You are on page 1of 13

FIL Week1 –Day 5

Pagsasagot ng mga
tanong sa
nabasa/napakinggang
anekdota.
-Makasasagot ng mga tanong sa binasang anekdota;

-Makasusulat ng simpleng anekdota; at

-Mapahahalagahan ang mga anekdota.


Pagbabaybay ng mga
salitang Hiram at
Pagsasagot ng mga tanong
sa nabasa/napakinggang
talaarawan
Ano ang kahalagahan ng
journal?
Narinig mo ba ang isa sa mga kuwento ni Jose Rizal?

Babasahin natin ang isang kawili-wiling likha ni Jose


Rizal na may pamagat “Ang Tsinelas ni Jose Rizal.”
Ang Tsinelas ni Jose Rizal
Maganda ang dagat at ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong
luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang
sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin.
Ang mga bangkang may layag ay parang mga paruparong puti na naghahabulan.
Ang Bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na
nakukuha sa aming gubat. Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa
matitibay at mahahabang kawayan upang ang bangka ay hindi gumiwang kapag ito
ay nakatigil sa tubig.
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa
pamamagitan ng pagsulat ng titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Saan naganap ang kuwento?


A. palengke B. bahay C. parke D. dagat
2. Ano ang kapana-panabik na bahagi ng kuwento?
A. Bughaw at luntian ang kulay ng dagat. B. Umiindak ang mga kawayan sa hangin.
C. Itinapon ni Rizal ang isa niyang tsinelas.
D. Ang mga bangka ay parang paruparong naghahabulan.
3. Anong mahalagang aral ang natutunan sa kuwento?
A. Ang pagtulong sa mas nangangailangan. B. Ang pagiging matapat sa bayan.
C. Ang pagpapanatiling malinis ng ilog. D. Ang pagiging maka-Diyos.
4. Ano ang naging wakas ng kuwento?
A. Pinagalitan si Rizal ng kaniyang ina. B. Hinangaan si Rizal ng kaniyang kasamahan.
C. Lumubog ang bangka. D. Nakita ni Rizal ang pares ng kaniyang tsinelas.
5. Alin sa mga katangian ang taglay ng kuwentong binasa?
A. maikli C. kawili-wili B. kapupulutan ng aral D. lahat ng nabanggit.
Panuto: Suriin at buoin ang
mahalagang bahagi ng kuwentong
binasa gamit ang tsart sa ibaba.
Panuto: Isulat sa loob ng
bubble speech ang isang
katawa-tawa o nakaaaliw na
karanasang nangyari sa
buhay mo.
Panuto: Sumulat ng simpleng
anekdota tungkol sa nakaaaliw
na nangyari sa buhay mo at
lagyan ito ng pamagat. Gawing
gabay ang rubriks sa pagsagawa
nito
PANUTO:Basahin at unawain ang
anekdota .Isulat ang iyong sagot sa
patlang na nakalaan
Francisco Baltazar o Balagtas
Isinilang siya sa Bigaa, Bulacan, mula sa isang mahirap na mag-anak. Nagsimula siyang
mag-aral sa tulong ng kanilang kura-paruko. Dahil napakabuti niya, nais ng kanyang mga
magulang na makapag-aral siya kaya, nakiusap sila sa isang mayamang taga-Tondo na
bigyan siya ng trabaho.
Dahil sa sipag at tiyaga, nakatapos siya sa Colegio de San Jose at nagpatuloy sa pag-aaral
sa ilalim ng Padre Mariano Pilapil. Simula’t sapul, ipinakita ni Balagtas ang kahusayan
niya sa pagsulat ng mga tula. Tinutulungan siya ni Huseng Sisiw dahil sa madalas na
paghingi nito.
Nang magbinata si Baltazar, umibig siya sa isang magandang binibini na nililigawan din
ng isang binatang mayaman. Naipabilanggo ng mayaman at makapangyarihang ama ng
karibal na ito si Balagtas kahit wala siyang kasalanan. Sa bilangguan, isinulat ni Balagtas
ang Florante at Laura.
1. Sino ang bayaning nabanggit sa kwento?
_______________________________________________
2. Saan siya ipinanganak?
_______________________________________________
3. Anong katangian mayroon si Balagtas kaya siya nakatapos ng
pagAno a-aaral?
______________________________________________
4. ng nangyari kay Balagtas kaya siya nabilanggo?
_______________________________________________

You might also like