You are on page 1of 8

SERVITUDE

-the state of being a slave or completely subject


to someone more powerful
(PAGKAALIPIN)
Pamprosesong Tanong:
•Sino ang ipinapakita sa mga larawan? Isa-
isahin.
•Ano ang gawain ng bawat isa?
•Nakatulong ba ang kanilang gawain?
Patunayan
KARAGDAGANG KAALAMAN
• Ang tradisyunal na anyo ng pang-aalipin ay
pagkilos na may paggamit ng kapangyarihan
upang kontrolin at pagsamantalahan ang iba,
Samantala, ang paglilingkod naman ay pagkilos
na naglalayong tumulong, maglingkod at
magbigay ng suporta sa iba nang walang
pagkaalipin o pang-aabusong nangyayari.
PAGBASA NG KWENTO
"Ang Munting Manggagawa"
• Noong unang panahon sa isang malayong nayon, may isang munting bata
na nangangalang Juan. Si Juan ay isang masipag at mapagmahal na bata. Sa
kanyang murang edad, siya ay nagtatrabaho bilang taga-pag-alaga ng mga
hayop sa kanilang maliit na tahanan. Isang araw, dumating sa kanilang
nayon ang isang matandang lalaki na humihingi ng tulong. Siya ay may dala-
dalang mabibigat na kahon na hindi niya kayang buhatin. Walang ibang nag-
aalok ng tulong kundi si Juan. Kahit na siya ay maliit at mahina, hindi
nagdalawang isip si Juan na tulungan ang matandang lalaki. Dahan-dahan
niyang binuhat ang mabibigat na kahon at dinala ito sa destinasyon ng
matanda. Nagulat ang matandang lalaki sa kabaitan at katapatan ni Juan.
Tinanong niya si Juan kung bakit siya tumulong. Sagot ni Juan, "Gusto ko
pong makatulong sa inyo. Kahit na ako ay maliit, alam kong kaya kong
maglingkod at magbigay ng tulong sa iba. Ang paglilingkod ay nagbibigay sa
akin ng kaligayahan at kahulugan sa aking buhay”
Napahanga sa sagot ni Juan ang matandang lalaki.
Nagpasya siyang magbigay ng regalo kay Juan bilang
pasasalamat sa kanyang paglilingkod. Ngunit,
tinanggihan ni Juan ang regalo at sinabi niya na ang
paglilingkod mismo ay sapat na gantimpala para sa
kanya. Sa huli, natutunan ng matandang lalaki ang
halaga ng paglilingkod at kababang- loob mula kay
Juan. Si Juan, sa kabila ng kanyang murang edad at
maliit na katawanm ay nagpakita ng tunay na diwa ng
paglilingkod nang may pagmamahal at katapatan sa
iba.
Pamprosesong Tanong: Malayang Talakayan

•Ano ang ginawa ng batang manggagawa upang


ipakita ang kanyang paglilingkod sa kuwento?
•Ano ang mga hamon o pagsubok na hinarap ng
batang manggagawa sa kuwento?
•Ano ang nakuha mong mensahe o aral mula sa
kuwento ng batang manggagawa?
Pangwakas na Gawain Paglalapat:
SITWASYON-SURI

Ang inyong barangay ay nagsagawa ng


"feeding program"para sa mga bata.
Paano ka makakatulong sa ganitong
gawain?

You might also like