You are on page 1of 13

ARALIN 2.

2 Sitwasyong
Nakaaapekto sa
Pagkukusa ng Kilos
(PAGPAPATULOY)
Tatlong Uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan (Accountability)
Kailangang maging maingat ang tao sa paggawa ng makataong
kilos sapagkat ang mga ito ay maaaring maging isyung moral o
etikal. Ito ay dahil ang kilos na ito ay ginagawa nang may pang-
unawa at pagpipili dahil may kapanagutan (accountability).
Ayon kay Aristotle may tatlong uri ng kilos ayon sa
kapanagutan: kusang-loob, di kusang-loob, at walang kusang-
loob.
Kusang-loob. Ito ang kilos na may
kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa
ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa
kalikasan at kahihinatnan
Di kusang-loob. Dito ay may paggamit ng
kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon.
Makikita ito sa kilos na hindi isinagawa
bagaman may kaalaman sa gawain na dapat
isakatuparan.
Walang kusang loob. Dito ang tao ay
walang kaalaman kaya’t walang pagsang-
ayon sa kilos. Ang kilos na ito ay hindi
pananagutan ng tao dahil hindi niya alam
kaya’t walang pagkukusa.
Layunin: Batayan ng Mabuti at Masamang Kilos
Makikita sa layunin ng isang makataong kilos kung ito ay
masama o mabuti. Dito mapatutunayan kung bakit ginawa
o nilayon ang isang bagay. Ayon kay Aristotle, ang kilos o
gawa ay hindi agad nahuhusgahan kung masama o mabuti.
Ang pagiging mabuti at masama nito ay nakasalalay sa
intensiyon kung bakit ginawa ito.
Halimbawa, sa pagtulong sa kapwa, hindi agad masasabing
mabuti at masama ang ipinakita maliban sa layunin ng
gagawa nito. Magiging mabuti ito kung gagawin para sa
isang tao na nangangailangan ng tulong mula sa pagbuhat
ng mabigat na bagay at may kagustuhan siyang tumulong.
Magiging masama ito kung may intensiyon siyang nakawin
ang gamit ng kaniyang tinulungan.
Ang lahat ng bagay ay likas na may layunin o dahilan. Kung ilalapat sa
mga sitwasyon, ang bawat kilos ng tao ay may layunin. Ang layuning
ito ay nakakabit sa kabutihang natatamo sa bawat kilos na ginagawa.
Ang kabutihang ito ay nakikita ng isip na nagbibigay ng pagkukusa sa
kilos-loob na abutin o gawin tungo sa kaniyang kaganapan - ang
kaniyang sariling kabutihan o mas mataas pang kabutihan. Ito ay ang
itinuturing na pinakamataas na telos – ang pagbabalik ng lumikha sa
tao, ang Diyos.
Ngunit kailan ba obligado ang isang tao na
ilayon o gustuhin ang isang kabutihan?
Dapat ba na gawin at abutin ang lahat ng
bagay na nagbibigay ng kabutihan?
1. Ang kabutihan ng inuman ay maaaring nilalayon ng isang tao. Dito
ay maraming bagay na nakapagdudulot sa kaniya ng kasiyahan. Ngunit
kailangan ba niyang pumasok sa inuman lalo na kung ito ay may
posibilidad na may masamang resulta at hindi lamang ang kasayahan?
Sa lahat ng ito ang pagpasok sa inuman ay isang makataong kilos na
ginamitan ng isip at kilos-loob. Ibig sabihin, ito ang kilos na may
pagkukusang-loob. Kaya ang isang taong lasing na nakapanakit ay
hindi masisisi sa pananakit ngunit masisisi naman sa dahilan kung bakit
siya nalasing.
Ang taong sangkot ay may kapanagutan sa kilos na hindi niya direktang
nilayon. Hindi mapananagot ang isang tao kung ang bunga ng kilos niya
ay walang kaugnayan sa mismong ikinilos niya. Halimbawa nito ay
kung nasaktan ang kaklase mo dahil sa hindi mo siya pinakopya. Ang
nasaktang damdamin niya ay hindi maaaring iugnay sa iyo sapagkat
hiwalay na ito sa pasiya mo na huwag magpakopya. Pero sa kaso ng
inuman, ang masamang bunga ng isang kilos ay hindi mangyayari kung
hindi naman magaganap ang mas kinusang-loob na kilos. Ibig sabihin
nito kailangan mong maging maingat sa pagpapasiya sa bawat kilos.
Kailangan nga ba obligado ang isang tao na kumilos patungo sa
kabutihan?
GAWAIN 2.2
Mula sa araling tinalakay, sumulat ng limang
pangungusap na nagpapakita ng repleksyon sa
tinalakay na aralin.
Closing Prayer

Dear Lord, Thank You for being with us


throughout this lesson and that You are with
us right now. Inspire us as we leave this
place to love and serve You always.
May your Holy Spirit guard us as we go
home. Amen

You might also like