You are on page 1of 14

KAWILIHAN, MOTIBASYON, AT

PERFORMANS NG
MGA MAG-AARAL SA
ASIGNATURANG FILIPINO

Presented by: ANGELICA A. AZUCENA


JESSABEL E. CANTALEJO
INTRODUKSYON
Nakasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas taong 1987, sa Artikulo
XIV, Sek. 6-9 na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Alinsunod sa nabanggit, ipinalabas ng Kalihim Lourdes
Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at
Palakasan ang Kautusan Blg. 52 na nag-uutos sa paggamit ng
wikang Filipino bilang wikang panturo sa alinmang antas ng
pagtuturo mapapribado man o pampublikong paaralan
kaalinsabay ng wikang Ingles.
INTRODUKSYON
Sa panahong may panibagong usapin na naman ng
pagbabago ng kurikulum, ang mga mananaliksik ay
naniniwalang mahalaga na malaman ang kawilihan,
motibasyon, paggamit at performans ng mga mag-aaral sa
asignaturang Filipino upang maging batayan ito ng mga
isasagawang mga hakbang at panukala.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
1. Ano ang propayl ng mga respondente ayon sa sumusunod:
1.1 Kurso;
1.2 Kasarian; at
1.3 Paboritong Asignatura?
2. Ano ang antas ng mga respondente sa Filipino ayon sa
sumusunod:
2.1 Kawilihan;
2.2 Motibasyon; at
2.3 Paggamit?
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
3. Ano ang antas ng marka ng mga respondente sa
asignaturang Filipino?
4. May kaugnayan ba sa pagitan ng propayl ng mga
respondete at ang antas ng kanilang kawilihan, motibasyon
at paggamit?
5. May kaugnayan ba sa pagitan ng antas ng kawilihan,
motibasyon, at paggamit ng mga respondente sa Filipino at
ang kanilang marka sa asignaturang Filipino?
IPOTESIS NG PAG-AARAL
Ho1: Walang kaugnayan sa pagitan ng propayl ng mga
respondete at ang antas ng kanilang kawilihan, motibasyon at
paggamit.
Ho2: Walang kaugnayan sa pagitan ng antas ng kawilihan,
motibasyon, at paggamit ng mga respondente sa Filipino at ang
kanilang marka sa asignaturang Filipino.
BATAYANG TEORITIKAL
1. teoryang Connectionism ni Edward Lee 2. Ang teoryang Connectionism
Thorndike
1. Tuntuning Kalalabasan (Law of Effect).
Mapapalakas ang koneksyon kung ang
Kinapapalooban ng dalawang
magkaugnay na elemento sa pagkatuto, kalalabasan ay positibo. Sa madaling sabi,
ang pampasigla (stimulus) at ang tugon ang pag-uugali at ang pagkatuto ay
(response). Ang pagkakaugnay ng mahuhubog kung kaaya-aya ang kaligiran
dalawa ay nagiging isang gawi at o sitwasyon. Sa kabilang banda, ang
maaaring palakasin o pahinain depende koneksyon sa pagitan ng stimulus at
sa kalikasan o uri at dalas ng
response ay hihina kapag ang kalalabasan
pagtatambal ng stimulus at response.
ay negatibo.
BATAYANG TEORITIKAL
2. Ang teoryang Connectionism

2. Tuntuning Pagsasanay (Law of Exercise). 3.Tuntuning Kahandaan (Law of Readiness).


Maging perpekto ang isang gawain kung Nais ipahiwatig ng tuntuning ito ang tamang
may pagsasanay. Ibig sabihin, kung may pagkondesyon ng utak. Ipinalagay ng
palagiang pagsasanay sa pag-uugaling tuntuning ito na sa pagkataong mas handa ang
mayroon ang isang tao, may mas malaki ang isang tao sa pagtugon sa stimulus, mas
posibilidad na ito’y mas mapatitibay. malakas ang bigkis sa pagitan ng dalawa. Sa
Gayunman, hindi mapatitibay ang isang pagkakataong ang isang indibidwal ay handa
partikular na pag-uugali sa pagsasanay kung na sa pagtugon ngunit ito nama’y hindi
wala itong kaakibat na pagtugon at natugunan, magiging dismayado at ‘di kaaya-
nangangahulugan lamang na sa bawat aya ang epekto nito sa isang tao.
pagtugon mas lalo pang mapag-ibayo ang
nasanay ng gawi o kilos.
KONSEPTWAL NA BALANGKAS
PARAAN NG SAMPLING
• Ang pag-aaral na ito ay gagawin sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga
mananaliksik ay maghahanda ng isang kwestyoneyr na naglalayong makapangalap
ng mga datos upang masuri at masukat ang antas ng kawilihan, motibasyon at
paggamit ng mga mag-aaral sa Filipino.
• Magsasagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik sa
iba’t ibang hanguan sa silid-aklatan kagaya ng mga aklat, tesis at dyornal. Kukuha
rin ng ilang impormasyon sa internet.
ANG MGA RESPONDENTE

Ang magiging respondente ng pag-aaral na ito ay lahat ng mga


mag-aaral na nakakuha ng asignaturang FIL101, FIL102 at
FIL103 sa unang semestre ng akademikong taon 2023-2024.
PAMARAAN SA PAGKALAP NG DATOS
• Ang pag-aaral na ito ay gagawin sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga
mananaliksik ay maghahanda ng isang kwestyoneyr na naglalayong
makapangalap ng mga datos upang masuri at masukat ang antas ng
kawilihan, motibasyon at paggamit ng mga mag-aaral sa Filipino.

• Magsasagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang mga


mananaliksik sa iba’t ibang hanguan sa silid-aklatan kagaya ng mga aklat,
tesis at dyornal. Kukuha rin ng ilang impormasyon sa internet.
PAMAMARAANG ISTATISTIKAL
Sa pagbigay ng makabuluhang interpretasyon sa mga makakalap na datos,

gagamitin ng mga mananaliksik ang sumusunod:

Porsyento/Bahagdan – ito ay gagamitin sa paglalahad ng bilang sa kabuuan.

Pormula:

Weighted Mean – ito ay gagamitin upang masukat ang antas ng kawilihan,

motibasyon at paggamit ng mga respondente sa Filipino.


MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG

You might also like