You are on page 1of 34

P AGPILI NG BATIS NG IMPORMASYON

• PRIMARYANG BATIS

• Ang pangunahing pinagmumulan ay may direktang


kaugnayan dito. Ito rin ay naglalaman ng nang
imporamasyon na galing mismo sa bagay o taong
pinag- usapan sa kasaysayan. Nagpoprodyus sa
panahon kung kailan nagaganap ang pangyayari o
saglit lamang pagkatapos nito.

• Halimbawa: Dyaryo, mga letrato, mga liham, mapa, likhang


sining (ginagawa sa panahon ng pagkaganap ng pangyayari).
• SEKONDARYANG BATIS

• Nagpoprodyus sa matagal na panahon


pagkatapos ng pangyayari. Karaniwang
gumagamit ng pangunahing batis bilang
sanggunian. Ang ganitong uri ng mapagkukunan
ay isinulat para sa isang malawak na madla at
isasama ang mga kahulugan ng disiplina tiyak na
mga tuntunin, kasaysayan na may kaugnayan sa
paksa, makabuluhang mga teorya at prinsipyo, at
mga buod ng mga pangunahing pag- aaral o mga
kaganapan na may kaugnayan sa paksa.

• Halimbawa: Mga libro, dyornal, pananaliksik at iba


pa.
• TERSYARYANG BATIS

• Tumutukoy sa mga datos o sanggunian na


hinalaw sa mga dokumentong naglalarawan
sa mga prinarya at sekondaryang
sanggunian.
• Halimbawa: indexes, abstrak, database
PAGBABASA AT PANANALIKSIK NG
IMPORMASYON

Ang komunikasyon sa pagbasa at pananaliksik ay nakakatulong


upang ito’y mas lalo pang maintindihan. Ang pagbasa ay isang proseso ng
pagbuo ng kahulugan mula sa mga salita (Anderson, 1998). Ayon naman
kay Huffman (1998) ang pagbasa ay parang pagtatanong na nakalimbag
mula sa teksto at pagbabasa na may pang- unawa na nagiging dahilan
upang ang mga tanong ay masagot. Samantala ang pananaliksik naman
ay isang proseso sa pagkuha ng mga impormasyon upang sa ganoon ay
mas lalong maintindihan ang bawat bagay.

-ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga


sagisag na nakalimbag. (Bernales, R. 2012)
MGA LAYUNIN SA PAGBASA:

1) Nagbabasa upang maaliw.


2) Tumuklas ng mga bagong kaalaman at maimbak ito.
3) Mabatid ang iba pang mga karanasan na kapupulutan ng aral.
4) Mapaglakbay ang diwa sa mga lugar na pinapangarap na marating.

5) Mapag-aralan ang mga kultura ng ibang lahi at mabatid ang pagkakatulad at pagkakaiba sa
kulturang kinagisnan.
Mayroon ring mga hakbang sa pagbasa na dapat tandaan ayon kay William S. Gray na
siyang kilala bilang isang ama ng pagbasa. Ito ay ang Pagkilala, Pag-unawa, Reaksyon at
Assimilasyon at Integrasyon.
Bottom-up

Ang teoryang bottom-up ay


isang tradisyunal na pagbasa. Ito
ay bunga ng teoryang
behaviorist na higit na
nagbibigay pokus sa kapaligiran
at sa paglinang ng
komprehension sa pagbasa.
Top-down

Ang teoryang ito ay nabuo bilang


reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil
napatunayang maraming dalubhasa na ang
pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto
kundi sa mambabasa tungo sa teksto.
Interaktib

Bunga ng pambabatikos
ng mga dalubhasa sa
ikalawang teorya. Ayon sa
mga proponent nito, ang
top-down ay maaaring
akma lamang sa mga
bihasa nang bumasa at
hindi sa mga baguhan pa
lamang.
Iskema.

Mahalaga ang tungkuling


ginagampanan sa pagbasa ng dating
kaalaman ng mambabasa. Bawat
bagong impormasyong nakukuha sa
pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang
iskima. Samakatuwid, bago pa man
basahin ng isang mambabasa ang
teksto, siya ay may taglay nang ideya
sa nilalaman ng teksto mula sa
kanyang iskima sa paksa.
Pagpapaunlad ng
Pagbasa

Ito’y isang uri ng pagbasa na kung


saan ang materyales ay preperado at
naglalayong umunlad ang kakayahan ng
mambabasa. Ang talasalitaan at ang mga
kaayusan ng pangungusap ay kontrolado
at sumusunod sa takdang criterion para sa
pagkasunod-sunod.
 Iskiming

Ang mambabasa ay kailangang


hanapin o tukuyin kung ang aklat o
ang materyales ay isinulat ng isang
dalubhasa na sa tiyak at dapat
makita kung ito ba ay naglalaman
ng impormasyon.
 Overviewing

Ang mambabasa ay dapat


tukuyin kung ano ang layunin at
saklaw.

 Survey

Ang mambabasa ay kailangan na


kunin ang kabuuhan ng ideya ng
materyales.
 Iskaning

Ito ay isang pamamaraan na kung


saan ang mambabasa ay kailangan
hanapin ang mga impormasyon na
kanyang gusting malaman.
 Previewing

Ito ay nagbibigay ng kabuuan na


paglalarawan.

 Kaswal

Ito ay isang uri ng pagbasa na


kung saan ang mambabasa ay
maingat na tinitingnan ang bawat
salita na ibinibigay.
 Pagtatala

Ang mambabasa ay tinatala ang


mga salitang sa tingin niya hindi
niya maintindihan o napakahirap na
salita.
 Re-reading o Muling Pagbasa

Ito ay isang paraan na kung saan


ang mambabasa ay inuulit ang
pagbasa upang sa ganoo’y ito ay mas
lalong maintindihan.
Ang pananaliksik ay isang
proseso ng pangangalap ng mga totoong
impormasyon na humahantong sa
kaalaman. Isinasagawa ito sa
pamamagitan ng paggamit ng kung ano
ang nalalaman o napag- alaman na.
Matatanggap ang karagdagang kaalaman
sa pamamagitan ng pagpapatunay ng
mga panukala (teorya) o mga
pamamaraan (sistema), at sa pagsubok sa
mas mainam na pagpapaliwanag ng mga
napapansin o obserbasyon.
Ang isang pananaliksik ay mag iba’t-ibang katangain,
ito ay ang pagiging:
 Sistematiko
 Empirical
 Mapanuri
 Obhetibo, lohikal at walang pagkiling orihinal na akda
 Akyureyt na imbestigasyon
 Matiyaga at hindi minamadali
 Nangangailan ng tapang
 Maingat napagtata at pag-uulat

Ito ay nagagamit sa pakikipag komunikasyon at ito’y isang hakbang


upang ang bawat tao ay magkaintinhan at mapalawak pa ang kaalaman.
Nakakatulong rin ito upang matukoy ang at malaman ang pamamaraan ng
pagbasa at pananaliksik sa komunikasyon.
PAGBUBUOD AT PAG-UUGNAY-UGNAY
NG IMPORMASYON
Ang pagbubuod ng impormasyon ay isang paraan
ng papapaikli ng anomang teksto o babasahin. Ito ay
paglalahad ng mga kaisipan at natutuhang
impormasyong nakuha sa tekstong binasa. Ito ay hindi
sulating orihinal o hindi kailangang maging sariling
akda. Wala kang isasamang sarili mong opinyon o
palagay tungkol sa paksa. Isinasaad dito kung ano ang
nasa teksto. Kailangang panatilihin ang mga binanggit
nakatotohanan o mga puntong binigyang-diin ng may-
akda (The Silent Learner, 2017).
Ito ay kinukuha lamang ang pinakamahalagang
kaisipan ng teksto. Kung maikling kuwento ang
binubuod o nilalagom, kailanganang pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari. Hindi dapat padampot-
dampot ang pagpapahayag ng mga bahagi.
Kailangang maging malinaw ang pagpapahayag.
Kung ang teksto naman ay isang ekspositori,
maaaring ilahad ang mga dahilan at katuwirang
ginamit upang maayos at mabisa ang paglalahad
(The Silent Learner, 2017).
IBA’T-IBANG PARAAN NG
PAGBUBUOD

Ayon naman kay Javier (2017), may iba't-ibang


paraan ng pagbubuod upang mag- ugnay ng impormasyon at
ideya kaugnay ng paksa. Ito ay ang Hawig at Lagom o
Sinopsis.
 Ang hawig ay tinatawag na paraphrase sa Ingles. Galing ito sa
salitang Griyego na “parapahrasis”, na ibig sabihi'y "dagdag o
ibang paraan ng pagpapahayag."

 Ang Lagom o Sinopsis ay isang pagpapaikli ng mga


pangunahing punto, kadalasan ng piksyon. Karaniwang di
lalampas ito sa dalawang pahina.
PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG
BUOD
 Basahing mabuti ang buong akda upang maunawaan
ang buong diwa nito.

 Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng


pangunahin at pinakamahalagang
kaisipan ng talata.
 Isulat ang buod sa paraang madaling unawain.
 Gumamit ng sariling pananalita.
 Hindi dapat lumayo sa diwa at estilo ng orihinal na
akda.
KATANGIAN NG PAGBUBUOD
 Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o
punto na kaugnay sa paksa.

 Hindi inuulit ang mga salita ng may akda


at gumagamit tayo ng sarili nating mga
salita.
 Ito ay pinaikling teksto.
Ang pag-uugnay ng
impormasyon naman ay ginagawa
upang mas maintindihan ang
tekstong nais ipahayag. Dito maaari
tayong maglagay ng sarili nating
opinyon. Maari tayong magsadula
dito para mas malawakang
maintindihan ang impormasyon na
ikinakalap.
Ang pag-uugnay ng iba’t-ibang
bahagi ng pagpapahayag ay mahalaga
upang makita ang pag-uugnayang
namamagitan sa pangungusap o
bahagi ng teksto. Sa Filipino, ang
pang-ugnay naito ay kadalasang
kinakatawan ng pang-angkop, pang-
ukol at pangatnig.
1) Pang-angkop - ito ay ang katagang nag- uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan. Ito ay nagpapaganda lamang ng mga pariralang pinaggagamitan.
Halimbawa: mapagmahal na hari mabuting kapatid
2) Pang-ukol - ito ay kataga/salitang nag- uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita sa
pangungusap.

Halimbawa: sa ayonsa/kay Ng hinggil sa/kay Kay/kina ukol sa/kay


Alinsunod sa/kay para sa/kay Laban sa/kay tungkol sa/kay
3) Pangatnig sa mga kataga/salita na nag- uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay.
4) Pagbibigay sanhi/bunga
B
Halimbawa: Pumasa siya sa naganap na pagsusulit sa LET dahil
sa kanyang pagpupursiging mag-aral.
S
5)Pagsasaad ng kontrast o pagsalungat:

Nagsasaad ng pagkontra o pagtutol.

Halimbawa: ngunit, subalit, sapagkat


Pagbuo ng Sariling Pagsusuri
Batay sa Impormasyon
IBA’T-IBANG URI NG OBSERBASYON

 Natural na Obserbasyon - kalakip dito ang pagmamasid sa mga natural na pag- uugali
ng obserbasyon sa isang normal na sitwayon.
 Personal na Obserbasyon - may kinalaman sa damdamin at opinyon ng tagamasid
batay sa sariling danas kaugnay ng isinasagawang saliksik.
 Direktang Partisipasyon - nakikita ng taong inoobserbahan ang tagamasid.
 May Estruktura at Walang Estruktura
- May sistematikong patnubay
- Eksploratoryo
URI NG PANAYAM

 Impormal na panayam
- walang nakahandang katanungan
- tila nagkukwentuhn lamang
 Panayam na may Gabay
- gumagamit ng mga gabay ng tanong

- mas may pukos kaysa sa impormal ngunit magaan pa rin ang daloy
ng panayam.
 Bukas o matayang panayam
- malaya ang daloy ng panayam
- malayang nasasagot

Panayam batay sa mga inihandang tanong at sagot na pinagpipilian

- pare- pareho ang mga tanong at hinahayaang pumili ng sagot ang


kinakapanayam mula sa mga nakalatag na sagot.
Gawain II
1. Magbigay ng 5 halimbawa bawat Batis a)Primarya; b) Sekondarya;
at c) Tersyarya. Lagyan ng maikling papaliwanag ang bawat
halimbawa.

2. Sumulat ng isang maikling talata gamit ang mga sumusunod:


a. Pang-ukol
b. Pangatnig
c. Pang-angkop
d. Sanhi at Bunga
e. Pagkokontrast o pagsalungat

You might also like