You are on page 1of 37

Epiko mula sa Mali,

West Africa
Maikling Kuwento mula sa East
Africa
Ano ba ang EPIKO?
• Ang EPIKO ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga
kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban
sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga
tagpuang makakabalaghan at di kapani-paniwala. Kwento ito
mg kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga
pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may
maipagmamalaking epiko.
Saan ba nagsimula ang salitang EPIKO?

• Ang EPIKO ay nagmula sa salitang Griyego na “ epos”


kung saan ang ibig sabihin ay “awit”.
• And EPIKO ay isang tula na mahaba mula sa
makalumang paraan. Ang tema karamihan sa Epiko ay
tungkol sa kasaysayan, pwede din tungkol sa isang
dakilang tao na nabuhay.
Mga halimbawa ng epiko sa iba’t ibang
rehiyon:
• Biag ni Lam ang- Iloko
• Ibalon- Bikolano
• Dagoy at Sudsud- Tagbanua
• Tuwaang - Bagobo
Paano ba inihayag ang isang Epiko?
• Ito ay ipinahayag ng pasalita, patula, o paawat (sa iba’t ibang estilo);
maaring sinasaliwan ng ilang mga instrumentong pangmusika o minsan
naman ay wala.
• Ito ay maaaring gawin nang nag iisa o kaya naman ng grupo ng mga tao.
• Ang haba ng epiko ay mula sa 1, 000 hanggang 55, 000 na linya kaya’t
ang pagtatanghal sa mga ito ay maaaring abutin ng ilang araw o oras.
Mga ELEMENTO ng isang EPIKO:
1. SUKAT AT INDAYOG
Tumutukoy ang sukat sa magkakatulad na bilang ng pantig sa bawat
tiyak na hati ng taludtod o mga taludturan. And sukat sa bawat taludtod
ay maaaring magong wawaluhing pantig (8), lalabindalawahing pantig
(12), lalabing animin (16), lalabingwaluhin (18). Isinaayos ang epiko sa
paraang maindayog o maali-iw.
2. TUGMA
Ang epiko ay gumagamit ng magkakahawig na tunog sa dulompanig ng
mga taludtod.
Mga ELEMENTO ng isang EPIKO:
• 3. TALUDTURAN
Ang pagpapangkat-pangkat ng mga taludtod ng isang tula ay
tinatawag na taludturan. Karaniwang apat na taludtod ang
bumubuo sa isang taludturan o saknong.
4. MATATALINGHAGANG SALITA
Ang epiko ay ginagamitan ng matatalinghagang salita o idyoma.
Ang mga ito ay may kahulugang taglay na naiiba sa karaniwan.
Mga ELEMENTO ng isang EPIKO:
• 5. BANGHAY
Ang EPIKO bilang tulang pasalaysay ay kakikitaan din ng pagkakaugnay-ugnay ng
pangyayari. Ito ay ang banghay.
6. TAGPUAN
Mahalag ang tagpuan sapagka’t ito’y nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa paksa, sa
banghay, at sa tauhan.
7. TAUHAN
Mapapansing ang mga tauhan sa epiko ay may taglay na supernatural o di
pangkaraniwang kapangyarihan.
EPIKO MULA SA MALI, WEST AFRICA
• SUNDIATA : ANG EPIKO NG SINAUNG MALI
• MULA SA SUNDIATA: AN EPIC OF THE OLD MALI NI D.T. NIANE
• SALIN SA INGLES NI J.D. PICKET
• ISINALIN SA FILIPINO NI MARY GRACE A. TABORA
• Ang epikong Sundiata ay unang naitala sa Guinea noong 1950 na
isinalaysay ng griot (mananalaysay) na si Djeli Mamoudou Kouyate na
mahusay na alagad ng kwentong-bayan na si D.T. Niane. Isinalin niya ito
buhat sa Mandigo sa wikang Pranses. Kalaunan, ang kaniyang salinay
nagging batayan sa paglilipat sa Ingles.
• Si Sundiata Keita o Mari Diata(MariJata), ang bayani’t pangunahing
tauhan ng epiko ay totoong nabuhay. Isa siya sa labindalawang
magkakapatid na lalaki na tagapagmana ng trono. Siya’y isang
makapangyarihang pinuno na tumalo sa estadong Sosso sa Kanlurang Africa
noong 1235. Itinatag niya ang imperyong Mandigong Matandang Mali. Ang
Kaniyang pamamayagpag ay tumagal nang mahigit 250 taon.
MGA TANONG:
• 1. Sino ang pangunahing tauhan sa Epiko? At saan ba naganap ang kwento?
• 2. Ano-ano ba ang mga kahanga-hangang katangian ng pangunahing tauhan na
si Sundiata.
• 3. Sa iyong palagay, si Sundiata ba ay tunay na bayani ng kasaysayan ng Africa?
• 4. Tama ba ang ginawa ni Sundiata sa lungsod ng Sosso? Bakit?
• 5. Bakit mahalagang magplano sa anumang Gawain o hangarin?
• 6. Ano ba ang mahahalagang aral na iyong napulot sa epikong SUNDIATA?

You might also like