You are on page 1of 17

Filipino sa Piling

Larangan
(AKADEMIK)
Nina
Dr. Pamela Constantino
Dr. Galileo Zafra
Aralin 7

Pagsulat sa Larangan
ng Agham Panlipunan:
Pagkikritik
Layunin
• Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa
ng mga mag-aaral ang sumusunod:
1. Makilala ang Agham Panlipunan bilang
disiplina;
2. Maisa-isa ang disiplina sa ilalim ng Agham
Panlipunan;
3. Matukoy angk atangian ng sulating pang-
Agham Panlipunan; at
4. Maisa-isa ang proseso ang pagsulat ng isang
kritik pang-Agham Panlipunan.
Pagsulat sa Larangan ng
Agham Panlipunan:
Pagkikritik
Ang pundamental na konsepto ng Agham
Panlipunan ay KAPANGYARIHAN na pareho ng
esensiya ng ENERHIYA na pundamental na
konsepto ng Pisika. – Bertrand Russel

Ang Agham Panlipunan ay nagbibigay ng


pangakong kalagayan ng tao; ang buhay natin ay
lubhang mapauunlad ng mas malalim na pag-
unawa sa indibidwal at sa kolektibong asal at
kilos.
– Nicholas A. Christakis
Pagsulat sa Larangan ng
Agham Panlipunan:
Pagkikritik
Ang Agham Panlipunan ay isang
larangang akademiko na pumapaksa sa tao—
kalikasan, mga gawain, at pamumuhay nito,
kasama ang mga implikasyon at bunga ng mga
pagkilos nito bilang miyembro ng lipunan.

Kaiba ito sa larangan ng Humanidades na


tumatalakay sa mga sinaunang kaugalian at sa
katangian ng tao bilang nilalang at indibidwal.
Humanidades vs. Agham
Panlipunan
Tao at kultura ang sakop ng pag-aaral at
paksa ng Humanidades gayundin ng Agham
Panlipunan. Ngunit kaiba sa Humanidades, ang
Agham Panlipunan ay itinuturing na isang uri ng
siyensiya o agham.
Humanidades Agham Panlipunan
- ispekulatibo, - Siyentipiko (iba-iba
analitikal, kritikal, at depende sa disiplina)
deskriptibo
Mga Disiplina sa Larangan ng
Agham Panlipunan
1. Sosyolohiya – Pag-aaral ng kilos at gawi ng mga
tao sa lipunan, ang mga pinagmulan, pag-unlad, at
pagkabuo ng mga samahan at institusyong
panlipunan upang makabuo ng mga kaalaman
tungkol sa kaayusan at pagbabago sa lipunan.

Gumagamit ito ng empirikal na obserbasyon,


kuwalitatibo, at kuwantitatibong metodo.
Mga Disiplina sa Larangan ng
Agham Panlipunan
2. Sikolohiya – Pag-aaral ng kilos, pag-iisip, at gawi
ng tao. Gumagamit din ito ng empirikal na
obserbasyon.

3. Lingguwistika – Pag-aaral ng wika bilang sistema


kaugnay ng kalikasan, anyo, estruktura, at
baryasyon nito. Bahagi ng pag-aaral ang ponetika,
ponolohiya, morpolohiya, sintaks, at gramatika.
Mga Disiplina sa Larangan ng
Agham Panlipunan

4. Antropolohiya – Pag-aaral ng mga tao sa iba’t


ibang panahon ng pag-iral upang maunawaan
ang kompleksidad ng mga kultura. Ginagamit
dito ang participant observation o ekspiryensiyal
na imersiyon sa pananaliksik.
Mga Disiplina sa Larangan ng
Agham Panlipunan
5. Kasaysayan – Pag-aaral ng nakaraan o pinagdaanang
pag-iral ng isang grupo, komunidad, lipunan, at ng mga
pangyayari dito upang maiugnay ito sa kasalukuyan.
Ginagamit ang lapit-naratibo upang mailahad ang mga
pangyayaring ito.

6. Heograpiya – Pag-aaral sa mga lupaing sakop ng


mundo upang maunawaan ang masalimuot na mga
bagay kaugnay ng katangian, kalikasan, at pagbabago
rito, kasama na ang epekto nito sa tao. Mga metodong
kuwantitatibo at kuwalitatibo rin ang ginagamit sa mga
pananaliksik dito.
Mga Disiplina sa Larangan ng
Agham Panlipunan
7. Agham Pampolitika – Pag-aaral sa bansa, gobyerno,
politika, at mga patakaran, proseso, at sistema ng mga
gobyerno, gayundin ang kilos-politikal ng mga
institusyon. Gumagamit din ito ng analisis at empirikal
na pag-aaral.

8. Ekonomiks – Pag-aaral sa mga gawaing kaugnay ng


mga proseso ng produksyon, distribusyon, at paggamit
ng mga serbisyo at produkto sa ekonomiya ng isang
bansa.
Mga Disiplina sa Larangan ng
Agham Panlipunan
9. Area Studies – Interdisiplinaryong pag-aaral, kaugnay
ng isang bansa, rehiyon, at heograpikong lugar.

10. Arkeolohiya – Pag-aaral ng mga relikya, labi, artifact,


at monumento kaugnay ng nakaraang pamumuhay at
gawain ng tao.

11. Relihiyon – Pag-aaral ng organisadong koleksiyon ng


mga paniniwala, sistemang kultural, at mga pananaw sa
mundo kaugnay ng sangkatauhan at sangkamunduhan
(uniberso) bilang nilikha ng isang superyor at superhuman
na kaayusan.
Pagsulat sa Agham
Panlipunan
*simple
*impersonal
*direkta
*tiyak ang tinutukoy
*argumentatibo
*nanghihikayat
*naglalahad
Pagsulat sa Agham
Panlipunan
*simple *di-piksyon ang anyo
*impersonal *madalas ay mahaba
*direkta dahil sa presentasyon ng
*tiyak ang tinutukoy mga ebidensya ngunit
*argumentatibo sapat upang
*nanghihikayat mapangatwiranan ang
*naglalahad katuwiran o tesis.
Mga Anyo ng Sulatin

*report *editoryal
*sanaysay *talumpati
*papel ng pananaliksik *adbertisment
*abstrak *proposal sa
*artikulo pananaliksik
*rebyu ng libro o *komersiyal sa
artikulo telebisyon
*biyograpiya *testimonyal
*balita
Pagsulat sa Larangan ng
Agham Panlipunan:
Pagkikritik
Proseso:

a. Pagtukoy sa genre o anyo ng sulatin gaya ng


binanggit sa itaas.
b. Pagtukoy at pagtiyak sa paksa.
c. Paglilinaw at pagtiyak sa paksang pangungusap.
d. Pagtiyak sa paraan ng pagkuha ng datos.
e. Pagkalap ng datos bilang ebidensiya at suporta sa
tesis.
Pagsulat sa Larangan ng
Agham Panlipunan:
Pagkikritik
f. Analisis ng ebidensya gamit ang lapit sa
pagsusuring kuwantitatibo, kuwalitatibo,
argumentatibo, deskriptibo, at etnograpiko.
g. Pagsulat ng sulatin gamit ang lohikal,
malinaw, organisado (simula, gitna, at wakas)
angkop, sapat, at wastong paraan ng pagsulat.
h. Pagsasaayos ng sanggunian at talababa sa mga
ginamit na sulatin ng ibang may akda.

You might also like