You are on page 1of 19

MGA GABAY NA TANONG SA PAGSUSURI

•ANO-ANONG KAMALIAN SA WIKANG


FILIPINO ANG IYONG NAPAPANSIN
SA PALIGID?
•BAKIT HINDI ITO NAPAPANSIN NG
MGA KARANIWANG PILIPINO?
KASAY S AYA N N G
W IK A N G PA M B A N S A
•ANG PILIPINAS AY MAY HUMIGIT-
KUMULANG 150 WIKA AT
DAYALEKTO.
1934
•MAY PANUKALANG ISA SA MGA UMIIRAL NA WIKA
SA BANSA ANG DAPAT NA MAGING WIKANG
PAMBANSA. (LOPE K. SANTOS)
•ANG MUNGKAHING ITO AY SINUSUGAN NI
MANUEL L. QUEZON NA NOO’Y PANGULO NG
PAMAHALAANG KOMONWELT NG PILIPINAS.
1935
•ARTIKULO XIV, SEKSIYON 3 NG SALIGANG BATAS
NG 1935
•“ANG KONGRESO AY GAGAWA NG MGA HAKBANG
TUNGO SA PAGKAKAROON NG ISANG WIKANG
PAMBANSANG IBABATAY SA ISA SA MGA UMIIRAL
NA KATUTUBONG WIKA. HANGGA’T HINDI
ITINATAKDA NG BATAS, ANG WIKANG INGLES AT
KASTILA ANG SIYANG MANANATILING OPISYAL NA
WIKA.”
1935

•BATAS KOMONWELT BLG. 184 (SURIAN NG WIKANG


PAMBANSA)
•TUNGKULIN NITO ANG MAG-ARAL NG MGA
DIYALEKTO NA PAGHAHANGUAN NG
PAMBANSANG WIKA
1935
•NAPILI ANG TAGALOG AYON SA SUMUSUNOD NA
PAMANTAYAN:
•WIKA NG SENTRO NG PAMAHALAAN
•WIKA NG SENTRO NG EDUKASYON
•WIKA NG SENTRO NG KALAKALAN
•WIKA NG PINAKAMARAMI AT PINAKADAKILANG
NASUSULAT NA PANITIKAN
1937
•NOONG DISYEMBRE 30, 1937
NAIPROKLAMA ANG WIKANG TAGALOG
UPANG MAGING BATAYAN NG WIKANG
PAMBANSA. MAGKAKABISA ITO
MATAPOS ANG DALAWANG TAON.
(KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG.
134)
1940
•NAGSIMULANG ITURO ANG WIKANG
PAMBANSA NA BATAY SA TAGALOG
SA MGA PAARALANG PAMPUBLIKO
AT PRIBADO.
1946
•ANG MGA WIKANG OPISYAL SA
BANSA AY TAGALOG AT INGLES SA
BISA NG BATAS KOMONWELT
BILANG 570. (HULYO 4, 1946)
1959
•NOONG AGOSTO 13, 1959 PINALITAN ANG
TAWAG SA WIKANG PAMBANSA
(TAGALOG-PILIPINO) BATAY SA
KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 7
NA IPINALABAS NI JOSE E. ROMERO
(KALIHIM NG EDUKASYON)
1972
•ANG BATASANG PAMBANSA AY DAPAT
MAGSAGAWA NG MGA HAKBANG NA
MAGPAPAUNLAD AT PORMAL NA
MAGPAPATIBAY SA ISANG PANLAHAT NA
WIKANG PAMBANSANG KIKILALANING
FILIPINO. (SALIGANG BATAS NG 1973,
ARTIKULO XV, SEKSYON 3 BLG. 2)
1987
•ANG WIKANG PAMBANSA NG PILIPINAS AY
FILIPINO. SAMANTALANG NILILINANG, ITO
AY DAPAT PAYABUNGIN AT PAGYAMANIN PA
SALIG SA UMIIRAL NA MGA WIKA SA
PILIPINAS AT SA IBA PANG MGA WIKA.
(ARTIKULO XIV, SEKSYON 6)
PAGSUBOK SA PAG-UNAWA
1. SINO ANG NAGPANUKALA NA
MAGKAROON NG WIKANG PAMBANSA?
2. ANONG WIKA ANG MAHIGPIT NA
NAKALABAN NG TAGALOG SA PAMIMILI
NG WIKANG PAMBANSA?
PAGSUBOK SA PAG-UNAWA
3. ILANG WIKA ANG GINAGAMIT NG MGA TAO
SA PILIPINAS?
4-5. NOONG WALA PANG NAPIPILING WIKANG
PAMBANSA, ANO ANG DALAWANG WIKANG
OPISYAL NG PILIPINAS?
PAGSUBOK SA PAG-UNAWA
6. BAKIT PINALITAN NG PILIPINO ANG
TAGALOG?
7. SINO ANG PANGULO NG PILIPINAS NOONG
PANAHON NG PAMIMILI NG IISANG WIKA?
PAGSUBOK SA PAG-UNAWA
8. ANO ANG HULING PAMANTAYAN O
KRAYTIRYA NA NAGPANALO SA TAGALOG
BILANG WIKANG PAMBANSA?
9. ANO ANG SINISIMBOLO NG TITIK “F” SA
WIKANG FILIPINO?
PAGSUBOK SA PAG-UNAWA

10. ANO ANG TAWAG SA SAMAHAN O PANGKAT


NG MGA TAONG NAATASAN NG KONGRESO NA
MAMILI NG ISANG WIKANG BATAYAN NG
WIKANG PAMBANSA?
•11-15. BAKIT KAYA MARAMING TAO RIN ANG
TUMUTOL O SUMALUNGAT SA PAGKAKAPILI
NG TAGALOG BILANG BATAYAN NG WIKANG
PAMBANSA? SA IYONG PALAGAY, ANO-ANO
KAYA ANG DAHILAN NG KANILANG PAGTUTOL?

You might also like