You are on page 1of 2

Ano ba Tulang Pasalaysay?

Nagsasaad ito ng mahahalagang pangyayari na may tauhan, tagpuan at banghay.

Mga dapat tandaan sa Tulang Pasalaysay

EPIKO - Ang epiko ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang
tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang
makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-
gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.

Halimbawa - indarapatra at sulayman (pagpatay ng mga halimaw)

AWIT AT KORIDO – hango sa pagkamaginoo at pagkikipagsapalaran ng mga tauhang hari at reyna,


prinsipe, at prinsesa. Ang mga ito’y naka tira sa isang kaharian. Ang awit ay may sukat na 12 pantig at
inaawit nang mabagal sa saliw ng gitara ; samantalang ang kurido ay may walong pantig at binigkas sa
saliw ng martsa.

Ang awit, gaya ng korido, ay nagtataglay ng tatlong elemento. Una, ang pag-iibigan.Ikalawa, ang
relihiyoso at pangangaral.At ikatlo, ang kahima-himala at kagila-gilalas. Ito nama'y salaysay sa pakikipag-
ibigan at pakikipagsapalaran ngunit walang sangkap na kababalaghan.

KORIDO -Hal: Ibong Adarna (mahiwagang Ibong)

AWIT Hal: Florante at Laura (written by Francisco Balagtas, one of the masterpieces of Philippine
literature)

BALAD- Ang Balad isang uri o temang isang tugtugin na pasalaysay. Katang-tanging katangian ng mga
sikat na tula at awit noon sa Pulong Briton ang balada simula noong huling bahaging Gitnang Panahon
hanggang ika-19 na daantaon at labis na ginagamit sa buong Europa at lumaon ay ginamit din ng mga
bansa sa Amerika, Australia at Hilagang Aprika.

Hal: Kundiman sa Gitna ng Karimlan


Ano ang maikling kwento?

  Ang maikling kwento o katha ay isang uri ng panitikan na bunga ng isang maikling guni-guni ng may-
akda. Ito ay maaring likhang isip lamang o batay sa sariling karanasan na nag-iiwan ng isang kakintalan sa
isipan ng bumabasa onakikinig. Ito ay maikli lamang at matatapos basahin sa isang upuan lamang. Iilan
lamang ang mga tauhan. Ang mga kawal ng pangyayari ay maingat na inihanay batay sa pagkasunod-
sunod nito.
               Ang isang maikling kwento ay mga kwento na mamaari mong tapusin sa isang upuan lamang ng
pagbabasa o kaya'y ang mga kwento na hindi inaabot ng araw para matapos.

Mga dapat tandaan sa Maikling kwento

Mga Katangian

1. May isang madulang bahagi ng buhay.


2. May isang mahalagang tauang may surilanin
3. May isang mahalagang tagpo
4. May mabilis na pagtaas pagtaas ng antas ng kawilihan hanggang makarating sa kasukdulan.
5. May iisang kakintalan.

You might also like