You are on page 1of 26

PANG-ABAY

● Ang Pang-abay ay mga salitang


nagbibigay-turing sa isang
pandiwa, pang-uri at kapwa
pang-abay nito.
URI NG PANG-ABAY
PAMANAHON

● Nagsasaad ng panahon kung


kailan ginawa ang kilos ng
pandiwa. Sumasagot ito sa
tanong na kailan.
HALIMBAWA:
Ang templo ni Vishnu sa Lungsod ng
Tiruphati ay binuo noon pang
ikasampung siglo.
PANLUNAN

● Nagsasaad ng pook, lunan, o


lugar na pinangyayarihan ng kilos.
Sumasagot sa tanong na saan at
nasaan.
HALIMBAWA:
Sa India matatagpuan ang
pinakamatandang sibilisasyon.
PAMAMARAAN

● Nagsasaad kung paano ginanap


ang kilos na sumasagot sa
tanong na paano.
HALIMBAWA:
Masigasig na lumahok sa
pagdiriwang ang 60 milyong taong
dumalo sa Kumbh Mela.
PANG-AGAM

● Nagsasaad ito ng pag-


aalinlangan o kawalang
katiyakan.
HALIMBAWA:
Marahil mahirap ang humanap nang
matutuluyan ngayon.
INGKLITIK

● Kataga sa Filipino na karaniwang


nakikita pagkatapos ng unang
salita sa pangungusap. Ito ay ang
man, kasi, sana, nang, kaya, yata,
tuloy, lamang/ang, din/rin, ba, pa,
muna, pala, na, naman, daw/raw.
HALIMBAWA:
Ito raw ang pinakamalaking
pagdiriwang sa buong mundo.
BENEPAKTIBO

● Ang tawag sa pang-abay na


nagsasaad ng benepisyo para sa
isang tao. Ito ay karaniwang
binubuo ng pariralang
pinangungunahan ng para sa.
HALIMBAWA:
Ang anim na milyong dolyar na
nakokolekta araw-araw ay ginagamit
para sa pangangailangan ng
templo.
KAWSATIBO

● Ito ang tawag sa pang-abay na


nagsasaad ng dahilan ng
pagganap sa kilos ng pandiwa .
Ito’y makikilala sa parirala o
sugnay na pinapangunahan ng
dahil sa.
HALIMBAWA:
Dahil sa Indian Railways ay
nabigyang hanapbuhay ang
maraming tao sa India.
KONDISYONAL

● Pang-abay na nagsasaad ng
kondisyon para maganap ang
kilos na isinasaad ng pandiwa.
Ito ay may mga sugnay o
pariralang pinangungunahan ng
kung, kapag o pag, at pagka.
HALIMBAWA:
Magiging maunlad ang isang bayan
kung susuporta ang mga
taumbayan.
PANANG-AYON

● Ang pang-abay na ito ay


nagsasaad ng pagsang-ayon. Ang
halimbawa nito ay oo, opo, tunay,
talaga, totoo, sadya at iba pa.
HALIMBAWA:
Tunay na malaki ang kontribusyon
ng India sa sibilisasyon ng mundo.
PANANGGI

● Ito naman ang mga pang-abay na


nagsasaad ng pagtanggi, tulad ng
hindi/di at ayaw.
HALIMBAWA:
Hindi kailanman sumakop ng kahit
na anong bansa ang India sa
kanyang 100, 000 kasaysayan.
PANGGAANO

● Ang pang-abay na ito ay nasaad


ng sukat o timbang.
HALIMBAWA:
Nanatili nang limanlibong taon ang
yoga sa India.
Maraming
Salamat sa
Pakikinig!

You might also like