You are on page 1of 25

PANG-ABAY

Ay mga salitang


nagbibigay-turing sa
isang pandiwa, pang-
uri, at kapwa pang-
abay.
PAMANAHON.
Nagsasaad ng
panahon kung kailan
ginawa ang kilos ng
pandiwa. Sumasagot
sa tanong na kailan.
HALIMBAWA:
Ang templo ng Vishnu
sa Lungsod ng Tirupathi
ay binuo noon pang
ikasampung siglo.
PANLUNAN.
Nagsasaad ng pook,
lunan, o lugar na
pinangyarihan ng kilos.
Sumasagot sa tanong
na saan at nasaan.
HALIMBAWA:
Sa India matatagpuan
ang
pinakamatandang
sibilisasyon.
PAMARAAN.
Nagsasaad kung
paano ginaganap
ang kilos na
sumasagot sa tanong
na paano.
HALIMBAWA:
Masigasig na nakilahok
sa pagdiriwang ang 60
milyong taong dumalo
sa Kumbh Mela.
PANG-AGAM.
Nagsasaad ito ng
pag-aalinlangan o
kawalang katiyakan.
HALIMBAWA:
Marahil naging
mahirap humanap ng
matutuluyan noon.
INGKLITIK. Kataga sa
Filipino na karaniwang
nakikita pagkatapos
ng unang salita sa
pangungusap.
Ito ay man, kasi, sana,
nang, kaya, yata, tuloy,
lamang/lang, din/rin,
ba, pa, muna, pala, na,
naman, at daw/raw.
HALIMBAWA:
Ito na raw ang
pinakamalaking
pagdiriwang sa buong
mundo.
BENEPAKTIBO. Nagsasaad
ng benepisyo para sa
isang tao.
karaniwang binubuo ng
pariralang
pinangungunahan ng
para sa.
HALIMBAWA:
Ang anim na milyong
dolyar na nakokolekta
araw-araw ay ginagamit
para sa mga
pangangailangan ng
templo.
KAWSATIBO.
Nagsasaad ng
dahilan ng pagganap
sa kilos ng pandiwa.
Pinangungunahan
ng dahil sa.
HALIMBAWA:
Dahil sa Indian
Railways ay
nabigyang-
hanapbuhay ang
maraming tao sa India.
KONDISYONAL.
Nagsasaad ng
kondisyon para
maganap ang kilos na
isinasaad ng pandiwa.
Pinangungunahan ng
kung, kapag, at pagka.
HALIMBAWA:
Maging maunlad ang
isang bayan kung
susuporta ang mga
taumbayan.
PANANG-AYON.
Nagsasaad ng
pagsang-ayon.
Opo, oo, tunay,
talaga, totoo, sadya
at iba pa.
HALIMBAWA:
Tunay na malaki ang
kontribusyon ng India
sa sibilisasyon ng
mundo.
PANANGGI.
Nagsasaad ng
pagtanggi.
Hindi/di at ayaw.
HALIMBAWA:
Hindi kailanman
sumakop ng kahit na
anong bansa ang India
sa kanyang 100,000
taong kasaysayan.
PANGGAANO.
Nagsasaad ng sukat o
timbang.
HALIMBAWA:
Nanatili nang
limanlibong taon ang
yoga sa India.

You might also like