You are on page 1of 18

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan

Industrial Arts

IKALIMANG LINGGO
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
Industrial Arts
IKALIMANG LINGGO
4.1 Nakapagsasagawa ng survey gamit ang
teknolohiya at ibang paraan ng pagkalap
ng datos upang malaman ang mga:
4.1.2 iba’t-ibang produktong mabibili
gawa sa iba’t- ibang materyales
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
Industrial Arts
PAGSASAGAWA NG SURVEY
GAMIT ANG TEKNOLOHIYA AT
IBA PANG PARAAN NG
PANGANGALAP NG DATOS
IKALIMANG LINGGO
Una at Ikalawang Araw
Balik-aral
Ano ang gamit ng mga sumusunod:
1)Fuse
2)Stubby screwdriver
3)Electrical tape
4)Wire stripper
5)Side cutting pliers
Alin sa mga sumusunod na fastfood
restaurant ang madalas mong kainan?
Ano ang tawag sa aking ginawang
pagtatanong sa kung ano ang madalas
mong kainan na fast food restaurant?

Para saan ang mga ganitong uri ng


pagtatanong?
PAGSASAGAWA
NG MARKET
SURVEY
Mga Pamamaraan sa Paggawa ng Market Survey

1. Pagpapadala ng survey questionnaire sa mga mamimili


Naaangkop ang pamamaraang ito kung nais na hingan ng
saloobin ang maraming tao sa isang pamayanan.
Makabubuti kung personal na iabot ang mga questionnaire
sa nais pagbigyan upang madama nila ang iyong ang iyong
pangangailangan na malaman ang kanilang opinyon o
saloobin.
Mga Pamamaraan sa Paggawa ng Market Survey

2. Pamamahagi ng questionnaire gamit ang internet


Gamit ang internet, maaaring magpadala ng mga
questionnaire direkta sa mga e-mail account ng kompanya at
mamimili. Ito ay matipid sapagkat hindi mangangailngan ng
gastos sa pag-imprenta at mga taong babayaran upang
isagawa ang survey.
Mga Pamamaraan sa Paggawa ng Market Survey

3. Pag-imbita sa mga kinatawan ng pamayanan


Ang pamaraang ito ay naaangkop kung nais magkaroon ng
mas malalim na pag-alam sa pangkaraniwang salobin ng
bawat distrito.
Mga Pamamaraan sa Paggawa ng Market Survey

4. Personal na pagbisita sa lugar at pagtatanong


Ito ang pinakaepektibo ngunit pinakamabusising
pamamaraan. Kailangan na ang taong bibisita at
magtatanong ay may lubos na kakayan na magmatyag at
makitungo sa mga tao at magbigay ng mga malinaw na
tanong upang hindi magdulot ng kalituhan sa mamimili.
Pangkatang Gawain

Hatiin sa apat o lima ang klase. Bawat pangkat ay ilalagay


sa isang online survey tool ang halimbawa ng survey na
tinalakay. Pasasagutan naman ng bawat pangkat ang
kanilang survey sa ibang grupo sa klase.
Paano nakatutulong ang paggawa ng isang
market survey kung ikaw ay magtatayo ng
isang negosyo?
TANDAAN
Isa sa pinakamahalagang gawain sa pagpili ng gagawing
produkto para sa binabalak na negosyo ay ang
pagsasaliksik tungkol sa mga pangangailngan ng
pamayanan. Mahalaga ito dahil dito nakasalalay kung
maipagbibili ang produkto sa halagang may sapat na
kikitain ang negosyo.
TAYAHIN
Tama o Mali
1. Ang paggamit ng internet sa paggawa ng survey ay lubusang pormal at
makagagamit ang lahat ng tao.
2. Hindi na kailagan ng isang market survey kung nais gumawa ng
produktong inenegosyo.
3. Ang pag-imbita sa kinatawan ng pamayanan ang pinakamabisang paraan
ng pagsasagawa ng market survey.
4. Maraming impormasyon ang makukuha sa aktuwal na pagbisita sa lugar
na pagbebentahan.
5. Naaangkop ang pagpapadala ng survey questionnaire sa mga mamimili
kung nais hingan ng saloobin ang maraming tao sa pamayanan.
TAKDANG ARALIN
Gumawa ng album ng mga kagamitan at
kasangkapan sa gawaing pang-elektrisidad. Ilagay
ang mga ito sa folder.

You might also like