hindi mo hawak ang
kapalaran, marami pa rin ang naghahanda at nagpaplano
tungkol sa kasal.
b. Walang taong hindi naghahangad ng katanyagan at salapi at
ang pinakamalapit na daan nito ay ang pelikula. Sa pag-unlad
ng teknolohiya, mula sa mga dulaan at entablado – sa dram,
moro-moro, sarsuwela, komedya – ang pansin ng tao ay
nauukol sa pelikula. Maging ang unang pelikulang walang
salitaan ay dinumog ng tao noong mga 1930.
2. Transisyunal na Talata (Transitional paragraph)
a. Ngunit hindi iyan ang punto naming. Hindi para palubhain
ang bintang, itanong natin: ano bang klaseng palabas ang
napanood, lalo na ang mga bata sa telebisyon? May napupulot
ba sila? May natututuhan ba sila?
b. May kanya-kanyang panlasa ang tao, inaamin naming. Ngunit
naniniwala kaming ang panlasa ng tao ay nasa taas o antas ng
kanyang pag-iisip at pinag-aralan. Alam ng tao ang masama at
ang mabuting pelikula. Lalo sa panahong ito, na nais nilang
maisulit, wika nga, ang mahal na ibinabayad kaya’t natural na
magandang pelikula ang hinahanap nila.
3. Talatang binubuo ng Salitaan o Diyalogo (Paragraph
of dialogue)
a. “Ang lalaki ng muscles mo!” nanlalaki ang mga matang
bati nito sa katawan ng niyang basa ng pawis, habang
inaabot sa kanya ang binili niyang softdrinks.
“Batak sa trabaho, e”.
“Sana ganyan din ako paglaki ko.”
Kay sarap pakinggan niyon. Tila siya inaangat sa
kinatatayuan sa sinabi ni Totoy.
4. Pangwakas na Talata.
a. Iisa lang ang pangarap ng mga lalaki para sa kanilang
dalawa, isang babaeng matatag sa anumang dumating na
unos, isang babaeng hindi tumatalikod sa oras ng
kagipitan, isang babaeng makatutulong sa pagbuo ng
tahanan.
Clint Eastwood
b. Mahirap humanap ng tunay na kaibigan – hindi ito nakikita
sa pakikipagbarkada (lalo sa inuman) o sa pakikihalubilo sa
mga pagtitipon. Maaaring maging kaibigan mo ang isang
taong lagging nag-iisa, walang kibo at tahimik lamang, pero
ang katahimikan ay nag-aangkin ng isang pusong matapat at
makapagtitiwala ka kahit sa anong kalagayan kayo naroon.

Bienvenido Ramos
Asaynment:
Pag-aralan ang natalakay para sa isang pasulit sa susunod na tagpo.
MARAMING SALAMAT!

You might also like