You are on page 1of 7

Ang Kwentong

Makabanghay
Ano ang BANGHAY?
• Ang Banghay ay ang maayos o masinop na
daloy ng magkakaugnay na pangyayari sa
mga akdang tuluyan tulad ng maikling kwento,
anekdota, mito, alamat at nobela.
• Mula sa banghay ay nakabubuo ng
balangkas kung saan makikita ang
magkakaugnay -ugnay at mabilis na galaw ng
pangyayari.
BANGHAY
Kasukdulan

Papataas na Pangyayari Pababang Pangyayari

Panimulang Pangyayari Resolusyon/Katapusan


PANIMULANG PANGYAYARI:
Pagpapakilala ng mga tauhan, tagpuan, at
suliraning kakaharapin.

PAPATAAS NA PANGYAYARI:
Sa bahaging ito nagkakaroon ng
pagtatangkang malutas ang suliraning
magpapasidhi sa interes o kapanabikan.
KASUKDULAN:
Pinakamasidhing bahagi kung saan haharapin
ng pangunahing tauhan ang kanyang suliranin.
PABABANG PANGYAYARI:
Matatamo ng pangunahing tauhan ang layunin.
RESOLUSYON:
Magkakaroon ang kwento ng isang
makabuluhang wakas.
GAWAIN 1
Gawan ng banghay ang akdang natalakay
na may pamagat na Takipsilim sa
Dyakarta. Ilahad ang limang bahagi ng
banghay.
Maraming Salamat sa
Pakikinig!

You might also like