You are on page 1of 39

Kahulugan ng salitang “Pagdadalumat” at

konsepto ng mga salitang itinanghal na salita


ng taon.
Matapos ang yunit na ito, inaasahang matututuhan ng mga
estudyante ang mga sumusunod:

1. Maipaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng wikang


Filipino sa pagdadalumat o pagteteorya.

2. Makapag-iisa-isa ng mga salitang itinanghal na salita ng taon.

3. Magagamit ang mga salitang itinanghal na salita ng taon sa


pagbuo ng sariling pangungusap tungo sa
pakikipagkomunikasyon.
Ang PAGDADALUMAT ay isang maagwat na prosesong nagpapalawak at
nagpapalalim sa kasanayan sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at
pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang larangan, sa konteksto ng
kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng mga
mamamayang Pilipino.

Ang pag-aaral na ito ay may pagtatangkal dalumatin ang salitang “dulansangan”.


Gagamitin ang tatlong lebel ng pagdadalumat ng salita na tumutukoy sa lexical,
simbolikal, at diskursibo. Ang prosesong ito ay batay sa Utopian Natin, sa
pagdadalumat ng isang salita.
Ang Usaping Simbolikal sa Salitang Dula
Ayon kay Salazar (1968) ang dula ay isang larawan ng buhay na sinasangkapan
ng wika, damdamin at sining. Hinahabi ito upang itanghal, makaaliw, umantig
ng damdamin,
at makapaghatid ng isa o higit pang mensahe.

Ayon naman kay Atienza (2001), karaniwan nang ikinakabit sa salitang dula
ang mga konseptong tulad ng teatro, artista, iskrip, pag-arte, stage, costume
make-up, set, props, rihersal, director at palakpak.
Usaping Diskurso sa Salitang Dula

Ayon kay Mendoza (2011), hindi na mabilang sa daliri ang napakaraming


kahulugan ng dula. Mula sa konsepto ng mimesis ni Aristotle hanggang sa
pagkilala sa iba’t ibang
`katangian taglay nito.

A. Konsepto ng mga salitang itinanghal na salita ng taon :


a. “Canvass” (2004)
b. “Huweteng” (2005)
c. “Lobat” (2006)
d. “Jejemon” (2010)
e. “Miskol” (2007)
f. “Wangwang” (2012)
DALUMAT-SALITA: MGA SALITA
NG TAON/ SAWIKAAN
(SELFIE, FOTOBAM AT TOKHANG)
 Sawikaan 2014: Selfie.

Itinanghal ang “selfie” bilang salita ng taon matapos


makakuha ng pinakamataas na boto mula sa mga
kalahok ng “Pambansang Kumperensiya sa
Pagpapayaman ng Wikang Filipino at Sawikaan
2014: Pagpili ng Salita ng Taon.”
Sawikaan 2016: Fotobam

Hango sa salitang Ingles na “photobomb,” ginamit


ni Michael Charleston Chua ang salitang “fotobam”
(upang maihiwalay sa orihinal nitong Ingles, bukod
sa ito rin ang ginamit sa isang dokumentaryo ng
kaniyang mga estudyante noong 2014) upang
larawan ang isyu ng pagsira ng isang gaya ng Torre
de Manila sa isang pambansang simbolo. Mula sa
mababaw na pagsingit lang sa retrato ng ibang tao,
hinubdan nito ang realidad na hindi nakikita sa
isang retrato—ang realidad kung paanong ang mga
awtoridad mismo ay mas minamahalaga ang
negosyo kaysa ang mga pamanang pangkultura ng
bansa.
Sawikaan 2016: Tokhang

Hinirang ang “tokhang” bilang salita ng taon


sa sawikaan 2018 na ginanap sa Institute of
Biology sa
Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman noong
ika-26 ng 9Oktubre. Inilahok ng
mamamahayag na si Mark Angeles ang
salitang ito na hango sa salitang Cebuano na
“toktok” o katok at “hangyo” o pakiusap.
PAGSIPAT SA MGA AWITIN BILANG
PANIMULANG PAGDADALUMAT
Musika

Ang musika ay isang uri ng sining na mas kilala bilang tugtugin o tunog. Ayon
kay Mangusad (2009), ito ay repleksyon ng ating kultura at ng ating pagkatao.

Ang Elemento ng musika


1. Pitch
2. Daynamiks
3.Timbre
4. Melodiya
5. Ritmo
TAKDANG GAWAIN
DALUMAT-SALITA: MGA SALITA NG
TAON/SAWIKAAN
MGA INAASAHANG
1. Maipaliwanag ang kahalagahan ng wikang Filipino sa pagdadalumat o
pagteteorya.
2. Makabuo sanaysay hinggil sa isang mungkahing rebisyon o ekspansyon
ng isang umiiral na konsepto o teorya, o kaya’y isang mungkahing bagong
konsepto o teorya na aakama sa mga realidad ng lipunang Pilipino.
3. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling teorya ng mga Pilipino sa
iba’t ibang larangan.
KABANATA 2
MGA TEORYA PARA SA EPEKTIBONG
PAGDALUMAT
Panimula

Ang panitikan ay sumasalamin sa mga pangyayari sa buhay ng tao na


inilalapat sa mga akda at lathalaing makabuluhan. ‘Di lingid sa ating kaalaman na
nakatutulong ito upang maipahayag ang ating saloobin at damdamin, maibahagi ang
mga komposisyon mula sa ating malawak na imahinasyon at maaaring karanasan
na mapulot sa iba’t ibang sitwasyon. Lubusang pinapalawak ng panitikan ang ating
kaisipan, dito’y nahahasa ang gamit natin sa mga salita, naibubulalas ang pagiging
makata at naipapakita ang pagiging malikhain.
May iba’t ibang teorya na bumubuo sa panitikan. Mga teorya na maaaring
makita sa mga akda, ito ay tumutukoy sa layuning iparating ng awtor, kanyang saloobin
at maging kanyang mga mahinasyon. Sa iba’t ibang akda, maaari tayong makakalap ng
impormasyon at mamulat ang ating isip sa mga kaganapan sa ating paligid. Maipabatid
ang gamit at kahalagahan ng mga teorya sa paggawa ng mainam na akda at maging
gabay ang mga teorya sa paglikha ng matalinong lathalain.

Ang teoryang ito ay maaaring historikal na sumisiyasat sa pinagmulan ng isang sinaunang


panitikan o teksto, sosyolohikal na nagbibigay ng pangunahing halaga sa tao, formalismo na ang
layunin ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan,
marxismo na isang pandaigdigang pananaw at nakasentro sa ugnayan at hidwaan ng mga antas ng
lipunan, sikolohikal na ang layunin ay ipakita at ipaliwanag ang mga salig sa pagbuo ng naturang
behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa akda, feminismo na
pinagtuunan ang kalagayan o representasyon ng kababaihan sa isang akda, kultural na binibigyan ng
buhay ang isang akda sa pamamagitan ng pagtatanghal ng kultura ng isang lipi, isang bansa o nasyon at
iba pa.
KAKAHULUGAN AT KATUTURAN

HISTORIKAL
Ayon sa aklat nina Quijano et al. (2019), na pinamagatang
DalumatFil, ang historikal na pananaw ay isang uri ng
kritisismong pampanitikan na sumisiyasat sa pinagmulan
ng isang sinaunang panitikan o teksto para maunawaan
ang “daigdig sa likod” ng tekstong ito.
SOSYOLOHIKAL
Ayon sa aklat nina Quijano et al. (2019), na pinamagatang
DalumatFil ang sosyolohikal na pananaw ay tumitingin sa
pangkalahatang pattern sa paguugali ng mga indibidwal
na kasapi sa lipunan.

FORMALISMO
Ayon sa aklat ni Villafuerte (2000), ang pagtuklas at pagpapaliwanag
sa anumang anyo ng akda ang siyang layunin ng teoryang ito at ang
pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng pagdulog na ang
minamahalaga ay ang (1) nilalaman, (2) kaanyuan o kayarian, (3)
paraan ng pagkakasulat.
MARXISTANG PANANAW
Ayon sa aklat nina Quijano et al. (2019), na
pinamagatang DalumatFil ito ay nakabatay sa mga
naisulat ng mga pilosopo, ekonomista na sina Karl
Marx at Freidrich Engels.
SIKOLOHIKAL
Ayon sa aklat nina Quijano et al. (2019), na pinamagatang
DalumatFil ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa
pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa
pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala,
pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda.
POST-ISTRUKTURALISMO
Ayon sa aklat nina Quijano et al. (2019), na
pinamagatang DalumatFil, para sa maraming iskolar
ang Post-istrukturalismo ay nagmula sa teoryang
istrukturalismo na katatagpuan ng mga katangian na
siyang magbibigay-hugis sa Post-istrukturalismo.
FEMINISMO
Ayon sa aklat nina Quijano et al. (2019), pinagtuunan ng
pananaw Feminismo ang kalagayan o representasyon ng
kababaihan sa isang akda.

KULTURAL
Ayon sa aklat nina Quijano et al. (2019), ang kultura ay salamin
ng lipunan at mabilis itong sumasabay sa pagbabago dahil sa
globalisasyon. Nagsulputan ang mga gawaing may makabagong
dulog at napalitan ang dating nakasanayan. Nakapaloob sa
kulturang ito ang musika, panoorin, kasuotan, inumin, at gadgets.
B. PARAAN AT PROSESO

Teorya ng Pagtanggap/Pagbasa
Isang makabagong teorya na lubhang impluwensyal sa Kanluran ang
kalipunan ng mga kaisipan at kategorya na nagtutuon ng pansin sa
mambabasa bilang mahalagang elemento sa paglikha ng kahulugan. Walang
kabuluhan ang isang akda kung walang reaksyon galing sa mambabasa. Ito
ang nagsisilbing tulay para makabuo ng koneksyon at
maihayag ang nais iparating ng isang manunulat.

(mula sa http://dontkillmekah.blogspot.com/2016/11/teorya-
ngpagtanggap-at-pagbasa.html?m=1)
C. APLIKASYON NG TEORYA SA ARALING FILIPINO
Balik-tanaw: Ang mga kanonisadong perspektibo na nagmula sa bagong
Formalismo

Ang Formalismo, nagbibigay-diin sa “anyo” o “porma” ng teksto at hindi


sa nilalaman nito. Malinaw na ang pag-alis ng kahalagahan ng mambabasa,
na nagbigay-daan sa isang uri ng pagsasaisantabi, na para bagang walang
kinalaman ang mambabasa sa pagbibigay ng kahulugan sa teksto.
Affective Fallacy

Ang Formalismo sa Rusya at Depamilyarisasyon

Ang Depamilyarisasyon

Kasaysayang Pampanitikan (Literary History)


Ayon kay Tynianov, ang pagpapalit o pagbabago ng mga sistemang
pampanitikan ay dapat na makita bilang pamamayani ng isang dominanteng
kalakaran sa iba pang mga kalakaran.
Ang Kontribusyon ng Instrukturalismo

Nagmula sa Intrukturalismo ang konsepto ng relasyon bilang isang


sentral na konsepto ng teorya ng pagtanggap lalo sa Europa.
Bilang isang paraan ng pag-iisip, hindi mailalarawan o
maipapaliwanag ang isang phenomenon kung hindi ito iuugnay sa
isang sistema ng relasyon na siyang kinapapalooban nito.

Papel ng akda para kay Mukarovsky


1. Bilang isang sagisag ng komunikasyon.
2. Bilang isang istrukturang may kasarinlan
Ang Impluwensiya ng Penomenolohiya
Isang kalakaran na pilosopiya na nagbibigay diin sa
mahalagang papel ng tao sa pagbibigay ng kahulugan. Ayon kay
Edmund Husserl, sinusuri nito ang nilalaman ng ating kamalayan.
Inaangkin ng penomenolohiya ang kapangyarihan upang imulat
ang tao sa kalikasan ng kamalayang pantao at ng mga
phenomena.
Ang Impluwensiya ni Gadamer at Hermeneyutika
Ayon kay Gadamer, ang hermeneyutika ay
isang pag-aaral o isang teorya ng interpretasyon,
ang pagbibigay ng kahulugan. Ang pang-unawa ay
palagiang nagmumula sa punto de bista ng isang
taong umuunawa.
Ang Sosyolohiya ng Panitikan ayon kay Leo Lowenthal
Mahalaga ang akda kung ito ay nararanasan. Subalit,
ang karanasang pantao ay kalimitang nakakondisyon ng
maraming puwersa kung kayat mahalagang pagaralan ang
mga proseso ng buhay sa lipunan.

Wolfgang Iser
Isang kritikong Aleman subalit pinag-aralan din niya
ang panitikan ng Ingles. Ang aklat niyang The Act of
Reading ay katatagpuan ng kanyang mga paniniwala
tungkol sa teorya ng pagbasa.
Tatlong larangang masusuri sa akdang-pampanitikan

Unang larangan: ito ay tumitingin sa teksto bilang


isang potensyal na makapagbibigay daan sa paglikha
ng kahulugan; ang mambabasa ang siyang gagawa ng
aktwalisasyon ng mga posibleng kahulugan.

Ikalawang larangan: ito ang prosesong dinaraanan sa pagbasa


o penomenolohiya ng pagbasa. Mahalaga ang konsepto ng
punto de bistang naglalagalag (wandering viewpoint).

Ikatlong larangan: tumutukoy sa istrukturang ang komunikasyon


na siyang nagbibigay-daan sa interaksiyon ng teksto at
mambabasa.
Hans Robert Jauss

Isang kritikong Aleman subalit kakaiba ang diin ng


kaniyang teorya sapagkat nakaugat ito sa isang
historikal na pananaw, sa partikular, ang ugnayan ng
panitikan at kasaysayan. Ang nais ni Jauss ay isang
historiograpiya na aktibong gaganap sa papel bilang
tagapamagitan sa nakaraan at kasalukuyan.
D. Pagdalumat sa mga Akdang Pampanitikan at Iba pang-
Anyo ng Sining

Mabulaklak ang panitikan ng Pilipinas. Kakikitaan ito ng iba’t


ibang larawan ng bawat mga nainirahan ditto – ang kanilang
kultura, paniniwala o maging ang kinagisnang hindi maitutulad sa
ibang lalawigan at pook, bawat bahagi ay nagpapakita ng
kalinangan sa kanilang kinabibilangan.
*Tematikong pagtutulad – Sa paggamit ng ganitong pamamaraan,
pinagsasama-sama ng mananaliksik ang mga artikulo, babasahin, at
pag-aaral na may iisang tema o paksang tinatalakay kahit pa ito ay
gawang lokal o banyaga.
Paalala:
1. Hindi lamang pagtutulad ang maaaring gawin sa bahagi ng intertektuwal
na pagsusuri maaari ring maglahad ng pagkakaiba ng paglalahad.

2. Maaari ring nasa anyong patalata ang paglalaad ng intertekstuwal na


pagsusuri.
Pagsusuring Kontekstuwal
1. Diaspora
2. Kahirapan
3. Katandaan
4. Giyera
5. Stages of Greif
E. Pagdalumat sa mga Saliksik na may
kaugnayan sa Gender and Development /
Indigenous People (GAD/IP’s)

Mabusisi ang pagbuo at pagsuri ng isang pananaliksik. Kakikitaan ito ng


iba’t ibang larawan, ideya, paglalahad, pagpapatunay, pagpapaliwanag nang may
kaugnay na ebidensiya higit ang mapagkakatiwalaang hanguan – na hindi
lamang nakakulong sa isang isyu na maaaring masagot batay sa tanong lamang
na Ano, Sino, Saan, Bakit, at kaylan bagkus kailangan pagsama-samahin para
makamit ang nagkakaisa at mapagkakatiwalaang resulta.
Pananaliksik – lohikal na proseso ng paghahanap ng
sagot sa mga tanong ng mananaliksik na nakabatay sa problema
at metodo ng pag-aaral tungo sa produksyon ng kaalaman at
kasanayan upang makatugon sa pangangailangan ng tao at
lipunan.

May tatlong pangunahing layunin ang pagbuo ng isang Mga Bahagi ng Pananaliksik.
pananaliksik. Gayong ang bawat pananaliksik ay nakatuon din sa A. Introduksyon at Paglalahad ng Tesis
pagsagot sa suliraning panlipunan maging ng kultura nito. B. Paglalahad ng Suliranin
C. Rebyu ng Kaugnay na Literatura at
1. Balidasyon ng kaalaman
Pag-aaral (RRL at RRS)
2. Pagpapasubali ng kaalaman
3. Pagtuklas ng bagong kaalaman D. Saklaw at Limitasyon
E. Metodolohiya
F. Dalumat
G. Daloy ng Pag-aral
H. Pagtalakay sa Resulta ng Pag-aaral
I. Kongklusyon (Buod at
Rekomendasyon)
Dalumat - Gumagabay upang unawain, ipaliwanag
at i-interpret ang isang pangyayari, teksto, at
diskurso, naglalahad ng mga konsepto, ideya, o
teoryang inihain. Isa itong mabusising gawaing
akademikal na nagbibigay ng kahulugan sa mga
ninanais bigyan ng makabuluhang gamit ang isang
ideya na akma sa napapanahong sitwasiyon o
umiiral na kltura ng isang lugar o pook.

Gabay sa aplikasyon ng dalumat:


1. Kilalanin ang pinagkuhaan ng dalumat/teorya
2. Malinaw ang datos na kakalapin batay sa paksa
3. Ipaliwanag ang dalumat kung paano ito gagamitin
Paraan sa paglalahad o Proseso ng pagdalumat
 Proseso - Exposisyon
Exposisyon ng mga konsepto – magsagawa ng kasunod
(follow-up) na revlit ng mga konseptong gagamitin sa pag-aaral. Ano
ang kahulugan? Ano ang kontexto ng paggamit? Saang disiplina
ginamit?
Proseso – Relasyon ng mga konsepto
1. Pagpapaliwanag/ilustrasyon ng relasyon ng mga konsepto.
2. Linyar (point A – B) direkta, dalawa
3. Triangular - tatlo
4. Rectangular – apat, dalawa ang may pareho
5. Square – apat na may pareho
6. Circular – loob, labas, ganap, kontexto, setting
7. Venn diagram – overlapping relationship
8. Broken lines- indirect relationship
9. Arrow – direksyon
Pagdalumat-salita

Para sa mas malinaw na pagtalakay narito ang ilang


halimbawa at paraan ng pagdadalumat sa mga
Tandaan:
Pananaliksik. Isang pagsusuri batay sa manunulat na sina
-Sa pagdalumat palaging isinasaalang-alang ang
Rommel V. Espejo, Ph.D at Marianne R. De Vera, Ph.D na
pinagmulan at kulturang kinabibilangan ng mga
pinamagatang “Ang Teleserye Ng Totoong Buhat At Ang
kasangkot para sa paglalahad at paganalisa ng
Buhay Ng Totoong Teleserye: Pagsipat Sa Gahum Ng
impormasiyon sa lahat ng anggulo.
Kababaihan Sa Teleseryeng Wild Flower”. Kung saan sa
-Mahalaga na Makita ang estado sa kultura at
halimbawang ito maipakikita ang paglalahad sa bawat
pinagmulan upang lubusang masuri ang konseptong
bahagi ng pananaliksik kaugnay ang pagdalumat para sa
ipinaglalaban.
mas malalim na pagtalakay. Nakapailalim sa
proseso ng eksposisyon.

Puntahan ang link para sa buong iskrip ng pananaliksik:


https://www.researchgate.net/publication/
328066432_E_di_Ikaw_na_ang_M
atalino_Isang_Pagsusuri_sa_Penomenon_ng_SmartShaming_s
a_mga_Pilip
inong_Gumagamit_ng_Facebook

You might also like