You are on page 1of 13

AKADEMIKONG

PAGSULAT
Layunin
 Manghikayat o mangumbinsi - nagbibgay ng posibleng
sagot, dahilan at ebidensiyang
  Mag-analisa kung nagbibigay ng posibleng sagot sa
pamamagitan ng paliwanag at ebalwasyon. Ito rin ay nag-
aanalisa ng iba’t ibang varyabol at ang kaugnayan ng mga
ito sa isa’t isa.
  Magbigay ng impormasyon – kung nagpapalawak at
nagpapalalim sa kalaman ng mambabasa.
GAMIT O PANGANGAILANGAN SA
PAGSULAT
 Wika- nagsisilbing behikulo

  Paksa- Ito ang magsisilbing pangkalahatang iikutan ng


mga ideyang dapat mapaloob sa akda.

 Layunin- Ito ang magsisilbing giya mo sa paghahabi ng mga


datos o nilalaman ng iyong isusulat.
GAMIT O PANGANGAILANGAN SA
PAGSULAT
 Pamamaraan ng pagsulat-
Limang pangunahing pamamaraan sa pagsulat
 1.paraang impormatibo
 2. paraang ekspresibo
 3. paraang naratibo
 4. paraang deskriptibo
 5. paraang argumentatibo
GAMIT O PANGANGAILANGAN SA
PAGSULAT
 Kasanayang Pampag-iisip- Sa pagsulat, dapat taglayin ng
manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga
datos
 Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat- Dapat
ding taglayin ang sapat na kaalaman sa wika at retorika
 Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin- Ito ang
kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa
isang maayos, organisado, obhetibo, at masining na
pamamaraan mula sa panimula ng akda o komposisyon
hanggang sa wakas nito.
MGA URI NG PAGSUSULAT
 Malikhaing Pagsulat (Creative Writing) Pangunahin layunin
nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at
nakaantig sa imahinasyon at isipan sa mambabasa.
 Teknikal na Pagsulat (Technical Writing) Ang uring ito ay
ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya
naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para
lutasin ang isang problema o suliranin.
 Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)may
kinalaman sa mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na
larangang natutuhan sa akdemya sa paaralan.
MGA URI NG PAGSUSULAT

 Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing) Ito ay may


kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa
pamamahayag.
 Reperensiyal na Pagsulat ( Referential Writing ) Layunin ng
sulatin na bigyang ng pagkilala ang mga pinagkunang
kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong -
papel, tesis at disertasyon.
 Akademikong Pagsulat (Academic Writing) Ito ay isang
intelektuwal na pagsulat na nakatutulong sa pagpapataas
ng kaalaman ng isang indibiduwal sa iba’t ibang larangan.
Mga Katangiang Dapat Taglayin sa
Akademikong Sulatin
 Obhetibo – Kailangan ang mga datos na isusulat ay batay
sa kinalabasan ng ginawang pag-aaral at pananaliksik.
 Pormal- Karaniwang ginagamit sa akademikong pagsulat
ay mga akademikong Filipino,
 Maliwanag at Orgnisado- ang mga talata ay kinakailangan
kakitaan ng maayos na pagkasunod-sunod at
pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap
 May paninindigan- Mahalagang mapanindigan ng sumusulat
ang paksang nais niyang bigyang- pansin o pag-aralan.
 May pananagutan- Ang mga ginamit na mga sanggunian ng
mga nakalap ng datos o impormasyon ay dapat na bigyan
ng narararapat na pagkilala.
Plagiarism
 Ayon sa Purdue University Online Writing Lab (2014), ang
plagiarism ay ang tahasang paggamit at pangongopya ng
mga salita at / o ideya na walang kaukulang pagbanggit o
pagkilala sa pinagmulan nito.

 Tinutukoy ng Plagiarism. Org. (2014) ang iba pang anyo ng


plagiarism gaya ng:

 - pag-angkin sa gawa, produkto o ideya ng iba; -


Plagiarism

 hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga siniping


pahayag;
 - pagbibigay ng mga maling impormasyon sa pinagmulan
ng mga siniping pahayag;
 - pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kaya ay
pagsasalin ng teksto ngunit ang pangongopya sa ideya ng
iba ay walang sapat na pagkilala
Plagiarism

 ang pangongopya ng napakaraming ideya at pananalita sa


isang pinagkukunan na halos bumuo sa iyong produkto.

You might also like