You are on page 1of 8

Dula mula sa

ENGLAND
Panitikan: Sintahang Romeo
Ulat ng: Ikalawang
at Juliet
Pangkat
Alam niyo bang.......

>> Ang dula ay hango sa salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang gawain o kilos?

>> Ang dula ay isang akdang pampanitikang ang pinakalayunin ay itanghal.Sinasabing ito ay paglalarawan sa
madudulang bahagi ng buhay.

>> Taglay nito ang katangiang umiiral sa buhay ng tao gaya ng pagkakaroon ng mga suliranin o mga
pagsubok na kanyang pinagtatagumpayan o kinasawian.

>> Ayon kay Aristotle, ito ay isang sining ng panggagaya o pag iimita sa kalikasan ng buhay. Ipinapakita nito ang
realidad sa buhay ng tao gayundin ang kanyang mga iniisip, ikinikilos, at sinasaad.
Dula mula sa England
Ang sintahang Romeo at Juliet ay isang dula mula sa
bansang England o Inglatera ay isang bansa na bahagi
ng United Kingdom at ang kabisera nito ay London.
Kahangdanan nito ang Scotland sa hilaga at wales sa
kanluran. Sakop ng bansa ang higit sa gitna at
katimugang bahagi ng pulo ng Gran Britanya na nasa
Hilagang Atlantiko at higit 100 na maliit na pulo gaya
ng Iscles of Scilly at Isle af Wight. Isa ang England sa
mga unang Europeong bansa na nakapagkamit ng
pambansang pagkakaisa.
MGA ELEMENTO NG DULA:
1. Iskrip - tinatawag din na kaluluwa ng isang dula.

2. Dayalogo - mga linyang binibitawan ng aktor sa dula.

3. Aktor - ito ang nagsasabuhay ng mga tauhan sa isang dula. Sila ang nagpapakita ng aksyon, damdamin at
nagbibigkas ng dayalogo sa isang dula.

4. Tanghalan - ito ang lugar kung saan itinatanghal o ipinapalabas ang isang dula.

5. Direktor - ang direktor ang nagbibigay interpretasyon sa iskrip. Nagbibigay ng suhestyon sa mga aktor kung paano
gagampanan ang tauhan sa dula.

6. Manonood - grupo ng tao sumasaksi o nanonood ng dula.

7. Tema - tinatawag din itong paksa ng dula. Ito ang pinaka ideya ng isang dula..
ROMEO AT
JULIET
(BOUD)
Habang nagaganap ang kasiyahan sa bulwagan at habang si Juliet ay
nakikipagsayaw ay nakita siya ni Romeo mula sa hanay ng mga kababaihan.
Nabihag ng angking kagandahan ni Juliet ang puso ni Romeo.
Si Romeo naman ay hindi napigilan ang sarili at nilapitan si Juliet at
hinagkan ang kamay nito at mula noon ay palihim na nagpupunta na si
Romeo sa tahanan ng mga Capulet para makita ang sinisintang dalaga na
nabighani at napaibig na rin si Juliet sa taglay na katangian ng binata.
Nagpasya ang magkasintahan na magpakasal sa kabila ng pagkakaalit ng
kani-kanilang pamilya.
Ipinagkasundo ng mga magulang si Juliet na magpakasal at makaangasawa
ng ibang lalaki dahil sa ganitong kadahilanan naisipan ni Juliet na
magkunwaring patay para makatakas sa kanyang pamilya subalit ito ay
hindi nakarating sa kaalaman ni Romeo na dahil sa labis na kalungkutan sa
inaakalang kamatayan ng kanyang minamahal ay kinausap niya ang isang
butikaryo para sa isang lason na kikitil din sa kanyang buhay. Kaya naman
sa muling pagmulat ng mata ni Juliet at nakita ang walang buhay na si
Romeo ay kinuha ang isang balaraw at tinarak sa kanyang dibdib at
tuluyan na ring binawian ng buhay.

You might also like