WA Ikalawang Markahan BALIK- ARALIN: Ang Tao bilang Golden Rule Panlipunang Nilalang
Ang mga Birtud tungo sa
Pakikipagkpwa: Pagmamahal, Katarungan at Pagmamalasakit. ACTIVITY 3 Ano ang iyong nararamdaman kung hindi mo maipapahayag ang iyong mga ninanais at nararamdaman? Ano ang nararamdaman mo kung hindi mo matugunan ang iyong mga pangangailangan dahil sa kawalan ng pakikipag-ugnayan sa kapwa? KAHALAGAHA N NG DIYALOGO PATUNAY BAKIT ANG TAO AY ISANG PANLIPUNANG NILALANG: ANG KAHALAGAHAN NG DIYALAGO May kakayahang makipag-komunikasyon o diyalogo (dialogue) upang maipahayag ang pangangailangan, ninanais at nararamdaman. Sa pamamagitan ng diyalogo, nagkakaroon ang tao ng pagkakataon na makapagbahagi sa kaniyang kapwa ng mga bagay na kaniyang kailangan. Hal. Kaalaman, Material na bagay, Kasanayan at pati na ng kaniyang sarili.
“Kung malilinang ang kakayahan ng taong makipag-
diyalogo nang may kalakip na pagmamahal, makakamit ng tao ang kaniyang KAGANAPAN” - Bondal,2002 INTERPERS ONAL Umiiral na ugnayan sa pagitan ng dalawa o higit pang tao: may magsasalita at may makikinig. Ang kondisyong ito ay naipapakita ng tao sa pamamagitan ng wika, na maaaring pasalita o pasulat at di pasalita (kilos, gawi, senyas atbp.)
Kung kaya’t ang pag-iral ng wika na ginagamit sa diyalogo ang
nagpapakita at nagpapatunay na ang tao ay isang panlipunang nilalang. Naranasan mo na bang magkaroon ng kasama na hindi mo makasundo? Maaaring dahil mayabang siya o makasarili, na iniisip niya na siya’y mas magaling, mas matalino o mas mataas siya kaysa sa iyo? Paano mo siya pakikisamahan? ALAM NIYO BA ANG KABUTIHANG PANLAHAT?
PAANO BA MAKAKAMIT ANG
KABUTIHANG PANLAHAT? ANG KAHALAGAHAN NG PAGKAKAISA, KOMUNIKASYON, AT PAGTUTULUNGAN Makakamit nating ang Kabutihang Panlahat, sa pamamagitan ng pagtataguyod ng: 1. UGNAYANG MAY PAGKAKAISA (SOLIDARITY), 2. KOMUNIKASYON O DYALOGO 3. KOOPERASYON O PAGTUTULUNGAN. Ang pagmamalasakit sa ikabubuti ng sarili at ng kapwa ang nagiging dahilan ng pagkakaisa upang makamit ang kabutihang panlahat. Ang iba’t ibang Samahan o organisasyon sa lipunan ay inaasahang makapagtataguyod ng ugnayang may pagkakaisa (solidairy), komunikasyon o diyalogo, at kooperasyon o pagtutulungan, bilang paglilingkod sa kapwa at sa pagsasaalang-alang ng kabutihang panlahat. ACTIVITY 4 Magtala ng limang (5) dahilan bakit mahalaga ang Pagkakaisa, Komunikasyon at Pagtutulungan para sa Kabuting Panlahat.