You are on page 1of 28

ARALIN 1

Kasanayang Pagkatuto at Koda


• Nasusuri ang mahahalagang
pagbabagong politikal,
ekonomiko at sosyo-kultural sa
panahon Renaissance.
(AP8PMD-IIIa-b-1)
Mga Layunin
a. Nasusuri ang mahahalagang
pagbabago sa panahon Renaissance.
b. Napahahalagahan ang mga ambag
ng Renaissance sa kasalukuyang
panahon.
c. Nakakapagbigay ng mga halimbawa
ng ambag ng Renaissance sa iba’t-
ibang larangan.
“Progress is impossible, and those
who cannot change their minds
change anything.”

(George Bernard Shaw)


Introduction
Pag-usbong ng Renaissance
Dahil sa pag-unlad sa agrikultura bunga ng
mga pagbabago sa kagamitan at
pamamaraan sa pagtatanim, umunlad ang
produksiyon sa Europe noong Middle Ages.
Humantong ito sa paglaki ng populasyon at
pagdami ng pangangailangan ng mga
mamamayan na natugunan naman ng
maunlad na kalakalan. Ang mga lungsod-
estado sa hilagang Italy ay nakinabang sa
kalakalang ito.
Pag-usbong ng Renaissance
Noong ika-11 hanggang ika-12
siglo, umunlad ang mga ito bilang
sentrong pangkalakalan at
pananalapi sa Europe.
Monopolisado rin ng hilagang Italy
ang kalakalan sa pagitan ng Asya at
Europe.
Pag-usbong ng Renaissance
Ang yaman ng mga lungsod-estado na ito ay hindi
nakasalalay sa lupa kundi sa kalakalan at
industriya.
Sa katunayan, kung nangangailangan ng pera ang
Papa, hari, o panginoong maylupa, nanghihiram
sila sa mga mangangalakal at banker ng mga
lungsod-estado na ito.
Ang mga Medici sa Florence ay halimbawa ng
isang pamilya ng mangangalakal at banker.
Renaissance
Renaissance ay nangangahulugang “muling
pagsilang” o rebirth.
Maari itong ilarawan sa dalawang paraan.
1. Bilang kilusang kultural o intelektwal na
nagtangkang ibalik ang kagandahan ng
sinaunang kulturang Greek at Roman sa
pamamagitan ng pag-aaral sa panitikan at
kultura ng mga nasabing sibilisasyon.
2. Bilang panahon ng transisyon mula sa middle
ages tungo sa modern period o modernong
panahon.
ITALY
Ang Renaissance ay sumibol sa Italy sa
mga sumusunod na kadahilanan:
1. Italy ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Rome at
higit na may kaugnayan ang italyano kaysa sa mga Romano,
o alinmang bansa sa Europe
2. Malakas ang suportang ibinibigay ng mga maharlikang
angkan sa mga taong mahusay sa sining at masigasig sa pag-
aaral.
3. Maganda ang lokasyon ng Italy. Dahil dito, nagkaroon ng
pagkakataon ang mga lungsod dito na makipagkalakalan sa
kanlurang Asya at Europe.
4. Pagkakaroon ng mga unibersidad na nagtaguyod at
nagpanatiling buhay sa kulturang klasikal at ang mga
teknolohiya at pilosopiyang kaalaman ng kabihasnang
Griyego at Romano.
FLORENCE, ITALY
Ang mga Humanista
• Pagkatapos ng Middle Ages, nagkaroon ng
bagong kapangyarihan ang hari at sinimulang
tinuligsa ang Simbahan.
• HUMANIST o HUMANISTA- nanguna sa pag-
aaral sa klasikal na sibilisasyon ng Greece at
Rome at ngangahulugang “guro ng
humanidades” ( Humanities).
• HUMANISMO- Kilusang intelektwal noong
Renaissance na naniniwalang dapat pagtuunan
ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece
at Rome upang magkaroon ng isang moral at
epektibong buhay.
Mga Ambag ng Renaissance sa
iba’t –ibang larangan
Sa Larangan ng Sining at Panitikan Ambag sa Kabihasnan
1. Francesco Petrarch -Ama ng Humanismo at sumulat
ng Songbook para sa kasingtahan
na si Laura.
2. Giovanni Boccacio - “ Decameron” (nakakatawang
salaysay)
3. William Shakespeare - “Makata ng mga Makata”
4. Desiderius Erasmus - “Prinsipe ng mga Humanista” at
sumulat ng “In Praise of Folly”
5. Nicollo Machiavelli - May-akda ng “The Prince” at
nagpanukala ng “the ends
justifies the means”.
6. Miguel de Cervantes - “Don Quixote de la Mancha”
( kumukutya sa nakakatawang
kasaysayan ng kabayanihan ng
mga kabalyero.)
Francesco Petrarch Giovanni Boccacio William Shakespeare

Desiderius Erasmus Nicollo Machievelli Miguel de Cervantes


Sa larangan ng Agham
Personalidad Ambag sa Kabihasnan

1. Nicolas Copernicus -Teoryang Heliocentric ( ang


daigdig ay umiikot sa kanyang
aksis at umiikot ang mga planeta
sa araw.
2. Galileo Galilie -nakaimbento ng teleskopyo.
3. Sir Isaac Newton - “Batas Universal Gravitation”

Sa larangan ng Pagpinta
Personalidad Ambag sa Kabihasnan

1. Michelangelo Bounarotti- - Pinakasikat na Iskultor at kilala sa


(Michelangelo di Lodovico Buonarroti kanyang obra maestra na estatwa ni
Simoni) “David”, “Sistine Chapel”, at “ La Pieta”
2. Leonardo da Vinci- -“The Last Supper” at “Mona Lisa”

3. Raphael Santi- (Raffaello Sanzio da - “Ganap na Pintor”


Urbino)
Nicholas Copernicus Galileo Galilee Sir Isaac Newton

Law of Heliocentric Telescope Law of Motion and Gravity


Donatello-”Donato di Niccolò di Betto Bardi”

Statue of
Sain t John Evangelist Statue of Habacuc Gattamelata

Niccolo da Uzzano
Magdalene Penitent
Saint
George David
Vitruvian Man

LEONARDO’S ARTWORKS
Invented Weapons

The Last Supper

Mona Lisa
Michelangelo di Lodovico
Buonarroti Simoni

Sistine Chapel
La Pieta

The Dome of St. Madonna and Child


Peter Bacilica’s
Last Judgement Moses
Raffaello Sanzio da Urbino

Mond Crucifixion Coronation of Virgin Wedding of the Virgin

Saint George and the Madonna of the Pinks


Dragon Madonna of the
Meadow Deposition of
Christ
Kababaihan ng Renaissance
Sa panahon ng Renaissance, iilang kababaihan
lamang ang tinanggap sa mga unibersidad o
pinayagang magsanay ng kanilang propesyon sa
Italy.
1. Isotta Nogarola ng Verona na may akda ng
Dialogue on Adam and Eve (1451) at Oration on
the Life of St. Jerome (1453) na kakikitaan ng
kaniyang kahusayan sa pag-unawa sa mga isyung
teolohikal.
Kababaihan ng Renaissance
2. Laura Cereta mula sa Brescia na bago
mamatay sa gulang na 30 ay isinulong ang
isang makabuluhang pagtatanggol sa pag-
aaral na humanistiko para sa kababaihan.
Ano-anong pagabagong naganap sa politikal,
ekonomiko at sosyo-kultural sa panahon Renaissance?

Ano-ano ang ibat’ ibang ambag ng Renaissance na ating natalakay?


Sinu-sino ang mga naging tanyag na na tao sa Renaissance dahil sa
kani-kanilang kontribusyon?

Anong mga prinsipyo, katangiang hango sa Renaissance ang


maaari nating iangkop sa kasalukuyan? Bakit?

Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon, sa anong larangan mo


gustong maging sikat? Ipaliwanag

Bilang mag –aaral paano mo mapapahalagahan ang mga naging


ambag ng mga kilalang tao noong panahon ng Renaissance?
Konklusyon:
Ang Renaissance ay kinakitaan ng pagtaliwas mula sa
kaisipan na laganap sa Middle Ages kung saan nakatuon sa
papel ng Simbahan ang buhay ng tao.
Naghudyat ito sa pagbibigay ng atensiyon sa tao at sa
kanyang mga ambag. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa
pagtingin sa politika, relihiyon, at sa pag-aaral sa nasabing
panahon.
 Nagbigay ito ng inspirasyon sa mga Europeong manlalakbay
na marating ang malalayong bahagi ng daigdig.
Nagbigay daan ito sa pagtatag ng imperyo at kolonya.
Hinimok din nito ang pagkamalikhain sa sining na
pinatunayan ng mga henyo tulad nina Raphael,
Michelangelo, Leonardo, at Donatello.
Gawain sa Modyul 1
Gawain 1: PAGBIBIGAY KAHULUGAN
(Pahina 5)

Gawain: Pahalagahan Ko? (Pahina 11)


Thank you!
Keepsafe and
Godbless
Everyone!

You might also like