You are on page 1of 23

WELCOME

GRADE 1-BROWN
Ngayon ay araw ng…..
Martes
IKA-2 NG Mayo, 2023
Ang Uri ng panahon ay…..
FILIPINO I
QUARTER 4 WEEK 1
Pagbabaybay:
1. dahon
2. tinapay
3. bata
4. nakatulog
5. payong
ARALIN:

“Salitang
Magkakatugma”
BALIK - ARAL
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang
mga salita ay magkatugma, ekis (x) kung hindi.


_____ 1. ilong – talong ✔
_____ 4. gulay – suklay


_____ 2. papel – lapis ✘
_____ 5. aso – pusa


_____ 3. sandok – bundok
Anong bagay ang inyong ginagamit
kapag kayo ay nagsusulat?
PAGPAPAKILALA SA ARALIN
Basahin ang tulang pambata.

LAPIS
Ako ay isang lapis at ang dulo ko ay matulis.
Ito ang ginagamit sa pagguhit ng mga bata sa paaralan.
Nabubura ko rin ang bawat maling sulatin.
May pambura rin akong pwede nilang gamitin kapag ako ay kanilang baliktarin.

Nabubura ko rin,
ang bawat sulatin.
Ako’y baligtarin,
ulo ko’y gamitin.
Mga Tanong:
1. Anong bagay ang tinutukoy sa simula ng talata?
2. Ano ang magagawa ng lapis?
3. Kailan dapat gagamitin ang pambura ng lapis?
4. Saan mo ginagamit ang lapis?
5. Paano pangangalagaan ang lapis?
Balikan ang mga salitang may salungguhit sa tula.

lapis – matulis
ginagamit – pagguhit
rin – baligtarin
sulatin – gamitin
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Ang mga salitang nabanggit ay mga salitang
magkatugma.
Ang salitang magkatugma ay pares ng
salita na magkapareho ang huling tunog.
Halimbawa:
kuya – luya
payong – bayong
lapis – ipis
Salitang Magkatugma
Salitang Magkatugma
Salitang Magkatugma
Bilugan ang salitang magkakatugma.
1. May dahon sa ibabaw ng kahon.
2. Ang tinapay ay para kay nanay.
3. May laruang lata para sa bata.
4. Nakatulog sa sobrang busog.
5. Inilagay ni ate ang payong sa
malaking bayong.
TANDAAN!
Ang salitang
magkatugma ay pares ng
salita na may pareho ang
huling tunog.
PAGTATAYA
Panuto: Bilugan ang salitang nasa kanan na
kasingtugma ng salitang nasa kaliwa.
1.Malaki – lalaki kalabaw
2.sabon – tubig ibon
3.puto – hita pato
4.kuya – luya layo
5.lasa – aso tasa
TAKDANG ARALIN

Maglista ng 5 pares ng
salitang magkatugma.

You might also like