pahayag tungkol sa pangunahing layunin ng pag-aaral, mga respondente, saklaw, limitasyon at panahon ng pag- aaral, pamamaraan at instrumentong ginamit sa pangangalap ng mga datos at inpormasyon at ang disenyo ng pananaliksik. B. Ilahad ang lagom sa paraang tekstwal at numerikal sa pamamagitan ng pagbubuod ng importanteng datos.
C. Huwag gumawa ng mga deduction of
inference, at interpretasyon sa lagom. D. Ang mga importanteng tuklas at haylayt ng mga datos ang dapat banggitin sa lagom.
E. Ang mga datos ay hindi dapat
ipaliwanag pang muli. F. Gawing tuwiran ang mga pahayag sa lagom.
G. Huwag magdaragdag ng mga bagong
inpormasyon sa llagom. KONKLUSYON
A. Lahat ng kongklusyon ay dapat ibatay
sa lohika ng mga datos at impormasyong nakalap.
B. Dapat masagot ng tumpak at maayos
ang mga katanungang tinutukoy sa Layunin ng Pag-aaral. C. Dapat matukoy sa kongklusyon ang mga faktwal na napag-alaman sa inkwiri.
D. Huwag bumuo ng kongklusyon batay
sa mga implayd o indirektang epekto ng mga datos o impormasyong nakalap. E. Maging tiyak sa paglalahad ng kongklusyon. Hindi dapat ipahiwatig ng mga mananaliksik na sila’y may pagdududa o alinlangan sa validiti at relayabiliti ng kanilang pananaliksik. Kailangang kung gayong iwasan ang mga salitang nagpapahayag ng walang katiyakan tulad ng SIGURO, MARAHIL, BAKA at iba pa. D. Ilimita ang mga kongklusyon sa paksa, saklaw, at panahon ng pag-aaral. REKOMENDASYON
A. Ang mga rekomendasyon ay dapat
naglalayong lutasin ang mga suliraning natuklasan sa inbestigasyon.
B. Huwag magrekomenda ng mga
solusyon sa anumang suliraning hindi naman natuklasan o natalakay sa pag- aaral. C. Bagama’t ang mga rekomendasyon ay maaaring maging ideyal, kailangang ang bawat isa’y maging praktikal, naisasagawa, nakakamit, makatotohanan at makatarungan. D. Dapat ipatungkol ang bawat rekomeendasyon sa indibidwal, pangkat, tanggapan, o institusyong nasa posisyong magpatupad ng bawat isa. E. Maaaring reomenda sa ibang mga mananaliksik ang pagpapatuly o pagpapalawak ng isinagawang pag- aaral at paggamit ng ibang saklaw, panahon, lokaliti, at populasyon upang maverifay, maamplifay o mapasinungalingan ang mga natuklasan sa pag-aaral