You are on page 1of 14

Pangungusap na Walang

Paksa
Ang karaniwang
pangungusap ay may
panaguri at paksa. Ngunit
sa Filipino, may
pangungusap na walang
paksa.
1. Pangungusap na
Padamdam
Ang mga ekspresyon ng
damdamin ay itinuturing
na pangungusap.
Maaring ito’y isang salita
na nagpa-pahayag ng
matinding damdamin.
Halimbawa:
Naku! Ay! Aray!
2. Pangungusap na
Pamanahon
Ito ang mga pangungusap
na nagsasaad ng oras o uri
ng panahon.
Halimbawa:

Alas otso na.


Bumabagyo.
3. Pangungusap na Eksistensyal
Ito ang pangungusap na
nagpapahayag ng
pagkamayroon o pagkawala ng
isa o higit pang tao, bagay,
hayop, at iba pa.
Ginagamitan ito ng may at
mayroon o wala.
Halimbawa:
May alaga ka pala.
Wala pa sila.
4. Pangungusap na
Pahanga
Mga pangungusap na
nagpapahayag ng
paghanga.
Halimbawa:
Kayganda ng bulaklak.
Dakila ka.
5. Pangungusap na
Panawag
Pangungusap ding
itinuturing ang mga
salitang ginagamit sa
pagtawag.
Halimbawa:
Ale!
Kuya Alex, kakain na.
6. Pormulasyong
Panlipunan
Mga pangungusap ito ng
pagbati, paggalang,
pasasalamat at iba pa.
Halimbawa:
Tao po.
Maligayang Kaarawan!

You might also like