You are on page 1of 18

CLASSROOM RULES

•Pumasok sa takdang oras


•Tumahimik habang may kausap ang guro
•Igalang ang bawat isa.
•Makinig sa guro habang nagsasalita.
•Makilahok sa oras ng talakayan
TALAMBUHAY NI
FRANCISCO BALTAZAR
Layunin:
Layunin:
a. Nakikilala ang Talambuhay ni Francisco Baltazar,
b. Nauunawaan ang maikling Talambuhay ni
Francisco Layunin:
Baltazar at
c. Nakikilatis ang mag-aaral sa gawain na
ipapagawa.
Bukod sa FB, tawagin natin si Francisco Baltazar
na Kiko. Isinilang si Kiko noong ika-2 ng Abril, 1788
sa nayon ng Panginay, (Balagtas) Bigaa, Bulakan,
Maralita lamang ang pinagmulang angkan ni Kiko.
Isang panday ang kanyang ama at maybahay ang
kanyang ina.
Kung sa kasalukuyan ay maraming kabataan ang
abala sa FB at larong pagkokompyuter, lumaki
naman si Kiko sa pandayan ng kanyang ama na
ginagawang tagpuan ng mga kanayon upang pag-
usapan at pagtalunan ang tungkol sa sakit ng
lipunang umiiral noon. Malaki ang nagawa ng mga
karanasang ito sa kanyang murang isipan.
Mula sa Bulakan, lumuwas siya patungong
Maynila upang doon ipagpatuloy karaniwang ang
pag-aaral. Pumasok siya bilang utusan sa isang
malayong kamag-anak na mayaman na naninirahan
Enter yourDahil
sa Tondo. title sa
here
sipag niya, nagustuhan ang
kanyang paglilingkod at pinayagan siyang makapag-
This template can change color, shape, content, etc. It is commercially available and
pleasant to cooperate withally available and pleasant

aral.
Palibhasa'y magaling siyang makata o
manunulat ng tula, nakilala si Kiko Sa Tondo, Maynila
at dito niya rin nakilala si Magdalena Ana Ramos na
unang napag-ukulan niya ng paghanga. Noon
namang taong 1853, lumipat siya sa Pandacan at
doon niya nakilala si Maria Asuncion Rivera.
Mula sa mayamang angkan si Maria Asuncion
Rivera. Kaya naman pinaalalahanan at binigyan
ng payo si Kiko ng kanyang mga kaibigan na
magiging mahirap para sa kanya ang panliligaw
lalo pa't magiging karibal niya ang isang
Enter your title here
mayaman at makapangyarihang tao sa pook na
This template can change color, shape, content, etc. It is commercially available and
iyon,
pleasant na
to cooperate withallysi Mariano
available and pleasant Kapule. Subalit, tulad ng
inaasahan, hindi tumigil ang isang katulad ni Kiko
upang makamit ang pag-ibig ng dalaga hanggang
maging magkasintahan sila.
Katulad ng mga karaniwang kuwento ng pag-
iibigan, si Mariano Kapule ang naging kontrabida.
Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang
paghiwalayin ang dalawa. Ipinabilanggo niya si Kiko. Sa
pagdadalamhati ni Francisco sa loob ng bilangguan,
marami ang nagsasabi na dito niya naisulat ang
kanyang obra maestrang Florante at Laura na buong
pusong inihandog niya kay "Selya" na pinaniniwalaang
si Maria Asuncion Rivera.
Ang Pagkakasulat ng "Florante at Laura“

Ang kanyang malungkot na karanasan sa pag-ibig


ang nagtulak kay Kiko upang isulat ang akdang
Florante at Laura. Bukod sa sakit ng kanyang puso,
inilarawan din niya sa akda ang kalagayan ng bansa.
Naisip niya marahil na kung patas ang hustisya, hindi
niya dadanasin ang matinding pagkabigo. Subalit sa
pagkasulat ng akda, hindi lantad ang paglalarawang
ginawa ni Kiko. Gumamit siya ng matatalinghagang
pahayag.
Sinasabing ang kuwento ng pinagdaanang
buhay nina Florante at Laura ay hinango ay sa
mga pangyayari noong unang panahon sa
imperyo ng Gresya. Una itong nailathala noong
taong 1858 ngunit sa kasamaang-palad ay wala
nang natirang kopya nito. Muli itong inilathala
noong 1861, at ito ang pinakamatandang edisyon
na mayroon pa hanggang sa kasalukuyan.
Naisalin sa iba't ibang wika ang Florante
at Laura. Sinasabi ring nagdala ng kopya nito
ang ating pambansang bayaning si Dr. Jose
Rizal noong panahon ng kanyang mga
paglalakbay sa Europa. Gayun din naman,
pinaniniwalaang may kopya nito si Apolinario
Mabini na kinopya niya sa kanyang sariling
sulat-kamay.
Ang kasikatan ng Florante at Laura ay
nangyari hindi lamang noong unang panahon
nang isulat ito. Lumikha rin ito ng
kasaysayan maging noong panahon nina
Rizal at Mabini. Mababasa sa akdang Noli
Me Tangere ang ilang pahayag na hinango
sa Florante at Laura.
Ang Pag-aalay ng Akda
Si "Selya" o si Maria Asuncion Rivera ang
pinaniniwalaang pinag-alayan ni Francisco Baltazar ng
kanyang obra-maestrang "Florante at Laura." Nabighani
siya sa dalagang ito na napakahusay tumugtog ng alpa.
Dahil sa katangiang ito, inihalintulad niya si Maria
Asuncion Rivera sa patron ng musika na si Santa
Cecilia. Marahil, maiuugnay ang palayaw na Selya sa
pangalang Cecilia, mula sa iwinawangis niya ritong si
Santa Cecilia.
Napaibig nang tuluyan si Francisco at
nakalikha siya ng tulang pinamagatan niyang
"Kay Selya." Sa huling taludtod ng tula,
binanggit niya ang pag-aalay niya ng tula (at ng
kanyang pag-ibig) kay M.A.R.
Gawain:

Para sa mga babae: Kung ikaw si Maria Asuncion Rivera mamahalin mo parin ba si Kiko
kahit na siya ay mahirap? Bakit?

Enter your title here


Para sa mga lalaki: Kung ikaw si Kiko ipaglalaban mo parin ba ang iyong pag-ibig para kay
Maria Asuncion Rivera kahit na ang karibal mo ay isang mayaman? Bakit?
This template can change color, shape, content, etc. It is commercially available and
pleasant to cooperate withally available and pleasant
Maraming Salamat
Enter your title here
sa inyong Pakikinig
This template can change color, shape, content, etc. It is commercially available and
pleasant to cooperate withally available and pleasant

You might also like