You are on page 1of 9

DIGMAANG PUNIC

Ang mga Digmaang Puniko (Ingles: Punic Wars, Latin: Bella Pūnica) ay isang serye o
magkakasunod na tatlong digmaan sa pagitan ng Roma at Kartago noong 264 hanggang 146
BK, at maaaring ang pinakamalaking mga digmaan sa sinaunang mundo. Kilala sila bilang
Digmaang Puniko (Punic Wars) dahil sa Punici ang taguri sa Kartaheno (Carthaginian) na
nangangahulugang mas matandang Poenici, mula sa kanilang mga ninunong Poenisyano
(o Phoenician ng Phoenicia). Nagmula ang puniko sa salitang”punicus” na siyang taguri ng
mga Romano sa mga Poenisyano.
Nangyari ang Unang Digmaang Puniko noong 264-241 BK at nito ay ang mahigpit na katunggali
ng Roma ang Kartago sa kalakalan at panganib ang kapangyarihan nito sa mga kaalyado ng
Roma sa timog ng Italya. Nagwagi ang mga Romano. Nakamit nila ang Sisilya na siyang naging
unang lalawigan ng Roma na hindi kabilang sa Tangway ng italya.
DIGMAANG PUNIC

Sa simula makapangyarihan ang Carthage sa dagat


bagaman pawing upahan ang mga mandirigma nito
dahil sa maliit na populasyon.

Ang mga roman naman sa simula ay walang hukbong


pandagat ni karanasan sa digmaang pandagat.
DIGMAANG PUNIC
Nagdulot ng suliranin sa Carthage ang pananakop ng rome sa bahaging timog ng
Italy. Nagsisimula pa lamang ang Carthage noon na maging makapangyarihan sa
kanlurang bahagi ng Mediterranean.

Itinatag ang Carthage (Tunis ngayon) ng mga Phoenician mula sa Tyre noong 814 BCE. Nang
sakupin ng Persia ang Tyre,naging malaya ang Carthage at nagtatag ito ng imperyong
komersiyalna nasasakop ng hilagang Africa, silangang bahagi ng spain,pulo ng
Corsica,Sardinia,at sicily.
Ang unang Digmaang Punic (264-241 B.C.E)
Pagsapit ng 200 BC, isa na lamang ang kalaban ng Roma sa Mediterranean: ang Carthage na nasa hilagang
Aprika. Ito aydating kolonya ng mga Phoenician at naging kabisera ngisang malaking imperyong
pangkalakalan na umaabot mula espanya hanggang Sicily. Mula 264 hangang 241 BC,nagkaroon ng
maraming digmaan sa pagitan ng Roma at Carthage upang makuha ang karapatan sa Sicily. Ang unang
tatlong digmaan ay kinilala bilang digmaang Punic. Ang ibigsabihin ng Punic ay Phoenician. Ang Carthage
ay itinatagbilang sentro ng kalakalan ng Phoenician. simple ang nagingdahilan ng kanilang alitan: natakot
ang Carthage na makuha ng Roma ang Sicily. Ang Roma naman ay natakot na bakaharangan ng Carthage
ang kalakalan sa pagitan ng Italya at Sicily. Sinimulan ng Roma ang unang digmaang Punic nang may mas
pinalakas na hukbong sandatahan, ngunit maymahusay sa digmaang pandagat ang mga Carthaginian.Kayat
ginamitan ito ng mga Romano ng taktika at dali-dali silang gumawa ng mga barkong halos katulad ng mga
barkong pandigma ng Carthage. Gamit ang mga barkong ito,ang Roma ay nanalo sa ilang labanan nila
sa Carthage.Ngunit tumagal ito ng halos 20 taon bago tuloyang napabagsak ng Roma ang Carthage at
nasakop ang isla ng Sicily. Nagbayad ng Indemnity o bayad pinsala ang mga Romano.
Ang Ikalawang Digmaang Punic (218-202 B.C.E)
Bumagsak nga ang Carthage ngunit hindi ito tuluyang nanahimik. Sa halip, ito ay nagpalawak pa
ng kapangyarihansa espanya sa pamumuno ni heneral Hamilcar Barca.Pagsapit ng 221 BC, ay nagkaroon ng
mahusay na pinunong Carthaginian ang espanya sa katauhan ni Hannibal isa sa pinaka mahusay na heneral ng
hukbong espanya sa kanyang kapanahunan. noong 218 BC nilusob ni Hannibal ang Roma kasama ang sandatahang
lakas na binubuo ng 4,000 sundalo at 50 elepante. Tinahak nila ang daan sa hilagang silanganng espanya at timog
na bahagi ng Pransya at tinawid ang mayelong kabundukan ng Alps, kung saan maraming sundalo at elepante ang
namatay dala sa napakalamig na klima. Bagamat mas kaunti, natalo nina Hannibal ang mga sundalong romano na
sumalobong sa kanila sa naganap na labanan sa Cannae sa timog silangang ng italya. Nakarating ang mga
Espanyol sa bukana ng roma ngunit hindi nila ito pinasok. Umasa si Hannibal na makikipag kasundoan ang roma
sa kanila ngunit hindi ito nangyari. Habang nsa italya ang hukbo ni Hannibal,nagkaroon ng ibang kaganapan.
Nilusob ng isang sundalong romano na nagngangalang Hen. Publius Scipio ang mga Carthaginian sa espanya.
Kung kayat di sila nakapagpadala ng tulong ka Hannibal na noon ay nahaharap sa kabi-kabilang pakikipaglaban sa
italya. Noong 204 BC sinakop narin ng mga romano ang hilagang Aprika. Upang maipagtanggol ang kanilang
lupain bumalik si Hannibal sa Carthage ngunit siya ay batalo ni Scipio sa labanan sa Zama noong 202 BC. Ang
pagkatalong ito ang nagwakas sa ikalawang digmaang punic. Nanatili ang Kalayaan ng Carthage ngunit Nawala na
ang kapangyarihan nito.
Ang Ikatlong Digmaang Punic (149-146 B.C.E)
Makalipas ang 50 taon pagkatapos ng ikalawang digmaang Punic nagkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng
Roma at Carthage. Sa mga panahong ito ay umunlad na muli ang Carthage. Bagamat wala ng pangambang
maidudulot ang Carthage sa Roma, ang mga malalagim na alaala ng mga ginawa ni Hannibal ay patuloy na
nagsilbing bangungot para sa mga Romano. Ito ang naging dahilan upang naisin nila ang tuluyang
pagkawasak ng Carthage. Kaya pagsapit ng 149 BC sinimulan nila ang ikatlong digmaang Punic. Nagpadala
sila ng mga sundalo sa Hilagang Aprika at nilusob ang Carthage. Sa loob ng tatlong taon, nagpatuloy sa
pakikipaglaban ang Carthage bago tuluyang sumoko.Pagkatapos nito, sinunog ng mga Romano ang
kabuuan ng Carthage at sinabuyan ng asin ang lupang sakahan nito upang tuluyan na itong mawalan ng
pakinabang. Ang mga taong di namatay ay pinagbili bilang mga alipin.
MEMBER
:

Cabalit

THE
Marayan
Cabresos
Belmoro
Aricayos

END!!

You might also like