Professional Documents
Culture Documents
Aralin 5
Aralin 5
• Mahalaga ang porma at anyo sa pagsasalita. Ibig sabihin, hindi lamang dapat mahusay sa
pagsasalita ang isang nagpapaliwanag kundi dapat ay makabuluhan at malaman ang kaniyang
ipinapahayag. Kung malaman ang kaniyang sinasabi, mahalaga ring maipahayag niya ito sa
malinaw at maayos na paraan. Kailangang balanse ang dalawang ito. Narito ang mga paraan
kung paano magiging epektibo ang paglalahad mo sa simposyum:
Alamin ang
mahahalagang ideya.
Gumawa ng balangkas
ng pagtalakay.
Ulitin ang
mahahalagang punto.
Makipag-usap sa iyong
tagapanood o
tagapakinig.
Magpraktis ng iyong
presentasyon.
Paano paglalabanan
ang kaba.
• Isa sa mga mahalagang lilinangin sa akademya ay
ang maunlad na pagpapalitan ng kaalaman sa
pamamagitan ng mga pampublikong gawain tulad ng
simposyum, forum, kumperensiya, at iba pa. Sa
pamamagitan nito ay nalilinang ang kagustuhan ng
mga miyembro ngakademya na maghanap ng mas
Kultura ng mataas na antas ng kaalaman at uri ng pag-iisip. Sa
pamamagitan din nito, naisasapraktika ang
Akademikong "pampublikong ispero" (public sphere) na ideya ni
Jurgen Habermas, isang Alemang sosyolohista at
Pagbabahagi ng pilosopo. Ayon sa kanya, mahalagang likhain ang
pampublikong ispero sa loob ng mga edukasyonal na
kaalaman institusyon upang ipalaganap ang demokratikong
proseso ng pagkonsulta sa mga miyembro ng
akademya sa iba't ibang isyu. Dagdag pa rito,
nagiging makabuluhan at napapanahon ang kaalaman
ng mga guro at mag-aaral at nadadala ito sa loob ng
silid-aralan. Sa kabuoan ay nailulugar din nito ang
silbing akademya sa lipunan.
• sa Pilipinas, ayon sa mga historyador,
matagal nang kultura ng mga sinaunang
Pilipino ang mga pampublikong
konsultasyon at pagtitipon. Sa
pamamagitan ng mga umalohokan,
naibabalita sa buong barangay ang mga
bagong batas at kung magkakaroon ng
mga pagtitipon na pinangungunahan ng
datu o pinuno ng barangay. Sa mga
pagtitipon, kadalasang pinag-uusapan ang
mga bagong ipinatutupad at ang iba pang
mga usapin ng barangay. batas na