PAKITANG TURO
SA
ESP 6
SIR DEODAR G. STA. ANA
MGA ALITUNTUNIN O
PAMANTAYAN NA DAPAT
TANDAAN
DumaloSA ONLINE
sa tamang CLASS
oras ng klase.
Maging komportable.
Panatilihing nakabukas ang camera.
Magbigay respeto.
Magsuot ng tamang damit o uniporme.
Isapuso ang 3M (Makiisa, Makipagkaibigan at Matutong
masaya)
BALIK ARAL
PANUTO: Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Iguhit ang puso () sa
patlang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagiging responsable
sa kapuwa sa pamamagitan ng pagtupad sa pangako at diamante ()
kung hindi.
______1. Tinutupad ni Emma ang pangako sa kaniyang nakababatang kapatid na
lagi itong tutulungan sa kaniyang takdang-aralin.
______2. Hindi ko pinuntahan ang aking kaibigan sa aming napagkasunduang
pagkikita dahil tinatamad ako.
______3. Nangangako ako lagi sa aking mga magulang na pagbubutihin ko ang
aking pag-aaral pero pinagsasawalang bahala ko lamang ito dahil mas gusto ko
ang maglaro.
______4. Nanghiram ng libro si Jose sa kaniyang kaklase na si Mark at
nangakong isasauli kinabukasan. Tinupad naman ni Jose ang kaniyang
ipinangako.
______5. Ginagawa ni Emily ang lahat upang matupad ang anomang pangako na
kaniyang binibitawan.
Mga TAMANG SAGOT…
______1. Tinutupad ni Emma ang pangako sa kaniyang nakababatang kapatid na
lagi itong tutulungan sa kaniyang takdang-aralin.
______2. Hindi ko pinuntahan ang aking kaibigan sa aming napagkasunduang
pagkikita dahil tinatamad ako.
______3. Nangangako ako lagi sa aking mga magulang na pagbubutihin ko ang
aking pag-aaral pero pinagsasawalang bahala ko lamang ito dahil mas gusto ko
ang maglaro.
______4. Nanghiram ng libro si Jose sa kaniyang kaklase na si Mark at
nangakong isasauli kinabukasan. Tinupad naman ni Jose ang kaniyang
ipinangako.
______5. Ginagawa ni Emily ang lahat upang matupad ang anomang pangako na
kaniyang binibitawan.
Basahin ang maikling tula. Tuklasin ang aral na
Ideya ng Lahat: Gabay ng nakapaloob dito.
Sa mga batang paslit na tulad ko,
Bawat Isa Maraming ideya na naririnig sa inyo
Nina Lovely Samson at Jeanett Sa bawat suhestiyon na binabanggit ninyo
Pile Tumatanim sa puso't isipan ko.
Ang mga ideya na ibinibigay ninyo
Laging pinag-aaralan at iginagalang ito
Mga suhestiyon ninyo ay lagi naming gabay
Upang aming matimbang ang pagpapasyahan.
Suhestiyon ng bawat isa ay lubhang mahalaga
Sa pagbuo ng gawain, tiyak lalabas na maganda
Laging isapuso na sa pagkakaisa’t pagtutulungan
Laging hatid ay magandang kinalabasan.
Lagi nating isaisip ang paggalang sa kapwa
Sa anumang suhestiyon o ideya pa man
Pagbibigay respeto huwag nating kalilimutan
Magandang pag-uugali ikintal sa ating isipan.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Kanino nagmula ang mga ideya na naririnig ng mga batang paslit ?
2. Ano ang ginagawa nila sa mga suhestiyon na ibinibigay sa kanila ng mga
magulang ?
3. Anong magandang ugali ang dapat ipakita sa bawat suhestiyon na
ibinibigay sa atin ng ating kapwa ?
4. Ano ang susi sa magandang kalalabasan ng isang gawain?
5. Bakit mahalaga na ipakita natin ang paggalang sa ideya o suhestiyon ng
ating kapuwa?
Suhestiyon at Ideya Mo, Iginagalang
Ko!
Ikaw ba ang batang mahilig magbigay ng papuri sa gawang maganda ng iba?
Ikaw ba ang batang natutuwa sa tuwing nakagagawa ng mabuti ang iyong kaklase sa
iba?
Ikaw ba ang batang nagbibigay ng agarang tulong sa nangangailangan , maging pera,
damit, pagkain, kaalaman o oras man ito ?
Ikaw ba ang batang iniisip ang kapakanan at kabutihan ng iyong kapuwa bago ang
sarili?
Kung Oo ang iyong sagot sa lahat ng mga katanungan, Magaling! Binabati kita. Tunay na
Ayon sa isang awitin na may liriko na, “Walang sinuman ang
nabubuhay para sa sarili lamang”. Nabubuhay ang tao dahil sa
kaniyang kapuwa. Mahalagang pakisamahan, pakibagayan at
tratuhin nang maayos ang ating kapuwa. Dapat pairalin ang
pagiging maka-diyos, makakalikasan, makatao at
[Link] ang pagsasama sa kapuwa-tao ay maghatid
ng kapayapaan , pagkakaisa at pagmamahalan.
May kasabihan na , “Ang batang magalang, kayamanan ng
magulang”. Sa maraming paraan maipapakita natin ang pagiging
magalang. Isa na rito ang pagpapakita ng paggalang sa
suhestiyon o ideya ng ating kapuwa sa isang bagay, gawain o
proyekto.
Sa paghingi ng ideya o suhestiyon ng iba, minsan hindi natin
ito gusto. Minsan nga naiinis pa tayo, subalit ating
pakatandaan na dapat muna itong pag-aralan , hima-
himayin at piliin ang pinakamaganda sa lahat. Maging
handa sa ibinibigay na ideya o suhestiyon, maging positibo
o negatibo man ang ating maging damdamin. Ang pagiging
open-minded o bukas na kaisipan ay laging pairalin. Igalang
ang kanilang ideya o suhestiyon. Ipakita natin na ito’y ating
pinakikinggan at pinagninilayin. Ang lahat ng bagay ay
gabay upang magawa natin ang isang bagay o gawain nang
Mga paraan ng paggalang sa
ideya o suhestiyon ng ating
✓ Magkaroon ng kapuwa
bukas na kaisipan na
pakinggan ang ideya o suhestiyon ng ating
kapuwa.
• Anuman ang kaniyang ideya tungkol sa inyong
proyekto o gawain,
pakinggan itong mabuti at [Link]
natin pahiyain ang ating
kapuwa kung hindi mo gusto ang kaniyang
suhestiyon.
✓ Iwasang magbigay ng mga ideya o suhestiyon
na makasasakit sa damdamin ng ating kapuwa.
Iwasang maging bully sa paningin ng iba.
✓ Tanggapin ang suhestiyon o ideya ng lahat kahit hindi mo
kasundo ang ibang nagbigay ng suhestiyon.
• Itanim sa isipan na sa pagkuha ng ideya o suhestiyon ng iyong
kapuwa, walang personalan. Isipin lagi na , sa ikabubuti o
ikagaganda ng inyong proyekto o gawain, pagkakaisa ang
kailangan.
• Iwasang pairalin ang pride. Hindi masama ang humingi ng
tulong o opinyon sa iba, lalo’t higit na makatutulong ito sa iyong
pagdedesisyon upang magawa mo ang isang bagay ,gawain o
proyekto ng maganda at kasiya – siya.
Tandaan: Ang susi sa pagkakaroon
ng kapayapaan at pagkakaisa ay ang
paggalang sa ideya , opinyon o
suhestiyon ng ating kapuwa
PANUTO: Hanapin at isulat sa sagutang papel ang limang
magagandang katangiang dapat taglayin ng isang kabataang
tulad mo sa pagkuha ng ideya o suhestiyon ng kaniyang
kapuwa
Mga TAMANG SAGOT…
PANUTO: Basahin ang mga
nakasulat sa bawat karatula sa ibaba.
Iguhit ang araw ( ) sa kahon kung nagsasaad ng
paggalang sa ideya o suhestiyon ng kapuwa at ulap
( ) naman kung hindi.
[Link] ng bawat isa na magbigay
ng suhestiyon kaya nararapat lamang na
ito’y ating pakinggan at igalang.
2. Opinyon, suhestiyon at ideya mo ay
mahalaga. Kaya amin itong susuriin at pagninilayan.
3. Balewalain ang suhestiyon ng aming
kaklaseng bully.
4. Ang problema’y may solusyon, kung
magbibigay nang maayos na suhestiyon.
5. Ideya mo, pakikinggan ko. Suhestiyon
ko, pag-aaralan mo.
Mga Tamang
Sagot:
1.
2.
3.
4.
PANUTO: Buuin ang salita . Punan ang
patlang ng tamang titik upang mabuo ang
salitang inilalarawan ng bawat pangungusap.
1. Isa sa kagandahang – asal na
itinuro sa atin ng ating magulang
P_GG__A_G
2. Mga kapakinabangan o pribilehiyo na
tinatamasa ng bawat kasapi na
nararapat lamang na igalang.
K_ R _ PAT _ N
3. Ito ay maaari ring tawaging mungkahi ,
opinyon, saloobin, o pananaw.
Karaniwang hinihingi ito sa ating kapuwa
upang maging maganda ang ating ginagawang
desisyon ukol sa gawain o proyekto.
SU__S_IY_N
4. Isang uri ng pang-aapi, pang-aasar o
panloloko ng mag-aaral sa kaniyang
kamag-aral.
BUL_YI__
5. Tawag sa inter-aksyon o koneksiyon
ng isang tao sa kaniyang kapuwa-tao o
sa isang bagay.
U G _ _YA_
Mga Tamang
Sagot:
1. PAGGALANG
2. KARAPATAN
3. SUHESTIYON
4. BULLYING
PANUTO: Punan ang graphic organizer ng mga
sitwasyong nagpapakita ng paggalang sa ideya o
suhestiyon ng kapuwa. Piliin ang sagot sa kahon.
Mga
sitwasyong
Nagpapakita
ng paggalang
sa ideya o
suhestiyon
• Hindi na pinapansin ni Tristan ang mga kaibigang nagbigay ng puna sa kanyang
gawa.
• Matiyagang pinakinggan ni Kier ang mga suhestiyon ng kaniyang mga kagrupo
para sa kanilang proyekto.
• Nagtampo si Marco sa kaniyang kaklase nang hindi naisama ang kaniyang ideya sa
pagbuo ng sayaw sa PE.
• Maluwag na tinanggap ni Connie na hindi maisasama ang kaniyang ideya sa plano
ng kanilang klase
• Masayang sumang-ayon si Ana sa mga suhestiyon ng kaniyang kaklase ukol sa
programang kanilang bubuuin.
• Humingi ng ideya si Lucas sa kanilang guro para sa outreach program na kanilang
gagawin
• Nabuo ng magkakapatid ang napakagandang tula na handog nila sa kanilang ama
Mga Tamang Sagot:
• Matiyagang pinakinggan ni Kier ang mga suhestiyon ng
kaniyang mga kagrupo para sa kanilang proyekto.
• Maluwag na tinanggap ni Connie na hindi maisasama
ang kaniyang ideya sa plano ng kanilang klase
• Masayang sumang-ayon si Ana sa mga suhestiyon ng
kaniyang kaklase ukol sa programang kanilang bubuuin.
• Humingi ng ideya si Lucas sa kanilang guro para sa
outreach program na kanilang gagawin
• Nabuo ng magkakapatid ang napakagandang tula na
handog nila sa kanilang ama
TAKDANG
Maraming
ARALIN dahilan kung bakit ang mga tao ay hindi
magkaintindihan o magkaunawaan sa paggawa ng
isang proyekto o gawain.
PANUTO: Iguhit ang buwan ( ) sa kahon kung
ang pangungusap ay nagiging dahilan sa hindi
pagkakaunawaan sa pagbibigay ng suhestiyon o
ideya at kung hindi ay walang isasagot.
1. Kawalan ng respeto o paggalang sa ideya ng
kapuwa.
2. Sobrang laki ng tiwala niya sa sarili na ang
suhestiyon o opinyon lamang niya ang laging tama.
3. Pinapanigan ang suhestiyon ng kaibigan kahit
ito’y mali.
4. Mahinahong ibinibigay ang kaniyang opinyon o
suhestiyon sa isang bagay o sitwasyon.
5. Malawak ang pang-unawa at may pusong
MARAMING SALAMAT SA
PAKIKINIG!