You are on page 1of 10

ANG PAGTUTURO

NG
PAGSASALITA
INIHANDA NI: KRIS CAYTH B. ORIO
MGA GAWAIN SA PAGSASALITA NA
KAILANGANG ITURO
1. Pakikipag-usap
— ang pagpapalitan ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng mga
salita ay tinatawag na pakikipag-usap. Ito ay masining na paraan ng
pakikipagtalastasan.

2. Pagkukwento
— ito ay isang uri ng salaysay na nagsasaad ng mga pangyayari na
maaaring totoo o kaya ay kathang-isip lamang. Maaari itong pasulat o pasalita.

3. Pakikipanayam
— ito ay karaniwang kinasasangkutan ng dalawang tao o pangkat na
una’y nagtatanong at ang pangalawa ay sumasagot. Isang pagtatanong upang
makakuha ng impormasyon tulad ng opinyon, kaisipan o tanging kaalaman ukol
sa isang paksa.
4. Pagsunod sa Panuto
— pagbibigay ng direksyon sa mga mag-aaral na
maaari nilang sundin sa paggawa ng isang gawain.
5. Paglalarawan
— paglalahad ng isang pangyayaring nasaksihan sa
iyong paligid.
6. Talakayan
— uri ng mga gawain na kung saan ay nagsasagawa
ng pagpupulong upang maisagawa ang isang talakayan.
MGA SIMULAIN SA PAGTUTURO NG
PAGSASALITA
1.Isaalang-alang ang buong pagkatao ng bawat mag-
aaral
2. Bawasan ang pagkabahala o pag-aalala ng mga
mag-aaral sa pamamagitan ng paglalahad ng mga
aralin mula sa madali patungo sa mga mahirap
3. Panatilihin ang maayos na timbangan ng
kawastuhan at katatasan sa pagsasalita
4.Maging isang magaling na modelo sa mga mag-aaral
5. Paglalaan ng mga angkop na istimulo sa pagtatamo
ng wastong pagsasalita
6. Pag-iba-ibahin ang mga kaparaanan ng interaksyon
sa klase
7. Tiyaking malinaw ang panuto
8. Imonitor ang mga gawain ng mga mag-aaral
9. Tiyakin na may sapat na paghahanda ang guro para
sa pagkaklase
10. Maging sensitibo sa pangangasiwa ng mga
pagkakamali sa pagsasalita
PAGPAPLANO NG ISANG ARALIN SA
PAGSASALITA
• YUGTO NG PAGLALAHAD
• YUGTO NG PAGSASANAY
• YUGTO NG AKTWAL NA PAGSASALITA

You might also like