You are on page 1of 8

Telebisyon Radyo

Radyo –ang Media ng Masa


• Pinakamalawak at may pinakamaraming naaabot na
mamamayan.
• 600 estasyon ng radio (BBC News,2014)
• Pinakamurang kasangkapan sa bahay kumpara sa telebisyon o
ibang media gadget.
• Pinakaabot kamay ang programa sa radyo kahit saan mang lugar
o panig ng bansa. (drayber, pribadong sasakyan, nasa tahanan,
restawran at opisina)nakikinig ng balita, musika,o programang
panradyo sa AM at FM.
Panonood Bilang Pagbasa, Pagkatuto at Pagkonsumo

• Panonood- ito ang proseso ng pagbasa, pagkuha, at pang-


unawa ng mensahe mula sa palabas. Isang uri ng pagbasa ang
panonood dahil imbis na tekstong nakalimbang, ang tekstong
audio-visual ang binibigyang-kahulugan at inuunawa ng
manonood.
• Audio- pinakikinggan
• Visual- pinagmamasdan o pinanonood (masining sa guhit,
larawan, eskultura, disenyo at arkitektura- hindi gumagalaw)
Mga Uri ng Palabas
• Tanghalan/Teatro – ang panonood ay maaring panonood
ng pagtatanghal bilang palabas na umaarte ang mga
tauhan;diyalogo/monologo;may iskoring o musika;may
tunggalian;tagpuan;at wakas. Samakatuwid, ang palabas ay
kuwentong napapanood sa pagtatanghal sa teatro.
• Pelikula – tulad ng panonood sa teatro, nanonood tayo ng
kuwento sa pelikula. Ngunit,kaiba sa teatro,nauna na ang
pagtatanghal o pag arte ng mga tauhan na nairekord gamit
ang kamera.
• Ibig sabihin hindi aktuwal na napapanood ang palabas.
Ang sine ay tinatawag ding motion picture o mga
larawang gumagalaw. Ayon sa mga iskolar
magkakarugtong ang kasyasayan ng teatro at pelikula.
Kumbaga iisa ang kuwent, nagkakaiba lang sa midyum
ng palabas: teatro ang sa pagtatanghal,sinehan ang sa
pelikula. Napapanood natin ang pelikula sa pinilakang-
tabing sa loob ng mga sinehan.
• Telebisyon –ang telebisyon naman ang midyum
samantalang ang mga programa sa telebisyon ang
• Narito ang iba’t-ibang uri ng palabas sa telebisyon:
• 1. palabas ayon sa kuwento gaya ng teleserye,
komediserye, telenovela, pelikula, sa telebisyon at iba pa.
• 2. balita tungkol sa mga pangyayari sa paligid, sa
pamahalaan, sa mga artista, serbisyo-publiko at mga
dokumentaryo.
• 3. Variety show tuwing tanghali at kung Linggo
• 4. reality TV show o reality TV gameshow
• Youtube – dahil samakabagong teknolohiya ng internet
maari na ring manood ng mga palabas sa YouTube (
http://youtube.com). Ang mga personal na video ng mga
tao’y maaring i-upload sa Internet sa pamamagitan ng
YouTube o maari ding sa ibang video site. Maari ding mag-
upload sa Facebook at ibang mga social networking site,
subalit pinakapopular ang YouTube. Kapag simpleng
personal na video ay nasa Internet na, maari na itong
mapanood ng medla. Samakatuwid nagiging palabas na ito
at marami nang maaring makapanood.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
• Ano ang naging bahagi,ambag at impluwensya ng wikang
Filipino sa radyo at telebisyon?
• Sa iyong palagay ano ang dahilan kung bakit lumawak
ang sakop ng Filipino sa mga primetime na palabas?
• Paano nagkakaroon ng interaksyon sa pagitan ng Ingles at
Filipino sa bahagi ng mga popular na pelikula at maski sa
FM na estasyon ng radyo?

You might also like