You are on page 1of 23

Ang pagtuturo ng

pakikinig

Mga patnubay/simulain sa
pagtuturo ng pakikinig
Pakikinig
• Ano nga ba ang pakikinig? Ayon kay Yagang (1993), ang
pakikinig ay kakayahang matukoy at maunawaan kung ano
ang sinasabi ng ating kausap. Ito ay isang proseso ng
pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring
pandinig at pag-iisip.
• Sa pag tuturo ng pakikinig mahalagang isaisip ang kahandaan
at kawilihan ng mga mag-aaral sa gawaing ito. Kailangan ding
malinang sa mag-aaral ang lubos na pagtitiwala sa kanilang
sariling kakayahan. Sa pagtuturong pakikinig,
Maaaring isagawa ng guro ang mga
sumusunod:
• Tiyakin na lubos na nauunawaan ng mga mag-aaral ang
kanilang gagawin bago ito simulan. Siguraduhing malinaw at
nauunawaan ang panuto ng mgamag-aaral bago simulant
ang gawain.

• Maglaan ng isang konteksto para sa pakikinig. Halimbawa,


kung anong konteksto ang kanilang pakikinggan (isang
talumpati, kuwento, atbp.).
• Maaaring pakinggan nang maraming ulit ang isang
input sa pakikinig. At kailangang may tiyak na layunin
sa bawat pakikinig na isasagawa. Linawin sa mga mag-
aaral ang layunin sa pakikinig.

• Kung ang input ay maririnig sa unang pagkakataon,


mag bigay ng mga tuwirang tanong na makatutulong
sa pag-unawa sa kabuuan ng teksto. Maaaring mag
tanong tungkol sa pangunahing impormasyon
nakapaloob sa teksto (sino ang taga pagsalita, ano ang
kanilang pinag-uusapan, atbp.).
• Maglaan ng mga tanong o set ng mga gawain na
angkop sa kakayahan ngmga mag-aaral. Sa
pamamagitan ng mga tanong, malalaman ng isang
gurokung naunawaan at nakinig baa ng mga mag-
aaral.

• Tiyaking napakinggan na ang guro ng buong tape


bago iparinig sa klase.Kailangang isagawa iton
upang maiwasan ang anumang suliranin
bagoiparinig ang tape sa klase.
Mga Uri ng Gawain na
Ginagamit sa
Pagtuturo ng Pakikinig
1. Pagbabalangkas
Tinatawag itong kalansay sa isang sulyap. Kinakailangan na mahusay na
nakahanay ang mga paksa na ayon sa kahalagahan nito.
Maaaring sundan ang mga balangkas na:
• Papaksangbalangkas (Topic Outline)
Isinusulat sa salita o parirala ang mga punong kaisipan.
• Pangungusap na Balangkas (Sentence Outline)
Binubuo ng mga buong pangungusap na naglalaman ng pangunahing
ideya at maynor na ideya.
• Patalang Balangkas (Paragraph Outline)
Binubuo ng mga pangungusap na naglalahad ng nilalaman ng buong
mga talata ng sulatin.
2. Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari (Sequencing Events)
Mahalaga ang kasanayang ito sapagkat nabibigyan ng sapat na
pagpapahalaga ng tagapakinig kung ano ang tamang pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari sa napakinggang kuwento, sanaysay, at iba
pang akda.
3. Pagbubuod
Ito ay ang muling pagsasalaysay sa pinakamaikling paraan dahil ang
mahalagang pangyayari lamang ang isasaad ayon sa pagkakasunod-
sunod.
4. Pagtatala
Kinakailangan ito sa pakikinig lalo’t higit sa pagkuha ng mga
mensahesa pagdalo sa seminar, komprehensya at iba pang uri ng pormal
na usapan.
Tatlong Kategorya ng Pagbabalangkas:
• Dibisyon
Ito ay gumagamit ng bilang ng Romano (I, II, III, IV, V)
• Seksyon
Ito ay gumagamit ng mga titik (A, B, C, D, E)
• Sub-dibisyon
Ito ay pinanandaan ng bilang Arabiko (1, 2, 3, 4, 5)
Pagpaplano ng Pagtuturo
sa Pakikinig
ANTAS
1. Apresiyatib na pakikinig
Ito ay pakikinig upang maaliw.
Halimbawa: Awit sa radio, konsert

2. Pakikinig na diskriminatori
Itoay kritikal na pakikinig, ginagamit ito para sa organisasyon
at analisis ng mga datos na napakinggan, inuunawa at inaalala
ng tagapakinig ang mga impormasyong kanyang napakinggan.
3. Mapanuring pakikinig
Ito ay selectib na pakikinig, mahalaga rito ang konsentrasyon, bukodsa
pag- unawa, ang tagapakinig ay bumubuo ng mga konsepto at
gumagawa ng mga pagpapasya ng halaga sa antas na ito.

4. Implayd na pakikinig
Tinutuklas ang mga mensaheng nakatago sa likod ng mga salitang
naririnig ang hindi sinasabi ng tuwiran ay inaalam ng tagapakinig sa
level na ito.

5. Internal na pakikinig
Ito ay pakikinig sa sarili, pinagtutuunan ang pribadong kaisipan ng
isang indibidwal na pilit niyang inuunawa at sinusuri.
Mga Uri ng Tagapakinig
• Eager Beaver
Siya ang tagapakinig na ngiti ng ngiti o tango ng tango habang
may nagsasalita sa kaniyang harapan, ngunit ang totoo ay
hindi talaga ito nakikinig sa tagapagsalita.
• Sleeper
Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na
sulok ng silid at ipipikit ang mga mata upang matulog. Sila rin iyong
mga tagapakinig na nagagalit kapag may mga naririnig na nag
iingay.
• Tiger
Siya ang tagapakinig na handa laging magreak sa anumang
sasabihinng nagsasalita. Sila ay naghihintay lang na
magkamali ang tagapagsalita para makasingit at magreak.
• Bewildered
Sila ang mga tagapakinig na kahit anong ulit pakinggan ang nais
ipahiwatig ng tagapagsalita ay hindi nila ito maintindihan.

• Frowner
Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may
tanong at pagdududa. Sila iyong tagapakinig na naghihintay ng
oportunidad para makapagtanong para makapagpaimpres.
• Relaxed
Isa siyang problema sa isang nagsasalita, dahil hindi mo sila
kakikitaan ng interes o kahit anong negatibo at positibong reaksyon
sa kanilang mukha.
• Busy Bee
Isa sa pinaka-ayawang tagapakinig sa anumang pangkat,
sapagkat ito ay ang mga abala sa ibang gawain na hindi naman
konektado sa sinasabi ngtagapagsalita.

• Two-eared Listener
Siya ang pinaka epektibong tagapakinig sapagkat siya ay
nakikinig hindi lamang gamit ang kanyang tainga kundi pati ang
kanyang utak. Talagang inuunawa at iniintindi ang mga sinasabi ng
tagapakinig.
Palaro
Makrong kasanayang pakikinig
Makrong kasanayang panonood
Ang hindi marunong lumingon
sa pinanggalingan, hindi
makakarating sa paroroonan​.
Puto, Mansanas, Biko

You might also like