You are on page 1of 11

Mga Layunin ng Pananaliksik

May malaking kahalagahan ang pananaliksik sa tao.


Sa pamamagitan ng pananaliksik ay napaunlad ng
tao ang kalidad ng kanyang pamumuhay. Kung
titingnan ang kasaysayan ng pamumuhay ng tao ay
nagsimula siya sa paggamit ng bato bilang
instrument ng elektriko at teknolohiya. Nakamit
niya ang kasalukayang mataas na antas ng
pamumuhay sa tulong ng pananaliksik .

Pangunahing layunin ng pananaliksik na mapaunlad


ang kalidad ng buhay ng tao. Kaya walang humpay
sa pagsaliksik ang tao ay dahil gusto niyang isulong
ang uri ng kanyang buhay. Sinisikap niyang
magkaroon ng kakayahan at kahandaang ito
makagawa ng pananaliksik sa ibat-ibang aspekto. Sa
kasalukuyang panahon ay nalilinang ang kakayahan
at kahandaang ito ng tao sa larangan ng edukasyon
samantalang siya’ y nag aaral pa. kahit sinong
estudyante sa kolehiyo ay maaring magkaroon ng
kakayahan at kahandaan sa pananaliksik .
Mahalaga lamang na magkaroon siya
ng determenasyon at motibasyon
para makagawa nito. Sinasabi nina
Costantino at zafra (1997: 7-8). na
may layunin o motibasyon upang
makagawa ng pananaliksik at ito ang
mga sumunusunod :
1. Tumuklas ng bagong datos at
impormasyon.
nagbibigay ng bagong sigla at kasiyahan
ang makatuklas ng bagong
impormasyong hindi alam bago pa
gumawa ng pananaliksik. Ang mga ideya
at datos na nadidiskubre ay malaking
kasiyahan para sa gumagawa ng
pananaliksik at nagkaroon siya ng
tinatawag na self- fulfilment o
gratipikasyong personal.
2. Magbigay ng bagong interoretasyon sa
lumang ideya.
Pwedeng tingnan ang isang ideya mula sa
ibang anggulo, perkspektiba at pananaw
kaysa dati nang paraan ng pagtingin ng
iba rito. Bago pa rin ito kahit na dati nang
alam ng marami ang paksa.
3. Maglinaw ng isang pinagtalunang
isyu.
Maraming bagay ang napagtalunan , pinag
– uusapan at pinagkakainteresan sa
komunidad , sa mga institusyon , at sa
bansa. Magandang gawan ng pananaliksik
ito para makatulong sa paglinaw ng
bagay na ito. Halimbawa, ang mga isyu
tungkol sa aborsyon, diborsyo, at
pakikisangkot ng simabahan sa Gawain
ng gobyerno ay paulit-ulit na napag -
usapan pero kailangan pa ring linawing
mabuti.
4. Manghamon sa katotohanan o pagiging
makatwiran ng isang tanggap o
pinapalagay na totoo o makatotohanang
ideya.
Ang isyu ukol sa kabayanihan ni
Bonifacio ay naging paksa ng mga
usapan, diskusyunan, hamunan ,
balitaktakan sa mga klasrum,
simposyum, radio , tv, magasin at dyaryo.
Ang ganitong paksa ng mga pananaliksik
ay naghahamon sa mga tinatanggap at
ipinapalagay na totoong ideya at siyang
interes ngayon ng mga mananaliksik. Isa
pang dapat tingnan ay ang katotohanan ng
palagay na ang Pilipinas ay “third
largest English speaking country”.
Maganda itong gawing paksa sa
pananaliksik upang mapatotohanan o kaya
ay masublian
5. Magpapatunay na makatotohanan o
balido ang isang ideya, interpretasyon,
paniniwala , palagay o pahayag.
Balido o totoo ang isang ideya kung
ito’y mapapatunayan o mapasusublian
ng mga makatotohanang datos. Pwedeng
patunayang balido o totoo sa
pamamagitan ng pananaliksik ang
paniniwalang hindi nabigyan ng sapat na
atensyon at suporta ang isports sa
ngayon kumpara noong 20-30 taon ang
nakaraan. Lahat ito ay mapapatunayan sa
pamamagitan ng pananaliksik.
5. Magpapatunay na makatotohanan o
balido ang isang ideya, interpretasyon,
paniniwala , palagay o pahayag.
Balido o totoo ang isang ideya kung
ito’y mapapatunayan o mapasusublian
ng mga makatotohanang datos. Pwedeng
patunayang balido o totoo sa
pamamagitan ng pananaliksik ang
paniniwalang hindi nabigyan ng sapat na
atensyon at suporta ang isports sa
ngayon kumpara noong 20-30 taon ang
nakaraan. Lahat ito ay mapapatunayan sa
pamamagitan ng pananaliksik.
6. Magbigay ng historical na
perkspektiba para sa isang senaryo.

May mga ideyang makabuluhan


tingnan o suriin sa hinaharap o
kinabukasan nito. Ngunit sa pagtukoy
at pagsusuri dito ay kailangan ang
pananaliksik sa kasaysayan nito.
Halimbawa: sa pagtalakay sa
kahihinantnan ng kapaligiran bunga
ng moderinisasyon, kailangang
saliksikin ang mga datos ng mga
pagsasayang, pagsasawalang bahala ,
at pang – aabuso ng tao sa kalikasan
mula noong unang panahon hanggang
sa kasalukuyan.

You might also like